Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 8 November 2010

NOBYEMBRE Chapter One

06:58 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Nasa OBVan sina Chris, Ronnie at ang bata. Pinakain muna nila ang bata hanggang sa magkaroon na siya ng ganang kumain. Sarap na sarap ang bata habang kumakain sa kanyang Styrofoam na may lamang kanin, beef tapa at fried egg.
            “So…anong nangyari sa mga taong nakabigti sa punong yan?” tanong ni Ronnie.
            “Umm…yung isa dyan, si Alex na ang trabaho ay…taga-click click…” sagot ng bata.
            “Ano bang name mo? Hindi ka pa namin kilala eh.” Tanong ni Chris.
Nagpakilala ang bata sa kanila.
            “Ako si Kulas. Dito na ako nakatira kasi iniwan ako ng nanay ko dito. Inalagaan ako ng mga taong nakatira dito.” Sabi ni Kulas.
            “Okay. Kulas, anong nangyari kay Alex? Sino si Alex?” tanong ni Chris.
            “Ganito po kasi ang nangyari sa kanya, ayon sa mga kwento dito.” Pasimula ni Kulas.

Sa isang lugar sa Tondo, nagkaroon ng isang lamayan na kung saan, isang miyembro ng fraternity ang namatay kaya ito ang bagong assignment ng isang Ace Photographer. He’s already thirty-two years old, medium-built, may bigote at medyo kulot ang buhok. Alas nuebe ng gabi nang siya’y pinapunta sa burol ng namatay na anak ni Mrs. Delos Santos.
Nag-ring ang cellphone niya habang siya’y nakasakay sa jeep.
            “Hello? Oh…andito na ako…malapit na po ako…” sabi ni Alex.
            “Pambihira ka rin noh Alex, luma na ang camera mo…eh, bulok na yan eh. Pero yan pa rin ang ginagamit mo. What should I do to make you convince na bumili ka na ng bago, yung digital camera…” sabi ni Robin na nasa opisina at pumipirma ng mga papeles.
Bumaba na ng jeep si Alex habang kausap niya sa cellphone si Robin.
            “Robin, this camera has a sentimental value for me. Hindi ko siya kayang itapon…” sabi ni Alex habang naglalakad at hinahanap niya ang lugar ng burol.
            “Hindi ko sinabing itapon mo na. Of course you can keep it and buy a new one.” Sabi ni Robin.


May nakitang isang bahay na maliwanag at maraming tao. Pinuntahan niya doon at maraming ilaw na galing sa punerarya. May mga taong naglalaro ng mahjong, tong-its, fourty-one at sakla. Grabe! Lamay naging Casino!!!
Isang babaeng nakapang-luksa ang lumabas para salubungin si Alex. Nasa fifty-seven years old na, kulot na ang buhok at may hawak na cane. Nilapitan ng matanda si Alex.
            “Good evening po ma’am. Ikaw ba si Alex?” tanong ng matanda.
            “Opo. I assume that you are Mrs. Delos Santos? Ako po yung pinadala dito ng Memories Photographs. Mga ilang araw po ba ang burol at hanggang libing po ba ay kailangang may pictures pa kayo?” tanong ni Alex kay Mrs. Delos Santos habang naglalakad sila papunta sa loob ng lamayan.
Nakita ni Alex ang mismong namatay. Maganda ang pagkaka-ayos ng make-up ng taga-Funeraria na nakahiga sa isang simpleng puting kabaong. May mga sisiw na kinulayan ang nakapatong sa mismong salamin ng kabaong.
            “Anak niyo po?”
            “Oo. Pinatay siya ng hayop na pulis, si SPO1 Kevin Rosales. Sabi sa investigation, kasama raw ang anak ko sa isang fraternity. Kilala ko ang anak ko…hindi niya magagawang sumama siya…sa mga ganung klase ng tao…” maluha-luhang sinabi ni Mrs. Delos Santos.
            “Sige po, simulan na natin yung pagpapakuha ng mga pictures.” Sabi ni Alex.

Inilabas na ni Alex ang kanyang “antigong” kamera. Habang nag-aayos siya, nahulog ang kanyang camera film at gumulong sa ilalim.
            “Pambihira naman oh…” sabi ni Alex kaya sinubukan niyang hanapin ang film sa ilalim kaya nang makita niya ito, inilusot niya ang kanyang kamay ngunit may humablot sa kanyang kamay nang mahawakan niya ang film.
Nagpupumiglas si Alex na makawala nang may kumalabit sa kanya. Tumayo siya at tinignan niya kung sino ang batang iyon. Isang batang babae na naka-gown na puti, diretso ang buhok, maputla ang mukha at may hawak-hawak na film sa kanyang kamay.
            “Ito po ba ang hinahanap niyo?” tanong ng bata.
Kinuha ni Alex ang film sa kamay ng bata.
            “Salamat bata.” Sabi ni Alex pero umalis agad ang bata palabas ng bahay.

Nagsimula nang kuhanan ng litrato ang mga namatayan, pati ang mga naglalamay, at mismong ang kabaong ng namatay. Matapos nito, pinakain muna siya ni Mrs. Delos Santos.
            “Eto, kumain ka muna at sigurado akong pagud na pagod ka.” Alok ni Mrs. Delos Santos sa binata. Binigyan siya ng isang plato ng Pansit Canton, tatlong Lumpiang Shanghai at isang baso ng Orange Juice.
            “Salamat po.”

Sandali lang ang lumipas, may pumasok na isang grupo ng mga kalalakihang ibang-iba kung manamit. Mga nakasuot na rubber shoes, mahahabang maong na pantalon, malalaki at maluluwag na t-shirt at may mga ear piercings. Nakita sila ni Mrs. Delos Santos at galit na galit ito nang makita niya ang itinuturo niyang dahilan sa pagkamatay ng kanyang anak.
            “Anong ginagawa niyo dito? Ang kakapal ng mga mukha niyong magpakita dito!!!” sabi ni Mrs. Delos Santos.
Sinubukang kausapin ng isang binata si Mrs. Delos Santos.
            “Ate, pasensya na po. Hindi po namin sinasadyang iwan siya sa ere noon eh. Nagkatakbuhan na eh.” Paliwanag ng binata na ikinabigla ni Mrs. Delos Santos.
            “Ibig sabihin, totoo ang sinabi ni SPO1 Rosales? Na ginawa niyong frat member ang anak ko?” tanong ni Mrs. Delos Santos sa kanila ngunit hindi sila makasagot.

Makalipas ang ilang araw, inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng namayapang anak ni Mrs. Delos Santos. Maraming tao ang pumunta sa mga huling sandali ng namatay. Pumunta sa libing si Alex, ang boss niyang si Robin at ang nakababatang kapatid ni Alex – ang six-year-old na si Selene.
Sinabihan ni Alex si Selene tungkol sa mangyayari.
            “Selene, dito ka muna kasama ni Kuya Robin mo ha…may work lang si Kuya Alex okay?” sabi ni Alex.
            “Okay.” Sagot naman ni Selene.
            “Robin, ikaw muna bahala sa kapatid ko. Baka mag-likot yan, mahirap na…” habilin ni Alex sa kaibigan niyang boss.
            “Sus, okay lang yun. Parang kapatid ko na rin ‘to eh…” sabi ni Robin.
Kaya tumambay muna sina Robin at Selene sa sasakyan habang si Alex, tumungo na sa kanyang trabaho. Kinukuhanan niya ang mga taong umiiyak habang hindi pa naibababa ang kabaong.
Oras na para ibaba ang kabaong at mas lalong nagiyakan ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng namatay. Para sa kapatid ko, kailangan kong gawin ‘to. Nang matapos ito, bigla na lang dumugo ang ilong ni Alex nang umalis siya pabalik sa kotse.
            “Oh, anong nangyari sa’yo? Bakit bigla kang nag-nosebleed?” tanong ni Robin.
            “Hindi ko nga alam eh. Basta, bigla akong nahilo…” sagot ni Alex habang inaayos ang sarili nang paglingon niya, nawala ang mga tao sa lamay. Ang andun lang ay ang naiwang casket ng namatay.
            “Asan na sila? Marami sila kanina ah…nag-iiyakan pa nga sila eh.” Pagtataka ni Alex.
            “Baka naman tapos na ang libing. Hindi mo lang namalayan?” sabi ni Robin.
Nang makapahinga si Alex, pinuntahan niya ang pinaglibingan at nang makita niya ang kabaong, wala dun ang namatay – sa halip, nakita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa kabaong – naka make-up na pampatay, naka-barong tagalog at nakapikit ang mga mata. Hindi ito pwedeng mangyari. May kapatid pa ako…this is just a nightmare!!! Nilapitan siya ng isang matandang lalake, may hawak na pantabas ng talahib, nakasuot ng kamisa-de-chino, pantalon at sombrero. Nagulat si Alex nang hinawakan siya ng matanda.
            “Anong ginagawa mo dito manong?” tanong ng matanda.
            “Kasi ho, may nililibing dito kanina…ako po yung kumukuha ng mga pictures…tapos dumugo ang ilong ko…biglang nawala yung mga tao dito kanina.” Kwento ni Alex.
Pero binalaan siya ng matanda.
            “Kahit kailan, ‘wag ka nang pupunta dito. Hindi mo lang alam kung anong meron dito. Huwag ka munang uuwi sa bahay mo dahil baka masundan ka ng kaluluwa.”
            “Hindi ho pwede yun. Kailangan ko na pong ma-print yung mga nakuhanan ko kanina para sa kliente ko.” sabi ni Alex
            “Huwag ka nang babalik dito…wag na…” babala ng matandang sepulturero.
Lumayo si Alex at pinuntahan sina Robin at Selene.
            “Robin, umalis na tayo dito. I-diretso mo na lang kami sa bahay please.” Sabi ni Alex.

Umalis na sila ng De Villa Memorial Park, bitbit ang takot na darating sa kanilang mga buhay. Pagdating ng kanilang sasakyan sa bahay, nagtaka sila kung bakit bukas ang mga ilaw sa bahay.
            “May iba pa ba kayong kasama dito sa bahay?” tanong ni Robin.
            “Kuya Robin, kami na lang po ni Kuya ang natira. Patay na po mga parents namin.” Sabi ni Selene.
Bumaba sila sa kotse.
            “Naku pare, pasensya na ha at naging babysitter ka pa ng kapatid ko.” paumanhing sinabi ni Alex kay Robin.
            “Wala yun. Basta kailangang mai-deliver mo na yung mga pictures kay Mrs. Delos Santos by Friday.” Bilin ni Robin.
            “Sige, papasok na kami.” Sabi ni Alex.
Paghawak niya sa handle ng kanilang gate, namatay ang mga ilaw sa buong bahay. Kanina bukas ang mga ilaw, ngayon naman patay na. Ano bang nangyayari dito? Kaya pumasok na sila sa loob. Pagpasok nila sa loob, binuksan nila ang mga ilaw at kanilang hinanap kung may nakapasok na magnanakaw sa loob.
            “Dito ka lang ha. Wag kang aalis.” Sabi ni Alex kay Selene habang pinaupo niya ito sa sofa. Pinuntahan niya isa-isa ang mga silid sa loob ng bahay. Pero wala siyang nakita. Paano nabuksan ang mga ilaw kanina? Eh wala naman kaming kasama dito?
            “Kuuuyyyyyaaaaa” sigaw ni Selene.
Nagmamadaling pinuntahan ni Alex si Selene sa sala nang mabigla ito sa kanyang nakita. Nakalutang sa ere si Selene habang sinusubukan niyang kumawala sa animo’y invisible na lubid na nakapulupot sa kanyang leeg.
            “Selene!!!” sigaw ni Alex sa umiiyak na si Selene.
Nang hinawakan ni Alex ang kamay ni Selene at kanyang hinihila pababa ay biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw. Kaya mas lalong nagpursiging hinila ni Alex si Selene at napasudsod sila sa sahig. Humahagulgol si Selene kay Alex na takot na takot.
            “Kuya, ayoko na dito. Umalis na tayo dito.” Sabi ni Selene.
            “Wala naman tayong pupuntahan eh. Hindi naman kita pwedeng iwan sa probinsya kasama ang lola mo, di ba ayaw mo dun?” sabi ni Alex.

May isang bahagi ng bahay na paboritong-paborito ni Alex, ang kanyang “Dark Room” kung saan niya tinatapos ang kanyang mga photography projects. Habang ginagawa niya ang mga pictures, may nakita siya sa mga litratong kanyang pinapatuyo. Tinignan niya nang malapitan ang mga ito at nabigla siya sa kanyang mga nakita – mga ulong pugot, mga kaluluwang nakatabi kay Mrs. Delos Santos at nawawala ang katawan ng anak ni Mrs. Delos Santos sa kabaong. Paanong nangyari ‘to? Totoong tao naman yung mga kinuhanan ko kanina ah?!
Makalipas ng ilang minuto, lumabas na siya ng Dark Room at pinatay na ang mga ilaw sa bahay at tumungo na sa kanyang kwarto.

Kinabukasan, pinuntahan niya ang sementeryo kung saan nilibing ang anak ni Mrs. Delos Santos. Muli silang nagkita ng matandang sepulturerong nagngangalang “Alvaro”. Nagpunta sila sa puntod ng isang nagngangalang “Estrella Delos Santos”.
            “Yung mga nasaksihan mong libing dito, lahat yun ay isang ilusyon lang. Matagal nang patay ang tinutukoy mong Mrs. Delos Santos kaya imposibleng may dumating na Mrs. Delos Santos dito sa sementeryo para ilibing ang kanyang anak, na matagal na ring patay.” Kwento ni Alvaro kay Alex.
            “Eh yung mga ‘kasama’ ni Mrs. Delos Santos, patay na rin ba silang lahat?” tanong ni Alex.
            “Dati, ang dating may-ari ng De Villa Memorial Park na si Don Fidel De Villa ay nagpalayas ng mga squatters dito. Siyempre, gahaman ang matandang De Villa kaya imbis na paalisin niya ang mga ito, pinakandado niya ang mga pinto ng mga bahay nila’t pinasunog niya sa mga tauhan. Binayaran niya ang Alkalde noon para palabasing isang aksidente ang naganap. Bilang pag-alala niya sa mga namatay, nagpatayo siya ng isang punong Acacia na itinanim sa pusod ng sementeryo. Sila ang mga nakita mong nakipaglibing sa anak ni Estrella Delos Santos.” Kwento ni Alvaro.
Ikinagulat ni Alex ang lahat ng kanyang mga nalaman mula sa matanda. Pinuntahan niya ang opisina ni Robin para ikwento ang lahat ng kanyang nalaman. Kagaya ng reaksyon ni Alex, nagulat din siya.
            “So ibig sabihin, yung mga nakuhanan mong pictures sa libing noong isang araw, lahat yun, mga patay na?” tanong ni Robin and Alex nodded.
            “Subukan mong puntahan ang bahay ni Mrs. Delos Santos. Baka naman…” naputol ang instruction ni Robin nang mag-ring ang cellphone ni Alex at nagulat ang binata sa screen, kung sino ang tumatawag.
            “Si Mrs. Delos Santos, tumatawag…” sabi ni Alex.
            “Sagutin mo…” sabi naman ni Robin kaya sinagot nga ni Alex ang tawag.
            “Hello? Mrs. Delos Santos? Napatawag po kayo.” Sabi ng kalmado ngunit kinakabahang si Alex.
            “Oo. Papasalamatan kita sana. Magkita tayo sa De Villa Memorial Park para maibigay ko sa’yo yung bayad at makuha ko rin yung mga pictures. Mga bago mag-hatinggabi. Sa may puno ng Acacia. Hihintayin kita dun.” Sabi ni Mrs. Delos Santos, at naputol ang linya.
            “Anong sabi niya?” tanong ni Robin.
            “She wants to meet me at the cemetery, doon daw sa Acacia tree before midnight.” Sagot ni Alex.
            “So pupunta ka? Paano kung may mangyari sa’yo?” tanong ni Robin.
            “Ikaw na ang bahala kay Selene.” Sagot ni Alex.

11:30 pm
Nagpunta si Alex sa sementeryo para harapin si Mrs. Delos Santos. Pagpasok pa lang niya sa loob, naramdaman niya ang lamig ng hangin na parang niyaya siyang pumasok. Nagdala na siya ng flashlight para sa liwanag. Malayu-layo ang nilakad ng binata para marating ang Acacia Tree sa pusod ng sementeryo.
            “Ano ba naman ‘to, bakit ko ba naisip puntahan si Mrs. Delos Santos dito?” tanong ni Alex sa kanyang sarili.
Ilang minuto lang, narating niya ang puno ng Acacia at nag-aabang doon si Mrs. Delos Santos, may dalang cane at kandila.
            “Magandang gabi Alex…akala ko’y hindi ka na darating…” sabi ni Mrs. Delos Santos.
            “Of course, may transaction tayo…” sabi ni Alex. Inilabas niya ang isang envelope, laman ang mga litrato. Iniabot niya ito sa babae, binuksan ang sobre’t inilabas ang laman nito. Tinignan niya ang mga litrato at natawa na lang siya.
            “Ano pong nakakatawa?” tanong ni Alex.
            “Hindi ko talaga maisip, na isang matinong lalake na gaya mo, ay papatulan ang isang trabahong maglalagay sa’yo sa iyong sariling hukay. Siguro’y alam mo na ang kwento tungkol sa lugar na’to, tungkol sa mga nakita ng kamera mo…tungkol sa’kin…” sabi ni Estrella sabay hataw ng kanyang cane sa binata. Sa lakas ng pagkakahampas nito, tumama ang ulo ni Alex sa sementadong parte ng puno. Tumulo ang dugo sa ulo ni Alex habang humahalakhak si Estrella.
            “Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas nang buhay dito sa sementeryo. Tandaan mo yan.” Sabi ni Estrella habang pinapatakan niya ng kandila ang kawawang binata. Tuluyan nang nawalan ng buhay si Alex kaya naglabas ng bolo si Estrella at kanyang pinagtataga ang katawan ni Alex. Matapos nito’y binalot niya ng tela ang putul-putol na katawan at sinubukang ilibing ngunit biglang may bumababa sa puno, parang baging na pumulupot sa leeg ni Estrella, naging mahigpit ang pagkakapulupot at naibigti nang kusa ng puno si Estrella.

            “Kaya po ganun ang nangyari. Yung sepulturero dito, pinatay din ng multong nanay. Kapag naghahanap ako dito ng multo, lagi ko silang nakikita. Parang nagiging ligtas lang ang sementeryo kapag November 1 o kapag October 31, yung tinatawag ng mga mayayaman na – Halloween.” Sabi ni Kulas habang kumakain ng ikatlong serving ng pack meal.
Naka-tambay sina Kulas, Chris at Ronnie sa sasakyan ni Ronnie.
            “Oh, asan daw yung camera?” tanong ni Chris sa bata.
            “Kinuha daw ng isang pulis. Ewan ko at bakit kinuha nila.” Sagot ni Kulas.
            “Bata, may mga alam ka pa bang kwento dito sa sementeryo? Bibigyan ka pa namin ng pagkain…basta umorder ka lang…” sabi ni Ronnie.
Kaya nagustuhan ng bata ang offer ni Ronnie.
            “Dyan, dyan tayo magkakasundo boss…” sabi ni Kulas


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn