Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 9 November 2010

NOBYEMBRE Chapter Two

05:48 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
“Alam mo, kulang na lang dito sa set-up natin, bonfire…bingo! May camping na tayo dito sa sementeryo. Kuya Ronnie naman, bakit mo naisip suhulan ng pagkain si Kulas, baka naman wala nang open na fastfood chain dito.” Sabi ni Chris.
            “Hayaan mo na, habang naghihintay tayo dito ng balita, may ghost stories tayo. Di ba, yan ang hilig mo noon? Kwento sa’kin yan ng kapatid mo, bago kami naging mag-asawa.” Sabi ni Ronnie
Kumalabit si Kulas kay Chris.     
            “Kuya Chris, magkakasama po ba kayo ni Kuya Ronnie sa bahay?” tanong ni Kulas.
            “Ummm…oo. Kasi bahay nila yun, basically yung parents ko, nasa Amerika na. Nakatira ako sa bahay ng youngest sister ng nanay ko, na asawa ni Kuya Ronnie mo. Hindi naman magkakalayo ang mga age namin kaya okay lang na tawagin ko siyang ‘kuya’. Bakit mo natanong?” paliwanag ni Chris.
            “May kwento po ako, tungkol sa isa sa mga napatay dito. Na may kinalaman din sa bahay.” Sabi ni Kulas.
Sa sobrang excitement nina Chris at Ronnie, itinigil nila ang kanilang mga ginagawa para pakinggan ang kwento ng bata.
            “Simulan mo na…habang hinihintay natin yung burger at fries mo.” Sabi ni Chris.
            “Okay. Nakatira sila sa isang magandang bahay pero may isa pa silang bahay.” Pagsisimulang kwento ni Kulas

Isang maulang Martes ang sumalubong sa mag-asawang sina Bryan at Leslie Legaspi. Pumasok sila sa opisina ng isang lalaking nagngangalang “Anton Domingo”. Kumatok sila sa pinto.
            “Come in.” sabi ni Anton, nakaupo sa kanyang silya habang may ginagawa sa computer.
Pumasok ang mag-asawa at binati si Anton.
            “Good morning sir. Andito na po kami.” Sabi ni Leslie, nasa 32 years old, nakasuot ng blazer at blouse, apple green na slacks at flats.
Tumayo si Anton.
            “Good to see you. Please have a seat.” Sabi ni Anton.
Naupo ang dalawa. Sinimulan na ni Anton na ibigay ang kanilang next work.
            “May bago tayong project. Kailangang niyong mahanapan ng buyer ang isang property sa Malibago St. Hindi maibenta ng mga kalaban natin eh, so baka tayo ang maka-bingo!” sabi ni Anton.
            “Bakit daw hindi maibenta? Napa-bendisyunan na ba yan sa pari?” tanong ni Bryan, isang 35-year-old na kahit malapit nang mag-kwarenta, mukha pa ring bente-singko anyos. Nakasuot siya ng short-sleeved dark blue polo, black slacks at leather shoes.
            “Hindi rin daw nila alam. Sinubukan na nilang ibenta sa iba pero walang bumibili kasi marami daw nakakakitang may gumagalang kaluluwa sa bahay na yun.” Kwento ni Anton.
            “Okay sir, just give us the address at pupuntahan namin sa Thursday.” Sabi ni Leslie.

Kinagabihan, umuwi sina Brian at Leslie sa kanilang bahay sa St. Helena Executive Village. Isang two-storey house na Mediterranean-style ang itsura sa labas. Pagpasok nila sa loob, andun ang isang binatang nasa nineteen years old, nakasuot ng muscle sando, board shorts at slippers. Nanonood ng balita sa kanilang TV habang nakaharap sa kanyang computer.
            “Hi ate, kuya…” bati ng binata sa mag-asawa.
            “Grabe ka Ronald! Papaano mo nakakayanang manood ng mga ganyang balita habang nasa harap ka ng laptop mo? Para ba sa school yan o para sa kalokohan mo?” tanong ni Leslie habang nagpunta ng kusina, kumuha ng baso at inilagay ito sa dispenser.
            “Ate, I’m doing this for my future career as a journalist. Dapat masanay ka na kasi magiging newscaster ang kapatid mo. Ayaw mo nun, makikilala pamilya natin.” Sabi ni Ronald.
            “Ituloy mo lang yan. By the way, kung wala kang gagawin this Thursday, samahan mo kami sa pupuntahan namin. May mahihita ka dun…” sabi ni Brian habang hinuhubad ang kanyang sapatos.
            “At saan naman yan?” tanong ni Ronald.
            “May bahay sa Malibago St., dito lang sa village. Sabi nila, hindi raw maibenta yun. The reason? Nobody knows.” Sagot ni Brian. Sigurado ako, punung-puno na yun ng alikabok at  agiw.

Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ni Leslie sina Ronald at Brian para kumain ng dinner. Habang kumakain sila, may sinabi si Ronald sa mag-asawa.
            “Ate, kuya, sleep-over bukas dito si Lyka ha?! May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa kanyang project. Nagpapatulong eh, tungkol sa mga bahay.” Sabi ni Ronald.
            “Hmmm…girlfriend mo na ba si Lyka? Baka naman may gagawin kayong milagro dito ha. Ayokong binababoy ang bahay ko.” sabi ni Brian.
            “Kuya naman, alam mo namang wala pa akong balak magka-girlfriend. May mga dati akong projects na baka makatulong sa kanya. Para maisama ko na rin siya sa bahay na pupuntahan natin sa Thursday.” Paliwanag ni Ronald na ikinabigla ni Leslie.
            “Isasama mo si Lyka? Eh baka kung anong pakialaman niyo ha?! Baka may masira tayo dun. Mahirap na, baka lalong hindi maibenta ang bahay.” Sabi ni Leslie pero nagbitaw ng pangako si Ronald.
            “I’ll promise, wala kaming papakialaman sa bahay. Baka makatulong pa kami para ma-repair yung mga sira dun. Mapaganda natin at maging saleable na siya sa mga house hunters.” Sabi ni Ronald.

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan sa kalakhang Maynila at sa mga karatig-probinsya nito. Naghihintay si Ronald at ang kasama niyang si Lyka sa bahay. Si Lyka ay isang 22-year-old Architect/Interior Designer sa school kung saan nag-aaral si Ronald ng AB Journalism. Nakasuot siya ng t-shirt na dilaw, bolero na itim, maong na pants at naka-ponytail ang buhok.
Habang naghihintay sa maagang pag-uwi ng mag-asawa, nagkukuwentuhan sila sa Lanai habang kumakain ng Spaghetti with Marinara Sauce.
            “Grabe ka Ronald, gusto mo akong isama para lang tignan ang isang bahay na hindi maibenta? Are you out of your mind? Dapat ngayon, nag-reresearch tayo about sa project ko, sabi ng teacher ko ay ikaw lang ang may ganung klase ng model house unit, perfect for a large family.” Pagka-iritang sinabi ni Lyka.
            “Lyka naman, gawin mo na ‘tong pabor for me. Malay mo, maayos mo yung bahay. Di ba, nagtapos ka ng Interior Design? So you can help my sister and my brother-in-law na magkaroon ng make-over yung bahay para naman maibenta na.” pakumbinsing sinabi ni Ronald.
            “Saan ba yang bahay na yan?” tanong ni Lyka.
            “Sa Malibago St. dito lang sa’tin.” Sagot ni Ronald na ikinabigla ni Lyka habang umiinom ng grape juice.
            “Sira ka ba talaga? Hindi mo ba alam yung kwento tungkol sa bahay na yun?” sabi ni Lyka.
            “Bakit? Ano bang storya meron sa bahay na yun at lahat kayo ay paranoid?” tanong ni Ronald.
            “Okay, let’s put up this way. Nakapanood ka na ba ng ‘The Grudge’? Kahit Japanese o Hollywood version.” Tanong ni Lyka.
            “Ummm…yah, but it was a long time ago! Kainis nga kasi parang walang katapusan yung gulatan. Tapos yung multong nanay, parang espasol na may Strawberry Syrup yung mukha. Parang na-embalsamo.” Sagot ni Ronald.
            “Parang ganun ang kwento. Pero ang twist, yung magkapatid ay nakatakas mula sa mahigpit na tatay. So si kawawang mommy na lang ang naging biktima.” Sabi ni Lyka.

4:00 pm
Dumating ang mag-asawa mula sa work. Nakita nila sina Ronald at Lyka sa Lanai habang pinag-uusapan ang tungkol sa The Grudge.
            “At anong issue na naman yan? Kita niyong umuulan eh dito pa kayo nagsagawa ng ‘talk show’, eh may sala naman tayo.” Sabi ni Leslie habang nagpunta ng kusina si Brian para uminom ng tubig.
            “Ate, sayang naman ang view. At isa pa, I’m having a discussion with her, with regards dun sa bahay na pupuntahan natin bukas. Maybe she could offer her help in renovating and designing the property. Who knows, maibenta na yang bahay na yan.” Sabi ni Ronald.
            “Naku, kailangan talaga namin ang isang Interior Designer. At kapag kumita kami, bibigyan namin siya ng porsyento.” Sabi ni Brian.

Dumating ang araw na pupuntahan nila ang bahay na hindi maibenta. Kahit medyo malayo ito sa street nila, kinailangan nilang mag-kotse para makarating doon. Naka-upo sa likuran ang mga girls habang nasa front ang mga boys.
            “Ate Leslie, mahirap po ba ang trabaho niyo bilang Real Estate Agent?” tanong ni Lyka.
            “Hindi naman. Basta matiyaga kang magbenta sa tao ng mga bahay, okay na rin. At least, nakakatulong kang mabigyan sila ng tutuluyan.” Sagot ni Leslie.

Nagkaroon ng bonding ang dalawa sa likuran habang hinahanap nina Brian at Ronald ang Malibago St.
            “Asan ba kasi yung bahay na yun? Dati, nakikita ko yun bago ako pumasok sa school eh.” Sabi ni Ronald na kinagulat ni Brian.
            “Dumadaan ka dito? Alam mo ba kung saan ang entrance gate ng village?” papilosopong tanong ni Brian.
            “Alam ko naman. Pero may kinukuha akong mga halaman dito for the experiment. Basta, ang luma ng bahay na yun, parang guguho na nga sa pagkaluma eh.” Sabi ni Ronald.

Hanggang sa matapat sila sa isang bahay na gawa sa kahoy at bakal ang gate. Andun ang nameplate ng house address.
            “666? Ano ‘to, bahay ng demonyo? Kaya ba hindi ito maibenta kasi 666 ang number nito?” tanong ni Leslie pero siniko siya ni Lyka.
            “Ate Leslie, wag naman po kayong ganyan. Hindi naman po porque’t 666 ay number na ng demonyo. Sabi sa Feng Shui, ang number 4 ay sumisimbolo sa kamatayan.” Sabi ni Lyka.
Binuksan nila ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Maganda ngunit mukhang dinaanan ng bomba ang façade ng bahay. Bukas na ang mga pinto kaya pumasok sila sa loob. Bumungad sa kanila ang nakapangingilabot na amoy ng animo’y nasusunog na lamang-loob ng tao. Napatakip ng panyo sina Lyka, Leslie at Ronald
            “Ano ba yan! Saan naman galing ang amoy na yun?” tanong ni Ronald kaya sinubukan nilang hanapin ang pinanggagalingan ng masangsang na amoy na yun. Nagpunta ng kusina si Leslie, ng mga banyo si Ronald, ng garden si Brian at sa mga kwarto si Lyka.
In fairness, ang gaganda ng mga rooms dito! Pwede kong haluan ito ng mga Asian theme para magustuhan ng mga buyers, pero nakakainis talaga ang amoy!!!
Nang pumasok si Lyka sa Master’s Bedroom, nakita niyang puro kurtinang sunog, mga sunog na cabinets at sunog ang kisame. Sinubukan niyang buksan ang cabinet at bumulaga sa kanya ang laman ng misteryosong cabinet.
            “AAAAAAHHHHHHHHHH” napasigaw si Lyka sa kanyang nakita kaya nagsi-akyatan ang iba. Nang matagpuan siya ay bigla na lang silang nagulat sa kanilang nakita – isang sakong nangangamoy sunog na lamang-loob ng tao.
            “Sinong gumawa nito?” tanong ni Leslie.
            “Anong gagawin natin dito? Baka sabihin nila, tayo ang may kagagawan nito.” Pag-aalalang sinabi ni Lyka.
            “May naisip na akong paraan.” Sabi ni Brian.
Gamit ang mga lamesa, inilagay muna pansamantala ni Brian ang sako sa loob ng drawer sa gilid ng kama. At kanilang kinandaduhan ito.
            “Dapat bukas, simulan na natin ang pagpapalano sa major make-over ng bahay na ito. Kapag natapos na, make sure na may space tayo para sa kisame.” Instruction ni Brian.
            “Para saan ang kisame Brian? Don’t tell me…” tanong ni Leslie.
            “Dun ko ilalagay ang sako para walang makahalata o makaamoy.” Sagot ni Brian.

Makalipas ang ilang sandali, nilisan nina Brian ang bahay at umuwi. Sa kanilang pag-uwi, nakita ni Brian ang isang matandang babaeng nakatingin sa kanya. Nasa seventies na ang matanda na nakatitig lang sa kanya. Ano bang gusto nito? Kaya hindi na lang pinansin ni Brian at nagmaneho paauwi.
Sa bahay, hindi makatulog si Lyka dahil sa kanyang nakita sa abandonadong bahay. Ilang beses niyang gumawa ng speculations tungkol dun pero wala siyang magawang tamang hula kung sino at bakit ginawa yun sa kanya. Hirap makatulog si Lyka kaya kinausap niya si Ronald tungkol sa mga nangyari.
            “Ronald, sa palagay mo, sino kaya ang gumawa nun sa katawan ng nasa sako? Grabe naman yun. Parang hindi makatao.” Sabi ni Lyka.
            “Sabi nga sa pelikulang Sigaw, ‘wag kang makikialam, hindi ka nila pakikialaman’. Kaya tigilan mo na yan. Mahihirapan kang makagawa ng prospective design para sa interiors ng bahay.” Sabi ni Ronald at humiga na, nagtalukbong ng kumot at natulog.

Sa kwarto ng mag-asawang Brian at Leslie, pawis na pawis si Brian habang hindi siya makatulog, animo’y binabangungot. Isang babaeng humihingi ng tawad ang nagpakita sa kanya sa panaginip. May sinasabi ito habang siya’y unti-unting tinutupok ng nangangalit na apoy.
            “Tulong…tulungan mo ako…parang awa mo na…tulungan mo ako…” sabi ng babae sa kanyang panaginip at bigla siyang nilamon ng apoy. Nagising si Brian sa kanyang pagkakatulog. Naalimpungatan si Leslie.
            “Oh, bakit? Anong problema? Binabangunot ka ba?” tanong ni Leslie.
            “Isang babae…sinusunog…humihingi ng tulong…” sagot ni Brian.
            “Sinong babae? Hindi kita maintindihan Brian.”
            “Yun siguro ang babaeng sunog na nakita ni Lyka sa bahay.”

Dumaan ang bahay sa isang major renovation at total make-over. Makalipas ang ilang buwang paghihirap at paggastos, natapos din nila ang bahay. Pero may isa pang “finishing touch” si Brian na hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya. Pumasok siya sa loob ng Master Bedroom, binuksan ang drawer at andun pa rin ang sako. Kinuha niya ito at inilagay sa tabi.
Binuksan ni Brian ang personalized ceiling door at doon niya inilagay ang sako sa loob at kanyang isinara uli.
            “May you rest in peace. Ayokong gawin ‘to pero kinakailangan para may bumili na sa bahay na ito.” Sabi ni Brian.
Matapos nito’y umalis na ng bedroom si Brian at binalikan ang kanyang mga kasama na nasa Living Area at umiinom ng softdrinks.
            “Alam mo Brian, may naisip akong ideya…bakit hindi natin ito ipa-bless sa pari para mawala ang mga bad spirits dito sa bahay, kung meron man.” Suggestion ni Leslie.
            “Oo nga naman. Tapos, sabihin natin kay Sir na pwede na itong ibenta sa publiko. I’m sure, magugustuhan nila ang bahay na ito dahil bago na ang itsura niya.” Sabi ni Brian.
            “Tapos kami muna ang bahalang mag-take over dito sa house. Kami ang hahawak ng susi ng bahay. And then, kung may gustong tumingin, pwede naming ipakita sa kanila.” Suggestion ni Ronald.
            “Ah…okay…”
Bago sila umalis, kinuhanan muna nila ang bahay ng mga litrato for advertisement purposes. Iba’t ibang anggulo para maipakita ang bagong mukha ng bahay na ito. Matapos nito’y umalis na sila.
Nilapitan ng babaeng nakita ni Brian ang gate ng bahay. Kanya itong hinawakan at bigla siyang nakaramdam ng panghihina.
            “Kahit binago niyo ang mukha nito, mananatili itong madumi at makasalanan.”

Naiwang mag-isa si Ronald nang tumunog ang doorbell.
            “Sandali lang.” sabi ni Ronald. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga sa sofa, lumabas ng bahay at pinuntahan ang gate. Isang babaeng matanda ang tumambad sa kanya.
            “Ano po yun? May problema po ba?” tanong ni Ronald.
            “Kayo ang nag-ayos ng bahay dun sa Malibago Street di ba?” tanong ng matanda.
            “Sino po ba kayo?” tanong ni Ronald.
            “Tawagin mo na lang akong Nana Esme. Hindi niyo alam ang tunay na kwento tungkol sa bahay na iyon. Kahit anong bihis niyo sa bahay na yun, mananalaytay ang amoy ng dumi, dugo at kamunduhan.” Sabi ni Nana Esme.
Pero imbis na maniwala si Ronald, pinaalis niya ang matanda.
            “Wag niyo pong mamasamain, pero hindi po ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kakilala. Pasensya na po.” Sabi ni Ronald, saka pumasok sa loob ng bahay.

Inabot ng gabi si Ronald sa kakahintay sa mag-asawa. Habang siya’y naghihintay, nag-ring ang kanyang cellphone at kanyang sinagot.
            “Hello? Oh, busy ka ba? Tawagan mo ako sa telepono ngayon na. May ikukuwento ako sa’yo tungkol sa nangyari kanina.” Sabi ni Ronald.
Makalipas ang ilang sandali, nag-ring ang telephone kaya sinagot ito ni Ronald.
            “Lyka, may pumuntang matanda dito. Tapos sinabi niya, kahit anong bihis natin sa bahay na yun, mananalaytay ang amoy at lansa ng bahay na yun. Hindi ko maintindihan.” Kwento ni Ronald kay Lyka na nasa kabilang linya.
            “Ha?! Ang labo mo naman! Gusto mo, puntahan natin yung bahay bukas ng gabi? Trip-trip lang. Kung gusto mo, isama mo sina kuya Brian at ate Leslie.” Sabi ni Lyka.
            “Sige ba. Tutal, Sabado naman bukas at walang pasok.”

Kinabukasan, nagmamadaling umalis si Ronald ng bahay nang masita siya ni Brian na nagbabasa ng dyaryo sa garden.
            “Hoy, at saan ka pupunta? Mukha kang maglalayas ah!” sita ni Brian.
            “Hindi ako maglalayas, mag oovernight ako dun sa bagong ayos nating bahay. May aalamin lang ako kasi hindi ako mapanatag dun sa sinabi ng matanda kahapon eh.” Sabi ni Ronald.
            “Anong matanda? Sinong matanda?” tanong ni Brian.
            “There’s this old woman who went here yesterday. Sabi niya, kahit anong bihis natin sa isang bahay, mananatili ang mga lihim at mabahong amoy nito. Kaya aalamin ko kung ano yun.” Sagot ni Ronald.
            “Sinong magkakasama mo? Make sure na hindi ka mag-iisa dun.” Sabi ni Brian.
            “Okay. Nakuha ko na yung susi ng bahay. Aalis na ako.” Paalam ni Ronald.
Umalis ng bahay si Ronald nang naiwan niya ang kanyang cellphone sa kwarto. Sinusubukang tawagan ni Lyka si Ronald pero walang sumasagot.
            “Bakit hindi mo sinasagot? Hala, baka umalis na yun…” hinala ni Lyka. Kaya pumunta na rin siya sa bahay, nagbabakasakaling andun na si Ronald para sa kanilang overnight stay sa bahay.
Pasado alas kwatro ng hapon na nang magkita sina Ronald at Lyka sa bahay. Inis na inis si Lyka dahil iniwan ni Ronald ang kanyang cellphone sa bahay niya.
            “Kung hindi ka ba naman tanga, eh dapat dinala mo na ang cellphone mo! Baka kung anong mangyari sa’tin sa loob, hindi man lang natin sila ma-inform. Kung minsan talaga, umiiral yang pagiging burara mo!” talak ni Lyka.
            “Hindi ko naman alam na naiwan ko pala yung cellphone ko. May digicam naman akong dala para makuhanan ng pictures yung bahay kapag gabi na, so hindi ko na dinala ang cp ko. Eh malay ko ba namang tatawag ka.” Sabi ni Ronald.
Binuksan ni Ronald ang padlock at gate ng bahay. Binuksan din nila ang main entrance door, pagpasok nila ay ganun pa rin ang itsura ng bahay na kanilang iniwan pagkatapos ng make-over.
            “In fairness, maganda pa rin siya. So, saan tayo tutulog?” tanong ni Lyka.
            “Dun ako sa boy’s room.”  Sagot ni Ronald.
            “Eh, may choice pa ba ako? Eh di sa girl’s room ako.” Sabi ni Lyka. Ala namang tabihan ko ang kolokoy na ito?
Umakyat ang dalawa sa second floor ng bahay. Magkatapat ang dalawang kwartong kanilang pinili habang nasa dulo ang kwarto para sa mag-asawa o ang tinatawag na Master Bedroom. Sabi raw ng mga matatanda at ng mga mahilig sa Feng Shui, malas daw ang magkatapat na pinto ng kwarto sa bahay.
Habang nagmamasid si Ronald sa kanyang pansamantalang tutulugan, may naririnig siyang parang gumagapang sa kisame ng bahay. Imposibleng may daga na agad dito. Pero hindi niya ito pinansin at kinuha na lang ang kanyang dala-dalang laptop para gumawa ng isang research paper.
Samantala, kausap ni Lyka sa kanyang cellphone ang kanyang friend.
            “My God! I can’t believe that I’m doing this thing…hindi nga, totoo talaga…eh malay ko bang ito ang plano ni Ronald…” tumigil sa pag-chika si Lyka nang may narinig siyang gumagapang sa kisame ng bahay. “Ano yun?...may narinig akong gumagapang sa kisame eh…baka naman daga yun…sige, babye na…” at pinutol na niya ang kanyang phone call. Lumabas siya ng kanyang kwarto at kinatok si Ronald.
            “Ronald? Ronald?” tanong ni Lyka.
            “Pasok ka.” Sagot ni Ronald.
Pumasok si Lyka at naabutan niyang naglalaro ng computer game si Ronald. Umupo siya sa isang chair na malapit sa bintana ng kwarto.
            “Alam mo ba, ang weird ng narinig ko kanina…parang may gumapang sa kisame kanina.” Kwento ni Lyka.
            “Naku, akala mo ikaw lang? Pati rin ako, narinig kong may gumagapang sa kisame. Parang may nakatirang tao dun, or parang nakulong sa kisame.” Sabi ni Ronald.
Muli nilang narinig ang tunog ng gumagapang – ngayon ay naglalakad na.
            “Kanina, gumagapang…ngayon naglalakad na. Tignan natin kung sino yun.” Sabi ni Ronald. Lumabas sila ng kwarto at hinanap nila kung nasaan ang naglalakad. Pero wala silang nakita ngunit nagtaka sila kung bakit bukas ang pinto ng Master Bedroom. Bakit bukas yun?
            “Kanina ba, nakasara yan? Di ba, naka-lock yan? Bumili pa nga tayo ng mga doorknobs na hindi madaling mapasok ng magnanakaw eh.” Tanong ni Lyka at tumungo na lang.
Pumasok sila sa loob ng kwarto. Nakita agad nilang bukas ang isang parte ng kisame. Nag-inspection ang dalawa sa buong paligid ng silid – ang mga ilalim ng kama, mga cabinets, pati ang banyo...wala silang nakita. Muli silang nagtagpo at naupo sa kama.
            “Haay…wala naman tayong napala sa paghahanap eh.” Sabi ni Lyka.
            “Oo nga eh. Tawagan mo si Kuya Brian. Sabihin mo, may butas sa kisame. Hindi natin alam ang gagawin.” Sabi ni Ronald.
Inilabas ni Lyka ang kanyang cellphone at tinawagan si Brian na nasa bahay. Hindi siya nakapasok dahil sa trangkaso. Nakahiga si Brian sa kama habang nagpapahinga nang mag-ring ang kanyang cellphone.
            “Hello? Oh, kamusta kayo dyan?” tanong ni Brian.
            “Kuya Brian, may butas yung kisame…tapos kanina nung nag-uusap kami ni Ronald sa kwarto niya, biglang may gumagapang sa kisame at bukas na yung Master Bedroom…” sagot ni Lyka nang biglang sumara ang kanina’y nakabukas na pinto ng kwarto.
Pinuntahan ni Ronald ito at sinubukang buksan ngunit hindi niya ito magawa.
            “Lyka, na-trap tayo dito! Ayaw magbukas eh…” sabi ni Ronald.
            “Subukan mo uli…kuya? Kuya?” sabi ni Lyka. Unti-unting nawawalan ng signal ang kanyang cellphone hanggang sa mag-battery empty ito – kahit ito’y fully-charged nung wala pa sila sa Master Bedroom.
            “Oh, no!!! Paano ngayon yan?” pag-aalalang sinabi ni Ronald nang biglang nangisay ang binata. Tumirik ang kanyang mga mata at sinusubukang pakalmahin ni Lyka pero hindi ito sapat upang manumbalik ang dating katinuan ni Ronald.
            “Uy, wag ka namang magbiro nang ganyan please…wag kang magbiro nang ganyan…” pag-aalalang sinabi ni Lyka kay Ronald. After five minutes, biglang kumalma ang binata. Muling kinausap ni Lyka si Ronald.
            “Ronald, okay ka na ba?” tanong ni Lyka.
Pero hindi nakasagot si Ronald. Bigla siyang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga sa kama at hinalikan si Lyka. Para siyang nawawala sa sarili, gustong pigilan ni Lyka pero malakas si Ronald. Pinipilit na inilalayo ni Lyka si Ronald at nang mailayo niya ito, sinampal niya ito.
            “Yan ang gusto ko!!! Yung lumalaban!!!” sabi ni Ronald.
Pwersahang inihiga ni Ronald si Lyka, pinaghahalikan sa labi at leeg. Sinira ang pang-itaas na damit at pinaglaruan ang mayabong at masustansyang parte ng kanyang katawan. Umiiyak na si Lyka sa pinaggagagawa ni Ronald ngunit nangisay uli si Ronald. Nanginig sa sahig ang binata at huminto ito. Parang ayaw na niyang lapitan ang binata at bigla siyang bumangon at sinakal si Lyka. Nanlaban ang dalaga pero inuntog ni Ronald si Lyka sa bintana ng kwarto. Nabasag ang salamin at duguan na si Lyka.
            “Yan ang nababagay sa mga nanlalaban sa’kin!” sabi ni Ronald, nanlilisik ang kanyang mga mata kay Lyka nang biglang bumagsak ang natitirang salamin ng bintana at naputol ang ulo ng dalaga. Nahulog ang ulo ni Lyka sa garden at dun lang bumalik sa normal na pag-iisip si Ronald.
            “Lyka!!! Lyka!!! Anong nangyari sa’yo? Diyos ko…” maluha-luhang sinabi ni Ronald. Lumapit siya sa katawan ni Lyka. Hinila niya ito at nang nailapag niya sa kama, wala na itong ulo.
            “Patawarin mo ako…hindi ko alam ang mga nangyayari…” sising-sisi na sinabi ni Ronald nang may isang babaeng nakatiwarik ang lumabas sa kisame, hinablot si Ronald at hinatak papaitaas. Naiwan na lang ang kanyang mga sapatos sa sahig.
Bumalik si Nana Esme sa bahay ni Brian. Pinindot niya ang doorbell nang tatlong beses. Makalipas ang ilang minuto, sinalubong siya ni Brian – naka-panjama at tsinelas.
            “Sino po kayo?” tanong ni Brian.
            “Ako po si Nana Esme, nakausap ko po yung isang binata dito noong isang araw. Di ba, kayo yung mga nag-ayos dun sa bahay sa may Malibago Street?” sabi ni Nana Esme.
            “Opo. Bakit po?” tanong uli ni Brian.
            “May gusto po akong malaman niyo tungkol dun sa bahay na ‘yon…” sagot ni Nana Esme.
Pinapasok ni Brian si Nana Esme sa loob ng bahay, pinaupo sa sala at binigyan ng maiinom. Pagkatapos ay nagsimula nang mag-kwento si Nana Esme tungkol sa bahay.
            “Ang bahay na yun ay dating pagmamay-ari ng isang mag-asawa. Yung lalake, masyadong ‘possessive’ sa kanyang asawa kaya ayaw niyang malalamang may ibang kausap ang asawa niya. Minsan, tumawag ang isang babaeng galit na galit sa asawa ng lalake. Sa sobrang galit ng babae, kanyang kinompronta ang lalake ngunit sa lakas ng kanyang asawa ay nabubugbog niya ito nang may lakas. Hanggang sa mapuno na ang lalake – kanyang ginahasa ang asawa bago ito patayin at baliin ang ulo’t pagputul-putolin ang katawan. Itinago ito sa kisame ng kanilang kwarto…” nahinto ang kwento ni Nana Esme nang magtanong si Brian.
            “Ibig sabihin, yung nakita naming sako noon ay katawan ng babae?” at sinagot ito ni Nana Esme.
            “Oo.” It only means, the kids are in danger!!! I have to call Leslie about this matter. Baka kung anong mangyari sa kanila…biglang nag-ring ang cellphone ni Brian at kanyang sinagot ito.
            “Hello?” bati ni Brian. Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig. Malumanay, mahinhin ang kanyang tinig na napakasarap pakinggan sa tainga.
            “Kamusta Brian? At si Leslie? Lalong-lalo na si Anton…” sabi ng babae.
            “Raquel? Ikaw ba yan?” tanong ni Brian.
Kausap ni Brian ang babaeng “nakatira” sa bahay – si Rachel. Animo’y bumangon siya mula sa hukay dahil sa kanyang itsura – duguan at sira-sira ang damit, maraming pasa’t dugo sa mukha at katawan, sabug-sabog ang buhok habang kausap niya si Brian sa cellphone – habang nakabigti si Ronald sa kisame.
            “How did you get there? I thought you are in a vacation with Anton. When did you come back?” tanong ni Brian.
            “Nagbago ang isip ko eh…I just arrived to play a game with your – friends and also with your boss…especially, your lovely wife.” Sagot ni Raquel.
Nang kakausapin ni Brian si Raquel, naputol ang linya. Tapos ay binigyan ng babala si Brian ni Nana Esme.
            “Hijo, magmadali ka’t iligtas mo ang asawa mo…papunta siya sa bahay na iyon…bago pa siya madamay sa ganti ng kaluluwa…” bilin ni Nana Esme.
            “Sige po.”

Nagmamadaling kinuha ni Brian ang susi ng kotse at pinuntahan ang bahay. Pagdating doon, napansin niyang butas na ang bintana ng bahay. Bakit nabasag yung bintana? Pinasok niya ang bintana at nakita niyang magulo na ang bahay.
            “Leslie…Ronald…Lyka…asan kayo?” tanong ni Brian sa kanila pero walang sumasagot. Pumunta siya sa ikalawang palapag at napansin niyang bukas na ang into ng Master Bedroom. Muli, tinawag niya sina Leslie, Ronald at Lyka.
            “Leslie…Ronald…Lyka…asan ba kayo ha?!” tanong uli ni Brian. Pero may sumagot – hindi boses ni Leslie, ni Ronald o ni Lyka. Isang babaeng madumi ang suot ang lumabas ng banyo. May katangkaran ang babae, mahaba ang buhok, makinis ang mukhang may mga pasa’t bugbog, may mga pasa’t sugat sa kanyang braso, binti at leeg.
            “Wala na silang lahat…nawala na sila…you’re late Brian!!!” sabi ni Raquel. Lumingon si Brian at nakita niya si Raquel. Pinuntahan niya ito at kanyang kinompronta.
            “Anong ginawa mo sa kanila? Anong ginawa mo sa kanila?” tanong ni Brian.
            “Well, pinasok ko lang naman ang kanilang mga katawan nila…ako ang dahilan kung bakit nagawang gahasain ni Ronald si Lyka at namatay ito. At ako rin ang magiging dahilan para patayin ka ng asawa mo…” sagot ni Raquel. Kaya itinabi ni Brian si Raquel at lumabas ng kwarto para hanapin ang kanyang asawa.
            “Leslie?...Leslie?...asan ka?” sabi ni Brian, hinahanap niya si Leslie sa mga sulok ng bahay pero hindi niya ito mahagilap. Pagbalik niya sa Living Area, wala doon si Raquel pero andun pala si Leslie.
            “Leslie? Anong…ginagawa mo dito?” tanong ni Brian.
Lumapit si Leslie sa asawa, ipinatong niya ang kanyang mga braso sa mga balikat ni Brian.
            “Ano ka ba?! Kararating ko lang…galing sa itaas. Hinanap ko yung dalawa pero wala siya…baka umalis silang dalawa…” sabi ni Leslikap ni.
Hinahalikan ni Leslie ang likod ng tenga ni Brian at parang hindi maintindihan ni Brian ang nangyayari sa kanyang asawa. Pilit niyang kumawala pero humihigpit ang yakap ni Leslie kay Brian.
            “Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka naman ganyan dati ah?!” tanong ni Brian kay Leslie.
            “Ayaw mo ba? Gusto mo bang mas matindi pa dito ang gawin ko?” tanong ni Leslie.
            “Bakit? Ano pa bang kaya mong gawin?” Sabihin mo Leslie, sabihin mo ang gustong marinig ng aking pagkalalaki. Kaya humugot ng isang butcher’s knife si Leslie sa kanyang likuran at kanyang sinaksak si Brian sa likod. Nakatutok ito sa likod ni Brian.
            “Eto…humanda ka!!!” sabi ni Leslie, sabay saksak sa likod ni Brian.
            “AAAARRGGGGHHH” sigaw ni Brian, kumawala siya sa pagkakayakap ni Leslie at sinubukang lumayo. Ngunit lumalapit si Leslie sa kanya ngunit hindi siya ang asawang kanyang nakilala. Nang magsalita si Leslie, nag-iba ang boses nito. Parang sumanib sa kanya si Raquel at nakatutok ang patalim sa kanya.
            “Anong nangyari sa’yo Leslie? Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ni Brian, takot na takot dahil sa nangyari kay Leslie.
            “See what I’ve become? Because of your boss, si Anton…nagkaganito ako!!! Hindi ko kayo mapapatawag – ikaw at ang boss mo. Kahit alam kong mabait ka, ginamit ka ng boss mo para ibenta ang bahay na ito!!! Magbabayad kayong lahat!!!” sabi ni Raquel, gamit ang katawan ni Leslie.
Sinugod ni Leslie si Brian at kanyang pinagsasaksak sa katawan – sa dibdib, sa balikat, malapit sa puso, maging sa kanyang ulo. Ngunit may pumutok na baril mula sa hindi makitang direksyon. Tinamaan si Leslie sa dibdib.
            “Akala ko, tapos ka na Raquel…hindi pala…” sabi ni Anton Domingo.
Kumalat ang dugo sa buong bahay…gumulo ang lahat ng mga furnitures…nasayang lang ang pag-aayos nila dahil napunta sa wala ang lahat.
Kinuha ni Anton ang mga katawan nina Brian at Leslie at inilagay sa likod ng kotse. Hinayaan na lang niyang bukas ang pinto at gate ng bahay. Pumunta siya sa isang sementeryo, inilabas ang mga katawan nina Brian at Leslie at kanyang hinatak patungo sa isang puno, sa gitna ng sementeryo at doon iniwan.

Sa OB Van, kumakain pa rin si Kulas habang nagkukuwento kina Chris at Ronnie.
            “Grabe naman yang mga nangyari dito sa De Villa Memorial Park! Shocking ha!!! Alam yung parang naging tapunan ng patay ang libingan ng mga patay.” Sabi ni Chris na hindi na ikinagulat ni Ronnie.
            “Kaya nga sementeryo eh…teka muna, bakit kanina pa tayo nakatambay dito, wala pa naman tayong napupulot na kwento. You need a new material for The Philippines Most Wanted Stories this coming Friday.”
            “Madali na lang yan. Yung mga kwento ni Kulas…that’s the perfect material. Gagawa lang ako ng bagong proposal for a two-part episode or a two-hour episode perhaps.” Sabi ni Chris.


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn