Cindrelle Shaine "CHAPTER THREE"

03:59

Chapter Three

    “Ayan, ang gwapo gwapo mo na!“ masayang deklara ni Ella matapos niyang ayusan si Tristan. Siya kasi ang hinayaan nitong pumili ng isusuot niya para sa araw na iyon. Ang araw na iyon ang mismong araw ng pagpunta ni Tristan sa Paris. Isang buwan na rin ang mabilis na lumipas mula nung araw na nagusap sila sa may kusina ni Tita Mabelle. Isang buwan silang nagliwaliw at magkasama sa halos isang buong araw. Wala silang oras na sinayang at ngayon na nga ang takdang araw. Sabihin man niya na okey lang, di pa rin niya matanggap sa sarili niya kung bakit kinailangang umalis ni Tristan, kung bakit kailangang mangyari ito. Muli sinikap niyang ibaon sa pinakailalim ng puso niya ang kalungkutan at pinilit niyang ngumiti.
    “Oo nga no?“ ani Tristan sabay tingin sa salamin. “Ang galing talaga ng prinsesa ko!“ sabay yakap kay Ella at masuyong hinwakan ang mga pala nito.
    “Tristan,“ ang Ina ni Tristan. Nasa mid-forties na ito. dito namana ni Tristan ang ilan sa mga features nito, kulay kapeng mga mata at itim na buhok, may pagka-brown kasi ang buhok ng ama nito na si Norman na siya namang namana ni Joana, ang twenty three years old na ate nito. “Cinderella,” bati nito kay Ella. “Hmm... mukhang ayos ka na pala Tristan.”
    “Si Ella po ang nagayos sa akin.“ pagmamalaki ni Tristan. Nakaputi itong sophisticated na long sleeve at nakabukas ang dalawang butones na pinapakita ng konte ang leeg at dibdib nito. Nineteen years old na si Tristan. Hindi ganun ka-maskulado at di rin naman ganun ka-payat.
    “Well, what can I say? You look very handsome, indeed.“ sabi ng Ina habang tinitingnan ang anak with amusement. You did a very good job, Cinderella... anyway, Tristan, male-late na tayo. Kanina pa naghihintay ang Daddy at Ate mo sa sasakyan.” “Give me a minute, Mom.“ tugon ni Tristan at umalis na nga si Janet sa kwarto ng anak matapos sumangayon. “Promise, walang iiyak?“ si Tristan, habang magkaharap sila ni Ella.
    “Promise.” masayang tugon ng dalaga. “Magiingat ka doon ha!”
    “Oo, ikaw din.“ ani Tristan habang hinahaplos ang ulo ni Ella. “Mahal na prinsesa Cinderella, I’m going to be your prince charming someday.”
    “Yes,“ tugon ni Ella. “You just have to find my glass slipper and return it back to me.?    “I will.”

    Hindi na napigilan ni Ella ang maiinit na agos ng luha na kanina pa sana gusting lumabas. Ayaw niyang Makita ang pagalis ni Tristan kaya di na siya sumama sa airport. Alam niyang mas mahihirapan siya. Kaaalis pa lamang ng sasakyang sinasakyan nina Tristan at medyo malayo na rin ang nalalakad niya. Di na baleng di niya natupad ang pangako niya kay Tristan na hindi iiyak, kung iyon lang ang paraan para maibsan ang sakit na nararandaman niya, gagawin niya.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Follow me on Instagram

Subscribe