Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER NINE"

06:31 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Masaya si Ella nang araw na iyon. Salamat naman at okay na silang apat. Pero nang maalala ni Ella ang iba pa niyang mga problema, bumalik na uli sa dati ang muka nito. Pag nasa bahay kasi siya, tila nagiiwasan lahat ng tao sa bahay na iyon. Di na sila sabay kung kumain dahil salitan si Rio at Tita Mabelle kung kakain. Halos isang Linggo na rin ang nakalipas. At isa pa itong si Tristan. Nasasaktan siya pag naaaalala ito. At sa isip-isip niya, gusto niyang sumigaw. Nang biglang may humawak sa braso niya at hinila siya. Patawid na pala siya at muntikan ng masagasaan. Salamat sa nagligtas sa kanya.  “Justin?“ ang nasambit ni Ella.
    “Di ka lang ba magpapasalamat sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo?“ nakangiting saad nito.
    “Thank you.“ wala sa loob na sambit ni Ella. Minsan kasi gusto na niyang mairita dahil palagi nalang siya nito sinusundan at basta basta na ang sumusulpot. Di ba nga dapat magpasalamat pa siya dahil kung di dahil dito ay baka isinugod na siya sa Ospital. It’s just that she hates that feeling pag kasama niya si Justin, na parang ito lang ang nakakapagpatawa sa kanya ng buong puso.
    “Sa susunod kasi magingat ka.“ sagot ni Justin. “Ano ba naman kasi ang iniisip mo? Paano pag wala ako?“ Then it hits her. Paano nga pag wala ito?
    “Some problems.“ matinong sagot nito.
    “You need to talk about it?“ Naglalakad na sila sa may tulay. “Is it about... Tristan?“ Napahinto sila at pinanood ang ilog na nasa ilalim ng tulay na iyon.
    “Hindi pa rin kasi siya tumatawag.”  ani Ella. Humugot ng malalim na hininga si Justin. “Malapit na ang birthday ko. He wouldn’t miss it for the world.“
    “Hindi pa naman siguro ngayon ang birthday mo di ba?“ Umiling si Ella. “Give him some more time. “
    “Pero ilang lingo na.“ Di na napigilan ni Ella ang mapaiyak. “Nakakainis. Sabi niya sa akin lingo-linggo siya tatawag.“ Hinagod ni Justin ang likod nito nang humilig ito sa kanya. Walang masabi si Justin. Di niya alam pero ang sakit na nararandaman ni Ella parang dumoble pa sa kanya.
    “Alam mo, hindi ganito ang Cinderella na kilala ko. The Cinderella I knew was very strong. Yung tipong nakakaya ang lahat ng pagsubok. Walang kinakakatakutan. Palaging nakangiti.“
    “I feel so weak Justin.“ tugon ni Ella. “Hindi ko kaya ng di siya tumatawag. Miss na miss ko na siya. It’s just so painful.“
    “Ano ka ba? Hindi lang siya tumawag, yan na ang iniisip mo. You’re being selfish Cinderella. Have trust. Pagkatiwalaan mo siya. That’s love. It is patient, it’s kind, not jealous. It does not put on airs.”  Parang hinihimay ang kalamnan ni Justin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakahilig sa kanya si Ella at buong puso niya itong tinanggap sa mga bisig niya. “Love never gives up, and its faith, hope and patience never fail.“ Napatingin si Ella sa mga mata ni Justin.
    “You know what, tama ka.” sabi ni Ella habang nagpupunas ng luha. “That’s love, full of sacrifices.“ Pero ang mga katagang binitawan ni Justin ay di para sa kay Ella kundi para sa kanya. Ni hindi napansin ni Ella ang namumuong mga luha sa mga mata ni Justin.

    “Uncle Justin!!!“ Nagising si Justin sa kanayang pagmumuni-muni nang may kumatok sa pintuan niya. At sa boses pa lang, alam na niyang ang mga pamangkin niya iyon na sina Sussy at Jackie ang kumakatok. Anak ito ng Kuya Troy niya at ang asawa nitong si Butter. Binuksan niya ang naka-lock na pinto. At tulad ng nakasanayan, agad itong yumakap sa kanya.
    “Bakit gising pa kayo? 10:00 na ah!“ saway ni Justin sa dalawang makukulit na pamangkin. Kambal ang dalawa pero magkaibang-magkaiba. Kaya malalaman agad kung which is which.
    “Uncle, we can’t sleep.“ sagot ni Sussy. Nakatirintas ang mahabang buhok nito. Sa dalawa, ito ang girly type. Kahit pitong taon pa lang ay mahilig na itong magayos.
    “Yeah, kwentuhan mo uli kami like what you did before.“ Ito naman si Jackie, the boyish type. Maikli lang ang buhok nito at naka-pyjamas, di tulad ni Sussy na naka-night gown.
    “Okay, okay. Isang story lang ha?“ tugon ni Justin habang iginigiya ito sa kabilang kwarto. Busy kasi sa business ang mga magulang nito kaya kasalukuyang nasa Amerika. Tinabihan ni Justin ang dalawang munting dalagita sa kama nito. Nakatitig naman ang dalawa sa kanya.
    “Uncle Justin, mahilig ka sa fairytales di ba?“ tanong ni Sussy.
    “Sussy, fairytales are just for girls.“ sabat ni Jackie na parang di babae kung magsalita.
    “Okay, sige na. Kukuwentuhan ko na kayo. This is about Cinderella.“ simula ni Justin na napangiti dahil sa nabanggit na pangalan.
    “But uncle, we know that already.“ madaling tutol ni Sussy.
    “Ilang beses na naming nabasa at napanood yan!“ sabi naman ni Jackie.
    “No, this is another version.“ ani Justin. “This time, ang bida ay isang knight.“
    “Knight?!!“ sabay na tanong dalawa.
    “Oo, like a cavalier. Yung nakasakay sa kabayo.“
    “Spit it out, Uncle!“ excited na tugon ni Jackie.
    “Okay. Once there was a girl named Cinderella who was married to a Prince Charming because of the help of her fairy god mother. Akala ng iba, thy have lived happily, ever after na. Kaso one day, biglang umalis ang Prince dahil uhm…“ nagisip muna si Justin. “Kailangan niyang makipaglaban dahil sinasakop na ang kaharian niya. Cinderella was left alone in the big castle. Buti na lang nandoon ang mga friends niya para sa kanya. Kaya nga lang, isang araw, naiwang magisa si Cinderella. At may masamang balak pala para sa kanya ang Duke. Anyway, galit ang Duke kay Cinderella dahil ito ang pinakasalan ng Prince at hindi ang anak niya na si Cassandra. Pinagplanuhan ng Duke at ni Cassandra kung paano ililigpit si Cinderella. Napagpasyahan nilang sunugin ang kwarto nito at sabihing aksidente ang nangyari. Takot na takot si Cinderella ng panahong iyon. Akala niya katapusan na niya pero may dumating na isang knight para iligtas siya. Tapos na.“ pagtatapos ni Justin.
    “Uncle naman eh! Ba’t bitin ang story?“ awat ni Jackie. “Di pa kami nakakatulog o!”     “Please uncle, continue the story.“ pagmamakaawa ni Sussy. Napabuntong hininga si Justin.
    “Alright, no choice!“ Ba’t kasi iyon ang naisip niyang story, inis na sambit ni Justin sa sarili. “So yun nga, unang beses pa lang nakita ng knight si Cinderella, he fell truly, madly, deeply in love with her. So habang wala pa ang Prince, binantayan ng Knight si Cinderella.“
    “What’s the knight’s name?“ tanong ni Sussy na parang na-hypnotize sa kilig.
    “It‘s... it’s Justin.“
    “Kalokohan!“ sabat ni Jackie.
    “Shut up, Jackie.“ saway ni Sussy. “Bagay naman kay uncle maging knight, ah!“
    “Tama, at hindi storyteller.“ ani Justin. “So, pag nasa panganib si Cinderella palagi siyang nililigtas ng knight. Pero, may isang problema. Cinderella love his Prince whole-heartedly. Kaya nung magtapat na sa kanya ang knight, sinabi niya na she’ll wait for the prince no matter what. Nasaktan ang knight pero hindi niya pa rin pinabayaan si Cinderella., though it hurts him very much to know that Cinderella love someone else. Pero dahil doon masaya si Cinderella, hindi na niya ito pinillit. Besides, he was just a knight. Isang prince ang kalaban niya.“ Napansin ni Justin na teary-eyed a si Sussy.
    “Does it have a sad ending?“ tanong nito. Na-guilty si Justin dahil wala naman talagang happy ending between Cinderella and the knight. Kaya lang sa tingin niya, kailangan niyang bigyan iyon ng happy ending dahil sa mga pamangkin niya.
    “No.” sagot ni Justin. “Hindi pa tapos ang kwento. Uhm... unfortunately, the prince died dahil nga sa giyera. Di matanggap ni Cinderella ang mga pangyayari. So she gave up everything dahil ayaw niya ng maging queen kung wala naman ang prince niya. All the way, di nawala ang knight sa tabi ni Cinderella. Years passed, tuluyan ng naghilom ang puso ni Cinderella.
    “And she fell in love with the knight, right?“ nakaismid na tanong ni Jackie.
    “Exactly.” nakangiting sagot ni Justin. “And they finally lived happily, ever after.“ Pagtatapos ni Justin. Matapos niyang ihatid sa kabilang kwarto ang mga pamangkin, bumalik na agad si Justin sa kwarto niya, naisip na sana magkaroon ang mga kwento niya. Alam niya sa sarili niya na imposible yun dahil di naman totoo ang fairytales. And besides, fairytales are just for girls.

    “Rio, buksan mo ang pinto.“marahang katok ni Ella, alas-nuwebe na ng gabi at katatapos lang maghugas ni Ella ng pinagkainan. Binuksan naman ito ni Rio, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. “Pwede ba ako pumasok?“ Ngumiti lang ito at pinapasok si Ella. Naupo sila sa kama. “Ba’t di ka pa natutulog?“ Hinaplos ni Ella ang mukha nito. And Rio burst into tears. Alam ni Ella na nahihirapan na rin si Rio. Sa pagiyak ni Rio, pumasok sa isip niya na si Rio ay sampung taong gulang lamang. At hindi madali para dito tanggapin agad ang mga pangyayari.
    “Lumaki ako na ang buong paniwala ay iniwan ng Daddy si Mama. Noong una, di ko pinansin ang mga pangaasar sa akin ng mga kaklase ko dahil sa pagkatao ko. Sabi nila bakla daw ako kasi walang amang nagalaga sa akin.“ Kung hindi pinsan ni Ella si Rio, masasabi niya na over acting ito. Kaya lang seryosong bagay na ‘to, kaya isiniksik niya sa ilalim ng isip niya ang pagtawa. Para kasi itong nago-audition sa isang talent search.
    “Rio, kailangan mo nang tanggapin ang mga bagay-bagay. Sampung taon na ang nawala sa inyo. At ang pride na nasa puso mong iyan ay maaaring magka-resulta ng ilang taon pang pagkakahiwalay.
    “You have to understand your Mother. Kahit bali-baligtarin pa ang mundo, siya pa rin ang nagaruga sayo. Sinubukan ka lang niyang protektahan. At dahil lang sa pagkakamali niya, tuluyan mo nang kakalimutan yon?“
    “But it affected my whole life!”
    “She was just trying to save you. Ayaw niyang lumaki ka na nakikita ang Daddy mo na may kasamang ibang babae.“
    “Na di naman totoo!“
    “Iyon nga ang pagkakamali no‘n.. Pero wag mo naman agad husgahan ang Mama mo. She just thought it was the right thing to do.“
    “Which is not!“ sagot ni Rio. Again, kung di lang niya ito pinsan ay baka sinapak na niya ito. At sa tingin ni Ella kailangan na niya ng drama.
    “Buti nga ikaw, you still have them both.“ panimula ni Ella. Nagulat pa siya nang napaluha siya. “Kung ako ang nasa  kalagayan mo, I would live my days to the fullest wit them. Kaya lang, I wasn’t given the chance. Kinuha na sila agad ni God. Minsan, nagtataka ako kung bakit.“ Na-realize ni Ella na hindi pala ‘to drama. It was all true. Ikaw, may mate-treasure ka pang mga moments. Pero ako, malabo na parang sadya talagang ipinagdadamot sa akin. Konti lang naaalala ko sa parents ko. The only thing that is clear to me is when they buried my Mon and Dad. Na para bang gusto kong sumama sa kanila. Feeling ko yun na ang pinakamasakit. Biglaan yon. I wasn’t given a chance to say goodbye…“Nagyakap ang dalawa. Pero ang plano ni Ella ay nalihis dahil mas naging apektado siya sa mga pangyayari. Effective!, sigaw ng isip ni Ella habang kayakap si Rio.

    Kinabukasan, paguwi ni Ella nadatnan niya ang isang lalakeng mukhang nasa thirties na. Nakangiti ito nang makita siya. Kamukha ito ni Rio. Mukhang masayahin pero bakat pa ang mga wrinkles nito na para bang ang daming iniisip na problema. Pinakilala sa kanya si Michael. Mukhang nagkabati na rin si Rio at si Tita Mabelle. Sabay silang kumain sa hapunan na hinanda ni Tita Mabelle. Sa wakas, dahil after a couple of weeks, bumalik na uli ang tawanan sa hapagkainan nila. Only now, even better dahil pala-joke pala si Tito Michael. Na-realize ni Ella na hindi pa rin pala siya pinapabayaan ng Diyos, dahil may pamilya na rin siyang maituturing. Natuwa pa nga si Tito Michael nang malamang anak siya ni Ellaine. “Kamukha mo siya, Ella.“ anito.

    Nagkaroon ng munting salu-salo sa bahay ni Tita Mabelle. Araw ng LInggo at ika-labing anim na kaarawan ni Ella. Matapos nilang magsimba ay dumiretso na sila sa bahay para maghanda. Nagarkila ng videoke si Tito Michael at dumalo naman ang mga malapit na kaibigan ni Ella. Dumalo sina Steven, Annie, Trisha kasama ang boyfriend nitong si Duncan. Inimbitahan niya din si Justin. Kumain sila at saka nagkaraoke-han. Nakatanggap din siya ng ilang regalo. Isang itim at sexy na bestida galing kay Tita Mabelle at Tito Michael at pati na rin kay Rio. Binigyan naman siya ng kwintas na may pendant na hugis bituin galing naman sa mga kaibiganniya. Alas-siyete natapos ang munting party at isa-isang nagalisan ang mga kaibigan ni Ella. Naiwan si Justin at tulad ng dati, naglakad-lakad muna sila sa park. Naupo si Ella sa swing. May kinuha si Justin sa bag at inabot kay Ella ang isang kahon na may ballot na kulay rosas. Napatingin si Ella kay Justin na parang tinatanong na kung ano ito. “Regalo ko yan sayo. Buksan mo.“ utos nito. Dahan-dahang pinunit ni Ella ang ballot ng kahon. Binuksan niya ang kahon at di siya makapaniwala sa nakita.
    “Sigurado ka, Justin? Di ko matatanggap ‘to!“ Nanlalaking mata na sabi ni Ella.
    “Kailangan mo yan para madali mo kong matawagan pag nagkataon.” isa itong cellphone na di-tuklap. “Nandyan na ang number ko. Tawagan mo kung kailangan mo ako okay?“ nakangiting sabi ni Justin. Pero si Ella ay tulala lamang, di pa rin makapaniwala.
    “Pero mahal ‘to, di ba? Di ko to kayang bayaran.“ani Ella.
    “Cinderella, remember, regalo ko yan? Hindi ko yan binebenta.“
    “Are you sure?”  
    “Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?” Umupo na rin si Justin sa kabilang swing. “Gusto mo bang halikan pa kita-”
    “Justin?!!“
    “Okay, okay, of course it was a joke.” tugon ni Justin na nakataas ang dalawang kamay. “Look, I just want you to call me everyday.“
    “E-everyday?“ Tinitigan ni Ella si Justin na parang ang ibig sabihin ay: Hello? Boyfriend ba kita?!!
    “Yes,  you know, para makapag-report ka sa pangyayari sa araw mo.“ ani Justin habang dumuduyan sa swing. “Pag wala kang kausap, you may call me.“
    “Anyway, thank you. Salamat sa lahat. I wonder kung ano ang magagawa ko para mabayaran ka sa mga ginagawa mo.“
    “Shut up, Cinderella. I’m doing this for a good cause.“
    “You mean, for world peace?“
    “Basta! I’m just asking you one thing.“ Natigilan si Ella. “Just let me do this. We’re friends remember?“ Tumango si Ella. “And I’m your knight!“ Tumayo si Justin at kunyaring nakikipaglaban gamit ang isang kahoy bilang espada. Natawa si Ella.
    “Knight on a shinning armour?“ Ella giggled. “I didn’t know na mahilig ka pala sa fairytale stories.?Humarap si Ella kay Justin, hinawakan ang baba nito at kinanta ang, “Let me be your hero baby, I could kiss away the pain, I would stand by you forever, you can take my breath away…“ Humalakhak si Ella. At walang nagawa si Justin kundi pagmasdan ang masayang pagtawa ni Ella.
    “She’s really beautiful.“ ani Justin sa sarili. Ang tawa ni Ella ay parang musika sa kanyang pandinig. Very innocent, Justin exclaimed to himself. Para siyang nakakita ng anghel sa katauhan ni Ella.
    Masayang natulog si Justin nang gabing iyon. Sa kanyang ala-ala, ang matatamis na ngiti ni Ella habang tinutulak niya ito sa swing.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn