Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Thursday, 28 October 2010

Cinderella Shaine II "CHAPTER THREE"

10:24 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    "B3 with pineapple juice." walang tinag na sagot nito. Si Ella naman ay pinagpapawisan pa din.
    "Yun lang po?" Tumango ito. "Uhm, ten minutes waiting, is it okay?"
    "Oo." Tumalikod na si Ella at agad na nagpunta sa kusina.
    "Ella, ayos ka lang?" tanong ni Lea habang naghahanda ng order ng Justin. Si Ella naman ay pumunta sa lababo at pinagpatuloy ang paghuhugas. "Namumutla ka."
    "A-ayos lang ako." nauutal niyang tugon.
    "Huwag kang magalala, isang oras na lang at magsasara na tayo. Makakapagpahinga ka na.”"Alam ni Ella na hindi pagod ang nararandaman niya. Wala si Tita Mabelle sa araw na ito, umuwi na ito ng maaga dahil sinusumping ni migraine nito. At si Tristan di siya masusundo dahil nasa bayan daw ito kasama ang ilang kamag anak. Oh no, she’s so helpless.
    "Teka, bakit ba ako natatakot sa kanya?" ani Ella sa sarili. "Ano ba ang kinatatakutan ko?"
    "May sinasabi ka Ella?"
    "W-wala."

    "Uhm Justin magsasara na kami."
    "I’m waiting for you."
    "No need, kaya ko nang-"
    "At sinong nagsabi na ihahatid kita? We’re going somewhere."
    "I’m sorry?" napapantastikuhang tanong ni Ella. "Pero it’s too late, pwede bang bukas na lang?"
    "Lea, pwede ko bang hiramin itong si Cinderella?" ani Justin kay Lea na kasalukuyang nagmo- mop ng sahig.
    "Hindi pwede okay? Tutulungan ko si Lea na mag ligpit..Kakaleave ko lang ng isang linggo, kailangan kong bumawi." At tinulungan na nga ni Ella si Lea na mag ligpit. "Hintayin mo na lang ako sa labas." aniya kay Justin.
    "Ano bang problema?" tanong ni Ela. Silang dalawa na lang ang nasa afeteria dahil llumabas na nga si Justin. Kasalukuyan na nga silang nagaayos ng sarili nila.
    "It’s a long story Lea, pasensya na ah."
    "Ano ka ba? Wala iyon no." tugon nito.  "Basta wag mo lang akong tatakasan. Noong isang linggo kasi sobrang nahirapan ako eh dahil wala ka. Buti na lang nandyan si Ma’am Mabelle."
    "I’m sorry, pasensya ka na talaga. Hayaan mo babawi ako this week."


    "So anong problema?" tanong ni Ella kay Justin na nakapamaywang, Hindi umimik si Justin.  Sa halip dumiretso si Justin sa parking lot at ini- start ang sasakyan nito. "I’m sorry, pero ayokong sumakay diyan, uuwi na ako."
    "It’s my 19th birthday, Cinderella." anito. "We’re going to celebrate it together."
    "Tayong dalawa? Bakit ako?" taking tanong ni Ella.
    "Pwede ba pagbigyan mo naman ako, kahit ngayon lang?" may simpatyang sabi nito. Kitang kita ni Ella sa mga mata nito ang sinseridad. Naawa siya dito, Para bang may biglang kumirot sa puso niya. "Please." dagdag pa nito. At walang anu- ano’y sumakay na si Ella sapassenger seat. Pinaandar na ni Justin ang kotse.
    "Kailangan kong tawagan si Tita Mabelle."
    "You can call her, use your phone."
    "Uhm hindi ko dala ang phone ko." nahihiyang sagot nito, ang totoo ay gamit ito ni Rio. Ito kasi ang cellphone na binigay sa kanya ni Justin noong 17th birthday niya. Inabot ni Justin ang cellphone niya kay Ella. "Thank you."

    Huminto ang sasakyan sa Spring Beach, ang kaisa isang beach sa Spring Trail. Walang ibang tao doon kung hindi sila. Umihip ang malakas ang malamig na simony ng hangin. Ang alon naman Seagate humahampas sa pampang, It’s a peaceful night. Bukod sa mga bituin sa langit ay meron ding mga lamparang nagakabit na may iba’t iba ang kulay. Nakapunta na si Ella sa lugarnaito noong bata pa siya, pero matagal na panahon na iyon. Naglabas si Justin ng isang basket na puno ng pagkain at iniwasan iyon sa kumot na nilatag niya sa buhanginan. Pinanood niya si Justin habang nagaayos ng mga gamit at naisip na siguro talagang plano niya ito. Nagpasalamat siya s akanyang sarili dahil tinanggap niya ang offer nito dahil kung hindi ay mukhang magce- celebrate itong magisa.

    Pagkatapos ay pinatugtog ni Justin ang CD ni Enrique Iglesias, natawa si Ella, hanggang ngayon ba naman? Umupo sila sa nakalatag na kumot na para bang magpi- picnic. Nilabas na ni Justin ang nakahiwa ng cake mula sa basket at iniabot niya ito kay Ella. "Thank you." aniya.
    Naglabas si Justin ng isang bote ng wine. "Uhm, hindi ako umiinom. Allergy ako diyan."
    "Alam ko," sagot nito. "Hinanda ko talaga yan, baka sakaling di mo ko samahan." natatawang sabi nito. "Heto talaga ang inumin natin." anito sabay labas ng dalawang coke in can.
    "Okay." Kumain na sila ng fried chicken na medyo malamig na, oo nga pala, isn’t kalahating oras din siyang naghintay kay Ella. Maya maya lang ay nagtawanan na sila. Kinuwento ni Ella na bati bati na silang tatlo nina Annie atTrisha. Hindi nabanggit sa usapan si Tristan o si Shiena. At buti na lang hindi Dior na bag ang gamit niya nang araw na iyon. She just doesn’t want to spoil the perfect moment. Hindi nagtagal, napatugtog na ang kantang Hero. "May I have this dance?" pagyayaya ni Ella sabay lahad ng kamay. Iniabot iyon ni Justin at saka tinulungan si Ella na tumayo. Muntikan na ngang matumba si Ella pero buti na lang ay nahagip niya ang baywang ni Ella. And here they are, dancing under the stars. Eye to eye with each other, Ella’s eyes are dreary while Justin’s are full of desire and affection. Sa isang iglap, they are living in a world of their own. "Justin."
    "Cinderella, I wanted you to know that I’m very happy and I can say na sa buong buhay ko, this is my happiest celebration of my birthday."
    "Happy birthday Justin." Ipinikit ni Ella ang mga mata niya. Justin stared at her for a while and then smiled. He don’t wanna miss a thing, carefully, he reach for Ella’s face with his right hand and Ella’s hips with the other. At hindi naman nagtagal ay sakop na ng bibig ni Justin ang labi ni Ella. It was moving slowly and and full of love. Hindi na umangal si Ella, she have never felt so right before in her whole life. Not until now. It’s so perfect, and great.
    "Thanks for the birthday present." ani Justin habang nagliligpit sila. Nang matapos na aksi ang kanta ay bigla na lang silang anabolic sa realidad. "I’ll treasure it."
    "It’s okay, I wanted it too." Ella replied. She felt strange na para bang ayaw na niyang mapalayo kay Justin. She love this feeling, this feeling with him, the feeling of security. The feeling of love.
    "I’m glad." tugon naman nito. "You have to go home." Sa pagkakarinig ni Ella sa mga huling salita na iniwasan ni Justin ay napatingin siya sa relong suot nito. It’s 12:00. Nanlaki ang mga mata niya.
    "Oh my God! It’s already midnight." Ella exclaimed. "Papatayin ako ni Tita Mabelle."
    "Don’t worry, ihahatid kita." But Ella couldn’t have the assurance. Sinabi niya kay Tita Mabelle na birthday ni Justin at magkasama nila itong ice- celebrate pero how about Tristan? Baka tumawag na ito at- "I’t going to be alright, I’m here with you." Ngumiti si Justin and once again, she is under his spell. She felt okay.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn