Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 14 November 2010

Undas CHAPTER THREE: Iwan

06:49 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Habang iniisip ni Joe si Matchegani ay napahinto siya dahil hindi na niya maramdaman na kasama niya si Aubriza. Kanyang napansin din na humihingal siya sa pagod. Umakyat siya ng kaunti sa hagdan at nakita si Aubriza sa susunod na palapag, nakatingin sa malayong kadiliman ng gabi.

"Aubriza..Aubriza!" Hinawakan niya ang babae bawat braso nito at kanyang sinubukang gisingin ito sa kanyang pananaginip ng gising. Hindi parin siya pinapansin ni Aubriza kaya siya din ay napatingin na din sa direksyon na itinuturo ng mga mata ng kanyang kaklase. Siya ay nagulat sa kanyang nakita.

Sa ibabaw ng kalangitan ay may isang ilaw na animoy lumalaki ng lumalaki. Ang akala ni Joe ay sumisikat na ang araw. Ngunit hindi pala. Unti unting lumalapit ang araw. Mali. Ang mundo ang unti unting lumalapit sa araw. Paunti unti ay tumutulo na ang pawis ni Joe at Aubriza. Kinilabutan si Joe. Saan na kami tatakbo? Anu ba tong bangungot na to? Kung hindi kami makakain ay masusunog naman kami sa araw. Kanya na sanang natanggap na sila ni Aubriza ay maglalaho kasama ng buong mundo sa isang maapoy na wakas ng biglang mabasag ang kanyang pagkakasemento sa lugar na yon ng may tumunog na parang sirena na napakalakas. Ang mga nilalang. Agad kinuha ni Joe ang kamay ni Aubriza at sabay tumakbo pababa ng gusali. Si Aubriza ay parang nahimasmasan na din ngunit ngayun naman ay umiiyak na habang sinasabing paulit ulit..."Saan tayu tatakbo? Saan?Saan..." Hindi na pinansin ni Joe ang mga pagbulong ni Aubriza dahil baka panghinaan din siya ng loob.

Nung makalabas sila ng gusali ay nagulat si Joe at Aubriza sa kanilang nadatnan sa labas ng eskwelahan. Walang bakas ng kahit sinung tao. Magulo ang daanan. Ngunit ang kanilang pinakapinagtatakahan ay ang kawalan ng dugo. Bakit walang dugo? Hindi ba sila kinain ng mga nilalang na nagtungo sa Recto Hall? O baka kumakain sila ng walang iniiwan kahit mga dugo. Ang lahat ng ito ay masyadong komplikado para kay Joe at Aubriza, kaya hawak kamay ay naglakad sila at sinubukan maghanap pa ng isang buhay na kaluluwa. Matapos ang 7 bahay ay susuko na sana sila, sa takot din na ang mga nilalang ay mahabol sila, ng biglang may nakapagpatigil kay Aubriza at hinila niya si Joe sa isang madilim na eskinita.
"Aubriza, bakit?" Ang tanong ni Joe.
"Pssst. Wag ka magingay... Tumingin ka doon sa daanan."
Tinignan ni Joe ang daanan at napansin may isang tao sa gitna nito. Kanya na sanang tatawagin ang atensyon nito ng bigla siyang matigilan. Ang tao ay nakasuot ng animoy isang belo na nakapalibot sa kanyang katawan, ngunit kung susuriin ay walang laman ang belo dahil matatanaw mo ang loob nito. Ang nakapagpatigil kay sa lahat ng ito ay ang ulo ng tao. May ulo ito, ngunit sa ibaba ay wala nang kadugtong na katawan, na para bang pugot na ulo mula sa isang kwentong katatakutan tuwing undas.

"Joe... natatakot ako.." Ang sabi ni Aubriza habang tumutulo ang bagong sapa ng luha sa kanyang mukha. Walang masabe si Joe dahil siya ay natatakot din, at bigla siyang nagulat nang direktang tumingin sa kanila ang nakabelong ulo. Ito ay animong lumulutang.
"Kayo...Naiwan kayo..."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn