Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 7 November 2010

Undas CHAPTER TWO: Takbo

06:34 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Halos sabay sabay nagdapaan ang mga estudyante, maging ang taong nagsalita sa mikropono. Isang sundalo ang biglang nagsisigaw sa harapan ng pasukan ng Recto Hall. Nakataas ang kaniyang baril at nakatutok sa kadiliman ng labas ng malaking silid. Parang may anghel na dumaan at biglang tumahimik ang lahat habang pinapakinggan ang sundalo na parang may kinakausap sa labas.
“Huwag kang lalapit. Huwag, huwaAAAAAAAAAAA-” at sa isang iglap ay naging animoy fountain ang sundalo ng dugo habang may kumakagat at kumakain sa kanya. Nakatitig lang ang mga tao sa loob ng kwarto na para bang nakakulong sa isang litrato ang pangyayaring yoon, nang biglang huminto bigla sa pagkain ang nilalang sa sundalo at umungol ng nakakapanindig balahibo. Ang tunog nito ay parang sirena ng isang firetruck na tumataas ng tumataas at parang hindi na titigil pa. Ito ay anyung tao ngunit imbis na balat ay nababalot ng mga butas butas na mistulang kamukha ng sa galamay ng pugita. Kulay pula ito na parang sanggol na kalalabas sa sinapupunan. Bigla itong tumigil sa pag-ungol at kasabay nito ay pagpasok pa ng isa..dalawa..tatlo.. lima ng kanyang uri ang kasama na niya sa harap ng pintuan.
Bigla na lamang naramdaman ni Joe na may kamay sa kamay niya at sisigaw sana siya ng makitang si Aubriza ang nagmamay-ari nito. Sabay nakita niya ang luha sa kanyang mga mata. May sinasabi siya ngunit walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Dahan dahan pa at pinagmasdan niyang mabuti ang sinasabi ni Aubriza.. Tao? Takbo? Takbo. Yun ang salita. Ngunit hindi niya alam kung saan sila tatakbo dahil nakaharang sa pintuan ang mga nilalang na iyon. Isang estudyante ang biglang bumasag ng katahimikan at sumigaw ng malakas, “AAAAAAAAAAAH!!!!”. Ang kanyang sigaw ay marahil dala ng halo-halong emosyon. Takot at pagkalito sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Tumingin sa kanya ang anim na nilalang at umungol ng sabay sabay, parang mga demonyo na umaawit ng kanta ng kamatayan. Dito na nakawala ang mga tao sa mga hindi makitang rehas na nakatali sa kanila at lahat ay nagtakbuhan patungo sa likod ng Recto Hall. Isang malaking pagkakamali, dahil lumapit ang mga nilalang at hinabol ang mga estudyante.
Hindi na pinanuod ni Joe at Aubriza ang mga pangyayari dahil sila rin ay tumakbo na. Hila hila ni Aubriza si Joe palabas sa entrance, na siyang nagpakilabot kay Joe. Ngunit sa isang hindi maipaliwanag na paglalaro ng kapalaran ay hindi sila hinabol ng mga nilalang na iyon at bagkus ay itinuong ang kanilang atensyon sa mga taong nagpupuntahan sa likod. Nakalabas sila ng Recto Hall at sabay tumakbo pababa ng hagdan. “Saan tayo pupunta?” Ang pahagulgol na sabi ni Aubriza. Nag-isip si Joe. Saan, saan kaya sila tatakbo upang makaligtas sa bangungot na ito? At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naisip niya ang kanyang gurong si Matchegani, na nawala sa likod ng chapel bago siya magising sa bangungot na ito.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn