Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 5 November 2010

What is Love? "CHAPTER ONE"

08:18 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
Una akong nagka boyfriend noong ako ay nasa grade six, James Acosta ang pangalan niya, dahil mga bata pa nga kami noon ay katchupoy ang kanyang hairstyle na kung iisipin ko nga ngayon ay nababaduyan ako. Well that was ten years ago. Matangos ang ilong niya, bilog na bilog ang mga mata na nababagay sa kanyang maamong mukha. Medyo malaman ang kanyang 5 ft na pangangatawan at moreno ang kulay ng kanyang balat. Sa edad kong labing isa, ay naging crush ko siya. Crush dahil siguro pinahiram niya ako ng lapis kung kailan ako nangangailangan. Hanggang sa medyo inaaasar ko na siya dahil pag sumasayaw siya ay matigas ang kanyang katawan. Pero di ko yun alintana dahil pangalan pa lang niya ibang kilig na agad ang nararandaman ko. "James, I love you daw sabi ni Jhelyn!!!" sigaw ng ka schoolbus kong si Martin. Grade four pa lang kami ay ka school bus ko na siya, matangkad siya, may pagka maputi, at may hitsura. Naging crush ko din siya noong grade four pa lang kami kaso tumagal lang ata ng isang linggo ang crush feeling ko sa kanya dahil naisip ko masyado siyang maputi for me. Magmumukha lang kaming milo at gatas. Naging malapit na kaibigan ko din siya dahil madalas ay pinagtatanggol ko siya sa mga kaklase kong nangaasar sa kanya na putok. Putok kasi lagi siyang amoy kili kili. Well noong grade six kami noon pero noong grade four kami, lagi siyang parang espasol na hindi malaman sa dami ng powder sa leeg niya. Pawisin lang siguro siya talaga. Siya din ang taga buhat ng stroller kong bag at ng isa kong back pack na puno ng mahigit sampung libro at sampung notebook. Gentleman siya sa akin kung kaya naman give and take din kami.

"Ano ba, wag kang maingay!" Napatingin si James mula sa kalayuan at nakita kong kumaway siya sa akin mula sa field. Parang gusto kong pahintuin ang schoolbus sa pagalis para lang makababa. Pero exam namin ngayon at kailangan ay ala una pa lang ay nasa bahay na ako. Napaupo ako sa upuan ng maayos ng suwayin ako ni Mang Romy ang drives ng bus. "Hindi mo dapat sinigaw yun." sabi ko kay Mart "short for Martin".
"Ano ka ba, alam na rin naman niya na crush mo siya eh, sabi niya nga sa akin ay crush ka din niya."
"Weh?" kinikilig kong tanong.
"Oo nga at sinabihan ko din siya na pag niligawan ka niya ay dadaan muna siya sa akin."
"Grabe naman 'to ligaw agad iniisip. We should get to know each other first!"
"Sabagay tama ka."

Isang gabi habang nanood kami ng comedy show sa tv bandang alas nwebe na ng gabi, nag ring ang aming telepono. Friday yun kaya okay lang na late kami matulog. Si Jhea ang sumagot ng telepono. "Ache (panganay na babae sa chinese), ikaw hinahanap. Lalake!" Napatingin ang Uncle Dan at Auntie Faye ko. Kinabahan tuloy ako. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Wala naman kaming assignments ah.

"Hello?"
"Hello si Jhelyn ba ito?" bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Malalim ang boses niya at pamilyar.
"James? O napatawag ka?" sabi ko, tanging ang tv lamang na 14/ 50 lamang ang volume at ang dibdib ko na kakabog kabog ang tanging naririnig ko sa ilang sandali hanggang sa wakas ay magsalita siya.
"Kamusta ka na? Masakit pa ba ang suntok sayo ni Irvin?" Si Irvin ang kaklase kong alam kong may crush din sa akin, nabuhusan ko siya ng powder sa mukha kanina pero di ko naman inaasahan na suntok ang igaganti niya sa akin, suntok sa likod na masakit ng ilang segundo lamang. Umiyak lang naman ako sa school kanina dahil unang una nakakahiya sa mga nakakita at pangalawa dahil hindi ko akalain na susuntukin niya ako ng ganoon. Akala ko crush niya ako? Eh buhusan ko ba naman siya ng powder sa mukha eh.
"Uhm, okay na naman ako." tugon ko. Jhelyn ano ka ba naman, parag ang hinhin ko!
"Sigurado ka? Wag kang magalala, iginanti na kita sa kanya."
"H- ha? Anong ginawa mo?"
"Basta wag mo ng alalalahanin." Ganoon? Teka, paano nga ba niya nalaman ang number ko?

"Ako nga nagbigay sa kanya." sabi ni Martin nang usisain ko siya kung siya ba ang nagbigay. "So dapat pasalamatan mo ko."
"Ganoon? Okay fine, salamat." Ako pa pala may utang na loob sa mokong na ito. Hmp! Pero remembering our conversation with James, nawawala lahat ng problema ko. Three minutes lang ang paguusap naming iyon dahil sa payphone lang siya tumatawag.
"O natutulala ka na naman diyan?"
"Eh bakit ba? Gusto ko eh." pangbabara ko kay Mart.

Sa telepono nga ako niligawan ni James. Hindi pa kasi uso ang cellphone noon. At isa pa kung may cellphone man ako, wala din naman akong pambili ng load. Siya ang unang unang nagpakilig sa akin. Ang mga magulang ko noon ay parehong nasa Hong Kong kung kaya naman ang Auntie ang unang nakaalam noong ako ay datnan. Ang Uncle ko naman ang unang bumili ng aking napkins. "Ipahid mo sa mukha mo para hindi ka magkataghiyawat!" apura sa akin ni Auntie na siya namang ginawa ko. Takot ako sa taghiyawat dahil ayokong mabahiran ang makinis kong mukha kung kaya naman ay sinunod ko ang mga sinabi niya.

Nagsilabasan nga ang mag simtomas ng aking pagdadalaga. Gosh, nagdadalaga na si Jhea! AHAHAHA! Okay balik tayo kay James. Dahil niligawan niya ako sa telepono ay sinagot ko din siya sa telepono. Siguro pareho lang kaming mahiyain sa isa't isa kung kaya't ang mga kaibigan pa namin ang gumagawa ng paraan para makapag usap kami ng personal. "Hi." aniya tapos ngingiti lang ako. Yun na yun. Kahit nga mga teacher namin ay pinagtatabi na kami. Ewan ko ba. Well at least supportive sila. Dahil nga sa telepono niya ako nilagawan, sa telepono ko din siya sinagot. Dumating na ang Mommy ko nu'n kung kaya't mas lalo akong nakabantay sa telepono at sa volume ng boses ko.
"Cge na, oo lang naman o hindi ang sagot eh." naaalala ko pang sinabi niya.
"O sige pero pag sinagot kita gusto ko tayong dalawa lang ang nakakaalam."
"O sige." sabi niya. "Tayong dalawa lang ang nakakaalam."
"Okay sige oo na."
"Talaga?"
"Oo nga, basta ah keep your mouth shut na lang." pa cute kong sagot.
"Oo ba."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn