Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 4 December 2010

What is Love? "CHAPTER FIVE"

04:29 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Dumating ang February 20, birthday ni Martin. Pinaghandaan ko ito dahil isa siya sa mga close friends ko, ang bente pesos kong baon kada araw ay inipon ko para makabili ng forty pesos na picture frame na nilagyan ko ng litrato ko. Balak ko siyang surpresahin sa birthday niya kaya hindi ko sinabi na pupunta ako sa bahay nila. Wala si Mommy dahil nasa Hong Kong kasama si Daddy so I'm so free na pumunta kahit saan. Nagpasama pa nga ako kay Jeff, isa sa mga ka school bus din namin dahil balak ko sana lakarin na lang mula sa bahay namin hanggang sa bahay nila Martin. Three thirty pa lang ay nasa labas na ng bahay namin si Jeff at meron siyang kasama, halos kasing tangkad ko lang na lalake na naka gell at spike ang style ang buhok. Naka blue shirt ito at shorts. Hindi ako umimik. At kahit hindi ko pa isinasatinig ang malaking katanungan kung "sino siya at bakit natin siya kasama Jeff?" nagsalita na si Jeff at pinakilala kami sa isa't isa. Siya si Mike, manipis ang labi, MEDYO singkit ang mata, matangos ang ilong at moreno ang balat na sa tingin ko ay dahil sa kabibilad sa araw. Nag "hi" naman siya sa akin at ngumiti lang ako. Sa buong paglalakad namin na tumagal ng trenta minutos or higit pa, salita siya ng salita at kwento ng kwento. Si Jeff lang ata kausap niya so totally I was out of place. Kwento siya about sa school, mga kalokohan niya, like naguidance siya the other day dahil naglagay siya ng gagamba sa locker ng mga girls. Pinagmamalaki ba ang mga ganoon? Well masyado siyang presko. I hate him na tuloy. Sayang cute pa naman. Anyway sa wakas ay dumating din kami sa bahay ni Martin to find out na wala pala siya doon. Iniwan ko na lang ang gift sa katulong nila and off we go. Kainis naman tong si Martin, nasa computer shop daw sabi ng katulong nila eh. Hindi man lang ako nakakain ng handa nila. Asar talaga. I would have to be stuck tuloy dito sa Mike na 'to na nakakakasar dahil mukhang enjoy na enjoy pa siya sa pagkwe kwento ng kung anu anong kalokohan. Iniwanan ko na lamang ang regalo ko at nagsimula na kaming umuwi pabalik.

Hinatid naman nila ako pauwi. At kahit nakakastress man ay nagaral na lamang ako dahil exam namin kinabukasan. At habang nagaaral ay nagpatugtog ako ng favorite songs ko. At nakakapagtakang unang pumasok sa isip ko si Mike.

Nang sumunod na araw, pagkasakay ko ng school bus ay may iniabot sa akin si Jeff na sulat na nakatuping korteng puso. "Kanino naman 'to galing?" tanong ko.
"Basahin mo na lang." sabi niya. So binuklat ko nga ang mabangong stationary at binasa ang nilalaman nun. Sulat kamay ng isang lalake. Naaalala ko tuloy yung unang card na natanggap ko mula kay James, sulat kamay ng babae. Malamang sulat yun ng ate niya. Alam ko naman kasi na parang kinayod ng manok ang sulat ni James.

Anyway back to the letter. Malinis ito at constant boyish ang hand writing. It says:
Dear Jhelyn,
Kamusta ka na? Si Mike 'to. Hindi mo siguro inaasahan ang sulat na 'to. Pasensya ka na pala sa akin kahapon ah kung masyado akong madaldal. Siguro na preskuhan ka sa akin.

Ay buti naman pala at alam niya. Hmp!

Tama nga si Jeff, maganda ka nga talaga. Sana mag reply ka sa sulat ko na ito at sana magkita pa tayo ulit. Binigay ni Jeff ang telephone number niyo kaya susubukan ko tumawag mamaya.
Ingats ka palagi.
Mhike21 ;)

Ano ba ito? Well in fariness kinilig ako doon ah. Maganda daw ako. Hahaha! Pero hindi, presko pa din siya. Pero ba't ganoon? Ang lakas ng kaba ko. Siguro kasi first time kong makatanggap ng sulat na ganito. Hindi ko na maibalik sa pagkakatupi na korteng puso ang nasabing sulat kaya inipit ko na lang siya sa libro ko.

"Bakit naman kailangan may sulat pa?" tanong ko kay Jeff.
"Balak ata manligaw sayo ni Mike eh."
"Ganoon? Feeling niya ba sasagutin ko siya?"
"Aba ewan ko. Ikaw na ang bahala diyan, taga abot lang ako ng sulat." sabi niya. "Pwede ba iabot mo naman 'to kay Pearline?" sabi niya sabay about ng sulat sa akin. Aba aba ano naman 'to? Parang modus operandi ito ng panliligaw ah. Anyhow ay iniabot ko pa rin kay Pearline ang sulat na galing kay Jeff.

Dumating ang lunch break at muli ay binasa ko ang sulat na nagpakilig sa akin nang umagang iyon. "Ano yang binabasa mo?" tanong ni Kristina na isa sa mga member ng tropang ungas.
"Sulat na bigay ng guy na nakilala ko kahapon." Kinuha niya ang sulat at saka binasa.
"Cute ba ito?"
"Hmm, pwede na din."
"Talaga?" aniya na parang kinikilig. "Oh my gosh Jhelyn, ang sweet ng letter niya."
"Oo nga eh."

"Pumunta ka pala sa bahay kahapon." tanong ni Martin pagkasakay ko sa school bus pauwi.
"Oo kaya, wala ka naman." Kunyari'y pagtatampo ko. "Buti kasama ko sina Jeff."
"Sina Jeff? Sino pa kasama mo?"
"Yung friend niya, si Mike ba yun."
"Pinopormahan na nga si Jhelyn eh." sabat naman ni Jeff.
"Sino na namang yang lalakeng yan?" tanong ni Martin.
"Well basta alam ko cute siya." sabi ko na lang.
"Sige makakarating yan kay Mike." sabat uli ni Jeff.
"Teka teka, wag mo sabihin. Joke lang yun, sabihin mo sa kanya presko siya. At ikaw Jeff wag mo naman ipamigay ang telephone number namin, please?"
"Sorry hindi na mauulit. Ang kulit kasi ni Mike eh. Tanong ng tanong ng mga detalye tungkol sayo."
"Anyway Martin, natanggap mo ba yung gift ko sayo?"
"Oo ang cute nga eh, salamat ah. Ikaw lang nagbigay sa akin ng regalo."
"You are so welcome. Kainis ka nga lang at ginutom mo lang kami."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn