Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER FIVE"

04:52 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Late nang dumating sina Ella at Trisha. Naligaw kasi sila sa paghahanapng address nina Fella. Para kasing mali ang nakasulat sa imbitasyon. Naka semi-formal ang dalawa. Naka light green na bestida si Trisha na hanggang tuhod sa kanya. Nakasuot din ito ng high heels na katerno ng damit niya. Samantalang si Ella naman ay puti ang motif. Tube na bestida na hanggang tuhod at white na sandals. Ang maikli niyang buhok ay nakalugay na lang. Nagsimula na ang engrandeng party sa malaking garden nina Fella. “Mabuti naman at nakahabol ka, Trisha. Kanina pa nagsimula ang party,“ sabi nito kay Trisha. Hindi naman alam ni Ella kung namamalikmata siya pero nakita niya na nakataas ang isang kilay nito habang nagsasalita. Ayaw niyang aminin sa sarili na iba ang ugaling pinapakita nito sa eskwelahan sa ipinapakita nito ngayon. Si Fella ang isa sa mga maipluwensyang studyante sa SHJ University. Hinahanggan ito ni Ella dahil bukod sa maganda ay matalino pa. Mabait ito sa lahat at makatarungan ito kung magdesisyon.
    “Pasensya na, naligaw kasi kami.“ paliwanag ni Trisha. “Hindi naming nakita agad ang bahay niyo.“
    “Ako si Cinderella Shaine. Ella for short.“ sabi ni Ella nang bumaling ito sa kanya. “Happy birthday Fella.“ bati ni Ella habang inaabot ang isang maliit na paper bag. Bracelet ang laman niyon. “Galing sa amin ni Trisha.“
    “Thank you.“ tugon naman ni Fella. Gumanda ang ngiti nito nang Makita ang regalo. Parang ito ang gatepass para sa party na iyon. “Sige, kumain na kayo at baka nagutom kayo sa paghahanap ng bahay namin.”
    Alas-diyes na at mukhang nagkakasiyahan ang lahat ng tao sa party naiyon. Naroon ang sikat na boyfriend ni Fella. Isa itong modelo sa isang magazine. Hindi niya mapigilang maiinggit kay Fella dahil halos nandito na lahat ng nakakapagpasaya dito. Para siyang isang prinsesa. Hanggang sa makarandam si Ella ng panliliit sa sarili. “Sana ako ang nasa kalagayan niya.“ bulong niya sa sarili. Pero alam niyang imposible iyon dahil si Fella may palasyo, may mga magulang, may prinsipe. Samantalang siya... “Ano ba naman ‘tong pinagiiisip ko?“ naiiritang sabi ni Ella. Hinanap ni Ella si Trisha pero nandoon na ito at nakikipagsayaw sa crush nitong si Charles. At ngayon ay magisa lang siya sa tabi ng puno at kung anu-ano ang pinagiiisip. Napabuntong hininga siya. Nang maya-maya ay lumapit si Carlotta. Naka-itim itong bestida na puno ng ruffles. Hindi ito inimik ni Ella.
    “Ella, hindi ako lumapit para makipag-away.“ simula nito. Malumanay ang tinign nito at naninibago si Ella. “Alam kong di ka naniniwala sa akin kung sasabihin ko sayong na-realize ko na mali ako.“ Biglang naguluhan si Ella sa narinig. Totoo ba ito? Si Carlotta na-realize na mali siya?
    “Alam mo Carlotta, tama ka sa sinabi mong di nga ako maniniwala sa sasabihin mo.? tugon ni Ella. “Kaya pwede ba, itigil mo na yang ka-dramahan mo?“
    “Ella, you don’t understand. Pinagsisisihan ko na ang mga masasamang sinabi ko sa iyo noon.‘ di inaasahan ni Ella ang pagluha ni Carlotta. “Ginawa ko lang yun dahil naiinggit ako sayo.“
    “N-Naiinggit?“
    “Oo. Dahil kahit wala ka ng mga magulang, nananatili ka paring masaya.“ anito. “Iniwan ka na ni Tristan pero heto ka, umiikot pa rin ang mundo mo. Samantalang ako…“Ano ba naman ‘tong pinagsasasabi ni Carlotta? Kanina lang ay naiinggit siya kay Fella, ngayon naman ay naiinggit si Carlotta sa kanya. “Kumpleto nga ang pamilya ko pero palaging nagaaway ang mama at papa ko. At ang mga kapatid ko labas pasok lang sa bahay naming. May pera nga kami pero hindi kami masaya.“ Na-realize ni Ella na mapalad pa rin siyang magkaroon ng pamilya sa katauhan nina Tita Mabelle at Rio. At kahit wala si Tristan sa tabi niya, masaya pa rin siya sa piling ng kanyang mga kaibigan. Naawa naman si Ella kay Carlotta. Kaya pala ito napapariwara sa pagaaral. “Sana subukan mo akong tanggapin bilang isang kaibigan.“ sabi ni Carlotta nang i-offer nito ang isang kopitong wine. Kalahati lang ang laman nito at kanina pa niya nakikitang pinaglalaruan ni Carlotta habang nagsasalita ito.
Nagalangan si Ella kung kukunin niya ang alak na inaalok ni Carlotta pero nang naaalala nito ang mga sinabi ni Carlotta at nang makita niya ang nakakawang mukha nito, kinuha niya agad ang kopita. Hindi naman kasi ganoon katigas ang kalooban niya. Dahan-dahang ngumiti si Carlotta nang ininom ni Ella ang laman nito. Nang biglang nagiba ang ihip ng hangin. Lumakas ang halakhak na kanina’y nakakaawang ngiti ni Carlotta. “Uto-uto ka talaga Ella! Biruin mo nagawa mong maniwala sa drama ko. Di naman kita masisisi eh. Sadya lang talagang magaling akong umarte.“ Di na narinig ni Ella ang sumunod na sinabi ni Carlotta. Tuluyan na siyang nanghina, nawalan ng lakas. Pakirandam niya siya si Snow White na tuluyan nang nalason sa mansanas na inalok ng bruhang mangkukulam na nagpanggap bilang isang kaawa-awang matanda. Umikot ang pangin niya. Dahan-dahan siyang napahiga sa may damuhan. Nakikita niya pa rin ang mala-demonyong tawa ni Carlotta. Bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay narinig niya ang boses ng isang lalake. “Ella, gising! Gumising ka!“ Pinilit niya ang sarili na dumilat pero tuluyan na siyang nawalan ng lakas.

    Dahan-dahang idinilat ni Ella ang mga mata niya. Nakarandam siya ng kirot sa kung saang bahagi ng katawan niya pero di niya matanto kung saan iyon. Sa kanyng pagdilat, isang di inaasahang mukha ang nasilayan niya. “J-Justin?“ Biglang napabangon si Ella. Napatingin siya sa paligid. Kwarto niya iyon. Anong nangyari? Bakit nandito si Justin? Anong ginagawa niya dito? Nagbalik sa alaala niya ang mga pangyayari nang gabi ng party.
    “Wag kang magalala, ligtas ka na.“ Di man tinanong ni Ella, alam na ni Justin na kailangan niyang magpaliwanag. “Halos dalawang araw ka ng walang malay.“
    “D-dalawang araw?“ Laking gulat ni Ella.
    “At dalawang gabi.” tugon ni Justin. “Kahapon nasa Hospital ka. Buti na lang natukoy agad ng mga Doktor na mababang uri lamang ng lason ang napainom sayo ni Carlotta. Pinauwi ka na ng Doktor, sabi naman niya okay ka na, kumbaga parang nakatulog ka lang ng matagal na panahon.“ Gumuhit sa gunita ni Ella ang mga sinabi sa kanya ni Carlotta an gang kopitang pinaglalaruan nito. Nakarandam ng inis sa sarili si Ella. Naiinis siya dahil nagawa siyang siyang mauto ng bruhang si Carlotta. Nakarandam siya ng inis sa sarili. Nakalimutan niya na ang bruha ay bruha na habambuhay. Nilason siya nito sa pamamagitan ng pagalok nito sa kanya ng isang pula ta makinis na mansanas. Matagal siyang nakatulog at pagkagising niya, ito ba ang prinsipeng nagligtas sa kanya? “Kaninang umaga, pinayagan ka ng umuwi. Pinainom ka na nila ng gamot na nakakapagpaalis ng lason. Ligtas ka na.” Napatingin si Ella sa orasan. Alas-kwatro na.
    “Si Tita Mabelle?“
    “Pumasok na siya sa trabaho ng malaman niyang okay ka na. Si Rio naman nasa baba.“ ani Justin habang inaabot ang isang basong may kakaibang kulay ang laman. “Inumin mo yan para bumalik sa dati ang lakas mo.“ ininom naman iyon ni Ella. Mapait ito.
    “Teka lang ha, naguguluhan talaga ako eh. Bakit ikaw ang nagaalaga sa akin dito ngayon? Kanina pa ako nagtataka eh.” Di naman tayo close di ba? Gusto pa sana niyang idagdag. Sa kadami-daming pagpipilian, bakit si Justin pa? Eh di ba ito ang kaklase niyang palagi siyang sinusungitan? Palaging nangaasar? At panira ng araw?

    Tila nagulat si Justin sa tanong ni Ella. Di niya inaasahan ang tanong na iyon. Sabagay nakakapagtaka naman talaga. Kung iisipin ba naman ang pangi-snob niya kay Ella noong nakaraang tatlong buwan, magtataka talaga si Ella. Nang gabi ng party, siya ang unang taong lumapit kay Ella nang mawalan ito ng malay. Hindi sana siya dadalo ng imbitahin siya ni Carlotta. Pero nang marinig niya kay Trisha na sasama si Ella, di na siya ngadalawang isip pa. Mula sa malayo ay pinagmamasdan niya si Ella. Pero nang mapagisa ito, gusto na sana niyang magpakilala. Gusto niyang sabihin na siya si Justin, ang payat at sakitin na niligtas ni Cinderella, isang napakatapang na babae. Kaya nga lang ay lumapit si Carlotta, pero di niya alam na ganoon pala ang balak nito. Sa dalawang araw na walang malay si Ella, pinilit niya si Tita Mabelle na siya ang magbantay dito. Noong una, di ito pumayag dahil hindi niya ito kilala. Pero nang malaman nila na consistent si Justin, pumayag na rin siya. Paano kasi ay pinagsarhan na niya ito at pinagalitan, pero hindi pa rin umalis si Justin. “Bakit, kaibigan ka ba talaga ni Ella?“tanong ni Tita Mabelle.
    “Opo.” pagsisinungaling niya. “Kasalanan ko dahil di ko siya binantayang mabuti. Nabigla man si Tita Mabelle, ayaw na niyang tanungin kung ano ang ibig sabihin no’n.
    “Akin na ang I.D. mo.” utos ni Tita Mabelle. Binigay naman ito ni Justin. “Para sakaling may gagawin kang masama, maipapapulis agad kita.“ Nagtinginan na lamang ang mga nurse sa tinuran ni Tita Mabelle.
    “Makakaasa po kayo.“ sagot ni Justin. Sinisisi ni Justin ang sarili niya dahil hindi niya napigilan ang masamang pangyayari kay Ella. Hindi niya nagampanan ang dapat gampanan.
    “Hello, Justin?”  Di mo pa ako sinasagot.“ si Ella habang ginigising si Justin sa pagkakatulala.
    “Hhm... sabihin na lang natin na gusto kong maging friends tayo.”
    “Huh?” di makapaniwalang usal ni Ella. “Di kaya kasabwat ka ni Carlotta?“
    “N-no... it’s just that-“ Di na natapos ni Justin ang sasabihin niya nang biglang lumitaw sa pinto ang tatlong kaibigan ni Ella. SIna Steven, Trisha at Annie.
    “Hi Ella!“ excited na bati ng tatlo.
    “Kamusta? Buti naman at nagkamalay ka na!“ ani Steven.
    “Look at you , girl! Ang putla mo.“ ani Trisha habang hinahaplos ang muka ng kaibigan.
    “Don’t worry, we brought you some fruits.“ si Annie habang inaabot ang isang basket na puno ng prutas. “Buti na lang, okey ka na. We’re so worried about you.“
    “Thank you guys!“ tugon ni Ella at nag-group hug ang apat. Tumikhim si Justin mula sa likuran at napatingin agad ang apat.
    “Well, I guessed, I better go. Ella, get well soon, I mean very well.“ Ngumiti si Ella.
“Take care.“ aniya.

    “Anyway, may itatanong ako. Anong kinalaman ni Justin?“ tanong ni Ella. Kanina pa sila naguusap mula sa sabunutang nangyari between Trisha and Carlotta hanggang sa pagtulong ni Justin. Natigilan ang tatlo. “Di ko maintindihan kung bakit niya naisipang maging friends kami after all the snobbish attitude of him.“ Bumuntong hininga si Trisha. “Anong ibig sabihin niyon?
    “He’s the one who save you.” tugon ni Trisha. Nagsalubong ang kilay ng tatlo. “Siya ang unang nakakita sa iyo at agad ka niyang isinugod sa hospital. Isinakay ka niya sa sasakyan niya. He looks so worried na para bang close kayo. Di siya mapakali na para bang boyfriend mo siya! Habang naghihintay sa results ay nagpa-panic siya.”

    Hindi maintindihan ni Ella kung bakit ganun na lang ang inasal ni Justin. Ano kaya ang dahilan nito? Dati ay snobbish ito sa kanya, pero ngayon ito pa ang nangangalaga sa kanya. Kung anuman ang dahilan, masaya na rin siya. Baka nga maging mabuting kaibigan para sa kanya si Justin.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn