Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Undas CHAPTER ONE: Black Out

05:43 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments


Huling araw na ng klase sa PUP. Mag sesembreak na naman. Wala nang inisip si Joe kung hindi ano ang susunod na anime niyang papanuorin. Huling klase na rin. Si Matchegani yung prof. Si Matchegani ay isang matandang bakla na walang sawang nagtuturo ng Espanyol kahit hindi naman kailangan sa kursong nakuha ni Joe, ang Information Technology. Si Joe nga pala ay isang poging nilalang, na crush ng buong school. Kahit si Matchegani ay aliw na aliw sa kanya.
"Ola Joe, muy bien por favor wag ka matulog iho mio", ang sabe ni Matchegani.

Hay nakakainip naman, sabe ni Joe sa sarili. Tinignan niya nalang ang kanyang katabi, si Aubriza, na kanyang crush, pero di niya alam ang gagawin sa tuwing naghaharap sila sapagkat nawawalan siya ng mga salitang ibibigkas.

"Class, adios!" sabe ni Matchegani. Akmang tatayo na si Joe nang dugtungan pa ni Matchegani ang kanyang sasabihin."Joe, magpaiwan ka muna sa room."

Ano kaya ang nasa isip ng matandang hukluban na to, nasa isip ni Joe. Wala siyang nagawa kung hindi umupo muli sa kanyang silya. Narinig niya nalang ang boses ni Aubriza.

"Joe, di ka pa ba uuwi?" Umiling si Joe, nang iabot ni Aubriza ang isang papel kay Joe. "Mamaya mo na basahin pag pauwi ka na, sige, ingat!" At sabay lumabas na ng kuwarto si Aubriza kasama ang iba pa niyang kaibigan. Hanggang sa si Joe at Matchegani na lang ang nalalabi sa kuwarto ng E418.

"Joe," panimula ng propesor. "Sabay na tayong umuwi. Doon ka na sa kotse ko sumakay, sabay ka na sa akin." Napaisip si Joe, may halong kaba kasi ang tunog ng boses ni Matchegani.
"Hindi po pwede eh. kasi po meron pa akong pupuntahan sa South Wing. Org namin." Pero nagpumilit si Matechegani.
"Sumabay ka na sa akin. Sige na. Wag na magbigay pa ng dahilan."
"Pero sir-", sabe ni Joe. Nagulat nalang siya ng kunin ng propesor ang kanyang bag.
"Halika na. Minsan lang to. Kulang na tayo sa oras." Oras? Napaisip si Joe. Nahihiwagaan na si Joe pero dahil nasa propesor ang gamit ay wala siyang nagawa kung hindi sundan ito. Pagkababa nilang dalawa sa parking ay hindi napansin ni Joe na halos konti nalang ang tao sa baba, dahil sa kanyang pag-iisip. Pinapasok siya sa loob ng van ni Matchegani. Magdidrive na sana si Matchegani ng mag-ring ang kanyang phone. "Teka lang Joe ha," sabay labas ng propesor. Sinara niya ang van, at nang mapansin nalang ni Joe ay nakakandado na ito. Nakita niya si Matchegani na naglaho sa likod ng Chapel. Lumipas ang mga Segundo,minute, at oras. Halos gabi na. Hindi parin bumabalik si Matchegani. Nakaramdam si Joe ng antok, at ng hindi niya namalayan, siya ay nakatulog na.
"Joe, Joe, Joe," May sumasambit ng kanyang pangalan. Nakita niya na lang si Aubriza na gumigising sa kanya.
"Aubriza, bakit narito ka? Anong-" at lalong naguluhan si Joe nang makitang marameng estudyante ang nagtipon tipon sa lugar na kanyang kinaroroonan. Nasa Recto Hall na sila ng ika-anim na palapag ng PUP. "Paanong-" na lamang ang nasabi ni Joe nang biglang may isang malakas na boses sa mikropono ang nagpahina sa ingay ng mga estudyante.
"Isara niyo ang mga bunganga niyo!" sabe ng lalake na nasa mikropono. Hindi pa rin tuluyang nawala ang ingay. Mas lalong umingay sa pagtataka ng mga bata. Bigla lamang tumahimik nang umalingawngaw ang putok ng baril mula sa likod ng mga estudyante.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn