Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER TWELVE"

06:34 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
     “Pwede ba Justin, bitawan mo ko. Hindi pa ako lasing!“
    “Cinderella, wag ka ng pumalag dahil nabibigatan na ako sayo!“
    “Bakit sinabi ko ba saoy na buhatin mo ako? Ayoko pang umuwi! Gusto ko pang uminom!“
    “Lasing ka na Cinderella. At isa pa it’s already one o’ clock. Umuwi ka na.“
    “Ang kulit mo! Sinabing di ako lasing eh!“
    “Shut up, okey? Isa pang salita mula sayo and I’m going to kiss you again! Is that- oh shit! Huwag mo ko sukahan- anu ba?! Yuck!”

    Umikot ang paningin ni Ella nang siya ay nagising. Mabigat ang ulo at pakirandam niya. Napatingin siya sa orasan. Alas-dose na. At nasaan ang mga kaibigan niya? Natutop  ni Ella ang bibig niya nang may marandamang kakaiba. Agad siyang tumakbo patungo sa banyo. Ilang minuto siyang nanatili doon. “Teka, paano ako nakarating dito?“ tanong ni Ella sa sarili na ang huling naaalala lamang ay ang paginom nila ni Annie. Nakita niya sa labahan ang mga damit nito. Ang ibig sabihin, umalis na ito nang hindi siya kasama. Kung sabagay masama naman ang pakirandam niya kaya mas pipiliin niyang manatili na lamang sa hotel. Nagpadala na lamang siya ng almusal sa kwarto niya.

    “Pwede ba Justin? Huwag muna ngayon. Masama ang pakirandam ko.“ matamlay na salubong ni Ella sa pintuan.
    “Pwede ba papasukin mo muna ako.“
    “Basta wag ka lang gagawa ng masama ha.“ At pinapasok nga ni Ella si Justin. Dinama ni Justin ang noo ni Ella.
    “Hey, may lagnat ka!” nagaalalang sambit ni Justin. Binuhat siya nito at inihiga sa kama. Di naman tumutol si Ella. Pero nagtagpo ang mga mata ni Ella. Napalunok si Justin samantalang nakatitig lamang si Ella. At sa muling pagkakataon, sinikap ni Justin na kontrolin ang sarili. Kumuha si Justin ng bimpo at binasa sa malamig na tubig. Inilatag niya iyon sa noo ni Ella. Ilang sandali itong di mapakali. “Cinderella, dyan ka lang okey?“ kinuha nito ang susi sa mesa. “Babalik ako.“ Pagbalik nito may dala na itong gamot. “Heto, take it.“ sabay abot ng tableta at isang baso ng tubig. Ininom naman ito ni Ella. Sinarado ni Justin ang kurtina na nagresulta ng pagdilim ng kwarto.  Hinila ni Justin ang kumot at itinakip kay Ella.
    “Thank you.“
    “Try to sleep okey?“ Maya-maya uminit ang sulok ng mata ni Ella. Tuluyan na itong umiyak. “Hey, why are you crying?“ tanong nito ngunit iling lang ang isinagot niya. Samot saring pakirandam ni Ella. Pinahid ni Ella ang luha at pumikit.
    “Matutulog na ako.“ anito. Tinakpan niya ng unan ang mukha at tumagilid. At sa unan na iyon, tahimik siyang humagulhol. Hagulhol na sisiguraduhin niyang di maririnig ni Justin.

    “Tita Mabelle, pwede bang ipasok  mo ko sa pinagta-rabahuan mo?“ tanong ni Ella habang nagaalmusal sila, isang umaga.
    “Bakit,“ balik tanong ni Tita Mabelle. Isang Linggo na mula nang bumalik sila galing sa Boracay. “Kulang ba ang allowance na binibigay ko sayo?“
    “Hindi, hindi po.” mabilis na sagot ni Ella. “Uhm... kasi po graduate na ako ng high school at kailangan ko na rin ng working experience.“
    “Ah ganoon ba?“ nasapo ni Tita Mabelle ang noo. “Oo nga pala.“
    “Uhm... kailangan ko ng secretary!“ excited na banggit ni Tito Michael.
    “Actually doon sa cafeteria, kailangan naming ng extra waitress.“
    “Sa cafeteria?“
    “Uh-hmm. Gusto mo?“
    “Pero mas magnada sa opisina!“ sabat ni Tito Michael.
    “Parang ayoko sa opisinang sinasabi mo Michael. Nang bumisita ako doon, puro mga lalakeng mukhang-“
    “Maribelle, wag mo takutin si Ella. DI naman sila ganoon kasama. Mababait sila. Nagkataon lang talaga na gwapo ang boss nila.“
    “Uhm... kailan po ako pwede magsimula??tanong ni Ella.
    “Para mag secretary? Bukas-“
    “Hindi po, para mag waitress.“
    “Ngayon kung gusto mo!“ excited na sagot ni Tita Mabelle. Napabuntong hininga na lamang si Tito Michael.

    “Excuse me, bago ka?“ tanong ng isang matangkad at sopistikadong babae mula sa kinauupuan niya. Hindi gusto ni Ella ang tanong nito, kaya lang hindi ata magandang sungitan ang unag customer. Ngumiti na lamang siya.
    “Yes Ma’am! May I take your order now please?“ Catherine Cafeteria ang panagalan ng cafeteria nay un. Nakasuot si Ella ng polo na may kwelyo at may logo ng tinapay. May suot din siyang apron na nakapailalim ang pantalon niya.
    “Gusto ko ang lagi kong ino-order.“ sagot nito na nakataas ang kilay. Kung di lang talaga gwapo ang lalakeng kasama nito, malamang ay sinabunutan na niya ang babaeng ito. Kaya lang aaalala niya ang sinasabi ni Mr. Sanz sa Managaement subject nila na Customers are always right.?
    “Uhmm... Ma’am, ano po yung lagi niyong ino-order?” Ella asked feeling stupid. Naghisterya ang babae. Buti na lang at sumagot ang lalakeng kasama nito.
    “Uhmm... Miss?“
    “Ella!“sagot agad ni Ella.
    “Ang palagi niyang ino-order ay ang Italian pasta with garlic bread. Dalawang order niyan at Caramel coffee na rin.“ tugon ng lalake na sa tingin ni Ella ay nasa twenties na. Mestiso ito at nagmamay ari ng isang pares na kulay asul na mga mata. Napansin din ni Ella na malalim ang mga biloy nito dahil kahit di ito nakangiti, kita pa rin ang mga ito.
    “Sige po sir. Sandali lang-“
    “Anong sandali?“ putol ng babaeng mukhang tigre. “Ayoko ng nagihintay ng matagal.”
    “Okay, Ma’am.”
    “Hayaan mo na. Ganyan talaga si Ma’am Catherine.“ ani Lea na nakilala niya lang noong araw na iyon. Maikli at kulot ang buhok nito. Malaki ang mga mata at sungki ang mga ngipin. Pero palangiti ito at mabait naman.
    “Catherine?“ ani Ella habang pinapanood si Lea na naghahanda ng in-order ni Catherine.
    “Anak siya ng may ari ng Cafeteria na ito. At yung kasama niya si Sir Leonard, the pogi. Ewan ko nga kung paano niya yon naging boyfriend eh.“
    “Double time girls!” ani Tita Mabelle na lumitaw mula sa likuran. “Ella, may bagong customer.“
    “Okay, I’ll take it!”
  
    “Hello?“ matamlay na sagot ni Ella sa telepono nang gabing iyon. Tulad ng inaasahan, napagod si Ella sa unang araw niya. Hindi niya alam na ganoon pala ka-hirap magtrabaho.
    “Ella, this is Tristan!“
    “Ahh! Tristan! Kamusta?“ pinasigla ni Ella ang tinig.
    “Looks like you’ve got a bad day.“
    “Hindi pagod lang ako.“
    “Well, gusto mong ikwento?“ Napangiti si Ella. Just like what she needed. Huling tumawag si Tristan bago sila pumunta sa Boracay at namiss niya talaga ang boses nito. Sa isang iglap, nawala ang pagod niya. Kinuwento  niya na may trabaho na siya at unang araw niya iyon. Mukhang naming nawiwili si Tristan. Kinuwento naman ni Tristan ang pagpasok nito sa kolehiyo bilang nursing student. Masayang nagkwentuhan ang dalawa sa loob ng isang oras at pagkatapos ay nagpaalam na si Tristan.
    “Tristan, I still wish you’re still here for me.“
    “I’m still here for you.”


    “May I take your orders please?“ nakangiting tanong ni Ella sa mga kaibigan niya isang araw, sa cafeteria. That includes Annie, Trisha and... Justin.
    “Wow, Ella! Astigin ah!“ puri ni Trish.
    “Palagi na akong kakain dito.‘ deklara ni Justin.
    “Talaga lang ha? Aasahan ko yan!“ tugon ni Ella sabay kindat.
    “Ano bang masarap dito?“ tanong ni Annie habang sinusuri ang menu.
    “Actually, lahat.“ nagtawanan ang lahat. And again, Ella felt so happy again. Ano pang hihilingin niya? Tumawag si Tristan noong isang araw at masaya silang nagkwentuhan. At ngayon ay binisita siya ng mga tapat niyang kaibigan. He also miss Steven pero di niya naman ‘to mahagilap.
    “Excuse me!“ Napalingon si Ella sa pinaggalingan ng tinig at muli ay naginit ang dugo niya. Sinenyasan niy muna ang mga kaibigan niya.
    “Guys, balikan ko na lang kayo ha? VIP ‘to eh!“ Sumangayon naman ang mga kaibigan niya.

    “Uhm... Lea, may itatanong ako sayo.“ ani Ella isang gabi kay Lea. kasalukuyan na silang nagliligpit dahil alas-otso na at malapit na silang magsara.
    “Ano iyon?“
    “Well, na-inlove ka na ba?“
    “Ella, dalawamput apat na taon na ako. At sa buong buhay ko isa lang ang lalakeng minahal ko.“
    “Boyfriend mo?“ Umiling ito.
    “Hindi. Hindi naging kami. Bata pa lang kami, matalik na kaming magkaibigan. Sa mga taong iyon, di ko napansin na hindi na pala kaibigan ang tingin ko sa kanya. Alam mo iyon, bigo ako dahil kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Tapos. Tapos na ang kwento.“
    “A-ano?“nawi-wirduhang tanong ni Ella. “Di ko maintindihn.“
    “Hindi ko pa masabi ngayon eh.“ bulong nito sa sarili. “Alam mo ganyan talaga ang pagibig. Mahirap talaga siya maintindihan. Pero isa lang ang sinisiguro ko,“ Huminga muna ‘to ng malalim. “Masarp umibig.“ Napansin ni Ella na makata kung magsalita si Lea. Totoong tao ito at walang tinatagong kaartehan kaya mabilis nahulog an gang loob niya dito. Natawa na lang siya sa sinabi nito.
    “Well, if you need someone to talk to, nandito naman ako. Di man ako expert dyan, I’m here to listen.“
    “Okay, alam mo mabuti pa bilisan mo na dyan dahil mukhang hinihintay ka na ng kasintahan mo sa labas.“ ani Lea sabay turo kay Justin na nakikita nila sa labas ng cafeteria.
    “Lea, hindi ko siya boyfriend.“ tugon ni Ella na iniwas ang tingin sa kasama. “Magkaibigan lang kami.“
    “Diyan naman nagsisimula ang lahat di ba?“ natatawang sambit nito.
    “May boyfriend na ako.“ Ella mumbled mostly to herself. Kasalukyan na siyang naghuugas ng plato.
    “Kasintahan pa lang naman hindi pa asawa. Sinong nakakaalam?“
    “Mahal ko ang boyfriend ko.“ naiiritang tugon ni Ella.
    “Sabi mo eh!“ nangaasar pa ring sagot ni Lea.

    “Hi Justin!” bati ni Ella. “Di ka pa uuwi?“ Umiling ito.
    “Hindi mo kasama si Tita Mabelle?“ tanong nito.
    “Naghalf-day lang siya.“
    “Tara, I’ll take you home.“
    “Okay.“ At sumakay sila sa sasakyan ni Justin. Kahit pagod si Ella, hindi pa rin pinalampas ng pangamoy nito ang pabango ni Justin.
    “Gusto mo magkape?“ alok ni Justin na hindi na tinanggihan ni Ella. Dumiretso sila sa 24 hour fastfood chain.

    “Justin,“umangat ang mukha ni Justin mula sa paginom ng kape. “Thank you nga pala sa lahat ng ginagawa mo para sa akin ha, alam mo, I really don’t know what will happen to me kung sakaling wala ka. Siguro, wala na ako dito ngayon. You have save my life for so many times. At gusto ko na malaman mo na masaya ako for having a friend like you, but-“
    “Cinderella, please,“ awat nito. “Ayoko marinig ang-”
    “But you have to. Makinig ka sa akin. Dapat mong bigyang pansin ang iba pang mga bagay bukod sa akin. I am not your responsibility. Justin kaya ko ang sarili ko. You don’t have to do all of this. Try to have fun on other thi-“
    “Cinderella, stop it!“ ma-awtoridad na utos nito. “Hindi ko ito ginagawa para sayo. Ginagawa ko ‘to para din sa sarili ko. Dito ako masaya. Please don’t take it away from me.“
    “Pero may boyfriend na ako.“
    “Alam ko. Pero wala siya dito. He couldn’t take care of you.“
    “And I... love him…“
    “But I love you too…“ Tumayo si Ella sa kinauupuan.
    “You shouldn‘t.“ At tuloy-tuloy na itong lumabas sa pintuan. Bago pa siya abutan ni Justin ay naka-sakay na siya sa isang taxi cab. Hindi na siya napigilan ni Justin. Naiwan itong nakatayo at nakatnaw sa papalayong taxi cab. Pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

    “Tita Mabelle, pwede po ba akong uminom?“ tanong ni Ella sa tiyahin, isang gabi. Silang dalawa na lamang ang gising nang mga oras na iyon. Kinuha naman ng tiyahin ang isang bote ng beer sa ref at inilapag sa mesa.
    “Kailangan mo ng kasama?“ Ngumiti si Ella at tumango. Masuwerte siya dahil hindi makitid ang pagiisip ng tiyahin. Naiintindihan nito kung kalian siya nagkaka-problema. Nilagyan nito ng laman ang baso niya. “Now, tell me what’s your problem.“
    “Ganito rin po ba ang mommy sa inyo.“  
    “Uh-hmm.“ sagot nito. “Mabuting babae ang mommy mo. Malaki ang pagunawa niya. Alam niya kung may problema ako kay Michael. Niyayaya niya ako uminom kahit siya ang pinaka-busy  na tao sa mundo.“
    “Sayang…“
    “Don’t be. I’m sure nasaan man siya ngayon, I know she’s very proud of you. Matatag ka anumang problema na dumating sayo.“ Hinaplos nito ang mukha ni Ella. “You are so beautiful. Kamukha mo siya. Hindi nga lang kayo pareho ng buhok na namana mo sa Daddy mo. Now tell me, anong problema?“ Isa-isang kinuwento ni Ella ang tungkol kay Justin. Ang tungkol dito, ang ginagawa nito, at ang nararandaman niyang kakaiba para dito.“
    “Pero ayokong iwan si Tristan. Di ko siya kayang saktan. At isa pa, alam kong pagsubok lang ‘to para sa amin.“ Lumagok si Ella sa baso niya at nilagayan pa ito uli ng laman ni Tita Mabelle. “Kaso ang kulit ng puso ko. I think I love him too…” At tuluyan ng umiyak si Ella. Walang nagawa ang tiyahin kundi hagurin ang likod nito. She comforted her with soothing words na para bang ito ang tunay niyang Ina.
    “Just follow your heart Ella.“ anito. “Gusto mong bisitahin ang puntod ng mga magulang mo bukas? Tutal day off natin bukas, remember?“ Tumango na lamng si Ella. At pagkatapos ay yumakap kay Tita Mabelle. Hindi niya alam kung resulta ba iyon ng beer. Para kasing iba ang pakirandam niya habang kayakap si Tita Mabelle. pakirandam niya bata siya ulit at kayakap ang kanyang mommy. pero hahayan niya muna ang resulta ng beer. Sasamantalahin na lamang niya muna ang masarap na pakirandam.

    Kinabukasan hindi natuloy ang pagbisita nila sa puntod ng mga magulang ni Ela. Nagising si Ella na nangangati ang buong katawan. mabigat at masama ang pakirandam niya. “Allergic ka sa beer, Ella?“ Nabiglang siwalat sa kanya ni Tita Mabelle. At maya-maya ay natawa ito. “Pareho talaga kayo ni Ate Ellaine. may allergy din siya sa beer eh. At sa pagkakaalam ko, isang lingo tumatagal ang allergy na iyon.“ Nasapo ni Ella ang ulo. Buong katawan niya ay namamaga. Buti na lang at binigyan siya ni Tito Michael ng antibiotics.
    “Kaya sa susunod, Ella, wag kang sasama dito sa Tita mo kung iinom ka ha? Alcoholic yan eh- aray!“ Natawa na lamang si Ella nang makitang naghahampasan ang magasawa.
    “Pero, Tita, seryoso ka? isang lingo?“ Dahan-dahang tumango si Tita Mabelle.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn