Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER SIX"

06:28 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    “Guess what?”  tanong ni Steven habang kumakain silang apat sa school canteen. Pumasok na si Ella nang Lunes na iyon. Kahit medyo nahihilo pa siya. Ang dahilan niya kay Tita Mabelle ay ayaw niyang mahuli sa klase. Nagsinungaling pa siya tungkol sa totoong nararandaman niya. Natigil ang pagkukuwentuhan ng tatlo. “Buhay pa si Carlotta. Wala ka bang balak na kasuhan siya?“ Napabuntong hininga si Ella. Sa totoo lang, sinuhestyon na iyon ni Tita Mabelle sa kanya pero mas pinili niyang wag na.
    “Hayaan mo na, mukha naming nagsisisi na eh.“ sagot ni Ella. “Kanina ni hindi siya makatingin sa akin. At isa pa, pinaguusapan na siya ng buong school.“ Kaninang umaga pagpasok ni Ella ay maraming nagsimpatya sa kanya.
    “Mula nga kanina eh magisa na naglalakad si Carlotta. Mukhang nilulubayan na siya ng mga kaibigan niya.“ ani Annie.
    “Hay naku, mabuti nga sa kanya no! Tutal kasalanan niya dahil nagiwan pa siya ng ebidensya.“ sabi naman ni Trisha.
    “Hayaan niyo na, konsensya niya na lang ang bahala sa kanya.“
    “Walang konsensya ang babaeng yun!‘ tugon naman ni Annie.
    “Basta kalimutan na natin yun.“
    “Hindi yun dapat kalimutan Ella! Muntikan ka na ngang mamatay.“ di mapigilang angas ni Steven.
    “Guys, alam kong nahihirapan na rin siya ngayon. Sinasabi ko sa inyo, di niya alam ang ginagawa niya ng mga panahon na iyon.“ Kinuwento ni Ella ang mga sinabi ni Carlotta sa kanya. Nabigla naman ang tatlo niyang kaibigan. “Pero please, wag niyo nang ipagkalat.“ Napailing na lamang ang tatlo.

    Sa wakas ay magisa nang uuwi si Ella. Ilang araw na rin siyang hinahatid ng mga kaibigan niya sa kanila pero ngayon ay nakumbinsi niya ang mga ito na wag na. Masayang binaybay ni Ella ang daan patungo sa kanila. Thirty minutes ang lakaran mula school hanggang sa kanila. Kailangan niya pang dumaan sa isang tulay at pagkatapos ay sa isang park. Napakapit siya sa isang post eng bigla siyang nakarandam ng pagkahilo. “Pwede ba, wag naman ngayon.“ sabi ni Ella sa sarili. Pinilit niyang tumayo at maglakad muli. Napatingin si Ella sa relo niya. Alas-tres pa lamang ng hapon. “Konti na lang Ella.“ sabi ni Ella sa sarili habang dahan-dahang naglalakad. Matutumba na sana siya nang biglang may humawak sa balikat niya. “Justin, ikaw na naman?“
    “Bakit wala kang kasama?“ galit na tonong tanong nito. “Bakit magisa ka lang? Hindi ka dapat nagiisa.“ And before Ella knew it, nakasampa na siya sa likod nito.
    “Justin, sinusundan mo ba ako?“ nakapikit na sabi ni Ella. Tumikhim si Justin.
    “Napadaan lang ako.?
    “Talaga?“
    “Wag ka ng magtanong.“ At isinakay ni Justin si Ella sa isang magarang sasakyan. At kung hindi nagkakamali si Ella, isa itong Volvo.
    “Wow, kotse mo “to?“
    “Sabing wag ka ng magtanong eh.“ Natigilan si Ella. Tila nawala ang hilo nito.
    “Wait a minute, pwede ba tayo magusap Mr. Justin Howell?“ Di man lang siya pinakinggan ni Justin. Nagmamaneho ito. Hindi alam ni Ella pero parang tuluyan ng kumulo ang dugo niya. Hinawakan niya ang manibela at gumewang-gewang ang kotse.
    “Stop it Ella! Mabubunggo tayo!“ saway ni Justin. Hindi tumigil si Ella kaya itinabi ni Justin ang sasakyan. “Ano ba, ikaw na nga ang tinutulungan eh?“ galit na tunan nito.
    “Ayon na nga eh, tinutulungan mo ko sa di malaman dahilan. At isa pa ayoko tumanggap ng tulong mula sa taong di ko malaman kung ano ba talaga ang ugali. You’re so weird! Sabi mo gusto mo ko maging kaibigan, tapos ganyan ka kung tratuhin mo ako. Mas gugustuhin ko pa atang himatayin sa gitna ng daan kaysa makasama ang isang tulad mo.“
    “You wont understand.“ ang tanging nasagot ni Justin. “Hayaan mo na lang na ihatid kita.“ Malumanay na sabi nito.

    Nagtataka si Ella kung bakit di na tumatawag si Tristan. Halos isang buwan na. Dati, ay isang beses sa isang lingo pero bakit ngayon ni sulat wala. “May gumugulo ba sa isipan mo, Ate Ella?“ tanong ni Rio. Pumasok ito sa kwarto ni Ella matapos kumatok.
    “Ba’t mo naman nasabi yan?“
    “Hello?!! Di ako bulag!“
    “Masyado ka pang bata para alalahanin ang mga bagay-bagay tulad nito. Di mo lang maiintindihan.“
    “Ate Ella, bata lang ako pero di ako bobo.“
    “Di naman yun ang ibig-”
    “Si Tristan ba??Tumango si Ella. “Baka busy lang siya. Mahirap mag adapt sa ibang bansa. Give him time.“
    “Tama ka, bata ka pa nga pero di ka bobo.“
    “Hay naku, change topic na nga! May ikukuwento ako sayo tungkol kay Larry.”

    “Anong balita kay Carlotta?“ tanong ni Tita Mabelle, Linggo ng umaga.
“Di na po siya pumapasok eh.“ sagot ni Ella. Sa totoo lang naaawa siya dito pero di niya alam ang gagawin niya para mapabuti ang sitwasyon nito. Masama ang tingin ng lahat ng tao dito pero ayaw niya talaga mangyari yun.
    “Ma, may tumatawag sa phone. Lalake, hinahanap kayo.“ Tila parang namutla si Tita Mabelle.
    “Tita Mabelle, may problema?:
    “W-wala.“ sagot nito.
    “Aalis ako mamaya, kayo muna dito, ha?”

    Isang araw, habang pauwi si Ella galing sa eskwelahan, narandaman niya na naman ang kakaibang pakirandam. Parang may sumusunod sa kanya. Walang anu-anoy lumingon siya. At Voila! Nahuli rin ang salarin. Walang iba kundi si Justin. Naka-uniform ito at kasuwal na naglalakad. Nagulat pa ito ng lumingon si Ella. “Sabi ko na nga ba sinusundan mo ko!“ nanggigil na sabi ni Ella.
    “Hindi kita-“ Bago pa matapos ang sasabihin ni Justin nasapak na siya ni Ella. Namilipit sa sakit si Justin. “Aarrghh! Ang sakit no’n ah!“
    “Magtapat ka nga sa akin, may gusto ka sa akin no?“
    “Nagkakamali ka…“
    Bumalik sa alaala ni Justin ang Ella ilang taon na ang nakakaraan.

    Napagpasyahan ng dalawa na magpalamig muna sa isang cafeteria. Umorder si Ella ng lemon tea, kape naman ang kay Justin. “Alam mo di ka dapat umorder ng kape, nakak-wrinkles yan! Sabagay bagay naman sayo ang wrinkles eh.“ sabay halakhak ni Ella. Naasar man si Justin, di ito nakapagsalita. Di naman talaga masungit si Ella, kay Justin lang talaga lumalabas ang pagkasiga nito. “Alam mo payong kaibigan lang ha? Wag kang masyadong sumimangot. Teka, alam mo naman ba kung paano ngumiti?“ Humalakhak na naman si Ella. “Ngayon, magusap tayo.“
    “Ha? Bakit?“
    “You have to explain kung bakit mo ko sinusundan kanina or should I say palagi?“
    “Di kita sinusundan…“
    “Hanggang ngayon ba naman tinatanggi mo pa rin?“ Magaalas-sais na. Tumungo ang dalawa sa park. “Ba’t di mo dala ang sasakyan mo?“ tanong ni Ella.
    “Hhm... nasa car wash.“
    “Nga pala, di mo naman ako masusundan kung dala mo yun.“
    “Cinderella-“
    “Excuse me, you don’t have the right to call me that name.“ Napaupo sila sa swing.     “Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit mo ako sinusundan.“ Di umimik si Justin. “May balak ka sa akin no? Kung meron man, sinasabi ko sayo wag mo ng ituloy dahil sigurado magsisisi ka lang.“ Ilang minutong katahimikan. Ni isa walang nagsalita. Dinamdam nila ang paglubog ng araw. Nagaagaw ang dilim at liwanag. “Ang ganda no?“
    “Teka, naka drugs ka ba?“ tanong ni Justin.
    “Paano mo naman nasabi yan?“ kunot noong sagot ni Ella.
    “Paano naman kasi paiba-iba ka ata ng mood. Kanina para kang tigre kung magalit, ngayon naman para kang…“
    “Parang ano, anghel.“Natawa si Ella.
    “Hoy, Justin! Dapat nga magpasalamat ka pa dahil di kita pinapulis dahil sinusundan mo ko. Child abuse yan, you know!“
    “Now, I know naka-drugs ka nga.“ Natawa si Ella. “Ano ba, why are you laughing?“
    “Alam mo may kamukha ka.?Napalunok si Justin. Nakilala ko siya ng bata pa ako. Binubugbog siya ng isang lalake. Medyo may pagka-nerd at di man lang siya lumaban. Biruin mo, hinahayaan niya lang na masuntok siya. Sa totoo lang, ito ang park na yun.“ Napatingin si Ella kay Justin. “At alam mo ba kung ano ang ginawa ko? Binaril ko siya gamit ang pellet gun na pinapadala sa akin palagi ni Tita Mabelle.“
    “Dala mo pa rin yun hanggang ngayon?“ Ella shrugged.
    “Some things changed. Nung nakilala ko si Tristan, di ko na kinailangan pang dalin yun. He took care of me all along.“
    “Kamusta na nga pala kayo?“
    “Isang buwan na siyang di tumatawag. I wonder why.”
    “Baka busy.“ tugon ni Justin. “Anyway, naalala mo kung ano ang pangalan ng lalakeng nakilala mo sa park na ito?“
    “I’m afraid, no. Parang Jhonny, Jess? Jhon? I don’t know di ko maalala. Pero hawig talaga kayo. Pareho kayo ng kulay ng mga mata.“ Tumitig si Ella sa kulay abong mga mata nito. “Pero sabi ko sa kanya ipagtanggol na niya ang sarili niya. Well, sana nga ginawa niya yun. Di na kasi kami nagkita ulit. Sana nga nagawa niya ng ipagtanggol ang sarili niya.“
    “Well, I think he does.“
    “Wow, ang galing mo naman manghula.“
    “Never mind.“
    “Oo nga pala, salamat sa lahat ng tinulong mo sa akin. Kung hindi dahil sayo sigurado kumalat na ang lason sa buong katawan ko.“
    “Hindi mo na dapat ako pasalamatan. Nagbabayad lang ako.“
    “N-nagbabayad? Para saan?“ Dinukat ni Justin ang isang litrato mula sa bulsa niya. Larawan ito ng Justin pitong taon na ang nakakaraan.
    “If it’s not because of you, malamang isinugod na ako sa ospital.“ Biglang nanlamig si Ella. Bumilis ang pintig ng puso niya.
    “No, it can’t be.“
    “Magmula ng araw na iyon, nasabi ko sa sarili ko na ipagtatanggol kita. Kaso sa hitsura kong iyon, di kita mababantayan. Alam mo ba nung sumunod na araw, tinanggap ko na ang alok  ng Daddy ko. Nagaral ako sa America. Nag exercise, nagpalaser ng mga mata so I wont wear those glasses anymore.“
    “Teka, dahan-dahan lang okey? Ang ibig sabihin ikaw ang batang tinulungan ko noon?“
    “Exactly.“
    “Kung ganoon, bakit mo ko palagi sinusungitan tuwing nagkikita tayo?“ Di nakapagsalita si Justin at medyo namula ang mukha niya.
    “Wala lang. Para mapansin mo ko di ba?“ pagsisinungaling ni Justin. Hindi niya masabi na ang tunay na dahilan ay si Tristan.
    “G-ganoon ba?“ mukha namang naniwala si Ella. Inilahad nito ang kamay. “We can be friends.“ Lumiwanag ang mukha ni Justin. Nawala na ang pagsasalubong kilay nito. At sa unang pagkakataon, napangiti siya. Napagalitan pa ni Ella ang sarili dahil sa paningin niya biglang naging gwapo si Justin. Napangiti din si Ella. Tinanggap naman ni Justin ang kamay nito.
    “Friends.“ tugon ni Justin.
    “I think bayad ka na sa ginawa ko sayo noon. You can stop stalking me.“
    “I’m not stalking you, binabantayan lang kita.“
    “In fairness, may transformation ka pang nalalaman ah!“ pangaasar ni Ella. “Parang spiderman! Remember with great power comes great responsibility.“
    “Shut up!“ tugon ni Justin.
    “Peter Parker? Wahahaha! Bhelat!“ sabay dila kay Justin.
    “Ano ba nakakaasar ka na ah!“ tumayo si Justin sa pagkakaupo sa swing at hinabol ang nangaasar na si Ella.
    “Magpapakidnap akooo!“ pangaalaska pa ulit ni Ella. Nang mahabol na ni Justin si Ella, hinawakan niya ito ng mahigpit.
    “Umuwi ka na. Ihahatid na kita.”
    “You don’t have to. Kaya ko na ang sarili ko.“ And before Ella knew it again, nakasampa na siya sa likod ni Justin. “Ano ba? Marunong akong maglakad! Remember ako pa nga ang nagligtas sayo dati, noong may salamin ka pa, nung kachupoy pa ang buhok mo! Nung may braise ka pa!“ Natawa na lamang si Justin sa pangaasar ni Ella.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn