Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 16 November 2010

What is Love? "CHAPTER THREE"

07:27 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Noong Valentines day, ay niregaluhan ako ni James ng teddy bear but this time wala na siya sa can, nasa plastic at transparent na garapon na siya. Meron itong hawak na rose at 'i love you' na card. Kasama din nito ay isang card na halatang hindi niya sulat kamay. I think sulat kamay ito ng Ate niya. Matapos naman ang lunch break, habang kami ay nagka klase ay may kumatok sa aming pinto na siyang binuksan ng isa sa  mga kaklase ko sa likod. Narinig ko na lang na tinatawag niya ang pangalan ko.
"Cindy para sayo daw." sabi ng Home Economics teacher namin. Tumayo naman ako agad at lumabas. Sino naman kaya ang taong ito at sa gitna ng klase ay inistorbo pa ako. Paglabas ko ay nakita ko si Daniel, kaklase ko siya noong grade 5 kami, matangkad siya at singkit ang mga mata, semi kalbo naman ang hairstyle niya. Hawak hawak niya ang isang rose na naka wrap na binebenta sa may labas ng school kanina. Kasama niya ang isa naming schoolmate na hindi pamilyar sa akin ang pangalan.
"Jhea, happy valentines daw." pangunang bati ng kasama ni Daniel, si Daniel naman ay nakangiti lamang habang inaabot ang bulaklak.
"Happy Valenties." sabi ko naman. "Akin ba 'to? Thank you ah."
"Oo para sayo yan." sabi niya, nakangiti pa din.
"Sige papasok na ako, may klase pa kami eh." Pumasok nga ako sa loob ng classroom at kahit itago ko ang hawak kong bulaklak ay may nakapag report pa din kay James na may nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi lang yun ang huling bulaklak na natanggap ko, nakatanggap din ako mula kay Martin. Binigay niya sa akin yun nung nasa may schoolbus na kami at pauwi na.

Noong graduation namin sa gradeschool, hindi ko na inisip kung paano kami magkikita ni James. Para sa akin ganito pala ang magkaboyfriend. May tawag ka isang beses sa isang linggo, may regalo ka pag merong okasyon, meron ka ding halik sa pisngi. At ang pinaka okay sa lahat ay meron kang tagabitbit ng malaki mong bag. Eto siguro ang puppy love na kahit hindi naman kayo madalas na naguusap, ay nagkakaunawaan kayo.
"Diyan ka pa din naman magaaral sa highschool di ba?" tanong niya sa akin pagkatapos ng graduation na ginanap sa gymnasium. Bumalik kasi kami sa classroom para isoli ang nirentahang toga.
"Oo naman." sagot ko.
"Tawagan na lang kita ah." sabi niya. Wala naman kasi silang telepono kaya siya lang ang pwedeng tumawag sa akin. At wala din naman akong cellphone para itext siya.

Dumating ang Abril at Mayo. Nagkaroon ako ng crush sa isang kapitbahay namin. Ricky ang pangalan niya, moreno, makulit, madaldal (kahit hindi pa kami naguusap, yan lang ang paglalarawan ng Mommy ko dahil madalas silang dalawa ang nagkwe kwentuhan). Siya yung tipong bad boy ang dating sa akin. Kinikilig ako pag sa tuwing nakikita ko siya sa may labas ng bahay namin. Tama ba ito Jhea? Although hindi naman siya magtatagal sa bahay na Aling Susana dahil naman nagbabakasyon lang siya, ewan ko pero parang gusto ko ng makipag break kay James na isang beses lang sa isang linggo kung tumawag.

"Pustahan tayo Jhea, tatawag sa akin si James bukas." sabi ko sa kapatid ko na natutulog sa kabilang kama.
"Matagal na siyang hindi tumatawag sayo ah. Lampas isang linggo na din. Pero sige pag hindi siya tumawag, akin na lang yung ice cream na tira mo kanina, pero pag nanalo ka susundi ko ang utos mo sa loob ng isang araw."
"Okay deal." sabi ko.

Kinabukasan, monthsary namin, alam kong tatawag siya dahil hindi naman siya pumapalya sa pagtawag pag sa tuwing monthsary namin. Naghintay ako hanggang alas nwebe ng gabi pero walang tawag na dumating para sa akin. Nainis ako. Bakit ganoon? Bakit hindi siya nakatawag?

The night ends up na lang na kinakain ng kapatid ko ang strawberry icecream ko na tinipid tipid ko pa para sa susunod na araw. Nakatulog na lamang ako na iniisip kung paano ako makikipag break kay James. Mahiyain ako, oo at napakalaking pagsubok sa akin kung paano ko sasabihin sa kanya na ayoko na.

After two days ay tumawag na nga siya. Hindi daw siya nakatawag noong monthsary namin dahil nasa Zambales daw silang magkakapamilya at wala daw siyang pera pangtawag. "May sasabihin sana ako sayo eh."
"Sige okay lang may ten minutes pa naman tayo, ano ba yun?" sabi niya.
"Hmm, mag break na tayo kasi nahihirapan ako sa ating dalawa." walang emosyon kong sabi.
"Ha? Sigurado ka?"
"Uhm, oo."
"O sige." matapos lamang ang ilang sandali ay binaba na din namin ang telepono. Tapos. Tapos na ang aming relasyon. Yun na pala yun. Ni wala man lang akong narandamang sakit. Ganoon lang pala kadali ang makipag break, pero sa totoo lang hindi ko maiwasang makonsensya dahil mukhang malungkot ang boses niya pagkababa namin. Sinubukan ko na lamang burahin sa isip ko ang konsensya na iyon, ang importante, malaya na ako.

Super kinikilig talaga ako pag nakikita ko si Ricky. I spent the rest of my summer looking at the window, baka kasi matyempuhan ko siya. Pag hindi ko siya nakikita sa kwarto lang ako nagbabasa ng mga pocketbooks. Nawiwili na din si Jhea magbasa ng libro, pero hindi ko naman nakikita ang apekto sa kanya. Siguro talagang wala lang siyang magawa. Hindi nagtagal ay natapos din ang summer, and school will start. Nakita kong may dala dalang malaking bag si Ricky, aalis na siya. Malamang ay uuwi na dahil magsisimula na ang klase sa susunod na linggo. Nalungkot ako, tapos na pala ang summer fling ko. Tapos na ang pagsilip silip ko sa bintana at tapos na din ang excitement. "Tita," tawag niya sa Mommy ko. "Pakisabi na lang kina Jhelyn aalis na ako." Tama ba ang naririnig ko? Binanggit niya ang pangalan ko! Ibig sabihin kilala niya ako! Gosh! Nalungkot man ako sa pag alis niya, natuwa naman ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn