Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 7 November 2010

NOBYEMBRE Prologue

07:37 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Kapag dumadating ang petsa ng October 31, November 1 at November 2, nagsisimulang magpuntahan ang mga tao sa mga sementeryo para dalawin ang mga namatay nilang kamag-anak.
Isang news anchor ang nagsasagawa ng isang coverage sa De Villa Memorial Park, isa sa mga pinakamalalaking sementeryo sa Pilipinas. Isang lalaking nasa bente-kwatro anyos, maganda ang tindig ng katawan, maayos ang buhok, nakasuot ng polo t-shirt na kulay itim, naka-maong na pants, at rubber shoes. May hawak na microphone at ang kanyang iPhone. Habang ang kanyang cameraman ay nakasuot ng t-shirt na black and red, maong na pants, rubber shoes at maayos ang buhok na may gel.
Nagsimulang mag-countdown ang cameraman.
            “Oh, Christian, ready…in 3…2…1…and…” sabi ng cameraman at nagsimula nang magsalita ang reporter.
            “Yes Andrea. Kasalukuyan ay naririto tayo ngayon sa isa sa mga pinakamalaking sementeryo sa buong Pilipinas – ang De Villa Memorial Park, kung saan ay naguumpisa nang magsidatingan ang mga tao para bumisita sa puntod ng kanilang mga namayapang kamag-anak…” introduction ni Christian.
Nagtanong ang News Anchor na si Andrea Pamintuan, mula sa North Cemetery para sa coverage ng kanilang News Program – ang Balitang Gabi.
            “Christian, sa tantya mo, gaano na karami ang nagpupunta dyan sa iyong lugar ngayon?” tanong ni Andrea.
            “Andrea, naglalaro sa pagitan ng dalawampu’t limang libo katao ang dumadagsa ngayon dito. As of tonight, wala pa namang nahuhulihan ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa loob ng semeteryo, gaya ng mga matutulis na bagay, baraha, component, alak at ipinagbabawal na gamot.” Sagot ni Christian.
            “Maraming salamat Christian Del Ca…aahhhhh….” Napasigaw si Andrea sa nakita niyang coverage ni Christian nang makita niyang may dumaang babae sa mismong harapan ni Christian.
Nagulat din ang cameraman sa kanyang nakita. Natigil ang coverage kaya pinuntahan ni Christian ang kanyang cameraman.
            “Ano bang nangyari? Bakit sumigaw si Andrea?” tanong ni Christian.
            “Christian, naputol tayo sa ere.” Sagot ng cameraman.
Nag-hysterical si Christian sa kanyang nalaman.
            “Kuya Ronnie, paanong naputol sa ere? Hindi pa naman tayo tapos mag-telecast nang live ah?! You have to do something or else, pareho tayong malalagot niyan kay ST.” sabi ni Christian.
Pero nung sinusubukan nilang i-switch on ang kanilang camera, bigla na lang itong sumabog.
            “May sumpa yata ‘tong lugar na ‘to eh. Bakit ba dito tayo na-assign para mag-coverage? Malas naman!!!” sabi ng kanilang lightman.
Napatingin si Christian sa kanyang likuran at natanaw niya ang isang malaking puno na may mga nakasabit. Hindi naman Christmas pero may nakasabit. Hindi niya ito pinansin at itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang team nang biglang may mga taong nagsusuguran sa loob ng sementeryo.
            “Ano yun? Kuya Ronnie, puntahan natin…balita rin ‘to.” Sabi ni Chris pero pinigilan siya ni Ronnie.
            “So mas importante pa sa’yo ang nangyayaring event sa cemetery kaysa sa mga kagamitan natin dito? Sinong maiiiwan dito?” tanong ni Ronnie.
            “May mga tao namang in-charge dito eh. Kuya, tignan natin kung anong meron dun.” Yaya ni Chris.
Wala namang choice si Ronnie kundi ang sumama sa kanyang nakababatang pamangkin. Pumasok sila sa loob ng sementeryo at sinubukang makipagsiksikan sa mga tao dun. Nang marating nila ang puno, nakita nilang may mga nakasabit. Tinanong ni Chris ang isang bata sa kanyang tabi.
Madumi ang damit ng batang nasa anim na taong gulang. Semi-kalbo ang gupit ng kanyang buhok, naka-paa at may suot na beltbag.
            “Bata, alam mo ba kung bakit nagkukumpulan ang mga tao dito sa puno? Anong meron?” tanong ni Chris.
            “Kuya, tumingin ka sa itaas ng puno. May napapansin ka ba?” sabi ng bata. Nice talking! Tinanong kita tapos instruction naman ang sagot mo.
Tumingin sa itaas si Chris, inilabas ang dala-dala niyang payong na may built-in flashlight at nakita niya ang limang pares ng maruruming talampakan na nakabigti pala sa mga branches ng puno. What the – sinong gumawa nito?
Napasigaw na lang si Chris sa kanyang nakita habang nagtakbuhan rin ang mga tao palabas ng sementeryo. Pinuntahan ni Ronnie si Chris na hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
            “Ano bang meron at nagtakbuhan sila?” tanong ni Ronnie.
            “May limang tao na nakabigti sa mga branches ng punong yan. And no one knows kung anong nangyari sa kanila. I think, they’ve been there for a year already. Their bodies are all rotten, grabe!” Sagot ni Chris.
            “Alam ko po ang nangyari sa kanila. Gusto niyo po bang malaman kung paano sila napunta dyan?” sabi ng bata sa kanila.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn