Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Thursday, 11 November 2010

What is Love "CHAPTER TWO"

07:11 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
September 24 nung naging kami ni James kung kaya naman after one month ay birthday ko na. October 22 ang birthday ko at hindi ko inaasahan na bago ako uuwi ay may matatanggap ako na regalo mula sa kanya. Isa itong puting teddy bear sa loob ng isang lata na mabibili mo sa mga gift shops. Ito ang unang pagkakataon na may nagbigay sa akin ng teddy bear. I was so touched and grateful.
"Happy birthday." sabi niya.
"May handaan sa bahay namin, baka gusto mo magpunta?" Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ay ibang iba ang paguugali ko, siguro gusto ko lagi akong maganda at mabait sa paningin niya. Baka kasi ma turn off siya pag nakita niya kung gaano ako kadamak sa tunay na buhay. Biro lang po.
"Hindi kasi ako nakapag paalam eh, kailangan ko ng umuwi."
"Uhm okay. Thank you sa bear." simple ko na lamang tugon. Hinatid niya ako sa school bus at agad naman din kaming nagpaalam sa isa't isa.

"Punta ako sa bahay niyo ah mamaya." sabi ni Martin. "Isasama ko din itong si Dave." Si Dave ay ka schoolbus ko din na mas bata sa amin ng apat na taon. Patpatin ito at parang laging may uhod sa kanyang ilong.
"Sige basta katok lang kayo. Nagluto si Mommy ng spaghetti." Dumating nga sila noong hapong iyon dala dala ang kanilang mga sarili. Sila lang at iilang kapitbahay ang bisita ko. Labing dalawang taong gulang na ako. Tumatayo tayo ako every 10 minutes para i check ang teddy bear ko na nasa kwarto. Jamie ang pinangalan ko sa kanya para sa ganoon ay malapit ang pangalan nila ni James at syempre para maalala ko si James pag nakikita ko siya.

Dumating ang December. Ang December ang isa sa mga paborito kong buwan nang taong yun dahil unang una dahil pasko. Ako ang tipo ng batang napakahilig sa pasko, I just love the christmas trees, the lights, ang simoy ng hangin. Lahat ng about sa pasko. Isa sa mga paborito ko sa lahat ay ang pagsisimbang gabi. Sabi kasi nila pag nakumpleto mo yun ay magkakatotoo ang wish mo. Gabi gabi naman kaming nagsimba ni Mommy sa pinakamalapit na chapel sa aming bahay. Sa simbang gabi na iyon ay wala akong ibang hiniling kung hindi kami na sana ang magkatuluyan. Panghabambuhay. Napatingin ako sa singsing na silver na nasa hinliliit ko. Kanina lang ay christmas party namin. Nagkaroon ng exchange gift kung saan ang nabunot ko ay si Martin. Sa kanya napunta ang dala dala kong panyo na pang exchange gift. Nakakuha naman ako ng isang picture frame na siyang balak kong paglagyan ng mga picture ko. Bawal ako maglagay ng picture ng ibang tao sa bahay namin, kung ayaw kong masaktan. Nag try na ako before pero nawarningan lamang ako. Anyway balik sa singsing. Kanina tumabi sa akin si James matapos ang exchange gift, naghiyawan tuloy ang mga classmates ko.
"May ibibigay ako sayo." sabi niya. Nilabas niya ang isang blue na box at iniabot sa akin. Binuksan ko iyon and I found a silver, little ring. Kinuha niya iyon at sinubukang isuot sa palasingsingan ko. Pero hanggang sa gitna lamang ang inabot nito.
"A- ako na." nahihiyang boluntaryo ko. Hindi ito kasya sa palasingsingnan ko kung kaya't nilagay ko na lang siya sa hinliliit ko. "Thank you." sabi ko. Nakakahiya, ang laki naman kasi ng kamay ko eh.
Nagkunyarian na lang kami na walang nangyari. Hinawakan niya ang kamay ko at niyaya niya akong umalis na ng classroom. Pauwi na din naman ako, it seemed like ihahatid niya na naman ako sa schoolbus. Nakasunod sa amin ang ilan naming kaklase sa likod niya habang kami naman ay naglalakad papunta sa parking lot. Para kaming may mga body guards.

"May hihingin nga pala akong regalo sayo." sabi niya. Naku, as if naman may pera akong pambili ng regalo niya.
"Ano yun?"
"Pwede bang ikiss ka sa pisngi?" Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ang tanging nakakahalik lang sa akin ay ang Dad ko at kahit na sinong pamilya ko dyan. Okay that's a joke. Meron na din naman akong nahalikan dati. Noong bata pa ako, na french kiss ako dahil sabi niya naglalaro lang kami ng snow white - snow whitan. Pero naman batang bata pa ako noon, malay ko ba doon?
"Uhm o sige." sabi ko na lang sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa aking pisngi. Hindi ko ma explain pero para bang may sumabog sa sikmura ko. Eto ba yung fireworks o kuryente na sinasabi nila pag first true kiss? Hmmm.

Hindi kami madalas magusap ni James, swertihan na lang kung magkakatinginan kami sa loob ng isang araw. Ako naman ewan ko ba sobrang naco- consious ako but then, at least hindi naman naaapektuhan ang pagaaral ko. Pero yun nga dahil I am not acting myself feeling ko ang liit liit ng mundong ginagalawan ko, mundong laging kilig lang ang pakirandam.

Isang araw, nakita ko ang isa kong classmate na si Alyssa na kinukurot ang ilong ni James na para bang nanggigigil. May narandaman akong kurot sa aking katawan, pero hindi sa ilong ko kung hindi sa dibdib ko. Naman, hindi niya dapat landiin si James! Ano ang karapatan niya para gawin yun aber? Hindi ko na lang namalayan na tumulo ang luha ko. Gosh I'm so sensitive talaga. Kasi naman si James parang tuwang tuwa siya sa mga pangyayari. "Ang cute cute mo talaga." sabi pa ni Alyssa. Lumabas ako ng classroom dahil lunch break naman at walang teacher sa loob. Di ko din naman namalayan na sinundan ako ni James sa labas.

"Jhea, okay ka lang?" tanong niya sa akin. Hindi ako tumingin sa kanya. Nahihiya ako. Kinuha ko ang panyo ko sabay ipinunas sa mga mata ko. Ayokong sabihin na nagseselos ako, ayokong sabihin na galit ako sa ginawa sa kanya ni Alyssa. Si Alyssa ang tipo ng babae na grabe kung makipag flirt, ni hindi nga ako makalapit sa sarili kong boyfriend eh, siya pa? Ang kapal niya! Bakit ba hindi siya kumuha ng boyfriend na may ilong para yun ang pagdiskitahan niyang kurutin.
"Okay lang ako." sabi ko ng nakangiti.
"Bat ka umiiyak?" tanong niya.
"Hindi ako umiiyak." nakangiti kong sabi.
"Tara, magta time na, pasok na tayo sa loob." at pumasok na nga kami sa loob ng classroom. Hay naku Jhea may nalalaman ka pa kasing pa emote emote dyan eh, hindi mo naman kayang sabihin ang nararandaman mo. I never had the chance to explain myself that time. Hindi ko nasabi na kaya ako lumabas at nag emote ay dahil may kumurot sa ilong niya. Okay na din naman sa akin na lumabas din siya at sinundan ako, tinanong kung okay lang ako. Well at least nakarandam siya di ba?

Noong sumunod na araw ay nilibre niya ako ng lunch sa may canteen. Binilhan niya ako ng paborito kong macaroni spaghetti at isang coke in can. Beinte peos lang kasi ang baon ko tapos madalas ay nagbabaon naman ako kaya iniipon ko na lang ang pera ko.
"Masarap ba?" tanong niya.
"Oo." sagot ko naman sa kanya. Kaming dalawa sa canteen, face to face. Parang kaming dalawa lang ang nasa canteen. Sa katahimikan namin na iyon, kontento na kami. Masaya na kami na magkaharap na kumakain. There's no need of too much talk, and much touch.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn