Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER ONE"

03:55 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Once upon a time... sa isang four-walled classroom ng Sacred Heart of Jesus University, kung saan halos dalawang oras ng nagle-lecture si Mr. Sanz, ang Management 1 professor ng klaseng iyon, ay naroroon si Ella. Ella, short for Cinderella Shaine. Kung bakit iyon ang binigay na pangalan sa kanya ay di niya alam pero gusto niya ang pangalang iyon. Kaya nga lang nakasanayan na siyang tawaging Ella. Naririnig niya lang iyon kung may nagagalit o naiinis sa kanya, tulad na lang ni Mr. Sanz. “Cinderella Shaine,? Nanatiling tulala si Ella sa tawag ni Mr. Sanz. Tila siya nananaginip sa mga oras na iyon. “Cinderella Shaine!?“ Higit na itong malakas sabay pukpok ng libro sa mesa. Tila naming nagising si Ella.
    “S-sir??“ napansin niyang nakatingin ang buong klase sa kanya. “Bakit po??   
    “Wala lang. Tinatawag ko lang ang atensyon mo dahil mukang wala ka na naman sa sarili mo?“ sarkastikong sagot nito. Nag ngitian ang buong klase. Tumikhim muna si Ella.
    “Pasensya na po,“ napahiyang sagot niya. “Hindi na mauulit? Dalawang lingo na siya pumapasok sa unibersidad na iyon bilang Business Managemant student, sixteen years old, kulay kape ang mga mata, hindi mataba at hindi rin payat, 5’4 ang taas at makinis ang morenang balat nito.

    “Hay, salamat!” laking tuwang bati ni Ella nang masilayan ang kasintahan labinlimang minuto na niyang hinihintay. “Akala ko di ka na darating.“ Tumayo si Ella sa kinauupuan at masayang kumapit sa braso ni Tristan.
    “Pwede ba naman yon?“ masayang tanong naman ni Tristan matapos hagkan sa pisngi si Ella.
    “Fifteen minutes na kaya ako naghihintay.“ pagda-drama naman ni Ella. Masaya namang hinawakan ni Tristan ang mga kamay niya.
    “Wag kang magalala, babawi ako” sabi ni Tristan.“Ililibre kita!”   
    “Talaga?!” ngumiti si Tristan at tumango. “Well, I can wait forever!“ at masayang hinila ni Ella ang nobyo. Sampung buwan na silang mag kasintahan. Naging magnobyo na sila nang sila ay nasa ika-anim na grado, kumbaga childhood sweethearts, pero dahil sa mga bata pa sila, di nagtagal at naghiwayalay na din. Sa loob ng tatlong taon ay di sila nagkausap. Minsan ay nagkakatinginan pero agad itong binabawi ni Ella. Sa loob ng tatlong taon, maraming pangyayari at pagbabago. Si Ella ay nagkaroon ng mga manliligaw at kahit naman mga nobyo. Pero nang mga araw na iyon, narandaman niya na parang may kulang. There was emptiness inside of her na di niya maintindihan kung ano. Ang pagkukulang na iyon ay napunan ni Tristan. At nung fourth year high school na nga siya ay tila nagtagpo uli ang mga landas nila. It was fate that brought them together again. Sa murang edad, tila natagpuan na nila ang kulang sa kanilang mga buhay. Para kay Ella, si Tristan ang lahat sa kanya.  The air she breathe, the sun that rise and set, the water she drinks and the heart that beats inside her. Marami siyang pangarap at sa mga pangarap na iyon ay kasama si Tristan. Ganoon din naman si Tristan sa kanya. It was like a fairytale come true...
    “Rio, nandito na ako!“ tawag ni Ella sa sampung taong gulang na pinsan. Tatlo lang sila sa bahay na iyon. Si Rio, ang Tita Mabelle at siya. Tatlong taong gulang pa lamang si Ella nang mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident. At dahil doon ay nagbago  na ang marangyang pamumuhay niya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit Ella na lang ang tawag sa kanya. Sabi ng Tita niya ay Cedric daw ang pangalang ng Ama niya at Ellaine naman ang sa kanyang Ina. At minsan napagisip-isip niya na dito nga nakuha ang panagalan niya.
    “Ate Ella, buti naman at dumating ka na!“ nagmamadaling bumaba si Rio sa hagdanan at nag sapatos.
    “Bakit , saan ka pupunta?”   
    “Sandali lang ‘to! Maglalaro lang kami ni Josh.”   
    “Nang ano?”   
    “Secret!“ malanding sagot nito. May pagka-bading ito pero tanggap ito ng Ina at ng pinsan. Ang Ama naman ni Rio ay matagal ng sumama sa ibang babae sabi ni Tita Mabelle. Sanggol pa lang si Rio ng maghiwalay ang mga magulang nito.
    “Umuwi ka agad, ha. Kung hindi isusumbong kita kay Tita.”
    “Promise.“ Iyon lang at nag flying kiss na ito sa kanya sabay takbo paalis. Napabuntong hininga na lamang si Ella. Malinis na naman ang bahay. Ibig sabihin ay naglinis na ito. At may sinaing na rin naman. Naghanap si Ella ng pwedeng gawin at nang makita niya ang labahan, nagsimula na siyang maglaba. At pagkatapos ay tumungo na siya sa banyo at nag shower. Maya-maya ay dumating na rin si Tita Mabelle kasabay si Rio.
    “Diyosmiyo, Rio! Alas-nwebe na, nandyan ka pa rin sa kalsada!” galit na wika ni Tita Mabelle kay Rio. Mahaba at kulot ang buhok nito, kahit treinta anos na ito ay mukhang nasa mid-twenties lang ito. Isa siyang manager sa isang fast-food chain. Wala itong nobyo at iwas sa mga posibleng manliligaw. Para sa kanya, sapat na ang isang karanasan para mapaniwala sa sarili na walang matinong lalake sa mundo. At kahit si Ella ay sinasabihan niya na wag magse-seryoso sa kahit na sinong lalake. Syempre, para naman kay Ella ay iba-iba ang mag lalake lalo na si Tristan. Mabait din naman si Tita Mabelle at hangang-hanga naman dito si Ella dahil masipag ito at di marunong manumbat, mapagbigay at tinuring na rin siyang parang tunay na anak.
    “Eh Ma, naglalaro lang naman kami ah.“ tugon ni Rio. “Wala naman kaming masamang ginagawa.”   
    “Basta! Imbis na nagaaral ka, kung anu-ano ang ginagawa mo sa labas.” sabi ni Tita Mabelle habang tinutulungan ito ni Tita Mabelle na maghain. “Napaka-bata mo pa!”
    “Eh Tita, ano po bang ginagawa niya?“ di mapigilang tanong ni Ella.
    “Nakikipaglandian kay Larry!”   
    “Correction, nakikipagusap.“ sabay irap ni Rio.
    “Anong nakikipagusap?” nilapitan nito si Rio. “Eh halos magdikit ang mga nguso niyo.”   
    “Ma, nandoon naman si Josh, kung sakali mang pagsamantalahan ako no’n eh may makakahingi ng saklolo.”   
    “Uhm... Tita, kain na po.“ sabat uli ni Ella dahil kinakabahan siya baka kung saan mapunta ang usapan.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn