Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 26 October 2010

Cinderella Shaine II CHAPTER ONE "HEART BROKEN"

09:51 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
    Once upon a time...  sa isang malawak na gymnasium ng Sacred Heart of jesus University kung saan halos dalawang oras nang nagle-lecture si Ms. Arena, ang P.E. 3 professor ng klaseng iyon ay naroon si "Ella" short for Cinderella. Nakapangalumbaba siya at nanatiling tulala. Katabi niya sa bleachers na iyon sina Trisha at Annie, ang matalik niyang mga kaibigan.Kasalukuyang busy ang mga ito sa pagte-take down notes tungkol s anile-lecture ni Ms. Arena na tungkol sa kasaysayan ng badminton. "Cinderella Shaine?" Hindi umimik si Ella, malalim pa rin ang iniisip. Second year college na siya sa kursong Business management. Seventeen years old, kulay kapeng mga mata, 5’4 ang taas, makinis at morena ang balt. At kulot na ang upper layer ng buhok nito pero di naman natatakpan ang tuwid nitong buhok na ngayon ay hanggang balikat pa rin niya. “Cinderella Shaine!” tawag uli ni Ms. Arena na mas malakas na ngayon. Tila naming nagising si Ella sa pagiisip.
    "Ma’am?" napansin ni Ella na nakatingin na sa kanya ang buong klase kahit ang dalawa niyang kaibigan na pinapagitnaan siya. "Bakit po?"
"Are you with us?" tanong nito at tulad ng dati nagngitian ang buong klase. Tumikhim muna si Ella.
    "Pasesnya na po.", Napahiyang sagot niya. "Hindi na mauulit." Napabuntong hininga siya. It started last night nang tumawag sa kanya si trisha. Mula nang sabiin sa kanya ang isang magandang balita kuno, ay din a niya napigilan ang sarili sa pagiisip.

    "Ella, may good news ako sayo!!" excited na simula ni Trisha nang sagutin niya ang telepono. Kararating niya lang galing sa trabaho sa Catherine Cafeteria at pagod na talaga siya.
    "Ano iyon?" tinatamad na tanong ni Ella.
    "Si Justin siguradong lulubayan ka na." Napalunok bigla si Ella. "Know why?", di umimik si Ella. "Kanina nakita ko siya kasama ang isang BABAE sa mall. Holding hands at naglalambingan. Tapos nang Makita niya ako, pinakilala niya ako sa kasama niyang MAGANDANG babae. Shienna yungpangalan ng babae. Grabe, parang model!" Ang mga sinabi ni Trsiha ay parang nag-slow down sa isip ni Ella. Matagal bago niya na-analyze na hindi iyon good news. Dalawang lingo ng nakararaan mula nang sabihin niya ang mga katagang: ‘Makinig ka sa akin. Dapat mong bigyang pansin ang iba pang mga bagay bukod sa akin. I am not your responsibility. Justin, kayak o ang sarili ko. You don’t have to do all of this.’ At mula noon ay din a sila nagusap. hindi na rin niya ginagamit ang cellphone na binigay nito. Hindi niya ito boyfriend pero higit pa dito ang pinapakita nito. Attracted siya dito pero alam niya sa kanyang sarili na hindi na pwede dahil may iba na siyang commitment. Commitment na hindi niya hahayaang mawala. Si Tristan.
    "Eh di maganda!" sagot ni Ella na pinasigla ang tinig. "At least, may pagtutuunan na siya ng pansin." dagdag pa niya.
    "Uhm, Ella are you sure? Justin was a good catch. Gwapo, mayaman, macho, matalino. Bulag ka ba?"
    "I love Trsitan." malumanay na tugon ni Ella.
    "Okey", ani Trisha. "So hindi ka apektado?"
    "Of course not!" sagot agad ni Ella. "Sige a, gagawa pa ako ng assignments eh."
    "May assignments ba tayo? Wala naman ah!"
    "I mean, magaaral pa ako. Sige, bye!" At mabilis na binaa ni Ella ang telepono.

    "Ella, okey ka lang?" tanong ni Annie, kasalukuyang kumakain ang tatlo sa isang fast food chain.
    "I’m fine." wala sa loob na sagot ni Ella.
    "Oh my God! May kinalaman bay an sa sinabi ko kagabi?" si Trisha. Umiling si Ella.
    "Di lang ako nakatulog ng maayos."
    "Ganoon?" sabay na tanong ng dalawa. Tumungo si Ella. Nagpatuloy sa pagsipsip ng soft drinks niya. Hindi talaga siya umiinom ng soft drinks dahil alam niyang maraming calories iyon. Pero sa tingin niya, kaibigan niya ito ngayon.
    "O, nandito nap ala sila eh!" masayang anunsyo ni Trisha.
    "Sinong sila?" Nagkatinginan si Annie at Trsiha.
    "Di mo pa ba sinasabi sa kanya?" tanong ni Annie.
    "Alin, ano iyon?" natatarantang tanong ni Ella. Napalingon si Ella sa may entrance ng fastfood chain at halos gusto niyang himatayin sa nakita. Si Justin, kasama ang isang magandang babae. Straght ang mahabang buhok nito, maputi at naka-spaghetti strap na blouse at naka-maong na pantaloon. Bagay na bagay sa sexy na katawan nito. Ngumit ito nang Makita si Ella. Kumaway naman si Justin. Tila slow motion ang paglapit nito sa kanila habang si Justin ay inaalalayan si Shienna. umupo ang mga ito sa harap niya.
    "Hello!" bati ng dalawang nasa harap niya. "Sorry, late kami." dagdag ni Justin.
    "Okey lang, kararating lang naman naming. Ten minutes pa lang kaming naghihintay." ani Trisha. Sa isip-isip naman ni Ella:
    "They are so perfect. Bagay na bagay sila." Hindi na kailangang magtaka ni Ella kung biglang kumirot ang puso niya. Pero magaling na artista si Ella. Kaya nagawa niyang itago ang kanyang damdamin. "Whew! Di man lang sinabi sa akin ng dalawang matalik kong kaibigan na may darating pala. I’m so surprised. Ehm... Justin, girlfriend mo?"                                                                  "Yeah," sarkastikong sagot nito habang nakaakbay kay Shienna. "Shienna, this is Ella, my friend. Ella, this is Shienna, my girlfriend." Sa unang pagkakataon, tinawag siya nitong Ella at hindi Cinderella. Isa sa mga palatandaan na he got over with her. Dalawang lingo? Ang bilis naman pala makalimot ni Justin. But, so what?!!
    "Hi Ella, nice meeting you." sabay lahad ni Shienna ng kamay. Inabot naman iyon ni Ella. Makinis at maputi ang mga iyon.
    "Alam niyo gusto ko pa sanang magtagal kaso 2:00 na. May trabaho pa ako eh." Excuse ni Ella dahil mukhang din a niya makakayanan pa ang mga pangyayari. Parang sasabog na siya.
    "Ba’t di na lang kaya tayo kumain sa cafeteria?" suhestiyon ni Justin na di nya alam kung gumaganti ba ito o ano? At ang mga tapat niayng mga kaibigan ay agad na sumangayon gayong katatapos lang naman nito kumain. Damn it! Wala na ring nagawa si Ella kundi ang sumangayon.


    "O anak, ba’t  nakasimangot ka?" tanong ni Tito Michael isang gabi habang naghahapunan. "Halos isang lingo ka nang ganyan ah!"
    "May problema bas a school?" tanong ni Tita Mabelle.
    "Wala po."
    "Sa love life?" Lalakeng-lalakeng tanong ni Rio.
    "Hindi." Sagot ni Ella.
    "Eh ba’t nakakasimangot?" sabay na tanong ng tatlo.
    "Nakakinis kasi eh." Mangiyak-ngiyak na tugon ni Ella. At kinuwento niya ang mga pangyayari.
    "Alam mo sa tingin ko nagpapansin lang sayo si Justin." Tugon ni Tita Mabelle. "Dapat di niya makita na apektado ka. Ano naman ngayon, no? You have to win this game, iha. You have to show him na-"
    "Mabelle, mali ang itinuturo mo kay Ella. Hindi na niya kailangan taasan ang pride niya.  Yan ang problema niyong mga babae eh-"
   "Aba, aba, aba! Babae si Ella, Michael. Ang lalakeng ganoon kung magpapansin di dapat pinapatulan!"
   "Ah kaya pala dati.."
   "Subukan mong magsalita pa Michael, at malalagot ka sa akin." At tumahimik na nga lang si Tito Michael. "Ella, makinig ka sa akin. Kailangan mong ipakita sa lalakeng to na hindi siya mananalo. Let him do it. Think of other things imbis na nabuburo ka sa inis na nararandaman mo."
   "Ate Ella, ginagamit mo pa ba ang cellphone mo?” sabat ni Rio. Umiling si Ella. “Good. Ako muna ang gagamit."
   "At sino naman ang tatawagan mo?" tanong ni Tito Michael.
    "Si Larry o di kaya si Joshua."
   "Ano?"
   "Sabi ko si Lallaine o di kaya si Jeany." sagot agad ni Rio sa tanong ng Ama. "Daddy, balak ko nang manligaw eh."

Nang araw na iyon, masayang gumising si Ella. Positibong-positibo ang pananaw niya. "Tama, hindi dapat ako magpaapekto. Mahal ko si Tristan. Siya ang lalakeng gusto ko siya at wala nang iba." Hinahanap niya si Yd, ang kulay kapeng teddy bear na binigay ni Tristan noong ika-labing anim niyang kaarawan. Napansin  niyang medyo madumi na ito ahil sa alikabok. "Yd, I’m so sorry kung napabayaan na kita, ha. Don’t worry, lalabhan kita mamayang gabi pag uwi ko." At bago umalis si Ella, dinampian niya si Yd ng halik sa noon a para bang anak niya iyon. Masayang naglakad si Ella patungo sa eskwelehan. "Walang pwedeng sumira ng araw ko!" At humalakhak si Ella sa isip niya.

    "Hi Justin!" masayang bati ni Ella. Tila nagulat naman si Justin. Pagkatapos ay hinarap ni Ella ang iba pang kaibigan. "Good morning girls!"
    "Ella, ba’t parang masaya ka ngayon?" tanong ni Trisha na para bang wala siyang karapatan magsaya.
    "At ba’t naman ako malulungkot? Today is a happy day! Tingnan mo, maganda ang araw sa labas!" tugon ni Ella. Napatingin ang tatlo sa bintana. At tila naman sila pinaglaruan ng tadhana. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
    "Yeah, it’s a happy day.", nalulumbay na sagot ni Annie. "I hate rainy days"
    "Never mind. Aaraw din mamaya."  Pakikiramay ni Ella sabay tapik sa balikat ni Annie. Sa unang pagkakataon, lumayo muna ng upuan si Ella. Kahit papaano kasi ay naiinis siya sa mga kaibigan niya s anangyayari kahapon na para bang pinagmu-mukha siyang tanga. Gusto muna niyang lumayo sa mga ito at mag concentrate sa mas importanteng mga bagay. Tulad ng pagaaral. Tumabi muna siya kay Alicia, ang kaklase niyang may salamin at kulot na buhok at pakialamera hanggang ngayon.
    "Ella, saan ka nagpakulot? Bagay sayo yang buhok mo. Pareho tayo." Anito habang pinaglalaruan ang buhok niya.
    "Sa Beast and Beauty Salon." Sagot niya at sa unang pagkakataon, hindi siya nainis ditto dahil pinuri nito ang buhok niya. "Ikaw, natural ban a kulot yan?"
    "Oo, namana ko sa lola ko. May lahi kasi kaming Spanish. Doon naming nakuha."
    "Oo, magre-research pa ako tungkol sa report ko."
    "Sige, sabay na tayo." Natutuwang sambit ni Ella. At least ngayon, may iba muna siyang makakasama. Napagdesisyunan niya kasi na lulubuyan muna niya ang dalawa.
    "Ella, iniiwasan mo ba kami?" tanong ni Annie isang araw. Nasa corridor si Ella kasama si Alicia.
    "Huh? Hindi ah." sagot ni Ella. Pina-inosente niya ang mukha. "I’m just busy. Malapit na ang reporting ko kaya pinaghahandaan ko na.
   "Pwede mo naman kami isama ah!" tugon naman ni Trisha. Tinitigan nito si Alicia.
   "Bakit siya?" Sumabat naman si Alicia.
   "I believe this is a democratic country girls. Kaya may karapatan siyang pumili ng KAIBIGAN." Mabilis na sabi nito.
   "Tama siya.", ani Ella. "I have the right to choose the right friends for me!" at nagwalk out si Ella, hawak ang kamay ni Alicia.
    "Is this about Justin?!!" Trisha asked furiously na kahit medyo malayo na sina Ella ay klaro  ang pagkakarinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon na kagat ang ibabang labi.
    "I don’t care about him, in fact I’m so happy for him!" sigaw niya. "We just forgot to celebrate!."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn