Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 17 November 2010

What is Love? "CHAPTER FOUR"

07:50 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Highschool starts. Iba pala talaga ang highschool, I went to the same school kung saan ako nag gradeshchool. Meron din naman kasi itong highschool. Isang limang minutong sakay ng tricycle at limang minutong sakay lang ng jeep ang layo ng bahay sa school namin. Nakatira ako sa Camella Zone, isang kilalang subdivision sa lugar namin. Isang mayamang politiko ang nagmamayari nun, nagpagawa nga siya ng daanan mula subdivision papunta sa siyudad mismo.

Anyway highschool can be a bit cruel sometimes. Naging seatmate ko Cedric na palagi na lang ako inaaasar. Pinagtatawanan ako pag hindi ako nakakasagot, tinatago ang sapatos ko, at kung anu ano pa. To the point na halos maiyak ako sa mga pinagagagawa niya. Naalala ko si James, kung kami pa sana at magclassmate sana kami, wala siguro nangaaway sa akin ngayon. Pero wala na kami, at isa pa iba na ang section niya. Naging crush ko naman this time si Jerry, magaling sa Math, cute at cute at cute. Moreno siya, medyo singkit ang mata, tapos ang sarap tingnan ng mga labi. Nalaman ko na crush niya ako at well, nalaman niya na crush ko siya. Pero sabi ko nga highschool is cruel. Hindi na kami nagkakilanlan pa, dahil may napapabalita na may crush daw siya kay Joice na isa sa mga classmates ko. Maraming ka tropa si Joyce na bahagi ng mga popular groups. You know how highschool are, too many categories. So ako naman doon ako sa grupong hindi popular. Haha, ayoko ng dagdagan ang descritption ko sa grupo na yan at baka may umalma pa. Anyway may pangalan naman ang grupo namin: Tropang Ungas. Saan ka pa?

Back to Joyce, tama bang harangin nila ako paglabas ko ng classroom para lang tanungin kung may gusto ako kay Jerry? Buti na lang at kasama ko doon ang katropa kong si Isaac. "Siya ang ka MU ko Joyce, don't worry." sabi ko na lang. "May itatanong pa ba kayo sa akin?"
"Hindi, sige pwede ka ng umalis." aniya. Naasar man ako sa mga sinabi niya tuluyan ko ng isinara sa pagiisip ko na magkakagusto pa sa akin si Jerry. It's all a stupid crush anyway. Sa paglalakad naman namin ni Isaac, tinanong niya ako kung totoo daw ba ang sinabi ko na siya ang ka MU ko. Nakalimutan ko naman na may gusto talaga siya sa akin. Lang ya naman o. Pero bakit ba hindi ko muna ibaling sa iba ang atensyon ko? Para naman hindi ako mukhang tanga dito na basta basta na lang nahaharang. Need to get myself a boyfriend once again.

"Kung gusto mo pwede maging tayo." Tuluyan ko ng binago ang pakikipag deal ko sa isang relasyon. Ayoko ng mahiya. Gusto ko ng ipakita ang totoong ako.
"Talaga?" Tumango lang ako. Mas matangkad ako kay Isaac, bilog ang mukha niya pero hindi mo naman masasabing mataba siya. Moreno ang balat niya at pulang pula naman ang mga labi. Tulad ni James ay katchupoy, yung may hati sa gitna ang buhok niya. Kung kami ni James ay nagtatawagan isang beses sa isang linggo kami naman ni Isaac ay nagsusulatan araw araw. Kung kaya naman no wonder nagsawa ako after two weeks at nakipag break ako sa kanya. Wala naman kasi kaming ginawa maghapon sa classroom kung hindi magpasahan ng note na puro pagmamahal ang nilalaman tulang ng ganito:
"Jhelyn, mahal na mahal kita, ang mga mata mo ay sing ning ning ng mga bituin sa langit. Mamaya sabay tayo kain ah. Ano food mo? May dala pala akong ensaymada for you. PS: Wag mo ipasa kay Cath, parang binabasa niya eh. Mwah mwah... blah blah blah".

Nag concentrate na lamang ako sa pagaaral ko. Ayoko na munang mag boyfriend hanggat di pa talaga ako nafo- fall. Mahirap na, napakahirap magkamali.

Halos lumipas ang buong first year highschool ko na walang nangyayari sa love life ko. I focused on my studies na medyo napapabayaan ko. Love and studies can't just go together. Or so I thought.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn