Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Thursday, 17 February 2011

What is Love? "CHAPTER EIGHT"

05:08 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Minsan naiisip ko bakit nga ba ang bilis mawala ng nararandaman kong ito? Kay James, bigla na lang nabaling sa iba ang atensyon ko, ganoon din kay Mike na purkit may kaseatmate na akong cute ay bigla bigla kong naiisip na makipagkalas. At nagsisinungaling pa ako, ginagamit ko pa ang galit ng Mama ko para lang hindi maging masama ang tingin nila sa akin, well, ayoko din namang masaktan sila sa totoo lang. Alam ko I am being unfair pero mas magiging unfair ako kung patatagalin ko pa 'to. Kaya nga lang pag nakikipag break na ako, sa bandang huli ay ako ang mawawalan.

"Alam mo maganda ka sana, kaso papayat ka kaya." sabi ni sa akin Jerry. Madalas kasi kaming nagkakaasaran at pag nagkapikunan naman ay for sure ay may magtatampo at syempre ang sumobra sa pangaasar ay magsosorry, maglalambing. Ganyan lang kami ni Jerry. Sa wakas naman kasi ay wala na si Joyce at ang mga kabarkada niya. May one time nga na inamin niya mismo sa akin na crush niya daw ako noong first year highschool.
"Sorry ka na lang, hindi ako magpapapayat."
"Pag pumayat ka, liligawan kita." Sus, kinilig naman ako syempre. Siguraduhin niya lang ah. Hmm! Well, syempre mawawalan ba naman ako ng karibal. Nawala nga si Joyce, dumating naman si Shiena, maikli ang buhok at mas morena sa akin, malalim ang dimple at maganda ang boses. Wag kayong magalala, mas cute naman ako sa kanya. Nababalitaan ko na crush niya din si Jerry eh kaya kahit sa likod naman siya ni Jerry nakaupo at nakikipagpalit siya sa katabi ni Jerry. Tama ba iyon? Napakalandi talaga.

"May gusto ka ba kay Jerry?" tanong sa akin ni Shiena. Joyce ikaw ba yan? Langya naman o.
"Wala ah. Kaw nga 'tong may crush di ba?" sabi ko naman, and then I pretended to be listening sa teacher na nakatayo sa harap.
"Basta wag mo sasabihin kay Jerry ah!" sabi niya. Haller? As if naman hindi siya sobra kung maglandi ano?
"Wag kang magalala, kung may magsasabi sa kanya, malamang hindi na ako yun." sabi ko, nakangiti pa din naman ako pero sa loob ko ay talagang nanggagalaiti ako. Ang kapal ng face niya ah.

Lumipas ang ilang buwan, dumating na ang birthday ko. Akala ko hindi makakapunta si Jerry dahil kakatapos lang ng isang presentation sa gym and he is nowhere in sight. "Ano ba hihintayin mo ba talaga yang Jerry na yan? Eh mukhang wala na yung bag niya sa upuan niya o." sabi ni Kristina. Muntikan na akong umiyak dahil sabi niya sa akin ay pupunta siya yun naman pala ay nauna na siyang umalis. Kaya nagdesisyon na akong umalis na kasama ang iba ko pang walong close friends. I am trying to cheer myself up when I saw HIM. Nakatyo siya sa gate na para bang may hinihintay. Ako ba ang hinihintay niya? Ang kaninang malungkot kong puso ay nabuhayan ng dugo. At muli ay pumintig ito ng pagkalakas lakas at pagkabilis bilis.
"Ang tagal niyo naman eh, kanina pa naman natapos ang presentation di ba?" sabi niya sa akin.
"Haller, dito ba ang meeting point natin?" pagtataray ko. Sa totoo lang masyado na akong nasasanay kay Jerry kung kaya naman nalalabas ko sa kanya ang tunay kong ugali. Kaya kong magtaray sa kanya, kaya kong magsalita ng kung anu ano. Isa nga lang ang hindi ko maamin sa kanya. Tsk!

Sumakay kami ng Jeep at pagdating sa subdivision ay sumakay kami sa tric. Isa yung sa pinakamasaya kong birthday, paano ay nasama ako sa top ng section namin. Imaginin mo yan? Pag inspired ka nga naman, you can really do great things. Pinaghanda ako ni Mama at binigyan pa ako ng pang shopping na 500 pesos! Ang saya saya ko talaga! Kahit kabuwanan na ni Mama ay pinagluluto niya pa din ako ng paborito kong spaghetti. At masayang kumain ang mga kaklase ko, kasama si Jerry. Sarap na sarap sila sa luto ng Mama ko. Nakakaasar nga lang dahil hindi dumating si Martin, ni hindi niya man lang ako binati. Sabagay I've been busy with school and Jerry these days, paano nga ba magtatagpo ang landas namin ni Martin?

Siguro pinasaya lang talaga ako ni Jerry noong birthday ko dahil pagkatapos noon ay balik na naman kami sa dati. Para na naman kaming mag seatmate na close. After the month of October kasi paminsan minsang kilig factor na lang, mostly naaasar lang ako sa closeness nila ni Shiena. Naiisip ko nga bakit ba, ganoon ba ako ka unattractive? Maganda naman ako, matalino, mabait. Ano pa ba hihingin niya sa akin? Naiisip ko tuloy baka karma ko na 'to kay James. Wait, hindi naman ako nag cheat sa kanya di ba? I've been truthful to him naman in a way na hindi ko na pinatagal pa ang relasyon na hindi naman din nagwo- work.

Hindi man ako sinuwerte sa love life ko masuwerte naman ako dahil nang matapos ang October ay nagkaroon kami ng isang bagong member ng pamilya. Lalake ang naging kapatid namin na pinangalanan naming Ron. Korteng pakwan ang mga mata at ang kinis kinis ng balat. Ang cute ng baby bro namin kaya naman ibinuhos ko na lang din sa kanya ang aking oras pagkatapos ko gumawa ng assignments. At tuluyan na din nawala sa isip ko si Jerry although sometimes natutuwa na lang ako sa kanya.

Oo nga pala, hindi naman tumigil sa pagpaparandam si Mike kung kaya naman ay parang nahuhulog na naman ako sa kanya. Buwan ng Disyembre nang maging kami ulit. Binista niya ako isang araw at naguusap kami sa garden. This time iba na ang ambience, may lamig na ang hangin at may christmas lights sa halamanan. Ang ganda ng setting. This time din naglakas loob na ako na sabihing mahal ko din siya nang sabihin niya sa akin na mahal niya ako. Sabi niya sa akin ay di naman daw niya ako pinepressure pero I just have the urge na please I need a boyfriend na, and tutal mutual naman din ang feeling right? Sa pagsasama naming iyon ay nakatanggap ako ng isang korteng daga na color purple na binili niya sa isang shop ng stuff toy. Nakakatuwa nga dahil katabi ko pa ito matulog. Nakatanggap din ako ng singsing na sa wakas ay nagkasya sa aking daliri, tamang sukat ko pa nga. Pagdating ng February ay umalis na naman si Mama papuntang Hong Kong at ano ang ibig sabihin nito? Pwede na naman ako maglagalag.

Hindi naman kasi palaging tumatawag si Mike kung kaya naman isang araw ay pinakilala ako ng kaklase ko sa isang lalake na cute ang boses sa phone. Isang Linggo ata kaming naguusap ni Bry. At pagkatapos nun ay napagdesisyunan naming magkita. Nang magkita kami ay hindi ko talaga inaasahan na siya iyon. Matangkad siya, moreno, medyo payat pero may muscles din naman. Maganda kasi ang boses niya sa phone na siya namang inexpect ko pero sabi nga nila don't judge the book by its cover, hindi naman din siya kapangitan at lalong hindi kagwapuhan. Hindi lang talaga nagtugma ang boses niya at ang hitsura niya. Hay, God is fair talaga. "Ikaw ba si Jhelyn?"
aniya. Umoo na lang ako. Balak kasi talaga naming manood ng sine kaya sumakay na kami agad sa jeep. Suot ko pa man din ang isa sa mga sexy kong blouse. Samantalang siya ay parang hindi man lang naghanda. May sira ang sapatos niya at faded ang jeans. Ang t-shirt ay maluwag pa sa kanya. God, ano ba 'tong pinasok ko? Bigla ko tuloy naisip si James, kasalanan niya 'to eh, kung di lang sana siya nagpabaya, wala ako dito ngayon. Kung tumatawag lang siya palagi para kamustahin ako eh di sana hindi ako naghahanap ng ibang pagbabalingan ng atensyon. Siya ang nagbayad ng pamasahe, at ako ang bumili ng pagkain. Hindi na kami nanood ng sine dahil wala naman pala siyang pera, sus nagyaya pa ano? Pagkatapos naming kumain at naupo kami sa sitting area ng mall, at saka nagkwentuhan. Wala ako masyadong maalala sa paguusap naming iyon dahil sa totoo lang, I was kinda disappointed, akala ko kikiligin ako dahil sa totoo lang ay nahulog ako sa mga sinasabi niya sa akin sa telepono. At isa pa puro lang siya yabang, hindi naman pala kami manonood ng sine. Makalipas ang isang oras ay nagdesisyon kaming umuwi na lang. Pero nang malapit na sa bahay nila, niyaya niya ako na bumisita sa kanila. Hindi naman malayo ang bahay nila, ilang kanto lang at yun na. Kung hindi man ako natuwa sa date namin sa mall, natuwa naman ako kung paano niya ako alukin sa sarili nilang bahay. Pinakain niya ako ng tinapay at pinagtimpla ng juice. Habang kumakain ako ay nag sorry siya dahil wala daw siyang pera para makanood kami ng sine. Sorry din daw dahil mahirap lang daw sila. Napansin ko nga walang kapintu pintura ang bahay nila, at nalaman ko din later on na wala silang ref dahil hindi gaanong malamig ang juice, nagpabili pa siya ng yelo sa kapatid niya. Bigla akong nakonsensya sa naisip ko noong una. Masyado ko naman siya hinushagan agad. Napatingin ako sa kanya, I don't want to make him feel na ang hirap na nga nila, nilalait ko pa siya sa isip ko. Pinakilala niya din ako sa mga kapatid niya at sa Mommy niya na mukhang tuwang tuwa dahil sa wakas ay may nadalang babae etong si Bry sa bahay nila. Madami din kaming napagkwentuhan, nakwento ko ang about sa sarili ko, yung mga tipong hindi ko nasabi sa phone. Siya naman hindi masyado nagkwe kwento, kung nagsasalita man siya yun ay para alukin pa ako kumain. Nang lumabas ako sa bahay nila at magkahawak na ang mga kamay namin. And believe it or not, it feels good. Siguro dahil hindi ito nangyayari sa amin ni James, ni Mike. He was like so ready to take care of me. Nawala agad ang ilangan. And the just the touch of his skin on mine makes me feel different. Wala pang nakakagawa nu'n sa akin.

Makalipas ang ilang araw ay nagkita na naman kami. Galing ako sa school noon at nagkita kami sa gate ng subdivision nila at naglakad na lamang patungo sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Bry dahi sa tuwing nagsasalita siya, feelin ko gagawin ko anuman ang ipapagawa niya sa akin. He has a way on his talking na kahulog hulog ng puso. It was like talking to him on phone, parang kahit hindi siya gaano ka cute eh cute na din siya dahil sa boses niya. Pagdating namin sa bahay nila ay kaming dalawa lamang. Naupo kami sa sofa at sinervan niya ako ng biscuit at juice. "Kamusta ang school?"
"Ayun ayos naman, wala namang prob. Ikaw musta ang school?" Kung ako ay nagaaral sa isang private at exclusive school, siya naman ay nagaaral sa isang public school na noong una ay ayaw pa niya aminin. Naaasar ako pag nalalaman ko na nagsisinungaling siya, bakit ba hindi na lang siya magpakatotoo? Hello Jhelyn, syempre nahihiya yun sayo, gusto kasi laging paimpress.
"Ayos lang din, namiss kita sobra." Yumakap siya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Oo nga pala, kami na ni Bry. Sinagot ko siya bago ako umuwi noong unang araw na nagkita kami. Oo, alam ko super bilis. At alam ko din, kami pa ni Mike, pero ano bang magagawa ko? Hindi naman siya tumatawag, ni hindi man lang bumibisita sa bahay. And besides, kakaiba ang nararandaman ko kay Bry. Malakas ang loob niya pagdating sa akin, medyo nabo- bored na din ako sa mga lalakeng sinasabihan lang ako ng i love you, yung nagbibigay lang ng gifts. Gusto ko naman ma experience yung may suspense like this. Yung nabubuhay ang dugo ko.

Yung halik niya sa pisngi, ay dumiretso sa aking labi. Oh my gosh, hindi ito ang first kiss ko from a guy but this is the first time that I have experienced an intense kiss like this. Paano naman kasi basa ang labi niya at hindi yung tipong ini- smack lang ang labi ko. He's french kissing me. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng labi ko at iginalaw galaw doon. Ginaya ko ang ginagawa niya, it was like a give and take process. Ang saya ng feeling. I have never felt something like this before. Ginawa namin yun ng ilang minuto hanggang sa may pumasok sa bahay nila at bigla na lang kaming napabalikwas. Gosh. Inayos ko agad ang buhok ko at ininom ang natitirang juice sa baso. Si Bry naman ay tumayo bigla at nilagay ang plato sa lababo.

Naulit pa ang mga eksenang iyon pero everytime na uuwi ako ng bahay at tatawag si Mike, I can feel a sudden guilt dahil sa pagiging two timer ko. Hindi naman ako ganito talaga. At excuse ko sa sarili ko ay siguro naghahanap lang talaga ako ng atensyon. Kung hindi iyon mabibigay ni Mike, hinahanap ko yun kay Bry na palaging available para sa akin. Minsan nga ay ilang oras na kaming magkausap ni Bry sa phone at nang ibaba ko ang phone ay nagring ito ulit. Pagkasagot ko ng phone, nagtanong pa ako kung sino to.
"Hulaan mo." sabi ng kabilang linya. Nagulantang ako, teka teka, hindi ako pwede magkamali dito. Baka mabuko ako. Hindi rin kasi alam ni Bry na may boyfriend ako.
"Uhm sabihin mo na kaya, wala akong panahong manghula."
"Ang taray mo naman, may iba pa bang tumatawag sayo?" aniya.
"W- wala, napatawag ka ata?" sabi ko na lang dahil kung sino man siya for sure malalaman ko din sa oras na sabihin niya ang pakay niya.
"Miss lang kita eh, happy monthsary!" Now I know si Mike 'to. Anong date na ba ngayon?
"Happy monthsary too! Akala ko hindi ka na tatawag eh."
"Pwede ba naman yun? Syempre hindi. Pwede ba ako pumunta dyan bukas?" tanong niya.
"O sige, sabado naman eh. Anong oras ka pupunta?"
"Gabi na lang siguro." Buti naman dahil makikipagkita ako kay Bry sa tanghali.
"Sige, kita kits tayo tomorrow ah. Kamusta ka na nga pala?"
"Eto busy sa school, exam na naman next month eh, magbabakasyon na naman, grabe bilis lang pala ng isang school year."
"Oo nga tapos third year na tayo, grabe can't wait to see you tomorrow." sabi pa niya.
"Basta 7 pm ka na pumunta ah, may gagawin din kasi akong project sa tanghali eh. I am fully booked."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn