Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 23 February 2011

Sakit ng Kahapon (a short story by Cindy Wong)

 Alas dos na ng hapon pero di pa rin magawang bumangon ni Ginny sa kama. Kanina pa siya gising, sinisikap niyang matulog ulit pero kahit anong gawin niya ay di talaga siya dalawin ng antok. Wala na siyang mailuha, pero bakit ganoon? Nararandaman niya pa din ang sakit? Nararandaman niyang mahapdi pa din ang nararandaman niya mula sa kanyang puso dahil sa nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Naiisip niya, buti pa sana kung nasugatan ka, baka pwede pang uminom ng anestisya. Pero ang sakit na tulad nito? Para kang unti- unting pinapatay pero nagagawa mong makita pa din ang sikat ng araw kinabukasan.

    Hindi tayo para sa isa't isa

    Yan ang mga salitang binitawan sa kanya ni Lorenz. Alas kwatro ng hapon yun, sa may likod ng isang bakanteng bahay. Kung saan sila madalas na nagkikita kahit ala una na ng umaga. Nagagawa niyang tumakas mula sa bahay nila habang tulog ang lahat at kahit madilim at nakakatakot ang paligid, sinisikap niyang pumunta sa tagpuan nila. Halos araw araw niya iyong ginagawa sa loob ng mahigit apat na buwan. Hindi sila pwedeng magkita sa araw dahil bawal. Magagalit ang kanyang Lola na pinagbawalan siyang magka boyfriend hanggang sa makapag tapos siya ng pagaaral. Seventeen years old pa lang siya at nasa unang taon sa pagko- kolehiyo sa kursong nursing. Nasa abroad ang kanyang Ina at ang kanyang Ama naman ay matagal na silang iniwan. Meron siyang dalawang nakakatandang ate pero nagsipag asawa na ito. Kaya naman sobrang higpit sa kanya ng kanyang Lola Malyn dahil natatakot itong baka magaya ito sa dalawa. Pero sinuway niya ito. Napaniwala niya ang kanyang Lola na wala siyang boyfriend. Nagawa niyang itago ang relasyon sa loob ng apat na buwan, isang relasyon na akala niya ay magtatagal.

    Ipinakilala sa kanya si Lorenz ng isang kaibigan. Nagsimula sila sa pagte- text hanggang sa sinagot na nga niya ito. Si Lorenz ang una niyang naging boyfriend at eto din ang nakakuha ng kanyang pagka birhen. Nangyari iyon sa may likod din ng bakanteng bahay kung saan sila nagtatagpo. Iilang beses nangyari, sa halos araw araw nilang ginagawa.

    Wag kang mag alala, dahan dahanin ko, wala kang mararandaman.

    Bulong nito sa kanya habang nararandaman niya sa pagitan ng dalawa niyang hita ang pagkalalake nito. Ipinasok ito sa kanya dahan dahan pero muntikan pa din siyang sumigaw sa sakit.

    Ibuka mo pa

    Nang mga panahong iyon ay tila siyang alipin nito. Sunund sunuran sa mga sinabi nito. Ni hindi siya makahindi sa kung anoman ang gusto nito kahit nakakasakit na physically and emotionally. Nagagawa niyang lahat iyon dahil mahal niya ito. Pero di niya alam kung pagmamahal ba ang nadadama nito para sa kanya.

    Ano bang nagawa ko? Binigay ko naman lahat ah. sabi niya nang makipag break na ito sa kanya. Umaalingawngaw ang boses niya sa tahimik na gabi na tanging ang kahol lamang ng aso ang maririnig.

    Alam ko, binigay mo lahat pero hindi sapat eh. tugon nito sa kanya.

    Saan? Saan ako nagkulang, sabihin mo. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. May kailangan ba akong baguhin?

    Nagawa niyang magpakababa para lang dito pero hindi pinansin nito ang kanyang pagsusumamo.

    Wag mong gawin yan, Wag mong ibaba ang sarili mo.
    Meron bang iba? Umiling lamang ito.

    Di na naman mapigilan ni Ginny ang umiyak. Wala naman palang iba eh. Eh ano ang pagkakamali ko? tanong niya sa sarili. Binigay ko naman ang lahat ah. Patuloy pa din ang pag titig ni Ginny sa kisame. Maya maya lang ay kumatok na ang kanyang Lola Malyn at saka ito pumasok sa may loob ng kwarto.

    "Di ka ba papasok?" tanong nito na may pagaalala sa tinig. "May sakit ka ba?" Lumapit ito sa kanya at kinapa ang kanyang noo. "Iha, medyo mainit ka."
    "La, wala po ito. Okay lang ako."
    "Anong problema? Ba't di mo sabihin sa akin?" Di nakasagot si Ginny. Alam niyang magagalit lang ang kanyang Lola pag nagkataon. Hindi na nito pwedeng malaman pa. Wala lang ding mangyayari. Lalo pang lalala.
    "Bukas po papasok na ako. Masama lang po kasi ang pakirandam ko."
    "O siya aral ka kasi ng aral. Teka at kukuha ako ng makakain mo ha. Dyan ka lang." anito. Hindi narandaman ni Ginny na mainit siya dala ng lagnat, ang tanging nararandaman niya lang ang sakit na nararandaman niya mula sa sakit ng kahapon.
    "Oo nga pala Ginny, alam mo ba na uuwi na ang Mama mo susunod na buwan?-" Walang narinig na tugon si Lola Malyn. Nadatnan niya na lamang na tulog na naman ang apo sa kama nito.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn