Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 9 November 2010

NOBYEMBRE Chapter Three

05:57 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Habang binabantayan nina Ronnie at Chris si Kulas sa kanyang pagtulog, bigla na lang nanaginip ang bata. Pawis na pawis ang bata kaya pinipilit gisingin ni Ronnie ang bata.
            “Kulas…Kulas…Kulas gising…” sabi ni Ronnie, habang ginigising ang bata. Bumangon ang bata at parang hinahabol dahil hinihingal.
            “Kuya Ronnie, may masamang nangyari dito sa lugar natin…masamang-masama! May pinatay dito noon…isang pulis…may kinalaman sa kwento ko kanina tungkol dun kay Brian at sa bahay.
Muling umusbong ang curiousity ni Chris kaya inusisa niya si Kulas.
            “Kulas, i-kwento mo nga sa’min yung tungkol dun sa pulis…” sabi ni Chris.
            “Okay…dudugtungan ko lang yung kwento ko kanina…” panimulang sinabi ni Kulas.

Pagkatapos ang krimen na nangyari sa Malibago Street, nagpunta ng Police Station si Anton Domingo. Isang ordinaryong police station ang kanyang nadatnan. Nilapitan siya ng isang pulis, nasa kwarenta na at malaki ang tiyan. Nakasuot ng pang-pulis na uniform at may nakasabit na baril sa kanyang bewang.
            “Sir, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ng pulis.
            “May irereport lang po akong patayan sa village namin, sa Malibago Street, yung sa may haunted na bahay.” Sumbong ni Anton.
            “Ah, dun ka kay SPO1 Rosales. Siya ang gumagawa ng report sa mga kaso dito.” Sabi ng pulis.
Pinadiretso siya sa isang kwarto, pininturahan ng asul ang dingding at pintuan na may four-by-four na salamin. Nakasulat ang pangalan ng kanyang kakausaping pulis: si SPO1 Kevin Rosales. Kumatok siya sa pintuan.
            “Pasok po.” Sabi ni Kevin.
Pumasok si Anton at nagpakilala sa bagitong pulis.
            “Good evening. Pinapunta ako dito ng isang pulis dahil kayo daw yung gumagawa ng report tungkol sa mga bagong kaso.” Sabi ni Anton. Nagtaka si Kevin dahil wala siyang kilalang pulis na nagpapunta sa kanya.
            “Sinong pulis?” tanong ni Kevin. Sino na naman bang epal ang tinanong nito?
            “Yung malaking lalake, malaki ang tiyan.” Sagot ni Anton.
            “Ahh…sige, maupo po kayo.” Sabi ni Kevin.
Umupo si Anton at kumalma. Kanyang pinagmasdan ang itsura ng bagitong pulis. Nasa twenty-seven years old, nasa 5’8” ang height, medium-built ang katawan at halatang nagpupunta ng gym. May hitsura na kahawig ang pinakamatandang miyembro ng “Backstreet Boys” ngunit aalisin lang ang balbas.
            “Sige po, simulan niyo na po ang kwento.” Sabi ni Kevin.
Imbis na sabihin ni Anton ang tunay na kwento sa nangyaring trahedya sa Malibago Street, iba ang naging kwento.
            “Dumating ako sa bahay ko, bukas na pala. Tapos may naaamoy akong mabaho…maalingasaw…hinanap ko yun. And may nakita akong lalake na nakabigti sa kwarto ko at isang katawan na walang ulo…pugot yata. Then sinubukan kong maghanap ng police station pero walang malapit, maliban dito sa station niyo.” Sabi ni Anton habang nagta-type sa computer si Kevin.
            “Okay…sige po, iwan niyo na lang ang contact number niyo and bibigyan namin kayo ng initial report. For the meanwhile, papupuntahan na namin ang mga tauhan namin dun sa site para simulan ang investigation.” Sabi ni Kevin.
Mukhang hindi satisfied si Anton kaya tumayo na lang siya.
            “Sige, salamat. Aabangan ko na lang ang inyong report.” Sabi ni Anton, saka lumabas ng pinto.

Bagitong pulis pa lang si Kevin pero marami nang kaso ang kanyang nahawakan. Puro lahat ay successful, pero isang kaso lang ang sumira sa kanyang integrity at malinis na pangalan – ang kaso ng murder na isinampa laban sa kanyang ama – si Angelito Rosales. Dahil sa kanya, nakulong ang sarili niyang ama at inatake sa puso habang nakakulong sa correctional.
Pumasok ang isang binatang nasa twenty-five years old, nakasuot ng police uniform at may bitbit na isang supot na naglalaman ng tatlong Styrofoam at dalawang plastic cups.
            “Uy, ano na naman ang bagong kaso mo?” tanong ng kasamahan niya.
            “Julius, alam mo naman siguro yung tungkol sa Malibago Street Haunted House di ba? That’s my new case…and it sucks!” sagot ni Kevin habang inihahanda ni Julius ang kanilang kakainin. It’s been 9 o’clock in the evening and it’s their dinner time.
            “Bakit naman? Sa’yo pa ibinigay ang pinaka-controversial na kaso dito sa lugar natin. Bakit ba ayaw na ayaw mo?” tanong ni Julius. Sinimulan na niyang kainin ang isang Styrofoam na may kanin, fried chicken at gravy.
            “Kasi nga, ayaw ko ng mga ganyang kaso na may mysterious bodies…haunted houses…dyan ako takot eh…” sagot ni Kevin.
Pumasok ang kanilang boss na nakausap ni Anton – si Insp. Marco Alejandro.
            “Men, anong dinner natin?” tanong ni Marco.
            “Chicken…Chicken and lots of Chicken.” Sagot ni Kevin.
Umupo si Marco sa isang cushion seat para sa mga bisita.
            “Kevin, ikaw na ang bahala sa kasong iyan. Magaling ka at alam kong magagawa mong ma-solve ang kaso.” Sabi ni Marco.
            “Pero Uncle, alam mo namang takot ako sa mga multo-multuhan. Sigurado akong may mga multo dyan.” Sabi ni Kevin.
Natawa na lang sina Julius at Marco sa reaksyon ni Kevin. Kahit isang matinong pulis si Kevin, multo ang kinatatakutan niya.
            “Grabe ka…multo ang kinatatakutan mo…pulis ka pa naman…” sabi ni Julius.

Naiwan nang mag-isa si Kevin sa buong police station dahil ipinadala niya ang ilan sa mga tauhan para mag-imbestiga sa Malibago Street. Habang siya’y gumagawa ng documentation sa computer, biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa kanyang opisina.
            “Sino na namang naglalaro ng ilaw dito? Pambihira naman oh…” sabi ni Kevin.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumabas ng kwarto at hinanap ang taong naglalaro ng mga ilaw. Bumaba siya sa ground floor at pinuntahan ang kinaroroonan ng main switch, katabi lang nito ang malaking kulungan ng mga preso. Pagdating niya, nagbalik sa dati ang mga ilaw.
            “Sino namang naglalaro nito?” tanong ni Kevin.
May sumagot na isang bilanggo, medyo malayo sa main switch kaya sinabihan niya ang pulis.
            “Sir, wala namang naglalaro niyan eh…takang-taka nga ako, bakit namamatay-sindi ang mga ilaw dito…” sabi ng presong nagngangalang “Andres”.
            “Andres, kapag may nakita kang naglalaro ng mga ilaw nito, sumigaw ka ha…tutal, ikaw lang naman ang nandito eh.” Bilin ni Kevin sa preso.
            “Opo sir.” Sagot ni Andres.
Bumalik siya sa kanyang opisina at itinuloy ang kanyang ginagawa.
Lumalalim ang gabi, lumalamig ang hangin at nananatiling nakabantay sa pinto si Julius. Unti-unting nakakaramdam ng lamig si Julius kaya naisipang niyang umidlip muna. Habang umiidlip si Julius, nagpatay-sindi uli ang mga ilaw, mas mabilis na ngayon at habang nagtatagal, lumalamig na rin ang hangin. Nakikita ni Andres na may naglalakad na isang image ng isang lalaking may balot na brown na tela, kulay orange na uniform ng mga prisoners, may mga posas na nakagapos sa kanyang mga paa. Naglakad ang lalake, animo’y may pupuntahan. Hindi na nakasigaw si Andres sa pagka-shock kaya nagtago na lang siya.
Pupuntahan ng nakabalot na lalake si Julius, binalot ang kanyang ulo ng isang telang kulay brown, inilagay ang isang kinakalawang na kadena sa kanyang leeg at kanyang sinakal. Naalimpungatan si Julius at sinubukan niyang magpumiglas ngunit mas hinigpitan ng lalake ang kanyang pagkakasakal sa kanya, hanggang sa tuluyan siyang malagutan ng hininga.
Umalis ang lalake pabalik sa kanyang pinanggalingan at bumalik sa dati ang mga ilaw.

Kinabukasan, nagkumpulan ang mga pulis sa front desk dahil nakita nilang walang malay si Julius. Hindi namalayan ni Kevin ang nangyari dahil tinatapos niya ang mga paperworks kaya pinuntahan siya ni Marco.
            “Kevin, pumunta ka sa front desk ngayon na.” sabi ni Marco.
            “Yes sir.” Sabi ni Kevin.
Pagkababa niya sa front desk, nagulat na lang siya sa kanyang nasaksihan.
            “Sinong gumawa nito? Magsalita kayo!!! Sinong gumawa nito?” tanong ni Kevin sa kanila, pero walang nakasagot.

Pumunta ang isang ambulansya at isang babaeng may kuneksyon kina Julius at Kevin – si Victoria. She’s twenty-seven years old, isang news writer ng isang sikat na Newspaper and Tabloids.
            “Inspector, anong nangyari? What happened to my brother?” tanong ni Victoria kay Inspector Marco. Ano na namang kapalpakan ang naganap dito? At bakit kapatid ko pa?
            “Lady Victoria, hindi namin alam kung bakit nangyari sa kapatid mo ‘to. I think you should talk with Kevin. I think he knows more about the case.” Sabi ni Inspector Marco. Kaya pumunta si Victoria kay Kevin na hindi pa makapaniwala sa nangyari.
            “Kevin, anong nangyari sa kapatid ko…bakit mo siya pinabayaan sa front desk?” sabi ni Victoria. Hindi makasagot si Kevin dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa kapatid ni Julius. Kaya muling inusisa ni Victoria si Kevin.
            “Sumagot ka nga?! Anong nangyari sa kapatid ko? Talagang wala kang silbi!!! Naturingang pulis pero duwag!!! Kaya kita hiniwalayan eh…hindi mo ako kayang ipaglaban…hindi mo ako kayang sagutin at tignan nang diretso!” galit na galit na sinabi ni Victoria kaya tumayo na si Kevin.
            “This is not about us okay? To tell you honestly, I don’t know what happened to your brother. Ngayon, kung gusto mo akong pagbintangan, wala na akong magagawa!!!” sabi ni Kevin, saka nag-walk out papunta sa kanyang opisina. Lumapit si Inspector Marco Alejandro kay Victoria para pakalmahin ang dalaga.
            “Lady Victoria, pasensya na po sa inasal ni Kevin. Talagang hindi lang niya matanggap na patay na ang kanyang bestfriend. Mamayang gabi niyo na lang siguro puntahan kasi marami akong pinapatapos na documents eh.” Sabi ni Inspector Alejandro.

Dati naging mag-nobyo sina Kevin at Victoria. They looked perfect as a couple kasi maganda naman si Victoria – may katawan ng isang supermodel at talino ng isang lawyer. Pero naghiwalay sila dahil sa “irreconcilable differences” – hindi maipagtanggol ni Kevin si Victoria kapag may manggugulo sa kanila. Para kasi kay Kevin, violence should be in the proper place and time, hindi dapat ginagamit ang pagiging pulis para apihin ang iba. Kahit kailan talaga, hindi mo magugustuhang mahalin ang isang taong walang bayag!!! Yung hindi ka maipagtanggol, kahit pulis ka o sundalo.

Kinagabihan, bumisita si Victoria sa Police Station. May bagong assigned na pulis sa Front Desk na dating pwesto ni Julius. Tinanong niya ang pulis.
            “Boss, andyan pa ba si Kevin Rosales?” tanong ni Victoria.
            “Yes maam. Nasa opisina po, may ginagawa po yata.” Sagot ng pulis.
Dumiretso na si Victoria sa opisina ni Kevin na nasa 2nd floor. Pagdating niya, nakita niya ang imahe ni Julius – yung suot niyang Police Uniform noong araw na iyon, maputla ang mukha at may kadena ang leeg na lumalabas na ang dugo mula sa kanyang leeg.
            “Julius? Ikaw ba yan?” tanong ni Victoria pero bumukas ang pinto ng opisina ni Kevin.
            “Uy, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kevin sa kanya.
Nagulat si Victoria dahil bumungad sa kanya si Kevin.
            “Kasi…si…Julius…” pautal-utal na sinabi ni Victoria pero nung tumingin siya sa pwesto ni Julius, nawala ito na parang bula.
            “Bakit? Ano bang nakita mo?” tanong ni Kevin.
            “Ahh…wala. Can I come inside?” sabi ni Victoria.
Pinapasok ni Kevin si Victoria sa loob at umupo sa couch. Ibinaba ni Victoria ang kanyang dalang shoulder bag. Ang ganda ng office niya. Parang hindi office para sa isang policeman.
            “Do you want anything?” tanong ni Kevin habang nakaupo sa kanyang upuan at nag-aarrange ng mga files sa mga folders.
            “Wala…gusto lang kitang makausap…” sabi ni Victoria.
            “Ahh…tungkol saan?”
            “Tungkol kay Julius…gusto ko kasing malaman ang kinamatay niya.”
            “Ahh…okay. According sa initial investigation, namatay siya sa sakal…gamit ang isang kadena. Tapos may balot siya ng isang tela or something sa kanyang mukha na dahilan ng pagkaubos ng hininga. Wala naman daw taong may galit sa kanya, pero ang tindi ng pagkamatay niya. Parang galit na galit ang taong gumawa nito sa kanya.” Sabi ni Kevin.
Napaisip si Victoria tungkol sa mga nasabi ni Kevin. Wala naman daw galit kay Julius pero ang tindi ng pagkamatay niya. Siguro, kailangan ko nang makialam.
            “Kevin, I think kailangan kong tumulong...” sabi ni Victoria.
            “Don’t tell me, gagawin mo uli yung ginagawa mo noon? Baka mapahamak ka…” pag-aalalang sinabi ni Kevin.
            “Eh, anong magagawa niyo? Wala nga kayong lead kung sinong pumatay eh…so gagalaw na ako…” sabi ni Victoria.
Tumayo na si Victoria at lumabas ng opisina para puntahan ang front desk, kung saan namatay si Julius. Sinundan siya ni Kevin pero pagdaan nila sa kulungan, sinabihan sila ni Andres.
            “Miss…pupuntahan niyo ba yung front desk?” tanong ni Andres.
            “Ahh…oo. Bakit?” tanong ni Victoria.
            “Naku, ‘wag kayong pupunta dyan…may nagpapakita diyang lalake – may kadena sa mga paa!!! Hindi ko nga nasabihan si Boss Kevin eh…” sabi ni Andres.
Pero hindi pinansin ni Victoria ang sinabi ng preso. Nang pumunta si Victoria sa front desk, wala na doon ang naka-usap niyang pulis. Asan na yung pulis? Alam ba niyang bawal mabakante ang front desk?
            “Victoria, sinabihan na kitang wag mo nang gagawin eh…baka mapahamak ka pa…” sabi ni Kevin.
Hindi siya pinansin ni Victoria. Hinawakan niya ang desk, ipinikit ang mga mata at nagsimula na ang kanyang “pag-iimbestiga”. May mga imahe ng lalake – naglalakad na may kadena sa mga paa, may hawak na kadena sa kamay…ibinalot sa leeg ng kanyang kapatid…malaking lalake…sakal na sakal ang biktima.
Biglang nag-collapse si Victoria sa sahig, sinaklolohan siya ni Kevin.
            “Victoria…gising…Victoria…” sabi ni Kevin habang ginigising si Victoria. Nagising si Victoria at kanyang sinabi ang mga nakita niya.   
            “Kevin…tama ang sinabi ng preso…may lalake ngang nagmumulto dito sa office niyo…siya ang pumatay kay Julius…pero sino yun?” tanong ni Victoria.
Wala namang naaalala si Kevin na presong pinatay sa loob ng presinto. Sino naman yung pumapatay? Baka naman ako ang isunod ng pumapatay na preso…wag naman sana. Bumalik sila ng opisina para painumin ng tubig si Victoria.

Habang umiinom ng tubig si Victoria, hindi maisip ni Kevin kung sino ang pumapatay kaya hinanap niya ang mga files na nasa steel cabinet niya.
            “I don’t have any idea kung sino ang pumapatay dito. Now, kapatid mo…then who’s next?” tanong ni Kevin nang biglang may kumatok sa pinto. Pinuntahan ni Kevin para buksan ang pintuan. Nang binuksan niya ang pinto, wala namang tao na naroroon sa opisina. Hindi niya napapansin, dumadaan sa kanyang likuran ang nagmumultong preso…kumakalansing ang mga kadena. Sino yun? Magpakita ka sa’min!!! Pagtalikod niya, wala naman siyang nakita sa loob na nagpapatunog ng kadena.
            “May narinig ka bang kadenang tumutunog kanina?” tanong ni Kevin.
            “Wala naman. Bakit?” tanong ni Victoria.
Hindi na mapanatag si Kevin. Kailangan ko nang tanungin ang preso.
            “Kailangan nating tanungin ang preso sa kulungan. Hindi naman nananakit si Andres…gaya mo, may ‘special talent’ din si Andres. Nakulong siya dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa.” Maikling kwento ni Kevin tungkol sa preso.

Bumaba sila at pinuntahan ang preso. Pagdating nila, andun ang presong si Andres – naka-Indian Sit at parang may tinitignan sa isang kwartong wala namang ilaw. Ang kwartong yun ang may kandado o padlock at hindi na binubuksan.
            “Anong tinitignan mo?” tanong ni Victoria.
            “Yung kwartong ‘yun. Dati kasi, bukas na bukas yan…ngayon, nakakandado na.” sagot ni Andres.
            “Bakit? Anong meron dyan noon?” tanong ni Victoria.
            “Kasi noon, dyan dinadala ang mga pinapaaming mga inosenteng tao sa mga krimen. Isa sa mga naging biktima ng mga pulis dito sa kwartong yan ay si Simon, isang magbabalut. Inakusahan siyang nang-rape sa isang babae na girlfriend ng isang bagitong pulis dito. Hindi naman talaga siya ang nang-rape, sa totoo nga, siya ang nakasaksi – isang lasenggero ang gumahasa sa kanya. Pero itinuro siya dahil naipasa sa kanya ang suot na jacket ng rapist. Ayun, nadale ng mga pulis, tinorture sa loob…pinahubad ng saplot, tinalian ng lubid ang maselang parte ng kanyang katawan at hinila. Ngunit sa sobrang hampas ng sinturon at hila sa kanyang maselang bahagi ng katawan, nagdesisyon siyang magpakamatay dito sa selda. Kinukumbinsi ko siyang wag niyang gawin, pero sumumpa siya – siya mismo ang papatay sa taong gumahasa sa babae, ang sumira ng buhay niya, ang dahilan ng impyerno sa buhay niya. Kinuha niya ang mahabang kadena, ibinitin sa isang parte ng kisameng may pako at ibinigti ang sarili.” Kwento ni Andres.
Narinig ito ng dalawa nang biglang magpatay-sindi ang mga ilaw…lumamig ang hangin.
            “Naku, andito na naman siya…magtago na kayo…” babala ni Andres. Tumakbo papunta sa opisina sina Kevin at Victoria ngunit sumara nang kusa ang pinto…pati ang mga bukas na pinto ay kusang sumara.
            “Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?” tanong ni Victoria.
            “Bumaba tayo. Dun tayo bumalik sa kulungan…” sagot ni Kevin.

Bumalik sila sa kulungan pero natagpuan na nilang nakabigti si Andres – gamit ang kadenang ipinangbigti ni Simon. Napasigaw si Victoria sa takot at napayakap kay Kevin. Nangingig siya sa takot, hindi na nila alam ang gagawin. Tatakbo ba sila? Saan sila magtatago? Paano kung masundan sila ng kaluluwa?
            “Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta? Sarado na ang mga pintuan…” tanong ni Victoria. Kahit dito man lang, patunayan mong lalake ka Kevin!
            “Magtago tayo sa opisina…pilitin nating buksan ang office.” Sagot ni Kevin.
            “Paano yun? Naka-lock nga yung mga pintuan?” tanong ni Victoria.
            “Ako nang bahala.” Sagot ni Kevin. Sana naman, kahit dito lang makabawi ako sa’yo.
Umakyat sila papunta sa second floor, pinipilit niyang buksan ang doorknob pero hindi ito mabuksan. Kaya sinubukang sipain ni Kevin ang pintuan at nabuksan ito ng binata. Nagtago sila sa loob at isinara ang pinto.

Ang hindi nila alam, umaakyat na ang kaluluwa ng presong si Simon. Kinakalansing ang hawak na kadenang binabalot ng kalawang. Ganun din ang mga kadenang nagmistulang anklet sa kanyang mga paa. Naririnig ito nina Victoria at Kevin sa office kaya mas lalong bumilis ang tibok ng kanilang mga puso – hindi pag-ibig ang nadarama para sa isa’t isa kundi takot at kaba. Nang biglang bumahing si Victoria.
            “Ano ba?” pabulong na sinabi ni Kevin. Tinakpan niya ang bibig at ilong ni Victoria ngunit narinig ito ng multo. Hinanap niya kung saan at sinipa niya ang pinto ng nag-iisang opisinang bukas ang ilaw.
Nakita sila ng kaluluwa at mas lalong lumakas ang pagkalansing ng kadena.
            “Hala…anong gagawin natin?” tanong ni Victoria.
            “E ano pa nga ba…takbo!!!” sagot ni Kevin. Magkahawak-kamay silang tumakbo palabas ng kwarto, nilagpasan nila ang multo, bumaba sila ng hagdan papunta sa ground floor pero pagbaba nila, andun at nag-aabang ang mga kaluluwang kinuha ni Simon – kasama dun si Julius.
            “AAAAARRRRRGGGGGGHGHHHHH” sigaw nilang dalawa at bumalik sila sa itaas pero naharang sila ng multo. Naka-umang na sasakalin ni Simon si Victoria sa leeg dahil nakapulupot na ang kadena sa leeg ni Victoria. Sinubukang pigilan ni Kevin si Simon.
            “HHUUWAAGGG!!!” sigaw ni Kevin nang may pumalo sa kanyang likuran na isang matigas na bagay at tuluyan siyang nawalan ng malay.

Dis oras na ng gabi nang magising si Kevin at nagulat siya sa kanyang nakita.
            “Victoria?” pagkakagulat na sinabi ni Kevin sa nangyari kay Victoria: nakagapos sa isang poste ng presinto. Samantalang siya, nakagapos din ang mga kamay at paa. Pinilit niyang gumapang papunta kay Victoria.
            “Anong nangyari sa’yo? Asan na ang multo?” tanong ni Kevin.
            “Buhay…ang multo…kilala mo siya…” sagot ni Victoria nang may biglang nagsalita sa likuran ni Kevin.
            “Ako bang hinahanap mo Kevin?” sabi ng lalake.
Lumingon si Kevin at nabigla siya sa kanyang nakita. Si Marco Alejandro?
            “Ikaw? Ikaw ang pumatay sa kanila?” tanong ni Kevin.
            “Obvious ba? Kamusta ka na Victoria? Natatandaan mo pa ba ang nangyari sa’tin?” tanong ni Marco. Tinignan ni Kevin si Victoria na litung-lito sa mga nangyayari. What is the meaning of this?
            “Lasing ako nun, naghahanap ng babaeng makakama. Accidentally, dumaan sa presinto si Victoria. Niyaya ko siyang pumunta dito at makipag-kwentuhan sa’kin. Hanggang sa pumunta kami sa isang liblib na lugar at niromansa ko ang babaeng pinakamamahal mo – ang take note: naangkin ko ang pagiging sariwa niya! Nagkataong andun ang tindero ng balut, si Simon. Ibinigay ko sa kanya ang jacket na suot-suot ko nung ginahasa ko si Victoria kaya siya ang napagbintangan. Ako ang nagpasimuno ng torture sa preso, ako ang dahilan ng pagkamatay ni Simon dahil sa kahihiyan!” pagtatapat ni Marco.
Hindi makapaniwala si Kevin sa kanyang mga narinig – si Marco ang gumahasa kay Victoria na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, si Marco ang dahilan kung bakit namatay at nakulong si Simon at siya mismo ang “nagmumulto” na pumatay kina Julius, sa pulis sa front desk at sa presong si Andres at ngayon, nanganganib ang buhay nila dahil kay Inspector Marco Alejandro.
            “Hayop ka!!! Hayop ka Marco!!! Dalawin ka sana ni Simon, Andres at ng kapatid ko!!!” galit na galit na sinabi ni Victoria pero tinawanan lang ito ni Marco. Ngumisi lang si Marco na parang isang demonyong may nakakatakot na tingin. Huwag kang mag-alala Victoria, isusunod ko kayo ni Kevin. Lumapit si Marco kay Victoria, hinablot ang kanyang buhok at sinuotan ng kadena.
            “Ako na lang ang kunin mo!!! Hayaan mo siya!!! Tantanan mo siya Marco!!!” pagmamakaawa ni Kevin na tinawanan lang ni Marco.
            “Sorry…you’re too late Kevin!!!”
Tinuluyan nang sinakal ni Marco si Victoria, gamit ang kadenang pinangpatay niya kina Julius, Andres at sa nasa front desk. Gumapang si Kevin patungo sa pinatutunguhan ni Marco at kanyang kinagat ang binti ni Marco.
            “AAAARRRRRRGGGGHHHH” napasigaw si Marco sa sakit kaya kanyang sinipa si Kevin sa mukha. Sinubukang tumayo ni Kevin para mailigtas si Victoria pero huli na ang lahat – patay na si Victoria. At mukhang nanganganib si Kevin.
            “Peste kang pulis ka!!!” sigaw ni Kevin, sabay kagat sa balikat ni Marco ngunit siniko siya ng pulis at pinaulanan ng bala ang kawawang si Kevin.

Natapos ang krimen nang walang nakakaalam. Ngingiti-ngiti lang si Marco sa kanyang nagawa at tumatawa pa. At last, wala nang aagaw sa posisyon ko bilang Hepe ng Police District!!! Ngunit nagpatay-sindi ang mga ilaw sa buong presinto. Sino ka?
            “Sino ka? Magpakita ka sa’kin!!! Hindi ako natatakot sa’yo!!! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Inspector Marco Alejandro – ang Taong Kadena!!!” sigaw ni Marco ngunit hindi niya alam, may muling nagbalik upang tapusin ang malagim na bangunot sa buhay nila.
            “Oo…kilalang-kilala kita…” sabi ng kaluluwa ni Simon, sabay hapit ng kadena sa leeg ni Marco at kanyang sinakal hanggang sa ito’y mamatay.

Ang katawan ni Kevin lang ang kinuha ni Simon, kanyang binitbit at dinala sa isang lihim na lagusang patungo sa De Villa Memorial Park. Pagdating nila sa puno ay kanyang iniwan ito at hinayaan niyang kunin ang katawan ni Kevin ng mga baging ng puno at ibinigti ito.

            “Kaya nagkaroon ng katawan ng pulis dyan, yun siguro ang tanging nagawa ng kaluluwa ni Simon upang pasalamatan si Kevin dahil nalaman niya ang totoo.” Sabi ni Kulas habang umiinom ng softdrinks.
Dito naging irritable si Chris dahil malapit nang mag-umaga ay wala pa ang kanilang mga tauhan. Inutusan niya ang mga tauhan nila para ayusin ang sira ng kanilang mga cameras at nang hindi mawala ang kinuhanan nilang videos.
            “Asan na ba kasi ang mga punyetang mga staff na ‘yan? Hindi na sila nakakatuwa!!! Shit!!!” inis na inis na sinabi ni Chris.
Sinubukang pakalmahin ni Ronnie sa pamamagitan ng pag-aalok ng French Fries at Chicken Nuggets.
            “Alam mo, gutom lang yan. I-kain mo na lang at baka lumamig pa ang ulo mo. Bakit hindi mo gayahin si Kulas – relaxed and stressed-free.” Sabi ni Ronnie.
            “Kasi naman, hindi naman siya ang naghahabol ng deadline eh…hindi naman siya kasi reporter eh…” sabi ni Chris.
Dahil sa kaingayan ni Chris, pinagsabihan siya ni Kulas.
            “Kuya Chris, ‘wag po kayong maingay. Baka po magising at mabuhay ang mga nakalibing dito.” Sabi ni Kulas.
            “Bakit naman? Eh patay na nga sila di ba?” pagtatakang sinabi ni Chris.
            “May kwento ako, tungkol sa katabing bahay ng sementeryong ito. Sinusubukan nilang gawin ang isang imposibleng bagay. Gusto niyo bang malaman?” sabi ni Kulas. Dito kumalma si Chris.
            “Okay fine! Mag-kwento ka na.”

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn