Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER TWO"

03:57 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Nakaupo kasama ang tatlong kaibigan si Ella sa library. Abala sila sa pagre-review dahil may quiz sila sa susunod na subject nila. “Bakit di mo ata kasama ang lovidoby mo, Ella?“ tanong ni Annie. SI Annie ay chubby, katamtaman ang kulay at mapupungay ang mga mata. Sophisticated ito at magaling pagdating sa fashion. High school pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan ni Ella. Siya pa nga ang tumulong para magkabalikan sila ni Tristan.
    “May klase siya ngayon eh.“ sagot ni Ella na di man lang natinag dahil  abala sa binabasa.
    “Nursing nga pala siya no?“ tugon naman ni Trisha. Mahaba ang buhok nito at masasabing may kagandahan dahil maraming nagkakagusto dito. Palagi itong naka-hairband at katulad ni Annie at Ella, mahilig din ito sa fashion. Dito sila nagkakasundo. Marahang tumango si Ella sa tanong nito.
    “Oo nga pala, may quiz sheet na kayo?“ tanong ni Steven. Si Steven naman ay masasabing may hitsura. May pagka-chinito ito, Moreno at maninipis ang mga labi. Maraming nagkakagusto dito pero di man lang nagpakita ng interes sa kahit na sino. At dahil nanggaling ito sa marangyang pamilya, pagaaral ang pinagtutuunan ng pansin.
    “Ay shocks! Kailangan pala mamaya.“ si Trisha.
    “Ella meron ka na?“ si Annie.
    “Oo.” sagot ni Ella na nagre-review pa rin.
    “Tara na, bumili tayo.“ suhestiyon ni Steven. Tumayo ang tatlo. “Diyan ka muna Ella, ha?”
   
    Naginat si Ella matapos niyang basahin ang huling pahina. “Hay salamat, natapos din.“ Di pa rin bumabalik ang mga kaibigan niya. Nagaalala na siya dahil limang minuto na lang at at magbe-bell na. Nang biglang may nag takip ng mga mata niya.
    “Sino ‘to?“ tanong ng nanunuksong tinig.
    “Tristan?!”   
    “Ako nga!“ Nagkaharap ang dalawa. Nagkatitigan sila na para bang walang ibang tao sa lugar at oras na iyon. Sa titigang iyon, nakita ni Ella ang habambuhay. Narandaman niya ang lahat ng ugat sa katawan niya at ang mismong pintig ng puso niya. Narandaman niya ang halu-halong emosyong di niya maintindihan. Nakita niya sa mga mata ni Tristan ang pagmamahal, narinig niya ang ipinapaparating ng puso nito na “Aalagaan kita habambuhay.“ Dahan-dahang naglapit ang mukha nila at maya-maya, narandaman ni Ella ang malambot na labi ni Tristan. Pumikit sila pareho at narandaman ang kakaibang sensasyong dulot nito. Hindi iyon ang unang halik nila pero sa tuwing nangyayari iyon, ay parang iyon ang unang pagkakataong nangyari na nagdikit ang mga labi nila. Dahan-dahang naglayo ang mga mukha nila at sabay na nagtawanan.

    Nang gabing iyon, masayang inalala ni Ella ang mga pangyayari nang araw na iyon. Na-perfect niya ang quiz at ang halik ni Tristan. O kay perpekto ng araw na ito. Niyakap niya si Yd, ang kulay kape na teddy bear. Binigay iyon sa kanya ni Tristan noong ika-labinanim niyang kaarawan. Maya-maya lang ay nakatulog na si Ella. Nakatulog itong may ngiti sa mga labi.

    “Bakit di ka papasok?“ tanong ni Ella isang umaga. Kausap niya si Tristan sa telepono.
    “May lalakarin kami ni Mama eh.” sagot ni Tristan. “Importante.“ dagdag pa nito. Hindi alam ni Ella kung ilusyon niya lang ba ang malungkot na tinig nito.
    “Tristan, may problema ba?” di mapigilang tanong ni Ella. Para kasing may bumabagabag sayo eh.”
    “Ella,“ panimula ni Tristan. Kinakailangan naming umalis sa susunod na buwan. Pupunta na kami sa Paris at doon na kami maninirahan.“ Napalunok si Ella. Tila nagmanhid ang buo niyang katawan.
    “A-anong sabi mo?“
    “Hon, I’m so sorry. Kahit ako, nabigla. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito.“ mabilis na paliwanag ni Tristan. Akala ko di  matutuloy. Tapos lingid sa kaalaman ko, nilalakad na pala ang mga papeles namin. Tumutol ako pero di pumayag si Mama. Desidido siyang umalis kami.”   
    “I-iiwan mo ako?“ tanong ni Ella na sinisikap na huwag tumulo ang luha niya.
    “Ako lang naman ang mawawala pero ang pagmamahal ko-”   
    “At sa tingin mo maniniwala ako?” nanginginig na kalamnang tanong ni Ella. Di na niya napigilan at tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. “Bakit ngayon mo lang sinabi?! Napaka-unfair mo!” Yun lang at binaba ni Ella ang telepono. Dahan-dahan siyang napaupo sa light green at malambot na sofa. Sa isang iglap, naglaho lahat ng pinapangarap niya. Isa sa mga pangarap niya ay sabay silang papasok sa klase ni Tristan sa loob ng apat na taon ng kolehiyo. Sa ngayon, alam niyang di na iyon mangyayari. Ang sabay nilang pag-graduate, magtrabaho at pagkatapos ay magpakasal. Hindi. Hindi niya ito inaasahan. All her dreams shattered into pieces. Hindi ito maaari. Hindi niya ito makakayanan.
    “Ella,” lumapit si Tita Mabelle at umupo sa kinauupuan niya. Tuluyan ng umiyak si Ella. Humagulhol siya. Hindi na niya nakayanang pigilan ang nararandaman.
    “Tita Mabelle,” nasambit niya habang hinahagod naman ng tiyahin ang likod niya. Nakahilig si Ella sa dibdib nito. “Iiwan na niya ako…”   
    “Sshh... Cinderella, lalake lang yan. Hindi ka dapat umiyak.” tugon ni Tita Mabelle. “Ang Cinderella Shaine na kilala ko ay matapang at di basta basta iniiyakan ang mga bagay bagay tulad niyan.”
    “Pero hindi ko makakaya kung mawawala pa siya sa akin. Paano na ang mga pangarap na binuo namin?”   
    “Hindi ba yan matutupad kung malalayo kayo sa isat isa nang ilang taon?“ Hinaplos-haplos nito ang buhok ni Ella. “Kilala ko si Tristan. Alam ko kung anong klase siyang lalake. Naniniwala ako na ikaw lang ang mamahalin niya.”   
    “Tita Mabelle, akala ko ba  para sa inyo pare-pareho lang ang mga lalake?“ tanong ni Ella habang humihikbi. Namumula at namamaga na ang mga mata niya.
    “Syempre, hindi.”  Sinasabi ko lang iyon pag naaalala ko ang huli kong nobyo, sampung taon na ang nakakaraan.“ tugon ni Tita Mabelle. “Ang sabi niya kasi pakakasalan niya ako pagkatapos niyang manganak pero isang araw nakita ko siya na may kasamang iba!”   
    “Anong ginagawa nila?”
    “Basta, naglalandian at magkahawak pa ang kamay!” nanggigil na sagot niya. “Ang kapal ng mukha! Diyos ko, Cinderella Shaine nang mga panahong iyon, gusto ko silang sabunutan, sapakin, kulamin, pero di ko nagawa. Umalis na lamang ako kasama si Rio. Pumunta kami sa malayong lugar, sa lugar na di na niya kami makikita.” salaysay ni Tita Mabelle. “Uhm... anyway, past ko na iyon. At wala itong koneksyon sa kung anuman ang pinaguusapan natin ngayon. Lakasan mo ang loob mo. Maging matatag ka, pagsubok lang yan sa buhay mo. Nasa sayo na lang yan kung ipapakita mong mahina ka. At isa pa, mga bata pa naman kayo. Maraming pwedeng mangyari. Marami pa kayong makikilala-?    “Pero siya lang ang gusto ko, siya lang ang mahal ko.”   
    “Ella, hindi mo rin masasabi pagdating ng panahon. Pwedeng kayo pa rin, pwede namang may makilala ka pa na mas nararapat sa iyo.” tumango si Ella na sa ngayon ay nagpupunas na nga luha. “Sa ngayon, ayusin mo muna ang pagaaral mo para sa future mo. Alam kong yan din ang sasabihin ng mga magulang mo sayo kung sakali mang nabubuhay pa sila.”   
    “Bakit ganoon? Kinuha na nga ang Mama at Papa, bakit pati si Tristan ilalayo pa sa akin?”   
    “May iba pang balak sa iyo ang kapalaran, Cinderella.”   
    “Salamat, Tita Mabelle.” at nagyakap ang dalawa.

    Matamlay na pumasok si Ella nang araw na iyon. Kahit bingyan siya ng lecture ni Tita Mabelle, hindi pa rin niya matanggap ang mga pangyayari. Siguro dahil hindi talaga ganoon kadali tanggapin na ang mga pangarap mo ay di lahat magkakaroon ng katuparan. “Ella bakit parang malungkot ka ngayon?” si Justin. Hindi niya inaasahan na si Justin pa mismo ang unang nakapansin sa kanya dahil si Justin ay masungit na sa kanya kahit noong unang araw pa lang ng pasukan. Sumabay ito sa kanya sa elevator at pinindot ang 4th floor. Isa itong Marketing student at magkaklase sila sa subject na Algebra. Tinitigan lang ito ni Ella sa tanong niya at tila napahiya ito. “Sorry kung nakikialam ako. Di kasi ako sanay sa aura mo ngayon, para ka kayang namatayan.“ Sabay sarkastikong tumawa. Bumuntong hininga lang si Ella. Sa wakas, bumukas na ang elevator at lumabas siya ng padabog. Sa loob-loob niya ay gusto niya ito sapakin dahil pinainit nito ang ulo niya.
    Sinalubong siya ng mga kaibigan sa corridor. “Ella? Bakit parang di ata maganda ang gising mo?” tanong ni Trisha na mukhang maganda ang gising. “Ang ganda-ganda pa naman ng araw!“ Pumaligid naman sa kanya sina Annie at Steven.
    “Bakit, may masama bang nangyari?“ Si Annie na kulay berde ang suot na eyeshadow. Pagapasok nila ng classroom, sinalaysay ni Ella ang pangyayari ng umagang iyon. Nanlumo ang tatlo sa sinabi ni Ella. Hindi rin sila makapaniwala. “Hayaan mo Ella, nandito pa naman kami.“ sabi ni Anne.
    “Oo, tama siya Ella.“ sabi naman ni Steven.
    “Di ka naming pababayaan.“ dagdag pa ni Trisha at nag-group hug ang tatlo.
    “Salamat ha.” si Ella na ngumiti sa unang pagkakataon nang araw na iyon. “You made me feel better.”
    “Ano ka ba naman?“ si Steven. “Para saan pa ang pagkakaibigan natin.”   

    Lingid sa kaalaman ni Ella. Kanina pa nakikinig si Justin. Nalungkot ito sa narinig pero mas malaki ang bahagi sa puso niya ang natuwa.

    Kinagabihan, masayang kumain ng hapunan ang tatlo. Si Rio ay nagpapatawa at kahit si Tita Mabelle para lang tumawa si Ella. Di naman sila nabigo dahil kahit papaano naiibsan naman ni Ella kahit papaano ang kalungkutan. Nagtatawann pa rin sila ng biglang may kumatok sa kanilang pintuan. “Okay, okay ako na!“ presenta ni Rio at saka siya tumayo at binuksan ang pinto.
    “Sino yan?“ tanong ni Tita Mabelle. Pinapasok ni Rio ang tao sa pinto.
    “Si Ella?“ si Tristan. “Pasensya na kung nakaistorbo ako.“ Nakaitim na polo ito at maong na pantaloon. Bagsak ang buhok nito pero di naman natatakpan ang magandang mga mata nito. May dala itong isang bungkos na dilaw na bulaklak. “Nakakaistorbo ata ako.?        “Well, di naman masyado.“ supladong sabat ni Rio. Tiningnan naman ito ng masama ni Mabelle at agad itong tumahimik.
    “Hhm, kumain ka na ba?“ tanong ni Tita Mabelle. “Sabayan mo na kami.“ Nanibago si Tristan sa pakikitungo sa kanya ni Tita Mabelle sa kanya dahil dati masungit ito dati sa kanya.
    “Kumain na po ako.“ sagot naman ni Tristan. “Ella para sayo.“ Ngumiti ng malumanay si Ella saka tumayo at kinuha ang mga bulaklak.
    “Salamat, kumain ka muna kahit konti. Nagluto si Tita ng sisig.?

    “Ella, sorry talaga kung hindi ko agad sinabi sayo.” sabi ni Tristan nang mapagisa sila sa kusina. Naghuhugas ng pinggan si Ella at tumutulong naman si Tristan sa pagliligpit. “Ayoko naman talagang magkalayo tayo eh, ayoko malayo sa iyo.“ hinawakan ni Tristan ang kamay ni Ella.
    “Pwede ba, naghuhugas ako.“ pagiiwas ni Ella.
    “Cinderella, mahal kita.” inawakan nito ang balikat ni Ella at saka niyakap. “At pakakasalan kita.“ Ikinagulat ito ni Ella. “Ilang taon mula ngayon ay babalik ako at ikaw ang mapapangasawa ko.“ Ngumiti si Ella.
    “T- talaga? Babalikan mo ako?“ tanong nito.
    “Oo, hinatyin mo lang ako.” lalang humigpit ang yakap nito. “Please?
    “Maniniwala ako, Tristan.”   
    “Salamat.”   
    “Sa susunod na buwan pa naman di ba?”   
    “Oo.”   
    “May isang buwan pa tayong nalalabi. Ba’t di natin lubusin?”   
    “Tama ka, we have to live it to the fullest.“ sagot ni Tristan at dinampian nito ng halik ang mapupulang labi ni Cinderella Shaine.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn