Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 26 February 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER FOUR"

10:41 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Ella’s life is complicated. Ella, herself concluded it. Napagisip-isip niya iyon habang nasa Christian Living III subject siya. They are discussing about how to live life fulfillly. When something just hit Ella. She miss spending her life with her real parents. They died when she was five year old. Bago siya matagpuan ni Tita Mabelle, dalawang taon niyang nakasama ang kanyang Nanny. Mula sa marangya niyang pamumuhay, naging simple ito. But it’s not that miserable. Nandyan ang pinsan niyang si Rio. At hindi nagtagal, dumating si Tito Micahel na tinuring na rin siyang anak. Here’s Tristan, a big impact and then Justin na tatlong buwan na ang nakakaraan mula nang umalis na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Dalawang buwan din siyang halos mabaliw dahil dito. Pero at least ngayon, medyo nakaka-recover na rin sila. Thanks to her family and of course Annie and Trisha, her bestest friend. At kahit si Alicia, parte  nanng grupo. “Haay, akala ko ba naman swe-swertehin na ako sa love life. Hmp! Cinderella pa naman ang pangalan ko. Well, there’s no such thing as fairytales. Sayang…” aniya sa sarili.
“Oo nga pala. Malapit na ang school play.”, narinig niyang sabi ni Father Don. Ito ang paborito niyang professor dahil bukod sa mukhang mabait ito. Iyon aydahil binigyan niya pa rin ng pagkakataon si Ella pumasa kahit madalas itong nagde-day dreaming sa klase niya. “Alam naman natin na ang kikitain ng school play na ito ay mapupunta sa sa ipambibili ng mga regalo para sa mga bata sa bahay ampunan. Ang klaseng ito ang napili para mag present ng play.”
“Father”, ani Georgina na parang tumatawag lang ng waiter.”Anong title ng play?”
“Cinderella.” Sagot nito. “Gagawin nating modern ang play. Iyon ang napili ko dahil may magandang lesson doon. Siguradong mai-inpire ang mga bata.”
“So, sino ang Cinderella?” tanong uli ni Georgina.
“Speaking of Cinderella…” ani Ella sa isip.
“May living Cinderella po tayo dito Father!!” malakas na anunsyo ni Trisha sabay turo kay Ella. Napapitlag si Ella.
“Father, marunong po akong umarte!” annsyo naman ni Georgina. “Marami na po akong experience.”
    “Marami kang experience kamo?” tumango tango naman si Georgina. “Eh di aasahan kung tutulungan mo si Cinderella.” Agad naman nagsalita si Ella.
    “F-father, hindi po ako marunong um-“
    “Naku, Father! Ako na lang magtuturo kay Ella! Kami po ni Annie!” sabat naman ni Trisha. “Sa amin niyo na lang po siya ipagkatiwala.”
    “Okey, pumapayag ba ang buong klase na si Cinderella ang gaganap na Cinderella?”
    “Father naman! Nasa dugo na niya ang pagiging Cinderella.” Sagot naman ni Annie. Tumayo pa ito at humarap sa klase. “Di ba, sangayon kayong lahat? Taas kamay!” Ninety percent ang nagtaas ng kamay. Ang ten percent ay sina Ella at Georgina.
    “O siya! Siya! So, sino ang prinsipe?”, tanong ni Father. Maraming lalake ang nagtaas ng kamay. Humihiyaw, sumisipol at nagsisigawan. “Teka, teka mukhang mahihirapan tayong pumili. Ganito na lang, isulat niyo ang pangalan niyo sa 1/8 sheet na papel. Si Cinderella ang bubunot.” Halos mangiyak-ngiyak si Ella. Ni minsan ay hindi niya pinangarap ang umarte sa harap ng maraming tao. Maya-maya lang ay nasa harap na niya ang isang bowl na puno ng scroll. “Pumikit ka para walang daya.” Bago pa mag protesta si Ella. Tinakpan na ni Alicia ang mga mata niya.
    “Kung minamalas ka nga naman.” Bulong niya sa sarili. “Manyakis pa naman ‘tong mga lalakeng ito!” Limang Segundo nagtagal ang kamay ni Ella sa bowl bago niya inalis iyon. Nang inalis na ni Alicia ang kamay niya sa mata ni Ella. Nakapalibot na ang buong klase sa kanya.
    “Buksan mo na!” ani Trisha. Napalunok si Ella.
    “Huwag sana manyakis!” bulong pa ni Ella sa sarili habang namamawis ang noo niya at nanginginig ang mga kalamnan niya.
    “R-Ronald…” Hindi makapaniwala si Ella. Gusto niyang himatayin nang mga sandaling iyon. Patay na patay siya dito noong third year high school pa siya. Pero naturn-off  siya dito nang hawakan nito ang pwet niya. Hindi naman ito sinasadya pero dahil nabanas si Ella, sinampal niya ito gamit ang sapatos. Ilang beses humingi ng tawad si Ronald sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Speaking of pride. Kaya lumipas ang ilang taon na hindi na niya ito pinansin. Isa sa mga rason: Naki-barkada na ito sa mga laalkeng “manyakis”.
    Halos mag tumbling naman sa tuwa ssi Ronald. “Yes, yes! Ako ang nakuha! Yahowww!” sigaw nito. “Huwag po kayo magalala, Father. I’ll do my best.” Madramang sagot nito kay Father.
    “Condolence.” Ani Trisha.
    “Condolence.” Dagdag namn ni Annie.
    “Condo-“ si Alicia.
    “G-guys, hihimatayin ata ako..” At iyon nga ang nangyari.

    Nasapo ni Ella ang noo habang patungo siya sa Catherine Cafeteria. She can’t believe this is happening. Sana nananaginip lang siya. Nagbalik sa ala ala niya ang mga pangyayari nang nagkamali siya sa loob ng clinic.

          “Ella, ano bang nangyari sayo?” tanong ni Trisha. “Okay ka lang ba?” Tumango si Ella.
          “Wag mo masyadong isipin si Ronald, apat na scenes lang naman kayo magkasama eh.” si Annie.
           “Teka ano bang ayaw mo kay Ronald? Gwapo naman siya ah!” sani naman ni Alicia na parang hindi man lang napapansin ang manyakin na ugali nito. Marami na kasi itong nabiktimang babae. Nagtataka pa siya kung bakit nakakatagal pa ito sa kolehiyong pinapasukan nila. Pero tama si Alicia, gwapo ito.

    Umiling ang tatlo sa sinabi ni Alicia. “Bakit?” takang tanong nito. “Sige na nga, magical kayo ng proweba kung bakit at paano naging manyakin si Ronald. I think isip bata lang siya. If only ako ang napiling gumanap na Cinderella, It will be a short term love story for me. Ella, consider yourself luck enough…”

    “Cinderella!!!” Napalingon si Ella sa pamilyar na tinig na iyon. At gusto niya talagang pumatay nang mga sandaling iyon. Speaking of the devil! Si Ronald! “Sandali lang!” Humihingal hingal ito nang makalapit sa kanya. Matangkad si Ronald, six footer ito, isa sa mga dahilan kaya ito varsity ng basketball team. And indeed muscular. Medyo mahaba ang buhok nito pero moderno ang hairstyle. Naka gell pataas ang ilang parte ng buhok nito. At ang mga dark blue eyes nito, very inviting. At nakaitim ang mga iyon sa… dibdib niya. Tila namang bulkang sumabog si Ella.
    “At anong tinitingin tingin mo diyan?’ anito sa galit na tinig sabay takip sa dibdib nito.
    “Sorry hindi ko sinasadya.” sagot nito.
    “Anong hindi sinasadya?” tugon ni Ella habang dinuduro ito. “Ha? Manyakis ka! Akala mo makakaisa sa akin? Pwes, nagkakamali ka. Nagkamali ka ng bibiktimahin! You bastard! Dudukutin ko yang mga mata mo, isang beses ko pa yang mahuli, makikita mo!” Bahagyang ngumiti si Ronald. “At anong tinatawa tawa mo diyan?”
    “Naiwan mo ‘to.” maikling sagot nito sabay abot ng ID. “Isosoli ko lang sana.” Pahablot na kinuha ni Ella ang ID niya. “Paano naman kasi ako hindi mapapatingin diyan? Colored at printed ang suot na bra.”
    “Anong sabi mo?” At bago pa niya mahampas ito, mabilis na itong nakalayo. Naginit ang mukha ni Ella, labis siyang napahiya dito. At syempre sa sarili niya. First time niya lang naman magsuot ng ganoong klaseng bra. Baka kasi lahat dahil umulan kaahapon. “Makikita mo lalake ka!” bulong ni Ella sa sarili habang masamang tinitingnan si Ronald na para bang susunugin ito. “Humanda ka…”

    “Eto, gusto kong labhan mo ito! At linisan mo ang buong bahay ha! Gusto ko yung malinis na malinis at pagbalik ko gusto kong makakain na ang hapunan.” masungit na pagdra drama ni Georgina na parang totoo ang mga nangyayari. Nagre rehearse sila sa theatre ngayon.
    “Opo.” masungit namang sagot ni Ella. “Makaka-”
    “Cinderella, ano ka ba?” si Trisha, ang direktor. “Hindi ka galit, mabait ka dito. Mabait ang role mo dito okay?” Gustong mainis ni Ellla sa sarili at kay Trisha na rin. Pinahihirapan siya ng mga ito. Pero hindi naman talaga siya mahilig umarte. “Dapat mukha kang kaawa awa!”

    Malungkot na umuwi si Ella nang gabing iyon. “Hindi ko kayang gumanap na Cinderella…” bulong niya sa sarili. Huminto na siya sa tulay at malaya niyang pinanood ang agos ng ilog sa baba. “Hindi ko kaya!’ sgaw niya. Alas nwebe na ng gabi kaya walang tao sa paligid. “Cinderella lang ang pangalan ko pero hindi ako ang tunay na Cinderella!” nagsimula siyang humikbi. “Hindi ako mabait at hindi ako maganda. At hindi totoo ang fairytales! Dahil hindi natupad ang fairytale na pinapangarap ko!” Nang  mga sandaling iyon, bigla niyang naalala si Justin, ang mga panahon na magkasama sila. Pero wala na si Justin sa paligid niya. Wala ng nakikipagtalo sa kanya. Wala ng Justin na nakakapag patawa sa kanya. Wala ng Justin na sunod ng sunod at nangungulit sa kanya. Wala na ang Justin na laging nandyan pag kailangan niya. He have lose his knight, his very precious knight. Sa kabila ng galit niya dito ay nasa puso pa din niya ang nararandaman para dito. Justin has always been there to save her, but now there is no Justin. It’s only herself and herself, because of her selfishness.

    Puyat na pumasok si Ella nang araw na iyon. Kagabi kasi ay nanghiram siya ng VCD na Cinderella. Pinanood niya kung paano maging kaawa awa. Desidido na siyang gawin ito. Gagawin niya lahat para lang gumanda ang pag arte niya sa play na ito. Alas dos na nga siya nakatulog dahil kinabisado niya pa ang mga linya niya. “O Prinsepe ko, kinakailangan ko ng umalis.. Ikinalulungkot ko, maghahatinggabi na at kailangan ko ng umuwi, patawad.” walang emosyong pagsasaulo ni Ella. Nasa elevator na siya papunta sa una niyang klase. Ito ang araw na pagpa- praktisan nila ang scene nila ni Ronald at syempre ayaw niyang mapahiya dito. Pinangako niya s sarili that she would work under pressure. Hindi siya magpapaapekto sa kabastusan nito.
    “Hi Honey!” bati ni Ronald. Nasa Christian Living III subject sila.
    “Hello!” ganting ngiti niya dito, pinipigilan na sampalin si Ronald dahil nakatingin na naman ito sa legs niya.
    “Pwedeng tumabi?” tanong nito.
    “Sure!” sagot niya na pilit pa ding kinokontrol ang sarili. Nagtaka pa nga ang mga kaibigan niya nang madatnan silang magkatabi ni Ronald. Kumindat si Ella na ang ibig sabihin ay ‘Akong bahala, hindi uubra ang lalakeng ito sa akin.’
    “May boyfriend ka na ba?” tanong nito. Hindi umimik si Ella, halata kasing mambuburaot na naman ito. “Ella, I’m asking you kung may boyfriend ka na ba?”
    “Hindi ko kailangan ng boyfriend.” nakangiting sagot ni Ella.
    “Sayang!” anito. Laking pasasalamat niya nang dumating si Father Don dahil kung hindi ay baka makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya.
    “Ah Trisha kamusta naman ang play?” tanong ni Father Don. “May improvements na ba?”    
    “Opo, may improvements naman po.” excited na balita ni Trisha. “Kahit papaano.” dagdag pa nito.
    “Well Father, kung cooperative lang sana ang bida natin, walang problema.” ani Georgina.
    “Bakit ba napakakontribida ng babaeng ito?” bulong ni Ella sa sarili.
    “Kasi naman hindi siya ang nakuhang bida.” bulong naman sa kanya ni Ronald na narinig ang kanyang pagmumuni muni. “Akalain mo nga namang pinagaagawan ako.” Muli ay pinigil na lamang ni Ella ang magsalita.    
    “I’m sure ginagawa naman ni Cinderella ang lahat ng makakaya niya di ba?” Nahihiyang tumango si Ella.
    “I’m doing my best Father.” aniya.
    “Wag kayong magalala Father, ako ang bahala sa prinsesa natin. Actually ngayon ita try nila ang scene nila ni Ronald.” excited na balita ni Trisha. “Siguradong masisiyahan ang mga bata sa ampunan.”
    “Ampunan.” ani Ella sa sarili. “Kung hindi pala ako nakita ni Tita Mabelle, baka doon din ang bagsak ko…” Nalungkot siya sa naisip. “Swerte na pala ako.”
    “Ella, kailangan mong ipakita sa mga mata mo na inlove na inlove ka sa kanya, remember siya ang Prince Charming mo.” ani Trisha.
    “Nababaliw ka na ba?” gustong isigaw ni Ella. “Ang hirap mag imagine lalo na kung ang lalakeng ito ang prinsipe mo. Pero as usual kinontrol niya ang sarili. Sa halip ang sinabi niya ay, “I’m sorry nawawala lang ako sa focus.”
    “Okay ulitin natin.”
    “Napakaganda mo, para kang isang prinsesa sa mga mata ko.” Magaling namang umarte si Ronald. Ito pa nga ang nagdadala ng sayaw at feel na feel nito ang pag arte.
    “Isang karangalan ang makasayaw ka ngayong gabi, mahal na prinsipe.” Pinilit ni Ella makita eye contact kay Ronald. “Gosh color blue pala ang mga mata niya!” bulong ni Ella sa sarili. Nagpatuloy siya sa kanyang script. “Kung tutuusin napaka swerte ko dahi sa dami ng babae dito ngayon ako pa itong napili mo. Mahal na prinsepe isa itong panaginip.
    “Totoo ito at hindi panaginip.” sagot nito. Kinuha nito ang kamay niya at nilagay sa mukha nito. “Hawakan mo ko, hindi ba totoo?” Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naalala ni Ella si Justin.
    “O- Oo, totoo nga-”
    “Ella dapat mukha kang nabigla at masaya!” sigaw ni Trisha sa di kalayuan. Inulit ni Ella ang script niya at this time sinubukan niyang mabigla.
    “Oo! Totoo nga-”
    “Ella, wag exaggerated!” si Trisha ulit.

    “Anong order mo?” tanong ni Ella sa customer na kakapasok lang.
    “Masungit ka ata ngayon.” Huli na para mapansin ni Ella kung sino iyon. Ang gwapong boyfriend ni Catherine. Si Leonard, napangiti si Ella.
    “Sorry.” aniya.
    “Hmm, mukhang may problema ka?”
    “Medyo, pero hindi ko balak dalhin iyon sa trabaho ko. Hindi ko sinasadya.”
    “Don’t worry, hindi kita isusumbong.”
    “Magisa lang kayo sir? Wala si Ms Catherine?”
    “Secret lang natin ‘to ah, pwede ba kitang ikunchaba?”
    “Ikunchaba?” ani Ella. “Basta ba hindi ka mangingidnap.” Natawa si Leonard, isang tawang nakakapagpatunaw ng puso ng kahit na sinong babae. Sa isip isip ni Ella, ito ang tuna na prince material Hawig kasi nito si Prince Edward of England. Kulang na lang ay kapa.
    “Magpro-propose na ako kay Catherine.” Napapitlag si Ella.
    “A- anong sabi mo?”
    “I wanted to marry her. Sigurado na ako dito.”
    “Er… okay!” tugon ni Ella. “Congratulations!” bati niya habang kinakamayan ito. “Ano naman ang gagawin ko?”
    “Gusto kong mag propose dito na kaming dalawa lang ang tao. I want it to be romantic with candle, lights and music.”
    “Oh…” Namangha si Ella. Ganoon ang pinapangarap niyang proposal. “Ang swerte naman ni Catherine.”
    “Swerte din ako sa kanya.” tugon naman ni Leonard. Si Ella naman pilit na inaalala si Catherine. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Leonard kay Catherine. Masungit kasi ito sa kanya at napansin niya na hindi man lang ito marunong ngumiti. “Alam ko masungit sayo si Catherine pero pagpasensyahan mo na. Mabait talaga siya at maalalahanin pero ang katarayan niya lang ang panlabas na anyo niya. Alam mo ba pag nakatalikod ka, magagandang salita ang lumalabas tungkol sayo.”
               “Tulad ng?” Hindi pa din makapaniwala si Ella, naguguluhan pa din siya.
               “Maganda ka daw at masipag.”
                “Hindi nga?”
                “May ganoon talagang tao, kaya lang mas maraming masasamang tao na pinapakita na mabait sila, yung mga tipong nagpapakaplastik.” Tama si Leonard, naisip ni Ella. Madami na din siyang kilalang tao na backfighter. “Basta wag mong sabihin na sinabi ko sayo ah, magagalit yun.”
        “Kailang ka ba magpro- propose, para naman mapaghandaan namin ito?”
        “Sa susunod na biyernes, okay lang ba?”
        “Oo naman, we’ll do our best para maging especial ang gabing iyon sa inyo.”      

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn