Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER SEVEN"

06:29 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Napatingin Si Ella sa orasan. Ala-una y medya na pero di pa rin siya makatulog.     “Nakakainis naman o.“ usal ni Ella sa sarili. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama, pero anuman ang gawin niya di pa rin siya makatulog. Napagdesisiyunan niyang bumaba muna sa sala para kumuha ng gatas. dahan-dahan siyang naglakad sa maliit na pasilyo at bumaba sa hagdanan. Binuksan niya ang ref sa kusina at kumuha ng gatas. Pabalik na sana siya ng nakita niya si Tita Mabelle na nakaupo sa sofa. Mukhang tulala ito na hindi man lang siya napansin. “T-Tita Mabelle?“ lumapit siya dito at tila nagulat ng napansing nakalapit na siya.
    “Ella! Ikaw pala, Diyosmiyo! Tinakot mo ko.“ Napansin ni Ella na parang namamaga ang mga mata ng tiyahin.
    “Tita, umiiyak ka ba?“ tanong ni Ella, tumabi siya sa tabi nito. “Anong problema??
    “Hindi ako makatulog.“ tugon nito.
    “Tita Mabelle, bakit ka umiiyak? Naninibago ako dahil kahit kelan di pa kita nakikitang umiyak. I know you’re a very strong woman. Para na kitang tunay na Ina. Tell me what’s wrong.“ Hinawakan nito ang kamay ng tiyahin. “Trust me Tita Mabelle. Let me help you this time.“ Sa sinabing iyon ni Ella, nagtuloy-tuloy ang agos ng luha ni Tita Mabelle.
    “Okey, I’ll tell you a story. Once when I was still in fourth year high school, I’ve met this man. His name is Michael. Noong una, naiinis ako sa kanya dahil napaka-play boy niya. Lahat na ata ng babae sa school ay naging girlfriend na niya except ako. I said to myself, I would never fall in love in such arrogant man. Palagi siyang napapapansin sa akin. Ginawa niya halos lahat. Inaasar ako in anyway para lang pansinin ko siya. Nagpapatawa and make a fool of himself. “Napatawa si Tita Mabelle na para bang may naaalala. “Pinahuli pa niya ako sa marriage booth para lang makasal kami and you know what I did?“ Umiling si Ella. “SInampal ko siya sa harap ng maramng tao. Nagtawanan ang lahat ng mag walk-out ako.
“That day, nang mag isa akong umuwi bigla siyang lumitaw sa harap ko, galit na galit and teary-eyed. At first I was surprised. Syempre di ako magpapatalo. Di ko siya pinansin. Then he said, ‘Ano bang ayaw mo sa akin Ms. Maribelle Coliins?“ Sa totoo lang naaawa na ako pero I just don’t want to admit it to myself that he was cute. I wanted him but my pride is a big barrier.
    “Sabi pa niya ‘Gwapo naman ako ah, matalino, mabait-’
    ‘At playboy.‘ dagdag ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tinanong ko kung ano ba ang gusto niya pero hindi naman siya nagsalita. Instead, hinawakan niya ako sa baywang at saka hinalikan.“ Kahit madilim ay nakikita ni Ella na naghihirap ang kalooban nito. Umiiyak pa rin ito abang inaalala ang nakaraan.
    “He had those soft lips any woman wouldn’t refuse. Pero bago pa ako madala, sinampal  ko siya agad at sinabing di lang pala siya playboy kundi maniac pa! God, I was just sixteen!“ Natawa si Ella sa sinabi ng tiyahin dahil sa edad na disi-sais, nakahalik na siya at iyon ay si Tristan, her first kiss.
    “And then, nagtapat siya. Ang sabi niya kaya niya daw magbago para sa akin dahil ako lang ang babaeng minahal niya ng ganun. Sabi ko naman sa kanya, bulag siya dahil sa kadami-daming nagagandahang babae sa school namin, ako pa ang napili niya. I was a nerd at that time. May salamin pa ako noon at kulot pa ang buhok. But he never gave up. After almost a year, na-realize ko I was so stupid dahil pinatagal ko pa. Imagine, sinundan niya pa ako sa university na pinapasukan ko nung nag college na ako? I finally gave up to him. After three years, that was our graduation. Si Ate Ellaine pa ang nagsabit ng medalya ko.“ Napangiti si Ella dahil nabanggit ang pangalan ng kanyang Ina. Naging independent na kasi ang mag ate mula ng namatay ang ama nito. Ang Ina naman nito ay iniwan sila matapos makuha ang mana. Mula noon, si Ellaine na ang nagalaga kay Mabelle.
    “Nang gabi, pagkatapos ng graduation something happened to us. It was a night full of love, hope and faith. Binigay ko ang lahat at kahit siya alam kong ganun din. It was a night full of happiness. Iyon ang pinakamasayang gabi ng buhay ko at nagbunga nga ang gabing iyon.“ Napatingin si Tita Mabelle sa picture frame sa katabing mesa nito. Picture ni Rio.
“Sabi niya pakakasalan niya ako pagkatapos kong manganak. But it never happened. I saw him with someone. Sabi niya bibili lang siya ng gatas. Well, before hindi ako matanggap ng mga magulang niya dahil nga sa reputasyon ng mga magulang ko. Buti na lang nandyan si Ate Ellaine.“ Alam na ni Ella ang sunod na nangyari. Nahuli nito ang nobyo na may kalandian.
“Sobrang nasakatan ako, ewan ko ba kung bakit. Naging padalos-dalos ako ng pagiisip. Pinili kong magpalayo. Akala ko makakatakas na ako sa kanya. Ten years have passed. Makakalimutan ko na siya kaya lang, noong nakaraang buwan, nagkita uli kami at nagkausap. He told me I’ve got it all wrong, na ang bilis ko daw manghusga.“ Kumabog ang dibdib ni Ella. It couldn’t be. “Nilalandi lang pala talaga siya ng babaeng iyon! For God’s sake almost ten years ang nasayang sa amin because of my stupid pride. Ang tanga-tanga ko Ella..! Sabi ko sa kanya, wag muna siya magpapakilala kay Rio baka mabigla ang bata dahil sa katangahan ko.“
    “Tita, don’t expect the worst. Kilala ko si Rio, matalino siyang bata at may puso. He wont juge you the way you think it.“ Nanghinayang si Ella dahil kasiyahan sa loob ng sampung taon at alam din niya na sinisisi ni Tita Mabelle ang sarili.
    “Kaslaanan ko ito. Napaka-kitid ng pagiisip ko!“ At tuluyan ng humagulhol si Tita Mabelle. Hinagod ni Ella ang likod nito.
    “Tita Mabelle, Im sorry…“ ang tanging nasabi ni Ella. “Pero di mo na dapat patagalin pa.“
    “You’e right Ella. Bukas na bukas din papupuntahin ko si Michael. “
    “That’s the spirit Tita. I know you don’t need my help tomorrow. Tamang-tama, maaga ang alis ko.“
    “You don’t need to do that.“
    “I promise, uuwi ako nang maaga.“ tugon ni Ella nang nakangiti.


    Maagang umalis si Ella nang sumunod na araw dahil may pasok siya ng 7:30. Magkakatabi ang apat na magkakaibigan. As usual na iyon. Palagi silang sa harap nakaupo. Pangalawang Linggo para sa second semester at dalawang lingo na lang 17th birthday na ni Ella. Maganda ang araw na iyon para sa kanya. Ewan niya pero excited siya kapag palapit na ang birthday niya. Pero parang may mali sa araw na iyon. Nang pumasok siya, parang di naguusap ang mga kaibigan niya.. “Guys, may problema ba kayong tatlo? Parang di kayo naguusap?“ di mapigilang tanong ni Ella pagkatapos ng klase nila.
    “Correction Ella,“ tugon ni Steven. “Silang dalawa lang ay may problema at nakakabanas.”
    “Okay, sino ang makakapagsabi sa akin ng mga pangyayari?“
    “Ay oo nga pala, pupunta muna ako sa library.“ sabi ni Trisha at iwas tinging umalis agad. Nagiwas din ng tingin si Annie.
    “I’m sorry, may pupuntahan din ako eh.“ Tatalikod na sana ito nang hawakan ito ni Ella sa balikat.
    “Saan ka pupunta?“ halatang nagisip naman ito bago sumagot.
    “S-sa ladies room, sa 7th floor.“ Iyon lang at agad itong umalis. Halatang nagmamadali. Napatingin si Ella kay Steven.
    “Ikaw na lang ang pagasa ko, Steven.“ anito. “Tell me please.“
    “Okay, remember Charles? Yung crush ni Trisha?“ tumango si Ella. “Gusto rin pala ni Annie.“
    “Paano nangyari iyon?“
    “Kaninang umaga, 7:00 pa lang nasa library na kami. Hinihintay ka namain. Then, dumating si Charles. Nakiupo sa table naming. To think of maaga pa kaya walang masyadong tao sa library. Tumabi si Charles sa gitna ko at ni Annie. Napansin ata ni Trisha na gumanda ang ngiti ni Annie.“ Napahinto sila sa paglalakad ng makita si Charles. Kumaway ito at ngumiti.
    “Hey, nakita niyo si Annie?“
    “Kanina, kasama naming siya-“
    “Pero di namin alam kung saan pumunta. Bigla na lang siya umalis eh.“putol ni Ella sa sinabi ni Steven.
    “Okay. Uhm... Steven?”
    “Ano yun?“
    “Pakisabi naman kay Tita Ashley salamat sa cake kahapon.“
    “Wala ‘yon!” tugon ni Steven. “Magkapitbahay kami ni Charles at kahapon ay hinatiran niya na siyang Mama niya.“ paliwanag ni Steven nang umalis na si Charles. Kasalukuyan pa rin silang naglalakad sa may corridor.
    “Okay, so ano nangyari?“
    “Patapos ang ilang minuto, umalis din si Charles sa inuupuan niya. Tapos nagsimula na silang magkomprontahan. And then that’s it, masyado silang nagpadala sa mga emosyon nila. Tinawag pa nila akong bakla.“
    “Bakla ka nga ba Steven?“
    “For the love of God! Hindi ako bakla! Wala pa akong girlfriend dahil wala pa akong napupusuan. I’m still waiting for the right girl.“ sagot ni Steven. Natawa si Ella sa narinig. At tuluyan na siyang napailing. Di pa nga siya sigurado kung okay na ang problema ni Tita Mabelle at ito pa ang isang problema. Nagaway ang mga kaibigan niya dahil sa iisang lalake.
    “Damn you, Charles!“ bulong ni Ella sa sarili. Hindi niya papayagang mangyari ito. Nasapo ni Ella ang ulo. Kailangang may gawin siya para magbati ang dalawa. Pero ano? Paano? “Iimbestigahan ko si Charles kung sino talaga ang gusto niya.“ani Ella kay Steven. “Tutulingan mo ako di ba?“
    “Ano pa nga ba, di ba?”

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn