Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER TEN"

06:32 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Nagkakasayahan sa sala nang dumating si Ella. Alas-otso y medya na at kahahatid lang sa kanya ng kanyang knight on a shinning armour. Napagpasyahan na rin ni Tito Michael na sa bahay na nila tumira. Masaya naman si Ella sa mga pangyayari dahil sa wakas, ay nakita na rin niyang masaya talaga si Tita Mabelle. “Halika, Ella! Join us!“ Ngumiti si Ella at umupo sa tabi ni Tita Mabellee. Maayos na ang bahay di tulad nang umalis ang mga kaibigan ni Ella. Naglinis nap ala si Tita Mabelle.
    “Pasensya na po kung natagalan ako sa labas.“
    “Ano ka ba? Wala yon! Besides, birthday mo naman ngayon.“ tugon ni Tita Mabelle.
“Wow!” sabat ni Rio. “Cellphone mo yan?“ na para bang di makapaniwala sa nakitang hawak ni Ella. Agad itong pinaglaruan ni Rio.
    “Regalo sa akin ni... Justin.“ namumulang sagot ni Ella. “Ayoko sanang tanggapin kaya lang…“
    “Wow, galante!“ sabat naman ni Tito Michael habang tinitingnan ang cellpone.     “Mayaman ba ang boyfriend mo na iyon anak?“ Natuwa si Ella nang marinig niya ang huling salitang sinambit ni Tito Michael. Pakirandam niya isa na nga silang buong pamilya. Pakirandam niya ng mga panahon iyon ay buo na uli siya mula nung umalis si Tristan. Nang nag-register sa utak niya ang pangalan ni Tristan, naisip niya, tila ilang araw niya na ring di naiisip ang pangalang iyon.
    “Tito naman, di ko po siya boyfriend! Magkaibigan lang kami.“ sagot ni Ella mula sa ilang sandaling pagiisip.
    “Sinabi mo eh! Pero anak, di ka naman pinagbabawalan ng Tita mo na magboyfriend eh. Alam mo yun, college ka na. Enjoy life!“
    “Learned from experience?“ natatawang tanong ni Ella. Ipinaliwanang naman agad ni Tita Mabelle ang tungkol kay Tristan. Tumango-tango  na lamang si Tito Michael. Nagkakasayahan pa rin sila ng magring ang telepono. Tumayo si Ella at sinagot ito. Tumahimik ang lahat. Tila gusto rin malaman kung sino ang nasa kabilang linya.     “Tristan?!!“ Sumenyas si Tita Mabelle na aakyat muna sila sa itaas at tumango naman si Ella.
    “Ella, happy seventeenth birthday!!!“ masayang bati nito. At sa sobrang tuwa ni Ella, nakalimutan na niya na hindi ito nakatawag sa loob ng dalawang buwan. “Natanggap mo na ba ang pinadala kong regalo?“
    “Uhm... hindi pa!“
    “Baka na-delay lang.“
    “Baka nga.“
    “So kamusta naman ang birthday ng prinsesa ko?“ tanong nito. “Nag enjoy ka ba?“     “Oo naman.” wala sa loob na sagot ni Ella. “Pero mas masaya kung nandito ka.”
    “Well, di mo ba nararandaman?” napaupo si Ella. “I’m already here with you.“ Napatingin naman si Ella kung saan magisa lang siyang nakaupo. Pero alang-alang kay Tristan, handa siyang mag imagine muna sa ngayon. Sumandal siya sa sofa, napangiti.
    “Yeah, I can feel it.“ tugon nito.

    Nang sumunod na araw, nakatanggap si Ella ng isang package. Isa itong kulay itim na stilletona may three inches ang takong. It looks very sexy. Napanganga si Ella. Galing itong Paris! And for the first time in her life, since her parents died, ngayon lang uli siya nagkaroon ng sapatos na di basta-basta. “I really feel like Cinderella now!“ sigaw ni Ella habang umiikot at nahalikan pa nito ang sapatos  sa sobrang tuwa.

    Araw ng mga puso ng araw na iyon ng biyernes at iniisip ni Ella kung isusuot niya ang stiletto na iniregalo sa kanya ni Tristan. Dalawang buwan na itong nasa kahon at ngayon, sa unang pagkakataon, isusuot na niya iyon. kumasya iyon sa size 8 na paa ni Ella. Isa sa mga ayaw ni Ella sa katawan niya ay ang malaki niyang paa. Nagtataka siya dahil bakit ang mga paa nina Trisha at Annie ay maliliit at maganda tingnan, samantalang sa kanya ay ganun kalaki. Naiinis siya dahil minsan nahihirapan siyang makahanap ng sapatos. At kung isasaalang-alang ang pangalan niya, pinagdadasal niya na sana ay biniyayaan na lamang siya ng di gaanong malaking paa tulad ng sa tunay na Cinderella. Pero naisipan pa rin siyang bilhan ng sapatos ni Tristan Sa lahat ng tao sa mundo, ito lamang ang nakaka-appreciate ng paa niya. Palagi itong minamasahe ni Tristan at kung minsan pa ay hinahalikan at niyayakap.
Kumislap ang mga mata ni Ella nang mapatingin siya sa salamin. Suot niya ang iniregalo sa kanya ni Tita Mabelle noong kaarawan niya pati na rin ang kuwintas na regalo ng mga kaibigan niya. Nakapusod naman ang buhok niyang medyo lampas sa balikat. Pinahiram din siya ng hikaw na perlas ni Tita Mabelle na bagay naman sa kanya.
    May gaganapin kasing love ball sa unibersidad na pinapasukan niya. Napaupo si Ella sa tabi ng kama nang maisip niya na balewala ang paghahanda niya para sa gabing iyon. Tulad ng naisip niya noong nagdaang pasko, nalulungkot siya dahil dapat si Tristan ang kasama niya. At ngayong araw ng mga puso, si Tristan dapat ang kasayaw niya. Tumayo si Ella at sa huling pagkakataon ay tiningnan ang sarili sa salamin.
    “Enjoy your night, Cinderella!“ bulong ni Ella sa sarili. Pakirandam niya pupunta siya sa isang ball na wala naming naghihintay na Prince.
Napanganga ang lahat ng bumaba si Ella. “Ate Ella, para kang anghel!“ ani Rio na nabigla nang makita si Ella.
    “Kulang nalang sayo ay pakpak anak!“ komento naman ni Tito mIchael sa kanya. Hinawakan ni Tita Mabelle ang balikat niya.
    “Remember Cinderella, uuwi ka bago maghatinggabi dahil pagsapit ng alas-dose babalik ang lahat sa dati.“ natawa ang lahat sa pagaasta ni Tita Mabelle na parang isang fairygod mother.
    “Ate Ella, iwan mo ang sapatos mo ha!“ paalala naman ni Rio.
    “Aalis na po ako!“ pagpapaalam ni Ella nang marinig nita ang busina ng sasakyan sa labas. Sasakyan iyon ni Justin na siyang sinakyan nina Steven, Trisha at Annie. Binuksan ni Ella ang backseat pero parang ayaw na siyang paupoin doon ng mga kabigan niya. Tinuro ni Trisha ang passenger seat na ang ibig sabihin ay doon  na lamang siya sa tabi ni Justin. Nagalangan si Ella pero mukhang “NO CHOICE”.  Umikot siya papunta sa passenger seat. Nalanghap ni Ella ang pabango ni Justin nang nakasakay na siya. Bakit parang sine-seduce siya nito?, tanong ni Ella sa sarili na bahagyang kumunot ang noo.
    “May problema, Cinderella?“ tanong ni Justin na tila na-amuse sa ikinilos niya. Dahan-dahan umiling si Ella at saka napangiti.
    “Wala.“ Kahit maingay sa backseat, wala siyang naintindihan na kahit ano sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan niya. Kung gaano kaingay sa likod, ganun naman katahimik sa harap. But Ella love this kind of silence, nakaka-relax, di tulad nung pagsakay niya na medyo kinakabahan pa siya at ayaw niya talaga aminin sa sarili na si Justin ang dahilan. Hindi ito maaari. “Damn it!“ sigaw ni Ella sa sarili. “He is so deeply gorgeous!“ Gusto ng sampalin ni Ella ang sarili.
    “Ella, are you okey?“ tanong ni Annie.
    “Oo naman,“ sagot ni Ella na parang nayugyog sa pagiisip. “Anyway, happy valentines!“ At kahit nasa sasakyan sila, nag-group hug ang apat.
    “Oh, how I wish I’m not driving para makasali ako sa group hug niyo.“ sabat ni Justin.
    “Sorry for girls only!“ tugon ni Ella na mukhang nahimasmasan na.
    “Aba at girl na pala ako ngayon!“ inis naman tugon ni Steven.
    “Alam mo para di ka naming asarin, you’ve gotta prove to us na hindi ka nga bakla.“ ani Trisha.
    “Wag ka lang maghuhubad.“ awat ni Annie at nagtawanan ang lahat. Sumimangot naman si Steven.


    Nang pumasok na sila sa loob ng SHJ Garden, nanlaki ang mga mata nila. Para itong isang paraiso na hindi talaga mapagkakamalan na iyon ang pangkaraniwang garden na nilalakaran nila madalas. Ang garden ay nasa gitna ng eskwelahang gawa sa bato. Maraming nakasinding ilaw sa paligid at may red carpet pa sa gitna. Sa gilid ay may benches na nakapormang puso na kasya ang limang tao. Sa dulo ay may mahabang mesa na puno ng pagkain. At para naman sa pandinig, maririnig ang mga love songs na pinatutugtog ng isang DJ sa may gilid ng mahabang mesa. Sa gitna ay may ilang taong nagsasayaw. Magkadikit ang noo at mukhang masaya. Nanikip bigla ang dibdib ni Ella. Naalala niya bigla si Tristan habang nagsasayaw sila noong 4th year high school sila sa kanilang JS prom. “Ang galing talaga ni Fella no?“ Napatungo si Ella sa sinabi ni Justin. Napatingin siya sa likuran.Wala na ang mga kaibigan niya. “Nandoon na sila sa dance floor.“ ani Justin. Napatingin si Ella sa gitna ng garden at naroon si Steven kasayaw si Annie at Trisha kasayaw ang boyfriend nitong si Duncan. O, ang ganda nilang pagmasdan. “You want to sit down para mapanood mo sila ng maayos?“ Tinungo nila ang bakanteng upuan. Naiwang magisa doon si Ella dahil kumuha si Justin ng maiinom. “Hey, Ella! Malungkot ka na naman!“ Hinawakan ni Justin ang baba niya. Ilang minuto na nilang pinanonood ang mga sumasayaw.
    “Wala dito ang Prince ko.’ bulong ni Ella.
    “Ang tigas ng ulo mo Cinderella. Unang-una hindi ito ang party para sa prince mo. Party  ito para sa lahat. Oh, c’mon, let me dance with you.“ Hinila ni Justin si Ella sa gitna.
    “Justin, ano ba?“ Hinapit ni Justin ang baywang niya matapos nitong isampay ang mga braso ni Ella sa balikat niya.
    “Just this moment, kalimutan mo muna ang stupid frog prince mo! Okey?“ Ngumiti si Ella.
    “Hindi stupid ang prince ko no!“
    “You’re so beautiful my dear.“
    “Thank you.“ Hindi niya alam kung bakit pero bawat salitang binibitawan ni Justin ay isang spell na tila sinunod agad ng puso niya. Nagulat pa si Ella nang magregister sa utak niya na sana mas nauna niyang nakilala si Justin. Habang nagsasayaw sila, biglang nagiba ang kanta. It was “Hero” by Enrque Iglesia. Natawa si Justin.
    “Pagkakataon nga naman. Kanta ko yan ah!“
    “Ni-request mo ba yan?“
    “Hindi ah. Sabihin na lang nating.“ nagiba ang mukha nito na tila nagda-drama. “It was faith that brought us together.“ Natuwa si Ella pero sinakyan na lamang niya ang biro ni Justin.
    “I’m happy to be with you, tonight, my dear knight.“ Tila nasasapiang pagda-drama ni Ella.
    “May I kiss you just this night?“ Pumikit si Justin at tila na-hypnotize si Ella. For the first time in her life, para siyang binuhusan ng maligamgam na tubig. Napakasarap sa pakirandam. Nagpanic si Ella nang makitang maliit na distansya na lamang ang pagitan ng mga labi nila. Pero bakit di siya makagalaw? Bakit blangko ang isip niya? O, hinde! And before Ella knew it, dumampi na ang mga labi ni Justin sa mga labi niya. Dumaloy sa katawan niya ang kuryenteng naguumalpas ng iba’t ibang pakirandam.

    Nagtinginan ang mga tao sa dance floor nang makarinig sila ang isang parang hampas ng kamay sa mukha. Sinampal ni Ella si Justin na tila nahimasmasan sa mga pangyayari. Dumaloy ang luha sa pisngi ni Ella. “I’m so sorry…“ ang nasabi ni Ella at pagkatapos ay tumakbo ito palabas.
    “Sandali lang…“ narinig niyang tawag ni Justin mula sa likuran pero di niya ito nilingon. How dare  him?, sigaw ni Ella sa sarili habang nagpupunas ng luha na siyang nagpapalabo sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Napakapit si Ella sa isang estante nanag biglang mamilipit ang mga paa niya. Natapilok ata siya. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa. Namimilipit sa sakit ang mga paa niya. Pakirandam niya ginagantihan siya ni Tristan dahil nagtaksil siya dito. “Ella, I’m so sorry.“ sabi ni Justin mula sa likuran. “N-nadala lang ako. Halika, umuwi na tayo.“ Still, she was left with no choice. Bakit ba palagi na lang si Justin ang palaging nandyan para sa kanya? Bakit palagi na lang itong tumutulong? Agad itong dumadating sa tuwing kailangan niya? Bakit si Justin eh hindi lang naman siya ang tao sa buong mundo? May utang ba siya dito? Bakit pag sa tuwing nandyan si Justin nanghihina siya? Punong-puno ng katanungan ang utak ni Ella. May sinabi ito pero hindi na niya narinig. At higit sa lahat bakit siya umiiyak eh masarap naman sa pakirandam naman ang mga halik nito? Pakirandam ni Ella pinaglalaruan lamang siya ng sarili niyang damdamin. Pakirandam niya, mababaliw siya.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn