Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 14 December 2010

NOBYEMBRE Chapter Five: Ang masaklap na katotohanan

07:20 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Hinanap ni Chris ang kanyang tinahak na daan pabalik kina Ronnie pero ngayon ay parang na-engkanto na siya. Oh my God!!! What is happening here? Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Ronnie. Sumagot si Ronnie.
            “Hello Ronnie, asan na kayo ni Kulas? Hindi ko na kayo makita eh.” Tanong ni Chris kay Ronnie.
            “Christian, puntahan mo ako dito sa tabi ng puno, sa pusod ng sementeryo…bilisan mo, bago ka pa niya abutan…nanganganib tayong dalawa dito…” sagot ni Ronnie, nagtatago sa likod ng puno mula sa isang taong nagbabanta sa kanilang buhay.
            “Okay…andyan na ako…wag kang aalis dyan ha?!” sabi ni Chris.
Kaya dali-daling pinuntahan ni Chris ang puno sa pusod ng sementeryo at natagpuan niya doon si Ronnie – takot na takot at parang may pinagtataguan.
            “Ronnie, ano bang nangyayari sa’yo? Nag-cr lang ako tapos ngayon, parang may humahabol na sa’yo. Ano bang nangyari?” tanong ni Chris.
            “Christian, makinig kang mabuti. Yung mga kinukwento ng bata, lahat yun ay totoo pero sinabi niya sa’kin na may mga kukunin pa ang puno at tayong dalawa daw yun. Siya pala ang gumawa ng krimen sa unang mga kwento niya – yung pinatay na pulis, yung babae sa bahay, yung matanda sa burol…siya lahat yun. Hindi ko rin maintindihan pero ang alam ko lang, hindi siya kasama dun sa huling kwento niya.”  Maikling kwento ni Ronnie pero hindi pa rin makapaniwala si Chris sa mga naririnig niya. Bilang dumating si Kulas, may dala-dalang bolo at kutsilyo.
            “Ano? Nakalabas ka pa ng CR…ang tanga niyong dalawa!!! Pero in fairness sa’yo, magaling ka…biru mo, ikaw na ang ika-anim na daan at anim na pu’t anim na biktima ko na kauna-unahang nakatanda sa direksyong sinabi ko sa’yo. Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng swerte mo, kapag napatay ko na kayong dalawa…” sabi ni Kulas, sabay labas ng isang matalim na butcher’s knife.
Lumapit siya sa dalawa, itinutuok ang patalim sa kanila at nagbanta.
            “At ngayong gabi, ang kwento niyo ay mapapabilang sa mga ikukuwento ko sa mga susunod ko pang biktima…kaya simulan niyo nang magtago!!!” pagbabanta ni Kulas sa dalawa na hindi nila namamalayang humahakbang na sila nang paatras.
Bumulong si Ronnie kay Chris.
            “Anong gagawin natin? Baka naman gusto mong maging headlines tayo bukas sa Network…” tanong ni Ronnie.
Napapikit si Chris at nagsimulang mag-isip ng paraan. Paano kami makakalabas dito sa masaklap na katotohanan na ito? Ano ba ‘tong pinasok namin? We need to get out of here, pero paano? Dumilat si Chris at sinagot ang tanong ni Ronnie.
            “Ang dali naman ng sagot dyan. Eh di…takbooooooo!!!!!” at tumakbo ang dalawa habang hinayaan lang sila ni Kulas.
            “Sige, tumakbo kayo nang tumakbo!!! Akala niyo ba, makakatakas pa kayo sa masaklap na katotohanang ang mga nangyari ngayong gabi, ay isang kwentong malapit ko nang sabihin sa mga susunod na bibisita dito!!!” pagbabanta ni Kulas sa dalawa.

Habang tumatakbo ang dalawa, tumingin si Ronnie sa kanyang likuran. Nakita niya ang isang malaking lalaki – may kadena sa kanyang leeg at mga paa at may takip ang kanyang ulo. Pero ang ulo ay may mantsa ng dugo.
            “Andyan na yung lalaking may kadena. Bilisan natin!!!” sabi ni Ronnie kaya binilisan nila ang kanilang pagtakbo. Pero mas nagiging mahirap ang kanilang pagtakas dahil wala silang ibang pinupuntahan kundi ang palibot ng puno sa gitna ng sementeryo.
Matapos ang ilang takbuhan, kinapos na ng hininga sina Ronnie at Chris kaya napasandal sila sa puno nang biglang may humatak sa kanilang mga kamay na mula sa puno.
            “Ano bang nangyayari sa’tin? Saan nanggagaling ang mga kamay?” tanong ni Ronnie.
            “Aba malay ko…” sagot ni Chris na sinusubukang kumawala sa pagkakahawak ng mga kamay na nanggaling sa punong kahoy.
Habang sinusubukan nilang magpumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga kamay ng punong kahoy, may bumababang mga baging mula sa puno at pumupulupot sa kanilang mga leeg.
            “Oh my God!!! This is the end!!! Anong gagawin natin? Gumawa ka ng paraan kasi ayoko pang mamatay noh!!!” nagpapa-panic na sinabi ni Chris kay Ronnie.
            “Sandali lang diba? Hinahanap ko si Kulas…kailangan natin ng posporo at gaas. Dapat masunog natin ang punong peste na ‘to!!!” suggestion ni Ronnie.
            “Wow…ang galing!!! Bago mo gawin yan, isipin mo muna kung paano tayo makakaalis dito, saka tayo maghanap ng gasolina at posporo!!!” sabi ni Chris.

Dumating bigla si Kulas, may dala-dalang kutsilyo na may bahid na ng dugo. Ipinahid niya ang talim ng kutsilyo sa kanyang mukha na naging dahilan para dumugo ito.
            “Ambilis ng oras noh?! Kanina lang, nakikipag-kwentuhan kayo sa’kin…ngayon, ako naman ang magiging taya…ipapakain ko kayo sa punong ‘yan…naging pagkain ng puno ang mga naikwento ko kanina…at ngayon, kasama na kayo…” sabi ni Kulas habang lumalapit kay Ronnie nang biglang tinadyakan niya ito at tumama ang ulo sa batuhan kaya pansamantala siyang nawalan ng malay. Nakawala rin sila sa pagkakahawak ng mga kamay ng puno sa kanilang dalawa.
Doon nakuha ni Chris ang kuneksyon ni Kulas at ng puno.
            “Dapat nga tayong kumuha ng gasolina at posporo…si Kulas at ang puno ay magkadugtong…para silang kambal or something…” sabi ni Chris.
            “Kaya pala marami siyang alam na kwento…” sabi ni Ronnie.
Kaya magkasama silang bumalik ng van, naghanap ng posporo at stock ng gasolina na libreng binibigay sa kanilang opisina. Nagbitbit silang dalawa ng tig-isang gallon ng gasolina at may bitbit na tig-isang lighter. Habang sila’y pabalik, pinigilan sila ng kanilang driver, si Ian. Isang loyal na company driver na kasama nila sa coverage.
            “Sir Chris, saan kayo pupunta? Bakit niyo dala-dala ang mga gasolina na yan?” tanong ni Ian.
            “Manong, bago tayo umalis dito sa impyernong lugar na ‘to, sunugin muna natin ang puno sa sementeryo…bago pa siya maghasik ng lagim dito…” sabi ni Ronnie pero humarang si Kulas.
            “Huwag niyong sunugin ang puno…huwag niyong sunugin ang puno…parang awa niyo na…” pagmamakaawang sinabi ni Ian sa kanila pero hindi siya pinakinggan nina Ronnie at Chris. Sinubukang pigilan uli ng kawawang driver ang dalawa pero wala pa ring nangyari.
            “Sir Chris, Kuya Ronnie, ‘wag niyo na pong sunugin ang puno…parang awa niyo na…” pakiusap ni Ian pero nakarating na sila sa puno. Binitbit nila si Kulas, kinuha ang hawak-hawak nitong kutsilyo, isinandal ni Chris ang bata sa puno.
            “Ronnie, are you sure about this? Sure ka na ba? Is that your final answer?” tanong ni Chris at walang naisagot ni Ronnie kundi “Game na game na!!!” at isinaksak ang kutsilyo sa sikmura ng bata, tagos sa puno.
            “Anong ginawa niyo?!!! Anong ginawa niyo?!!! Itigil niyo na ‘yan!!!” sabi ni Ian pero wala na siyang nagawa. Binitbit nina Ronnie at Chris ang mga dala nilang gasolina, isinaboy ito sa mismong bark at paligid ng puno. Pinipilit nilang buhusan ng gasolina ang buong puno at pagkatapos nito’y sinindihan nila ang mga hawak-hawak nilang lighter at itinapon sa puno.
Bigla itong nagliyab na nagsilbing liwanag sa madilim na bahagi ng sementeryo. Ngunit habang nasusunog ang puno, ay parang may nasusunog din sa kanilang likuran.
            “May napapansin ka bang nasusunog?” tanong ni Chris.
            “Meron nga…” sagot ni Ronnie.
Pagtingin nila sa likod, nakita nilang nasusunog nang buhay si Ian…hanggang sa unti-unti itong maging abo.
            “IIIIAAAAANNNN” napasigaw na lang si Chris sa kanyang nakita. At may mga nagsilabasang mga puting usok sa iba’t ibang bahagi ng puno. At lahat ng mga usok na ito’y pumupunta sa kalangitan, patungo sa kawalan.
            “Siguro naman, tapos na lagim dito. May mauumpisahan na akong kwento para sa deadline ko.” sabi ni Chris.
            “I think we need a break from work. Sa dami ng nakuha nating information, diretso na tayo ng network at umuwi na tayo, bago pa may humatak sa mga paa natin.” Sabi ni Ronnie.

Habang nagmamaneho sila pabalik ng network, may napansin silang amoy sunog sa likuran ng kanilang sasakyan. Amoy bagong sunog at naaagnas.
            “Ronnie, naaamoy mo ba yun? Parang amoy sunog…” tanong ni Chris.
            “Tignan mo sa likod…” sagot ni Ronnie.

Tinignan ni Chris sa likod, wala naman nakita si Chris.
            “Wala naman pala…baka yung sinaing na kanin sa kapitbahay.” Sabi ni Chris.
Habang nagmamaneho sila, may narinig naman si Ronnie na bumubulong sa kanilang likuran.
            “Akala niyo ba, tapos na? Nagsisimula pa lang ako…”
Biglang dumungaw sa kanilang gitna ang sunug na sunog na katawan ni Kulas.
            “Aaaahahahhahahhhhhhhh!!!” napasigaw na lang sina Ronnie at Chris habang nasa gitna si Kulas.

                                                    ~~~~ W a k a S ~~~~

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn