Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 14 December 2010

NOBYEMBRE Chapter Four (Kulto)

07:14 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
October 30, 2009
8:35 am
Nagmamadaling sumakay ng bus si Howie upang umuwi sa kanilang tirahan dahil may natanggap siyang masamang balita. Pagka-akyat niya ay umupo siya agad sa kaisa-isang upuan na katabi ng bintana. Umupo siya at sandaling ipinikit ang mga mata. Sana, makaabot ako, bago man lang ilibing si Kuya.
Makalipas ang ilang minuto, umalis na ang bus. Mula sa payak na pamumuhay sa probinsya ng Batangas, luluwas siya sa Lungsod ng Maynila para puntahan ang kanyang kapatid – si Enrico Perreira. Magmula noong bata pa sila, sila na ang magkasangga sa buhay. Maaga silang naulila at naiwan sa pangangalaga ng mag-asawang sina Joaquin at Barbara Quisumbing.
Inabot nang ilang oras si Howie sa byahe, dahil sa malalang problema ng traffic – isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa sa loob ng maraming taon. Habang tinitignan ni Howie ang mga nagtataasang mga gusali, biglang nag-ring ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag. Kinuha niya ito at sinagot.
            “Hello…Malen…oo…papunta na ako…okay, bye.” Sabi ni Howie sa kanyang kausap na si Malen, dati nilang kasambahay at tagapag-alaga ng magkapatid.

Makalipas ang ilang oras, bumaba ng bus si Howie sa paradahan ng tricycle.
            “Manong…sa #646 Alipayaw Street…” sabi ni Howie sa tricycle driver. Pumasok siya sa loob, pinaandar ang makina ng motorsiklo at umalis sila. Pinagmamasdan niya ang mga bagong bahay at mga bagong gusali – lalong lalo na ang De Villa Memorial Park na katabi lang ng residential property nila.
Bumaba si Howie, binayaran ang driver at pinuntahan ang isang malaking gate na kulay pula at itim. Sa kaliwang bahagi ng main entrance ay may bell, pinatunog niya ito at dumating ang isang matandang babae na may kalakihan ang katawan. Nakasuot siya ng ordinaryong orange duster, naka-tight bun ang kanyang buhok na unti-unting binabalutan ng uban.
            “Manang Malen, ano po bang nangyari?” tanong ni Howie.
            “Si Sir Enrico po…patay na…” sagot ni Malen, saka nag-breakdown at nag-iiyak.
Napasugod si Howie papunta sa mismong bahay na bato. It is a two-storey residential manor na mula pa sa panahon ng Kastila. Pagpasok niya ay umakyat siya agad sa grand staircase pataas. Pagdating niya, andun at naglalamay ang mga taong nakasuot ng itim. This cannot be happening to me! Paanong nangyari ‘to? Sinalubong siya ng isang matandang babae na naka-tight bun, nakasuot ng all-black attire: black blouse, black skirt, black shawl at may dalang itim na pamaypay. Nakasuot ng perfectly-round smoked eyeglasses at sandalyas.
            “Hijo, I’m sorry…hindi na namin nasabi sa’yo ni Manang Malen. Baka kasi hindi mo kayanin yung balita…” sabi ni Barbara Quisumbing, asawa ng doctor na si Dr. Joaquin Quisumbing. Yayakapin niya sana si Howie pero hindi niya ito pinansin.
            “At least, you should have told me…para naman hindi ako magmumukhang tanga sa lahat.” Sabi ni Howie at pinuntahan ang nakasarang kabaong.
The coffin was a bit simple yet elegant. Pure white na may white gold handles at pinatungan ng fresh white roses. May dalawang post ng mga kandila at may golden crucifix sa gitna. Mga nasa thirty people ang nakikipaglamay sa namayapang kapatid ni Howie.
At dito, nagsimulang humagulgol ang binata na parang isang batang nawalan ng laruan o ng magulang. Gustong damayan ni Malen si Howie pero pinigilan siya ni Barbara.
            “Hayaan mo siya…”

Kinagabihan, habang patuloy ang paglalamay sa mga labi ni Enrico ay pinuntahan si Howie ni Dr. Joaquin Quisumbing. Siya’y nasa sixty-four years old, medyo hawig kay Santa Claus but minus the beard and the white hair. Medyo panot na ang kanyang buhok at halatang may sakit na sa katawan kaya lagi siyang may hawak na tungkod o cane.
            “Hijo, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Alam kong malayo ang nilakbay mo at dinatnan mo dito ay hindi maganda. It’s better for you to rest.” Sabi ni Joaquin pero hindi siya pinansin ni Howie.
            “Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko nalalaman kung paano namatay ang kapatid ko.” sabi ni Howie. Kung sino man ang may kasalanan sa pagkamatay ng kapatid ko, humanda siya sa’kin!
Dun na nagpalipas ng gabi si Howie sa bahay nila. Pinatulog siya sa kanyang kwarto: ito ay isang complete bedroom package na may bathroom pa. Antigo ang kama, bagong-bago ang mattress at may magandang view sa hardin. Tinitignan niya ang mga sulok ng bahay at pilit niyang inaalala ang mga masasayang sandali nila ng kanyang kapatid sa kwartong iyon.



October 31, 2009
12:15 a.m
Habang siya’y natutulog sa kanyang kama, may ingay siyang narinig sa kabilang kwarto. Hindi niya ito pinansin. Siguro, daga lang yan. Akala ko ba, inaalagaan nila ‘tong bahay? Ngunit mas lumakas ang ingay sa kabilang kwarto. Hindi na siya ordinaryong ingay dahil parang may tao sa kabilang kwarto.
            “Akala ko ba, inaayos nila ‘tong bahay? Pambihira naman oh…” sabi ni Howie. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga, isinuot ang kanyang tsinelas at lumabas ng kwarto. Pinuntahan niya ang kabilang kwarto, kung saan natutulog noon ang kanyang kapatid – si Enrico.
Binuksan ni Howie ang pinto ng kwarto at nang pumasok siya dun, nagtaka siya kung bakit bukas ang mga ilaw ng silid. May gumagamit pa ba ng kwartong ‘to? Isang tao ang nakaupo sa gilid ng poste ng kama. Pinuntahan niya ito para malaman kung sino siya…nagulat na lang siya kung sinong nakita niya.
            “Kuya? Kuya Enrico?” pagkagulat na sinabi ni Howie kay Enrico – mukhang wala na sa sarili at wala na siyang nakikilala. Magandang lalake si Enrico noon – pinapangarap ng mga babae at iniidolo ng mga lalake dahil hindi lang siya gwapo at makisig, mabait at masipag pa. Pero dahil sa miscommunication niya sa isang pulis, siya ay pinatay. Ngunit imbis na itakbo sa ospital, itinakbo siya sa bahay ni Dr. Quisumbing.
Parang gustong magsalita ni Enrico kay Howie, upang i-kwento ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Ngunit hindi niya ito magawa dahil animo’y may pumipigil sa kanyang magkwento. Hindi rin maintindihan ni Howie ang kanyang kapatid.
            “Kuya…magsalita ka naman…ano bang nangyari?” tanong ni Howie sa kapatid nang tinawag siya ni Barbara mula sa receiving area.
            “Howie…Howie…” sabi ni Barbara.
Kaya tumayo agad si Howie at niyakap ang kanyang kapatid.
            “Kuya, babalikan kita agad…babalikan kita…” pangako ni Howie. Niyakap niya ito, hinalikan sa noo at tuluyang umalis. Lumabas siya ng kwarto at pumasok uli sa kanyang kwarto, upang magpanggap na kakagising lang niya. Muli siyang tinawag ni Barbara.
            “Howie…Howie…” sabi ni Barbara.
            “Andyan na po…” sagot ni Howie.
Bumaba ng hagdan si Howie at pinuntahan si Barbara sa receiving area.
            “Bakit po?” tanong ni Howie.
            “Tanda mo pa ba si Frankie? Yung kaklase mo noon sa High School?” sabi ni Barbara.
Katabi ni Barbara si Frankie Osorio, isang twenty-five years old na nakasuot ng pang-pari. Dala-dala ang isang bag at may dalang isang supot ng cassava cake na galing sa Laguna. Mukha siyang “genius” sa labas pero talagang pinili niya ang maging lingkod ng Diyos.
            “Kamusta ka na Howie? Condolences nga pala sa kapatid mo.” sabi ni Frankie pero kinontra siya ni Howie. Kanyang sinabi na buhay pa ang kanyang kapatid na si Enrico.
            “Anong condolences? Buhay pa si kuya!!! Buhay siya!!!” sabi ni Howie kaya naguluhan sina Barbara at Frankie.
            “Patay na si Enrico!!! Patay na ang kapatid mo!!! Hindi mo ba naiintindihan Howie?” sabi ni Barbara sabay bukas ng kanyang pamaypay.

Inaabot na ng magdamag sina Christian at Ronnie sa paghihintay pero hindi sila nababagot dahil sa mga kwento ni Kulas. Ngunit ngayon lang naguluhan sina Christian at Ronnie sa kwento ng bata.
            “Paanong nangyari ‘yun? Patay na buhay? Is it possible?” tanong ni Ronnie habang kumakain ng hotdog sandwich. “Oo naman…alam mo minsan kasi ang tawag dyan, ‘Near-death Experience’. Yan siguro ang naramdaman ni Enrico…” sagot ni Chris pero inawat sila ni Kulas “Yang mga sinasabi niyo…hindi yan ang nangyari kay Enrico para siya mabuhay…”

Nasa azotea sina Howie at Frankie habang pinagmamasdan ang nangyayaring burol. Kahit andyan na ang kanyang matalik na kaibigan, hindi pa rin siya mapanatag sa kanyang mga nasaksihan.
            “Howie, alam kong masakit sa’yo ang mga nangyari pero wala na tayong magagawa…patay na si Kuya Enrico mo…and he’ll never come back again.” Sabi ni Frankie.
Hindi ako nasisiraan ng bait! Buhay talaga si Kuya Enrico!!! Mas lalong lumala ang problema ni Howie, dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit buhay ang kapatid niya, kahit sinabi ng kanyang mga kamag-anak na patay na siya.
            “Imposible yun!!! Nakita’t nahawakan ko siya kanina…paranng isang panaginip na nagkatotoo pero imposible!!! Hindi ko alam…naguguluhan ako…” sabi ni Howie.
Nang may narinig silang ingay sa kanilang paligid – parang may gustong kumawala mula sa kanyang kulungan. Kumakalansing ang mga kadena’t padlock at may boses ng umiiyak na tao. Nakuha nito ang atensyon nina Howie at Frankie.
            “Ano yun? Parang may umiiyak…” sabi ni Howie pero kinontra ito ni Frankie.
            “Hallucination mo lang yun.”
Kinahapunan, nagpunta ng isang computer shop si Howie para makapag-send ng report sa kanyang boss. Punung-puno ang buong computer shop na karamihan ay mga bata na walang ginagawa kundi maglaro ng Role-Playing Games na mas kilala sa initials na RPG. Pinuntahan niya ang counter.
            “Miss, mag-Internet lang ako.” Sabi ni Howie.
            “Okay po…dun po kayo sa Station 17.” Sabi ng babae.
Ngumiti si Howie kaya pinuntahan niya ang kanyang station. Pag-upo niya doon ay binuksan niya ang computer at nagsimula nang mag-countdown ang timer sa computer screen. Sinubukan niyang gumawa ng e-mail message para sa kanyang boss – si Robin, may-ari ng isang Photography business.

            Robin,
            Alam kong naiinis ka na sa’kin dahil hindi ko magawa ang trabaho ko dyan. But I don’t    have a choice but to stay here with my brother – lying in his coffin but I think he’s alive.        Hindi ko maintindihan dahil sabi nila sa’kin, patay na si Kuya Enrico pero nakita ko           siyang buhay.
            I don’t know what’s happening here but I’ll have my investigation kung bakit nangyayari                         yan sa kapatid ko. As soon as possible, kapag natapos ko ang gawain ko dito, babalik na          ako dyan.
            Howie.

Napabuntong-hininga na lang si Howie matapos niyang gawin at i-send ang kanyang e-mail message kay Robin. Pero ilang sandali lang, biglang namatay ang computer na ginagamit niya. Ano ba yan!!! Wala naman akong ginagawa tapos namatay. Tinawag niya ang in-charge sa computer shop pero pagtingin niya ay nawala nang parang bula ang mga tao sa shop. As in totally blank ang buong lugar – walang customer, walang in-charge na namamahala sa shop.
            “Asan na yung mga tao?”
Pagtingin niya sa kanyang computer unit, bumukas ito at tumambad sa kanya ang litrato ng kanyang sarili – nakasilid sa isang kabaong na pinaglalamayan ng mga taong pamilyar sa kanya.
            “Sina Tita Barbara…Tito Joaquin…Frankie…anong ginagawa nila dyan? At anong ginagawa ko sa kabaong?” tanong ni Howie pero hindi niya nararamdaman na katabi na pala niya si Enrico – nakatindig at animo’y ginagabayan si Howie. Inilapit ni Enrico ang kanyang sarili kay Howie at bumulong.
            “Ikaw na ang susunod…kung gusto mong mabuhay…iwan mo na ako dito…” napalingon si Howie at napasigaw siya sa kanyang nakita.

Bigla na lang ginising ni Frankie si Howie – nakahandusay sa sahig, nawalan ng malay-tao at parang binabangunot. Pinalibutan siya ng mga naglalamay pati rin si Barbara.
            “Frankie, gisingin mo nga si Howie…ano bang nangyari sa kanya?” tanong ni Barbara na tuluy-tuloy pa rin ang pagpapaypay sa pamangkin.
            “Nag-uusap kami kanina tapos may narinig daw siyang umiiyak na nag-iingay. Tapos bigla na lang hinimatay kaya ayun…nag-collapse, nahimatay...” sagot ni Frankie habang ginigising si Howie.
Nagising si Howie at nagulat sa nakitang mga nakapalibot sa kanya. Namutla si Howie na parang nakakita ng multo. Sinubukan niyang bumangon.
            “Anong nangyari? Bakit kayo nandito lahat? Anong ginagawa ko dito?” tanong ni Howie.
            “Hinimatay ka kanina…hindi mo ba natatandaan? Pambihira naman oh, bata pa ka pero makakalimutin ka na.” sagot ni Frankie.
            “Ang tanda ko, nasa computer shop ako…gumagawa ng e-mail para sa boss ko…tapos namatay yung computer…nung tatawag ako ng tulong, nawala ang mga tao sa shop.” Kwento ni Howie pero pinahinahon ni Barbara.
            “Hijo, magpahinga ka na siguro. Napagod ka lang kasi kanina ka pa gising eh. Maglalamay ka pa mamayang hatinggabi kaya matulog ka na.” sabi ni Barbara pero desidido si Howie at ituloy ang kanyang naisip na plano.
Pinilit tumayo ni Howie at hindi nagpapigil.
            “Kailangan ko pong pumunta ng simbahan, naguguluhan po ako sa mga nangyayari.” Sabi ni Howie at iniwan ang mga tao sa bahay. Umakyat muna siya ng kwarto, kinuha ang kanyang bag at umalis. Paglabas niya ng gate, pumara siya agad ng tricycle at sumakay.
            “Manong, sa simbahan tayo.” Sabi ni Howie.

Kung ikukumpara mo ang simbahan sa lugar ni Howie ay maiisip ng bibisita na para siyang nagpunta sa probinsya dahil sa set-up. Para ka lang nagpunta sa isang malaking production ng isang higanteng pelikula dahil kumpleto sa set-up – may malaking gazebo sa gitna ng plaza, may luma at magabong simbahan, may mga naglalarong mga bata at nagbebenta ng ice cream at cotton candy.
Pagbaba ni Howie mula sa tricycle, nilakad niya ang daan patungo sa main entrance ng simbahan. Pagpasok niya sa loob, napansin niya ang konting pagbabago sa simbahan – ang dating mga uka-ukang parte ay nagawan ng remedyo. May mga bagong poon at pininturahan ng gold ang ilang detalye ng simbahan para magmukhang antigo.
Dumiretso agad sa upuan at lumuhod upang magdasal. Nilapitan siya ni Frankie na hindi alam ni Howie, sinundan pala siya papunta sa simbahan. Tinapik ang kanyang balikat.
            “Pasensya na kung sinundan kita. Hindi ako matahimik hangga’t hindi ko nasasabi sa’yo ang totoo.” Sabi ni Frankie. Hindi ito mapaniwalaan ni Howie na nagawang magsinungaling ni Frankie sa kanya.
            “I can’t believe that you lied to me! Pari ka pa naman pero nagawa mong magsinungaling?! Ang kapal ng mukha mo!” galit na galit na sinabi ni Howie sa kaibigan dahil nagawang magpanggap ni Frankie sa harap niya. Kaya sinubukan niyang umalis ngunit pinigilan siya ni Frankie.
            “Sandali lang. Let me explain first.” Sabi ni Frankie para mapigilan si Howie.

Nagtungo sila sa kampanaryo sa itaas ng simbahan, kung saan ay tanaw nila ang buong lugar habang umiihip ang malamig na hangin. Nakaupo sila sa mataas na balustrade ng bell tower.
            “Kailangan kong magpanggap sa kanila dahil marami ka pang hindi nalalaman tungkol sa kanilang ginagawa nung nawala ka. Ang mga kamag-anak mo ay sumasamba sa demonyo!!! Binuhay nila si Enrico kaya ganun ang kanyang kondisyon, parang zombie o patay na buhay. Marami ka pang hindi nalalaman tungkol sa kanila. Kaya dapat matuto kang mag-matyag sa kanilang mga kilos.” Babala ni Frankie.
Hindi na naka-imik si Howie sa mga narinig niya mula sa kaibigan. Halos hindi niya mapaniwalaan ang kanyang mga narinig – si Barbara na kanyang tiyahin, isang relihiyosa’t leader ng isang Congregation sa kanilang Parish Church, namumuno ng isang sekta ng mga Satanista! Anong gagawin ko? Hindi ko dapat hayaang maging habambuhay na “buhay” na patay si Kuya.
May iniabot na isang bote si Frankie mula sa kanyang bulsa. Isang boteng kulay itim na may lamang likido ang napunta sa kamay ni Howie.
            “Ano ‘to?” tanong ni Howie.
            “Bago mag-six o’clock pm, kailangang mailagay mo yan sa kinakain ng uncle at auntie mo. Siguro naman, kapag naganap na ang dapat maganap, matatahimik na rin ang kuya mo.” sagot ni Frankie.
            “So you mean na lalasunin ko ang mga kamag-anak ko? Nagbibiro ka ba?” sabi ni Howie.
            “Do I look joking? Dapat mo na silang maunahan, bago ka pa nila ma-biktima, kagaya ng sa kuya mo.” sabi ni Frankie.

Umuwi agad si Howie sa kanilang bahay. Sisimulan na niya ang isang malaking plano upang matapos na ang paggamit ng kanyang sariling kamag-anak sa kanyang kuya. Paguwi niya sa bahay, nagtaka siya kung bakit wala na ang mga naglalamay. Nakita niya si Malen na tila may ginagawa.
            “Yaya Malen, asan na yung mga naglalamay dito? Bakit nawala? Asan na sila?” tanong ni Howie.
            “Naku, hindi ko nga alam eh. Sabi ni Barbara sa’kin, maglinis na daw ako. Hindi ko alam kung nasaan yung binuburol.” Sagot ni Malen.
            “Pwede bang tulungan kitang maghanda ng dinner? Gusto ko lang may gawin bago man lang ako kumain. Boring na kasi dito eh.” Sabi ni Howie.
            “O sige, samahan mo akong gumawa ng sopas para sa mga kamag-anak mo.” sabi ni Malen.
Sumama si Howie kay Malen patungo sa kusina para makapaghanda ng dinner. Habang hinahalo ni Howie ang isang saucepan na may lamang Cream of Crab and Corn, nag-ring ang telephone.
            “Naku, dito ka muna Howie at sasagutin ko lang ang telepono. Baka yung anak ko na yan.” Sabi ni Malen.
            “Sige lang po.” Sabi ni Howie.
Pansamantalang umalis si Malen ng kusina para sagutin ang telepono. Habang hinahalo ni Howie ang soup, inilabas niya ang dala-dalang bote na may lamang lason. Binuksan niya ang takip at ibinuhos ang lahat ng lason sa sopas saka ito hinalo. Sana naman, sa gagawin kong ito, matapos na ang lahat. At nang bumalik si Malen, itinuloy na ni Howie ang kanyang paghalo sa sopas.
            “Kamusta ka dyan Hijo?” tanong ni Malen.
            “Ayos lang po.” Sagot ni Howie.

Kinagabihan, habang nasa azotea si Howie, tinawag siya ni Dr. Joaquin.
            “Howie, halikan na at kakain na tayo.” Sabi ni Dr. Joaquin.
            “Susunod na po ako.” Sabi ni Howie.
Sumunod naman si Howie patungo sa Dining Hall. Andun at naka-upo na si Dr. Joaquin at Barbara, kasama ang kanilang katiwalang si Ipeng. May tatlong plato na may isang pares ng kubyertos ang nakalagay nang maayos sa hapag-kainan.
            “Oh, anong hinihintay mo? Halika na at masamang pinaghihintay ang pagkain.” Sabi ni Barbara sa kanya. Hindi ka ba makapaghintay Tita?
Pumunta si Howie sa kanyang pwesto sa hapag-kainan – katapat ni Barbara.
            “Ipeng, dalhin na dito ang sopas.” Utos ni Dr. Joaquin.

Pumunta si Ipeng sa kusina upang dalhin ang serving bowl, laman ay ang sopas na nilagyan ng lason ni Howie. Binigyan agad ni Ipeng sina Dr. Joaquin at Barbara ng kanilang sopas sa soup bowl at binigyan din niya si Howie sa kanyang lalagyanan. Takang-taka si Howie dahil hinahalo lang nina Barbara at Joaquin ang kanilang sopas. Bakit naman ang tagal nilang higupin ang sopas ko?
            “Howie, bakit hindi mo ginagalaw ang sopas mo? Hindi mo ba gusto ang luto ni Malen? Gusto mo bang magpaluto ako ng iba?” tanong ni Barbara.
            “Naku, hindi po. Katulong po niya ako sa pagluluto nito kanina eh. Nung tinikman ko, masarap naman po.” Sagot ni Howie. Naku, nadulas yata ako.
            “Then, bakit hindi mo simulang higupin ang sabaw? Ano bang kinakatakot mo?” tanong ni Dr. Joaquin.
Walang choice si Howie. Kinuha niya ang kanyang soup spoon, kumuha ng kaunti pero hindi niya magawang higupin.
            “Ipeng, tulungan mo nga si Howie na higupin ang kanyang sabaw.” Utos ni Barbara.
Lumapit si Ipeng at hinablot ang ulo ni Howie, sinusubukan niyang ibuka ang bibig ng binata. Tumayo si Barbara sa kanyang pagkakaupo, kinuha ang soup spoon at pinilit na isinubo ang laman nito sa bibig ni Howie.
            “Higupin mo ang sabaw…higupin mo ang sabaw! Akala mo ba hindi ko alam na balak mo kaming lasunin ni Joaquin? Akala mo ba mapipigilan mo kami sa aming mga balak? Sige, higupin ang sabaw para malaman mo kung anong ginawa naman sa kapatid mo.” sabi ni Barbara pero nagtagumpay si Barbara. Nahigop ni Howie ang sabaw na nilagyan niya ng lason. Hinayaan nila si Howie nang biglang bumula ang bibig nito at nangisay.

Nang magkaroon ng malay-tao si Howie, nagulat na lang siya sa kanyang nadatnan – siya’y nakahiga, dinadasalan ng dalawang pinuno ng kulto – sina Joaquin at Barbara, mga sarili niyang kadugo ang may ginagawang ritwal sa kanya. At may naririnig pa siyang mga boses – boses ng iba’t ibang tao. Nang ipinaling niya ang kanyang ulo sa kanan, nakita niya ang maraming tao – nakaluhod at sumasamba sa kanilang “Diyos” – ang Demonyong si Satanas. Puro itim at pula ang paligid ng kwarto. Mga kandilang kulay itim at puro itim at pulang tela ang kanyang nakikita sa buong paligid.
Sinubukang magpumiglas ni Howie pero pinipigilan siya nina Barbara at Ipeng.
            “Wala ka nang kawala! Hindi ko hahayaang mabunyag sa tao ang tunay naming pakay sa mundo!!! Ngayong gabi, lalaganap ang dilim…babalutin ng dugo ang buwan…mabubuhay nang mag-uli ang mga namatay at maghihiganti sa mga buhay.” Sabi ni Barbara pero hindi namamalayan ni Howie na may nagtatanggal ng mga tali sa kanyang mga paa. Sinubukan niyang tumingin sa ibaba at nakita niya doon si Malen.
Nang makawala ang mga paa ni Howie, pinuntahan ni Malen si Ipeng sa bandang likuran at sinaksak sa likod, senyales ito na makakawala na si Howie sa kanyang pagkakagapos.
            “Anong ibig sabihin nito? Traydor ka Malen!!!” sabi ni Barbara.
            “Tama na ang kabaliwan niyong dalawa ni Joaquin, ate!!!” sabi ni Malen.
Tinulungan ni Malen na makatayo si Howie at tumakas ngunit nagbigay ng utos si Barbara.
            “Mga kampon, hanapin at dakpin niyo sina Howie at Malen!!! Huwag kayong babalik dito hangga’t hindi sila naibabalik dito!!!” utos ni Barbara sa mga tao. Tumayo sila at naglakad. Lahat sila’y may hawak na kutsilyo, na gagamitin nila para sa kanilang ritwal. Nagtungo sina Howie at Malen sa kwarto ni Enrico upang pakawalan. Pagpasok nila, pinuntahan agad ni Howie si Enrico at niyakap.
            “Kuya, halika na. Aalis tayo dito, pupunta tayo sa lugar na kung saan makakapagpahinga ka. Halika na kuya…” sabi ni Howie nang niyakap siya ni Enrico.
Lumabas sila ng kwarto at bumaba ng hagdan patungo sa labas ng bahay. Paglabas nila, hinanap nila ang pinakamalapit na sementeryo – ang De Villa Memorial Park na nasa tabi lang nila. Pinasok nila ito at naghanap ng bakanteng hukay. Pagdating nila sa hukay na paglilibingan ni Enrico, andun na pala sina Joaquin at Barbara.
            “Akala niyo, makakatakas kayo? Nagkakamali ka Howie!!!” sabi ni Joaquin. Sinugod niya si Howie at kanyang sinakal. Nagkaroon ng kaguluhan sa sementeryo kaya sinubukang pakalmanhin ni Barbara ang kanilang mga kampon.
            “Mga kasama, kailangan na nating ialay ang ating sariling buhay, upang magkaroon ng panibagong buhay si Enrico at Howie. Kunin niyo ang inyong mga patalim at isaksak niyo sa inyong mga sarili.” Utos ni Barbara sa kanila.
Ang mga tao’y sumunod sa pinag-uutos ni Barbara. Gamit ang mga hawak nilang patalim, sinaksak nila ito sa kanilang mga sikmura at lahat sila’y namatay. Sinungaban ni Enrico si Joaquin at pareho silang nahulog sa libingan. Pinuntahan ni Barbara ang kanyang asawa.
            “Joaquin!!!” sigaw ni Barbara nang itulak siya ni Malen at nahulog siya sa libigan. Tumama ang kanyang ulo sa batong matulis na nasa libingan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nasama si Enrico sa libingan para tulungan si Howie.
            “Malen, tulungan mo ako dito!!!” sabi ni Howie pero hindi siya pinansin. Kumuha ng isang pala at nagsimulang magsaboy ng lupa sa libingan.
            “Patawarin mo ako, pero dapat ka na ring manahimik dahil patay ka na rin, tulad ng iyong kapatid.” Sabi ni Malen.
            “Ano? Imposible yun!!! Buhay pa ako…buhay na buhay ak…..ooooo…” sabi ni Howie pero tuluy-tuloy pa rin ang paglilibing ni Malen sa kanila.
Humingi ng tulong si Malen kay Frankie na napadaan sa sementeryo.
            “Frankie, tulungan mo akong ilibing sina Doc.” Sabi ni Malen.
            “Sige po.” Sabi ni Frankie.
Pinuntahan nila ang libingan at itinuloy ang paglilibing. Inabot na sila ng ulan nang makatapos. Tinanong ni Frankie si Malen kung asan na si Howie.
            “Asan si Howie?”
            “Patay na rin siya Frankie. Muli lang siyang binuhay kaya napakawalan ko siya.”

            “Kaya ayun. Tanging si Yaya Malen at Fr. Frankie lang ang nakaligtas. Kasi siyempre, sila ang naglibing kina Dr. Joaquin, Aling Barbara, pati na sa magkapatid. Kumalat ang balita sa buong bayan kaya sinunog nila ang katabing bahay at mas lalong lumaki ang sementeryo. At dumami rin ang mga nagpupunta dito para maglibing.” Pagwawakas sa kwento ni Kulas kina Ronnie at Chris.
            “May alam ka bang cr o palikuran dito?” Tanong ni Chris kay Kulas.
            “Doon. Lakad ka hanggang sa likod ng punong ito. Tapos lakarin mo yung mahabang daan patungo sa Comfort Room. Wag kang mag-alala kasi may ilaw naman dun.” Sagot ni Kulas.
Nilakad ni Chris ang daan patungo sa palikuran. Sa dami ng mga nagpupunta sa sementeryo nung gabing yun, nahihirapan siyang makipagsiksikan at makadaan. Ganito talaga kapag kailangang kumita ng pera…pero CR na nga lang, kailangan pa bang makipag-patayan sa mga bisita? Nakarating agad si Chris sa comfort room. Pagpasok niya, may mga ilang lalaki ang umiihi at nagbabawas ng kinain ang nasa loob. Medyo marumi na ang sahig dahil sa mga nagdadaang mga tao. Pinuntahan niya agad ang bakanteng cubicle, pumasok sa loob at nag-lock. Ibinaba niya ang kanyang pantalon at boxer shorts, umupo sa toilet at nagbawas.
Gawain na ni Chris ang makinig sa mga usapan ng mga taong nasa cr. Pero nung gabing yun, wala siyang marinig na usapan, bagkus ang tunog ng mga naglalakad na lalaki na gumagamit ng cr. Makalipas ng ilang minuto, nag-ayos na si Chris at lumabas ng cubicle pero nagtaka siya sa kanyang nadatnan.
            “Asan na ang mga tao? Maraming tao kanina dito ah?” tanong ni Chris.
Hindi na lang ito pinansin ni Chris. Nagpunta siya ng lababo upang maghugas ng kamay. Hindi niya namamalayan na may dumaang lalaki sa kanyang likuran. Mabagal ang lakad nito at animo’y may mabigat sa kanya. Ito ang kadenang nakalagay sa kanyang mga paa. At nagsimulang magpatay-sindi ang mga ilaw ng banyo.
            “Pambihira naman oh…wag naman ngayon!!! Gusto ko pang mag-asawa!!! Wala namang ganyanan!!!” sabi ni Chris. Nagmadali siyang lumabas ng banyo ngunit mas nagulat siya sa kanyang nakita.
            “Asan na yung mga tao? Kanina ang dami ng mga tao ah?!” sabi ni Chris.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn