Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 26 February 2011

24 ni Kenneth Eria

08:38 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

Heto na naman ako. Sasakay ule sa dyip. Pinagmamasdan ang stilo nito. Binabasa ang mga nakasulat na "Type nga kita Miss becos Ur Sexy,but I need money" ,"Ok lang kung di ka magbayad noh! Dios na lang bahala sayo" at yung maliit sign na "Barya barya lang po sa umaga!"

Sanay na sa siksikan sa loob nito. "Sampu sampuan po yan.. usog usog po.."
Tapos si manang na katabi ko may binubulong "Ano ba'yan? ansikip na nga.."
Napapangiti ako ng mga ganitong eksena.

"Bayad ho.."
Walang willing na iabot ang bayad ni kuya sa drayber.Alam ko yung iniisip ng Taga-Lasalle na'to.
"Pakiabot nga 'ne?"
Nakakatawa, napilitan tuloy siya iabot. Dyip po ito.

"Estudyante po." Tatlong beses pa titingnan sa rear view mirror. Check talaga ng drayber kung estudyante nga sya,
pero kung "bayad senior"
di na nya ito titingnan. Bagsak agad ang pera sa lalagyanan.

Yung katapat ko, tulog na ata pero naiirita yung ale dahil dumidikit na yung ulo nito sa kanyang balikat.
"Woooonng!!!" Tumakbo nang matulin ang dyip at naglabas ng maitim na usok. Nagtakip ang lahat ng ilong. Kawawa naman yung sabit.
Sige,magkarera kayo mga hari ng daan.
Si manang..kinakabahan na.
"Pasensya na ho.." sabi ng drayber.

Sa kanan ko, pinagtsitsismisan ng tatlo yung magsyota sa harap nila. Kesyo masyadong madikit yung babae. Gwapo nga yung lalake pero parang pokpokin naman yung babae.
Pinoy nga naman.

Napansin na ata ng dalawa na pinag uusapan na sila. Pero tuloy pa rin sila.

Napalingon ako "Ma..pakisabi kung nasa kadiwa na tayo.."
Galing ata ito sa probinsya. May dala pang manok. Umupo talaga sya sa harapan.
Napansin ko yung katabi nya. Nababadtrip ata dahil sa ingay ng manok?

Medyo mahaba pa ang byahe. Nakakaantok.
Napatingin ako bigla.
"Hello? yes..yes.."
itong nakalong sleeve.. higpit ata ng sked.
English..wow..pero yung medyas hindi pareho ang kulay. Hindi na lang ako mangingialam. ^_^
Buti pa yung katabi niyang mataba. Solve na sa Burger at coke float nya.

Nawala ang antok ng lahat nung..."Zoong!!!" biglang preno.
Halos tumilapon na kami. Buti na lang mahigpit ang hawak ko.
"Mama ano ba'yan" sigaw ng nakasabit sa likod.
".--- ina...!!!" nasambit ng Lasallistang parang nagswimming.
Yung tatlong katabi ko. Narinig ko na nagkauntugan.
Nag ingay ang manok. Gumulong yung pakwan ni manang.
Yung natutulog tumama yung ulo sa tuhod ni lola. Umaray ang dalawa.
Yung coke float ni taba..naibuhos sa nakalong sleeve..
Yung magsyota, nagyakapan.

Umusbong ang reklamo ng lahat. Nagsitapon ng mura ang mga kapasahero ko..
"Pasensya na ho.. yung bata kasi, tumawid bigla kaya naipreno ko.."
Umingay.

Humupa na lang nung umandar na ule yung dyip. Halata sa mukha ng drayber na napahiya sya.
Nag ayos ang lahat. Tinulungan si manang na ibalik yung mga gulay at prutas na gumulong kanina.
Nag sorry si taba sa nakalong sleeve. Nanahimik yung tatlo tulad ng manok ni kuya sa harapan.

Alas syete pa pala. Maaga pa. buti na lang, natapos ko na itong kwentong naisulat ko.Sana matanngap na ito ni Ms.Gilda.


Natanggal yung sign na "barya barya lang po sa umaga"
Pinulot ko. Bigla na lamang ako nahilo. Nanlabo ang paningin ko.
Kakainis kape lang kasi inalmusal ko. Sa sobrang excited ko, di nako nakapagbreakfast nang maayos.
Lalong nahilo ako.
Tinanong ako ng katabi ko. "ok ka lang kuya?"
Para bang masusuka ako.
"Iho ayos ka lang? Idaan ka namin sa ospital?"
"Kuya sumandal ka muna."

Alam ko na nabitawan ko yung article ko.

Pagkaraan ng 2 minuto, medyo lumuwag na pakiramdam ko.
"Ayos ka lang iho?"
tumango lang ako. Lahat sila nakatingin saken.

Pinulot ko agad yung article.
"Sigurado kang ok ka lang iho?"
sagot ko "oho di lang nakapag almusal"
Nagtaka ako nung nakasabit na yung sign na "barya brya lang po sa umaga"
Biglang
"Toooooogggg!!!!" tunog ng salpukan.
Grumabe ang trapik. Maraming nakiusyoso.
Isang bangaan ang naganap, di kalayuan sa amin. Nagsibaba ang kapasahero ko upang silipin. Bumaba na rin ako.Kumalat ang usok.
Dumating na ang ambulansya.Nagmamadaling isinasakay ang mga taong kaninay lunan ng 2 dyip na nagsalpukan.
Duguan at naghihingalo.Mukha yung ibay wala nang buhay.Maraming nagkalat sa sahig.Libro,gadgets,gulay,bags,damit,papel at dugo.
Di ko nakita na may papalapit saking tumtakbo dahil sa usok..Nagkabanggaan kami.Sinikap ko syang mamukaan.Pero isang salamin? at unti unting nawawala sa usok..

Ang kalsada na itoy napakaingay..lalong umingay..galing sa ambulansya..sigaw ng mga tao, busina ng ibang dyip.
Nasaksihan ko ang lahat. Di man lang ako nakaalis sa kinatatayuan ko.
Napansin ko yung papel na tinatapakan ko, isa yun sa pahina ng article ko.
Di ko alam kung bakit tumulo bigla ang aking luha.
May pumasok bigla sa isip ko. Bigla ko itong naalala. Sampung taon na ang nakalipas.
Lagi na lang ito umuulit. Sa lugar na ito. Sa oras ding ito.

Kinabukasan, heto na naman.Sasakay ule sa dyip na ito. Kami ay paikot ikot, paulit ulit at nakakulong..
Walang katiyakan na may magpapalaya. Umaasa na makakarating din sa pupuntahan.
24 na kaluluwa.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn