Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER FOUR"

04:28 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Ala-sais pa lang ng umaga gising na si Ella. Sabado at walang pasok sa eskewlahan. Siya ang naglinis ng bahay at nagluto ng almusal. Aalis kasi siya mamaya dahil meron siyang group project sa kanilang Physical Science na subject. “Wow, ang bango!“ ani Rio nang bumaba ito mula sa itaas at naamoy ang lutong fried rice ni Ella.
    “Ang aga mo atang nagising.“ puna ni Ella habang kumakain. “Kumain ka na?”
    “Oo nga pala, Ate Ella, may nakalimutan akong sabihin.”
    “Ano iyon?”   
    “May tumawag sa iyo kahapon. Lalake eh. Nakalimutan kong tanungin ang pangalan.”    “Hindi kaya si Steven o si Tristan iyon?“
    “Hindi eh. Para ngang ang yabang ng boses eh. Siya pa kamo ang galit nang nalaman na wala ka.“ sagot naman ni Rio.
    “Sino naman kaya iyon?”
    “Wow!“ si Tita Mabelle. “Paborito kong almusal.”   
    “Good morning Tita.” tugon naman ni Ella na tuluyan ng kinalimutan ang misteryosong caller nito. “Kain na.”

    Nang malaman ni Justin na umalis na si Tristan patungong Paris. Hindi niya alam kung dapat pero talagang laking tuwa niya. Eighteen years old pa laman siya pero meron na siyang matipunong pangangatawan, moreno, makapal ang kilay na tila galit palagi at kulay abong mga matang tila nangungusap. Malayong-malayo sa Justin, pitong taon na ang nakakaraan...

    Naglalakad si Justin nang araw na iyon galing sa MATH tutorial niya. Dala niya sa kaliwang kamay ang isang bag at mga libro naman sa kanan. Muntikan pa siyang madapa dahil sa nakaharang na bato. Malabo kasi ang mga mata niya at ang makapal na salamin ang  suot niya na  malaki pa ang grado kaya medyo nalula siya. May pagka-payatot siya at madalas na nagkakasakit. Habang naglalakad siya, iniisip niya pa rin ang MATH problem na hindi niya nasagutan kanina dahilan para mabangga niya ang isang lalaki. “Ano ba?!! Tingnan mo nga yang dinadaanan mo!“ Sambit ng isang lalake na mukhang college na dahil sa suot nito. Matangkad ito at kung tingnan nito si Justin ay para lamang isang kuto na kayang tirisin anumang oras.
    “P-pasensya na po. D-di ko sina-sinasdya.“ nanginginig na tugon ni Justin.
    “Anong di sinasadya?” anito sabay tulak kay Justin. Napaupo naman siya dahil sa lakas ng tulak  nito. “Ang lapad-lapad ng daanan o?!!“ Napatingin si Justin sa paligid. Nasa park siya at walang katao-tao. Walang taong pwedeng tumulong sa kanya kundi ang sarili niya.
    “Pasensya na po talaga.” ani Justin sabay tayo. “Sige po aalis na a-”   
    “Anong aalis?“ Tinulak uli nito si Justin pero hindi na ito natumba. “Aba, matapang ka ah!“ Agad nitong sinuggaban ng suntok ang bato na nabitawan na ang mga hawak. Namilipit siya sa matinding sakit dahil tila naalog ang bungo niya, idagdag pa ng brace na suot niya. Nalasahan niya ang dugo na nalunok na lamang dahil sa matinding takot. Aakmang susuntukin na sana siya ulit ng lalaki na tila natuwa sa nakita. Napapikit na lamang si Justin, hinihintay ang susunod na pangyayari. Pero hindi ito natuloy. May narinig siyang boses ng isang boses. Boses ng isang matapang na batang babae.
    “Itigil mo yan!” dahan-dahang napalingon si Justin sa batang babae na nagsasalita. “Pag itinuloy mo yan, ipuputok ko sayo “tong baril ko!“ Naka-pigtail ang mahaba nitong buhok at galit na galit kung makatingin
    “Hoy, bata! Huwag ka nga sumali dito. Ang cute mo pa naman baka masayang kapag umabot ang kamao ko sa mukha mo!“ tugon ng lalake.
    “Sa tingin mo ba natatakot ako sa mukhang syokoy na katulad mo?” humalakhak ang babae. “Akala mo lang iyon. Syokoy! Syokoy! Syokoy!“ Binitawan ng lalake si Justin at unit-unti lumakad patungo sa batang babae. Ang mukha nito ay tila naaasar na.
    “Anong sabi mo sa akin!!!”   
    “Lumapit ka at papuputukan kita!”   
    “Hindi ako natatakot sa laruan mo, ba-“ Hindi na natuloy ang sinabi nito dahil tuluyan na siyang tinira ng bata ng pellet gun. Namilitpit naman ito sa sakit.
    “Wag mo ko tatawaging bata. At hindi ito laruan.“ anito. “Ano, masakit ba?”    “Wag kang magalala-“ at pinatamaan pa uli ito sa iba’t ibang part eng katawan nito.     “Aray! Nakup!”   
    “Umalis ka na, kung hindi dadagdagan ko pa yan!“ Tiningnan muna siya ng masama ng lalake at saka inis na napagpasyahang umalis. Nilapitan ng babae si Justin. “Okay ka lang?“ Tumango si Justin habang inaaalalayan niya ito tumayo. “Sa susunod, wag kang matakot sa mga ganoong uri ng tao, ha.”
    “Ang t-tapang mo na-naman.“ ani Justin.
    “Di naman kaya, sana ay tumakbo ka na lang.“ sabi ng batang babae na ngumiti sa kanya. Hindi alam ni Justin kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Ako nga pala si Cinderella, pero Ella na lang ang itawag mo sa akin.“ dagdag nito na parang nagiba ang  timpla ng mukha.
    “E-Ella...? Ikaw, ano pangalan mo??
    “Justin,“ tugon niya naman. “M-maraming salamat ha. Kung hindi dahil sayo, b-baka…“
    “Wala iyon. Basta ba sa susunod, ipagtatanggol mo na ang sarili mo. Alam mo ba kung bakit? Para kung sakali mang magka-girlfriend ka, maipagtatanggol mo siya.“ tugon naman ni Ella sabay nakakalokong ngumisi. “Ay, oo nga pala, kailangan ko nang umalis. Inutusan pala ako ni Tita Mabelle bumili ng gatas para sa pinsan ko.“
    “Aalis ka na?“ tanong ni Justin na parang nanghihinayang.
    “Oo,“ sagot ni Ella. “Sige, bye!“ At kumaripas na ng takbo si Ella. Nang puntong iyon, humanga si Justin sa katapangan ni Ella. At sa isang iglap, may tila may bagong dugong dumaloy sa mga ugat ni Justin. Naiintindihan niya ang sinabi ni Ella. Kailangan niyang maging malakas para dito. Magiging malakas siya, gwapo at matalino dahil balang araw  siya na ang magiging tagapagtanggol nito. Pangako niya iyon sa kanyang sarili. At kay Ella.

    Pauwi na si Ella nang tangahling iyon. Di pa sana siya uuwi kung hindi lang siya naasar sa mga pangyayari. “Hindi purkit Cinderella ang pangalan ko, aapihin na nila ako ng ganyan.“ sabi ni Ella sa sarili. Hindi naman kasi niya ka-grupo sa pagkakataong ito sina Steven, Annie at Trisha. Napunta siya sa grupo ng mga bruha. Kanina kasi habang siya ay nagre-research, inulan siya ng mga parinig ng grupo nina Carlotta. Alam kasi ng mga ito na wala na siyang mga magulang. Idagdag pa ang nalaman nito na umalis na si Tristan.
    “Bakit kaya palagi ka na lang iniiwan?“ pangaasar ni Carlotta. Di ito pinansin ni Ella. Alam kasi niya na ganito talaga ang ugali nang mga ito. Palaging nangiinis dahil walang magawa sa buhay. Dati pa siya nito inaasar. Pero natigil lang dahil palaging dumadating si Tristan. Pero sa ngalang naman ng namayapa niyang mga magulang, hindi na dapat sila isama sa mga pangaasar sa kanya. Iniisip niya nga kung sakali mang nanonood ang mga magulang niya o di  naman kaya ay nakikinig, ipinapanalangin niya na sana ay multuhin si Carlotta. Konti lang ang alala niya sa kanyang pagkabata na kasama ang mga ito ay Malabo na. Dati ay nakatira siya sa isang malaking bahay pero malabo na ito sa memorya niya. Ang naaalala niya lang ay ang garden na madalas niyang tinatakbuhan. Ang naaalala niya ay masaya siya noon at walang inaaalalang problema. Hanggang sa nangyari nalang ang aksidente. And the rest, malabo na. Magulo. Nagpapasalamat pa nga siya dahil may naitago pa siyang litrato ng mga ito. Gusto na niya talagang sabunutan si Carlotta, kaya lang alam niya hindi iyon tama dhail unang-una, eduakada siyang tao at pangalawa, hindi dapat patulan ang ganung tao. “Paano yan? Hindi na bagay ang pangalang Cinderella sayo dahil pati Prince charming mo, iniwan ka na?!!“sabay tawa na para bang kontrabida talaga sa buhay ni Ella.
    “Ano ba, nakakabanas ka an ah!“ padabog na sabi ni Ella. Tumayo na siya sa kinauupuan Sa puntong iyon ay naaasar na talaga siya. “You know what? Magsasarili na lang ako. Besides, I can do it alone!”
    “T-teka lang Ella-“ pahabol na sabi ni Georgina, ang lider ng grupo. “Magusap-”    “Wag na. I’ve made up my mind. I’d rather do it solo than letting myself insulted here! Goodbye!“ yun lang at kinuha na niya ang mga gamit niya at saka umalis.
    “Nakakainis!: sabi ni Ella sa sarili. “May araw din sila!“ Natigil si Ella sa paghihimutok nang biglang may narandaman siyang nakakairitang flash ng ilaw. Parang may kumukuha ng litrato niya. May nagmamasid sa kanya. Tumingin si Ella sa paligid. Maraming tao pero wala naming nakatingin sa kanya. “Nakakapagtaka naman.“ nasambit niya na lang.

    “Hello?“ sagot ni Ella sa telepono, isang gabi.
    “Ella, si Trisha ‘to.“ sagot ng nasa kabilang linya.
    “O, napatawag ka?“ tanong ni Ella. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa hapunan.
“May party kasing gaganapin sa bahay nina Fella.“ anito. “Baka gusto mo sumama?“
    “Fella? Ang school president natin?“
    “Oo, debut na niya kasi at invited ako kaya lang wala akong kasama.“
    “Sina Annie at Steven?“
    “Tumanggi na sila eh. Ikaw na lang ang pagasa ko. Ayoko pumunta sa party magisa.“ pagmamakaawang saad nito.
    “Kelan ba?“
    “Friday night.“
    “Sige, tatanungin ko muna kay Tita Mabelle.”

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn