Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER ELEVEN"

06:33 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    Matapos ng pangyayaring iyon, di na gaanong nagiimikan si Ella at Justin. Lumipas ang buong semester na sina Ella, Annie at Trisha. Hindi niya alam pero dumidistansya na rin sa kanila si Steven. Isang araw, nag-celebrate ang tatlo dahil huling araw na iyon ng klase. Magsu-summer na kasi. At may maganda daw ibabalita si Trisha. Ano man iyon, siguradong maganda ito dahil kanina pa di mapakali si Trisha. “Please, wag mong sasabihing ikakasal ka na.“ banta ni Annie matapos maubos ang kinakaing burger.
    “Ano ka ba? Of course not!“ sagot ni Trisha.
    “Oo nga pala, ba’t di kayo magkasama ni Duncan nitong mga huling araw?“ tanong ni Ella habang ngumunguya ng french fries. Nagiba agad ang timpla ng mukha ni Trisha ng marinig iyon.
    “Cool off kami eh.“ sagot niya.
    “Well, dapat nga tayong mag-celebrate.“ masayang anunsyo ni Annie. “Pero don’t tell me na yan na yung balita mo?“ Bumalik uli ang excited na mukha ni Trisha. May kinuha siyang putting envelope at inabot ito kina Ella at Annie. Nanlaki ang mga mata ng dalawa.
    “Napanalunan ko yan sa Sixteen magazine.“pagyayabang ni Trisha. “At balak ko kayong isama.“ Napatili sa galak sina Annie at Ella.
    “Yehey!!! Makakapunta na ako sa Boracay!!!“ tili ni Annie at nag group-hug ang tatlo.
“Mabuti ka talagang kaibigan girl!“ ani Ella.
    “Ang sabihin mo, magaling lang talaga siya mamili ng kaibigan no!“ awat naman ni Annie. Di alam ng tatlo, na pinapanood na sila ng buong food chain. They were just so excited na kahit mga tao sa loob no’n ay natutuwa na din.

    “Oh my God! I can’t belive this!“ masayang tumalon-talon si Annie sa kama. Isa itong deluxe room para sa kanilang tatlo. At para itong isang condo. Kulay pink ang motif nito. Nilapag ni Ella ang gamit niya at tinungo ang pinakamalapit na bintana. Nakita niya ang malawak at asul na dagat.
    “Wow, ang ganda!“ usal ni Ella. Umikot-ikot siya sa tuwa at dahil sa hilo ay bumagsak. Nagtawan ang tatlo.
    “Sana may makilala akong gwapong lalake!“ pagdadasal ni Trisha. Alam niyang di imposible yun dahil maganda ito at sexy.
    “Oh shit! Naiwan ko ang shades ko!“ padabog na sambit ni Annie.
    “Don’t worry may extra ako!“ ani Trisha.
    “Thank you girl!“ tugon ni Annie na huminto sa pagdadabog at niyakap si Trisha. “I knew I can count on you!“ Walang sinayang na oras ang magkaibigan. Nilibot nila ang buong barko. Bandang alas-sais na nang pumunta sila sa isang bar. Puno ito ng tao at summer din ang motif nito. At tulad ng suot nilang tatlo, naka-summer suit ang lahat ng tao. Sa stage ay may kumakanta ng mga classic songs na banda. Inabutan sila ng isang waitress ng maiinom at kinuha naman iyon ng tatlo. “Enjoy the night girls!“ anito. Ngayon lang naranasan ni Ella ang ganito. Bukod kasi sa eskwela at bahay, ay mall at simbahan lang napupuntahan niya. Umupo sila sa stool sa harap ng bartender.
    “Hello, lovely ladies!“ bati nito, ang mga mata ay nakatitig kay Ella. Ngumiti lamang si Ella. Balak niyang magsaya pero di niya balak makipagkilala sa kahit sinong mga lalake. Buti na lamang kasama niya sina Annie at Trisha. Sila ang nakipagusap dito.
    “Tara, sayaw tayo!“yaya ni Annie. At tumungo na sila sa dance floor.


    “Wow! Ang sarap ng araw!“ sambit ni Trisha. Nakasuot ito ng bulaklak na two piece at kasalukuyang sinasamsam ang araw.
    “Gusto ko sanang maligo kaso tanghaling tapat eh.“ usal ni Annie na naka-kulay asul na tube at maikling shorts. Ala-una nang makarating sila sa hotel na tutukuyan at pagkatapos magayos ng gamit ay agad silang bumaba. Si Ella naman ay masayang pinapanood ang mga tao. Ang iba ay kasama ng pamilya o di kaya ay magka-holding hands na mga lovers.
“Lovers in Boracay…“ bulong ni Ella sa sarili. Pagkatapos ay itinuon ang pansin sa beach. Tulad ng sinasabi sa mga magazine at tv ay puti nga ang mga buhangin nito. At ang dagat ay payapa at humahampas ng dahan-dahan sa may pampang. Nasa ganoon pa rin silang ayos hanggang magalas-kwatro. At sa wakas, napagpasyahan na rin nilang maligo sa kumikinang na tubig nito.

    Nang sumunod na araw, dahil may pagka-shopaholic ang tatlo at may libre namang allowance, sinuyod agad nila ang mga sosyal na tyangge sa Boracay. Sinamantala na rin ni Ella na bumili ng pasalubong para sa kanyang pamilya. Nasa ganoon silang ayos nang tumunog ang cellphone ni Ella. Wala sana siyang balak dalhin ang cellphone na binigay ng lalake na nagbigay ng halik sa kanya. Napalunok si Ella nang makita ang naka-register na pangalan. “Justin?”
    “Ella, sagutin mo na!“ untag ni Annie. Magdadalawang isip pa sana si Ella kaya lang masyado nang nakakahiya ang ringtone niya. Nagtitinginan na rin kasi ang mga tao sa paligid niya. Lumabas si Ella at sinagot ang cellphone na gusto na sana niyang ibato kaya lang ay sayang naman.
    “Hello, Justin? Ano naming pumasok sa utak mo at naisipan mo kong tawagan?“ Dahil sa nangyari sa araw ng mga puso, di rin expected ni Ella na tatawag pa ito sa kanya. Pero mukhang kailangan ng harapin ang dapat na harapin. Kailangan na niyang ipaniwala dito na balewala sa kanya ang halik na iyon.
    “Hello, nasaang parte ka ng Boracay?“ anito sa malamig na tinig.  Naiinis man si Ella, nagawa niya pa ring aminin sa sarili na na-miss niya ang tinig nito. Ella couldn’t help to smile na hindi naman umabot sa tenga nito.
    “At bakit naman gusto mong malaman ha?“
    “Hindi ka man lang nagpaalam sa akin.“
    “At sino ka? Boyfriend ko?“ mtapang na usal ni Ella. Hindi nga alam ni Tristan na nasa Boracay siya tapos sasabihin niya kay Justin. “Okay ka lang?“
    “Sabihin mo na. Nandito ako ngayon sa airport ng Boracay. Look, all you’ve gotta say is the place where you’re in at pupuntahan kita.“
    “Excuse me? Hindi ko kailangan ng body guard. Kaya kong alagaan ang sarili ko.“ tugon ni Ella dahil nawawalan na siya ng pasensya. Hanggang dito ba naman sinusundan siya nito? Kung buntot lang si Justin, matatanggap pa niya iyon. Pero hinde. At isa pa, hindi na niya kailangan ng isa pang anino.
    “Ella, baka di mo alam, kahit nasaang parte ka ng mundo, makikita pa rin kita. Okay, hintayin mo ko dyan. Ipapahanap-“ Pinatay na ni Ella ang cellphone. At kung di lang itong mamahaling cellphone ay nabato na niya ito. Damn him! At kung di lang ito gwapo, ay iisipin niyang serial killer na ito sa kasusunod sa kanya. SHIT! Hindi siya gwapo!

    Nang gabing iyon, pagkatapos nilang kumain sa isang Italian Restaurant kung saan meron silang discount, pumunta sila sa buhanginan at doon umupo. Noong una walang nagsalita. Sinamsam muna ng tatlo ang malamig na ihip ng hangin. Nakatuon ang pansin nila sa payapang hampas ng alon sa may pampang. “Sayang, wala si Steven.“ ani Ella. Narandaman agad ni Ella ang paghugot ng malalim na hininga ni Annie. At sa tingin niya, mukhang may kinalaman ito.
    “Kasalanan ko.“ pagamin ni Annie.
    “Anong kasalanan?“ tanong ni Trisha.
    “It was my fault kaya di na sumasama sa atin si Steven.“ malungkot na tugon nito. Nakayuko ito at nakatitig sa mga tuhod niya.
    “Tell us what happened.“ untag ni Ella. Hindi pa niya nakikitang ganito kalungkot si Annie.  Si Annie ay sarkastiko kung minsan, palagi itong masaya at matatag. Pero bakit ngayon? Anong dahilan at nagiba ang tono ng kanyang kaibigan?
    “Noong valentines day, may... Nangyari.“ lumunok si Annie at nag patuloy matapos ang ilang Segundo. “Habang sumasayaw kami sa dance floor, hinamon ko siya na kung tunay talaga siyang lalake, kailangan mapatunayan niya sa pamamagitan ng paghalik sa isang babae at ipakita niya yun mismo sa harap ko. Noong una, nangaalaska lang talaga ako. I never meant to make him so mad. Naasar siya sa akin at…“ A tear fell from Annie’s eyes. “He... he kissed me.” Nabigla ang dalawa at di halos makagalaw. Nagsalita si Ella.
    “That’s not fair! Dahil lang doon, nagpadala na siya?“
    “He’s such a sucker!“ dagdag ni Trisha sabay bato sa patpat na hawak niya kanina pa.
    “Then after that, ayaw na niya akong kausapin. Napansin niyo ba? Kayong dalawa lang ang kinakausap niya.“ Nang mga oras na iyon, gusto na niyang sapakin si Steven. Anong klaseng kaibigan ito? Si Annie ay para niyang kapatid dahil highschool pa lang, magkaklase na sila. Annie was a tough girl at si Steven lang pala ang makakapagpaiyak dito.
    “Anyway, don’t mind him! Nandito tayo para magenjoy!“ untag ni Trisha. Eventually, nag group-hug ang tatlo.


    Nang sumunod na araw, napagpasyahan ng tatlo na sa swimming pool naman magliwaliw. Matapos ang ilang oras, umahon na si Ella dahil tumataas na ang sinag ng araw at humahapdi na rin ang balat niya. Humiga na lamang si Ella sa isa sa mga benches. Nang pabalik na sina Trisha at Annie mula sa paligsahan nilang sa paglangoy, nanlaki ang mata ni Trisha na para bang wina-warning-an siya. Nagsalubong ang kilay ni Ella dahil di niya maintindihan ang gusting iaparating nito. “Ano?!!“ sigaw niya.
    “Ang ibig niyang sabihin, parating na daw ako.” Napalingon si Ella sa pinanggalingan ng boses. Nasapo niya ang noo nang makita si Justin. Umupo ito sa tabi niya. “I told you.“ pangaasar pa nito.
    “Anak naman ng tipaklong Justin! Tantanan mo naman ako!“ nanggigil na sambit ni Ella.
    “Pumunta ka dito nang di nagpapaalam sa akin? Paano kung ano mangyari sayo?“ Ella just rolled her eyes. nyway, bagay sayo ang two piece.”
    “O, Justin napasyal ka?“ tanong ni Annie na umahon na rin kasama si Trsiha mula sa swimming pool.
    “O pagkakataon nga naman, nandito din kayo?!! What an opportunity! Wanna have some drink?“ sumangayon naman ang dalawa sa inalok ni Justin na libre daw. Napabuntong hininga na lamang si Ella dahil di pwedeng di siya kasama.
    “C’mon Ella. Bagay naman kayo ni Justin eh!“ bulong ni Annie sa kanya na tila nakalimutan na boyfriend niya pa rin si Tristan. Ito pa nga ang lumakad sa kanya at kay Tristan. Nahihibang na ba ito? Pinili na laman ni Ella ang tumahimik.

    “Ang ganda ng sunset no?“ ani Justin matapos ang ilang minutong pananahimik. Silang dalawa lamang ang magkasamang nakaupo sa buhanginan. Nagaagaw na ag dilim at liwanag na siyang gusting panoorin ni Ella. Ngayon niya lang nalaman na masarap pala panoorin ang paglubog ng araw.
    “Mas maganda sana kung wala ka.“ sagot ni Ella.
    “Cinderella, galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ko noong valentines day?“ tila batang tanong nito. Umiling si Ella.
    “Forget it.“
    “Okay.“ sapilitang sagot ni Justin. “So friends ulit tayo?“ tanong nito na parang bata. Ella find it cute, though.
    “Sure.” sagot naman nito. “Just promise me you’re not gong to kiss me again.“
    “Okay lang. Promises are made to be broken, right?“
    “Sa susunod na hahalikan mo pa ako, matatamaan ka na sa akin.“
    “Hey you kissed me back!“ Napasinghap si Ella.
    “That’s not true!“
    “I knew it’s true because I have feel it.“
    “Basta don’t you ever kiss me again!“ sigaw ni Ella. Napatingin ang ilang tao sa paligid nila. And Justin watched how she blushed, with affection in his eyes.

    Nang gabing iyon, nagkaroon ng isang party kung saan libre ang beer at pagkain. Kumislap ang mga mata ni Ella nang marining ang beer? She have never tasted it before. “C’mon Ella, di nakakalasing ang beer.?untag ni Trisha. Babalik n asana si Ella sa Hotel kaya lang alam niyang pupuntahan siya doon ni Justin which isn’t a good idea. Kaya pinili na lamang niyang makasama sa beerfest. At tuluyan na rin siyang iniwanan ni Trisha dahil may nakilala na itong gwapong lalake?
    “Para naming pogita!“ bulong ni Annie kay Ella na siyang natawa na lamang sa pagsangayon dito. “May problema ka ba Ella?“
    “Wala.“
    “Pwede mo ba akong samahan uminom sa pagkawala ni Steven bilang kaibigan natin?“
    “Sure.?

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn