Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 26 February 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER FIVE"

10:43 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
                “Para sayo.” Napatingin si Ella sa batang babae na nasa harap niya, matamis ang ngiti at may hawak na tatlong piraso ng dilaw na bulaklak. Inabot ni ella ang mga bulaklak, kung hindi siya nagkakamali ay daisy ang mga iyon. “Amuyin mo, kapipitas ko lang niyan.” Inamoy naman ito ni Ella.
                “Hmmm, ang bango!.” tugon niya. Nasa ‘Caroline’s House for the orphans’ sila. Sabi kasi ni Father Don ay mas mabuti daw na malaman nila ang kalagayan ng mga bata doon para mas ma- motivate sila sa gagawin nilang play. Ang kulay asul na bahay ay hanggang dalawang palapag lamang, malawak ang lupain, maraming puno at ligaw na bulaklak. Mga madre ang nangangasiwa dito. Sa nakikita niya, maayos naman ang kinalalagyan ng mga bata doon. Maayos ang mga fasilidad. Pero napansin niya naman ang mga damit na suot ng mga bata, luma na ang mga iyon at kupasin. “Anong pangalan mo?” tanong ni Ella.
         “Mary Elizabeth.” sagot nito. “Maganda ba ang pangalan ko?”
                 “Oo, sino ba ang nagbigay ng pangalang yan sayo?” nagiba ang ekspresyon ng bata.
          “Ang mga magulang ko.”
          “Uh oh, wrong question,” ani Ella sa sarili. Iniba niya ang usapan. “Well, guess what kung ano ang pangalan ko?” Kunyari naman ay magisip ang bata. Napansin ni Ella ang mga mata ni Elizabeth, dark blue ang mga mata nito tulad ng kay.. Ronald. Mahaba at mapilantik naman ang pilikmata nito, manipis ang labi at cute ang pisngi. Mukhang may lahi dahil may pagka golden brown ang buhok nito na naka pig tail. Maputi ngunit may ilang galos ang kamay nito.
          “Sabihin mo na!”
          “Sige, pero don’t tell anybody ha?” Tumango ang bata at pagkatapos ay bumulong si ella. “Cinderella.” Nabigla naman ang bata.
          “Wow, parang princess! Sino ang nagbigay sayo?” It might be a joke dahil this time, siya naman itong nag iba ang ekspresyon, hindi niya ito iniiwasan.
         “Mga magulang ko.” sagot niya.
         “Pwede humingi ng pabor?”
         “Of course, ano iyon?”
         “Pwede ko bang hawakan ang buhok mo?”
         “Sure, in one condition.”
         “Ano?”
         “You’ll kiss me.”
         “Oo ba!’ At nilaro laro ng bata ang buhok niya. Tuwang tuwa ito sa buhok niya, salamat sa Beast and Beauty Salon. Ilang sandali lang, ay naglalaro na sila ng bata. Ang iba niyang bata ay nakisali na din. Bumuo sila ng bilog at umikot ikot ng magkakahawak. Naki join din ang iba niyang kaklase, kahit si Georgina. “Do you believe in fairy tales?” tanong ni Mary Elizabeth nang nagdesisyon silang kumain ng mansanas sa ilalim ng puno.
        “Ha?” taking tanong ni Ella. “Naniniwala ka sa fairy tales?”
        “Oo naman. Naniniwala ako na balang araw may prinsepeng susundo sa akin dito. O kaya ay darting ang mga magulang ko, susunduin ako. Tapos magkakasama kami ulit.” Hindi umimik si Ella. Ayaw niyang mag komento. Dati naniniwala siya pero ngayon, hindi na ata. “Laging sinasabi ni Father Don sa amin na kung mabait kami at may pananampalataya, matutupad ang mga pangarap namin.”
       Gustong mahiya ni Ella sa batang nasa harap niya. Kung magsalita ito ay parang mas matanda pa ito sa kanya. Naniniwala ito sa fairy tales. Such a strong faith. Samantalang siya, naiinis sa buhay niya, gayong may mga tao namang kumopkop sa kanya, nagaruga at nagmahal. Mary Elizabeth is such an innocent child, masaya sa mga simpleng bagay, samantalang siya ano? Ni wala siyang pangarap sa buhay. “Ikaw, anong pangarap mo?” Tumikhim si Ella at magisip, gusto niyang sabihin na wala pa sa ngayon, pero kailangan niyan I- inspired ang batang ito, nakakahiya.
       “Uhm, gusto kong libutin ang mundo… he, he…” aniya. Sino bang hindi nangarap na libutin ang mundo?
            “Talaga? Pangarap ko din yan!” tugon ni Mary. “Pero gusto ko kasama ang pamilya ko.” Nasapo ni Ella ang noo.
        “Tama, hindi materyal na bagay ang importante sa mundong ito, kung hindi ay pagmamahal.” Kahit papaano ay natuwa si Ella sa sinabi niya. “Pamilya at kaibigan.” Maya maya lang ay pinapasok na ng mga madre ang mga bata.
        “Tanghali na,” sabi ni Mother Lily na nakilala niya kanina. “Oras na para mag siesta.” Lahat ng bata ay nagtakbuhan papasok sa loob. Nagtipon tipon na din ang mga magkakaklase, lahat ay may ngiti sa mga labi.
        “Mother Lily, salamat po at hinayaan niyo kaming bisitahin ang mga bata.” sabi ni Georgina na kahit papaano pala, sa isip isip ni Ella, ay may puso. Totoo naman din kasi ang ngiti nito.
        “Ako ang dapat na magpasalamat, mukhang nasiyahan ang mga bata.” sagot naman ni Mother Lily.
        “Wag kayong magalala, gagalingan namin sa play.” sabat naman ni Trisha. “Di ba guys?!!” sigaw nito.
        “Teka, akala ko ba mahinhin si Trisha?” ani Ella sa sarili at saka niya narinig ang mga kaklase niya na nag “YES!!!” Pagkatapos ay umalis na sila. Nagpaalam na si Ella sa mga kaibigan niya. Didiretso na siya sa cafeteria. Nasa cafeteria na siya pero hindi siya pa rin maalis sa isip niya kung ano ba talaga ang pangarap niya sa buhay. May pangarap na siya dati, noong si Tristan pa ang boyfriend niya, ang papasok sila sa kolehiyo sa loob ng apat na taon at pagkatapos sabay papasok sa trabaho. Pero ngayon, hindi na iyon ang pinapangarap niya.

        Napatitig si Ella sa kisame, hindi siya makatulog. “Kailangan kong makaisip ng pangarap.” sabi niya sa sarili. “Pero ano, ang makita ang mga magulang ko? Imposible. Yumaman? Who knows? Kaya nga ako nag Management eh, mag abroad, perhaps?… Bakit ba wala akong maisip? Lahat ng naiisip ko, I’m not satisfied. Ang pangarap dapat kung saan ka masaya at kuntento.” buntong hininga niya. “Makatulog na nga lang…”

         Lumipas ang isang linngo na hindi man lang napapansin ni Ella. Naging abala siya sa mga bagay bagay tulad ng pagaayos ng proposal night ni Leonard at syempre ang play na gaganapin niya. Masasabi niya namang may improvements ang pag arte niya dahil madalas ay hindi na nagco comment si Trisha tungkol sa pag arte niya. At ang problema naman niya kay Ronald ay nababawasan. Medyo nag iba na rin ang immpression niya dito dahil mas nagfo focus na ito sa pag arte. Dumating ang biyernes, ang proposal night ni Leonard. Alas siyete pa lang ay sarado na ang cafeteria. Binuksan ang mga Christmas lights sa paligid, may candle lights sa mismong mesa na kulay pula ang tela. Naghanda sila ng especial na pagkain, nagpatugtog naman ng love songs si Lea. Romantic ang ambience ng buong lugar. Maya maya lang ay dumating na si Leonard at Catherine. Naka tuxedo si Leonard at naka blue dress naman si Catherine. Nabigla ito sa nakita, tila hindi makapaniwala. Nakasilip lang ang tatlong staff sa bintana ng kusina.
         Isa isang sinerve ang mga pagkain at wine, si Catherine ay nanatiling speechelss, habang si Leonard naman ay siguradong sa kanyang kilos at may kislap ang mga mata, sa isip nito ay eto na ang tamang panahon. “Leonard, anong meron?” tanong ni Catherine.
         “Ano sa tingin mo?”
         “M- Malayo pa ang anniversary natin di ba?”
         “Uh- hmm.” sagot ni Leonard.
         “So?” tanong uli ni Catherine. “Pwede ko bang malaman kung ano ang ibig sabihin nito?” malumanay na ang boses nito. Ilang sandali lang ay inabot na ni Leonard ang isang kulay asul at maliit na box. At tulad ng napapanood ni Ella sa telebisyon, nabigla si Catherine at niyakap agad si Leonard. Nag eye to eye ang dalawa, nakangiti. Binuksan ni Catherine ang box, kinuha naman ni Leonard ang singsing at kahit sa malayo ay talagang kumikislap ito.
         “Will you marry me, Catherine?” mangiyak iyak si Ella habang pinapanood ang eksena. Ganoon din si Tita Mabelle at si Lea. Dinampian ni Catherine ng halik si Leonard sa mga labi nito at pagkatapos ay sumagot ito.
         “My answer is yes.” at muli ay nagyakap ang dalawa at kasabay noon ay tumugtog ang theme song nila.
         “Now, may I have this dance?” tanong ni Leonard, tumango si Catherine at tumungo naman ang dalawa sa isang maluwag na parte ng cafeteria na ngayon ay mukhang mamahaling restaurant. Tumalikod na si Ella. Hindi niya alam kung kaya niya pang tingnan ang mga susunod na pangyayari. Bigla kasing sumagi sa isip niya si Justin, at ang gabi sa spring beach. Noong nagyayaya sila. Tumungo si Ella sa may lababo at doon ay nagsimulang umiyak. Tahimik siyang humahagulhol, the pain have come back again.

         Araw ng Linggo at napagdesisyon ni Ella na dumalaw sa puntod ng mga magulang niya, sa araw na ito ay gusto niya munang mapag isa, lumayo sa tunay na mundo. Matapos linisin ni Ella ang puntod ay nilagay niya ang isang bungkos ng daisy. Nagsindi rin siya ng kandila. Pero dahil mahangin ay agad itong naihip ng ng hangin. Medyo naasar si Ella, nawala ang dramatic effect niya. “Ma, Pa,” naninibago si Ella sa mga binitawang salita, matagal na niyang hindi nababanggit ang mga iyon. Isang taon na kasi ang nakararaan mula nang huli siyang dumalaw. “Sorry kung ngayon ko lang kayo nadalaw. May trabaho na po kasi ako, tsaka nagaaral din ako ng mabuti. Oo nga pala, ako pala ang gaganap na Cinderelle sa isang play. Ewan ko ba, hindi naman ako magaling umarte pero ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko.”

         Ilang sandali pang nag kwento si Ella na para bang nasa harap niya lang ang mga magulang niya. Ilang sandali lang ay nagpunas na si Ella ng luha. Tumayo siya at nagpaalam na.
         Palabas na si Ella sa sementeryo nang may makita siyang pamilyar na mukha. Si Ronald, mukhang may binibisita din itong puntod. Wala sana siyang balak kausapin ito pero lumingon ito sa kanya. Kumaway siya dito, ngumiti naman ito. Napag desisyunan niyang lumapit. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ronald sa kanya. Nabigla si Ella dahil ibang iba ito ngayon, mukhang kagalang galang.
         “Binibisita ko lang ang mga magulang ko.” sagot naman ni Ella. “Ikaw?”
         “Daddy ko.” napatingin si Ella sa puntod na may nakaukit na ‘Arnold Foros’. “Last year lang siya namatay. Death anniversary niya ngayon.”
         “Anong kinamatay niya?”
         “Cancer.” anito sa malungkot na tinig. “Mga magulang mo?”
         “Limang taon pa lang ako nang namatay sila sa isang car accident.”
         “Kita mo na, sabi ko sayo eh, we’re so compatible!” pabirong sabi nito para maiwasan ang pagdradrama.
         “Hanggang dito ba naman Ronald?”
         “Kumain ka na?”

        Nalaman ni Ella na panganay si Ronald sa limang magkakapatid. At pagkatapos pala ng klase at tumutulong ito sa Mommy niya sa pagpapatakbo ng isang restaurant na ngayon ay kapakanan nila. Mas malaki ito sa Catherine Cafeteria. Ito daw ang iniwan sa kanila ng yumaong ama nito. Hindi na raw nitong pinilit na magpagamot dahil nasa huling stage na ang cancer nito sa dugo. Namatay ang Ama niya nang hindi man lang siya nakakahingi ng tawad. Nagkagalit kasi sila dahil sa pagbubulakbol ni Ronald sa pagaaral. “Kaya ngayon inaayos ko na ang pagaaral ko.”
        “Loko loko ka pa rin no!” tugon ni Ella. “A manyakis is always a manyakis.”
         “Ano ka ba, katuwaan lang iyon. I really don’t fancy every woman, I’m just playing around.”
        “Ronald, gusto mo bang matuhog?” ani Ella habang hawak ang tinidor.
         “Joke lang, ito naman o!”

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn