Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 October 2010

Cinderella Shaine "CHAPTER EIGHT"

06:31 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
    “Cinderella!” napatingin si Ella sa pinanggalingan ng tinig. Napabuntong-hininga siya ng makita niyang si Justin iyon. “Hindi muna kita mahahatid ngayon, ha?“ Magisang naglalakad no’n si Ella. Pauwi na sana siya dahil pangako niya kay Tita Mabelle na maaga siya uuwi.
    “Excuse me, Justin.“ tugon ni Ella na nakapamaywang. “Di naman kita inoobliga na ihatid ako ah dahil di naman kita boyfriend.“
    “Alam ko.“ sabi nito. Mula nang magusap sila sa park ay nagbago na ito. Di na ito ganun  ka-suplado at palagi na itong nakatawa. “Pero soon to be, di ba?“
    “Whatever.?
    “Ingat ka ha!“ sabi nito. Oo at di na nga ito suplado pero sobra naman ito kung makapang-asar. Kinindatan pa nito si Ella bago tuluyang umalis.
   
    Tahimik ang buong bahay nang dumating si Ella. Nadatnan niya ang kanyang Tita Mabelle sa sala at namumugto ang mga mata nito. “T-Tita Mabelle, anong nangyari?“ Nilingon siya ni Tita Mabelle sabay iling at tuluyan na itong napaiyak. Hinagod ni Ella ang likod nito habang pinagmamasadan ito. Ito ang taong nagpalaki sa kanya at di niya kayang makita na naghihirap ang kalooban nito. Mukhang hindi maganda ang nangyari.
    “Hindi matanggap ni Rio na nagkamali ako.“
    “Tita, tahan na. Malay mo ngayon lang yan. Baka nabigla lang talaga siya sa mga pangyayari. Matatanggap niya din yun baling araw.“
    “I don’t know Ella. Ayaw niya ako kausapin.“
    “Siguro, bigyan muna natin siya ng oras. Mare-realize niya rin ang pagkakamali niya.” alo ni Ella.
    “Tama si Rio. Sakim ako at makasarili.“ Lalo lang lumakas ang hagulhol nito. Wala naming magawa si Ella kundi hagurin ang likod nito. Kumuha ito ng isang basong tubig at pinainom ang tiyahin. Naiintindihan niya ang kalagayan nito at naiintindihan niya din si Rio. Mahirap ang sitwasyon ng dalawa.

    Nang gabing iyon, di pa rin makatulog si Ella. Maraming problema na ang bumabagabag sa kanya. Ang problema ng mga kaibigan niya, ang kay Tita Mabelle at Rio, at si Tristan, hanggang ngayon di pa rin tumatawag. Gusto niya ito tawagan pero wala siyang phone number nito. At isa pa mahal tumawag sa Paris. Nasasaktan siya dahil may naiisip siyang dahilan na kaya hindi ito tumawag ay dahil nakalimutan na siya nito. Naluha si Ella sa naisip niya. “Wag naman sana…“ At tuluyan na siyang nakatulog.

    Magisa si Ella nang araw na iyon. Nandyan naman ang mga kaibigan niya pero hiwa-hiwalay sila ngayon ng upuan. Mukhang malala na ito. “Magkakgalit ba kayo?“ tanong ni Alicia, kaklase nila sa subject na iyon, May salamin ito at kulot ang buhok. At may pagka-pakialamera, bulong ni Ella sa sarili.
    “Hindi ah!“ tugon ni Ella. “Gusto lang naming mag concentrate sa pagaaral kaya di muna kami nagtabi-tabi. Kaya if I were you, stop talking to me para makapag concentrate na ako.“ naiiritang sagot niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang taong pakialamera. Tila naman napahiya ito.
    “S-sorry.“ sagot nito. Wala sa lesson ang isip ni Ella. Ang totoo nyan ay gusto niyang makapagisip ng paraan para mag bati ang tatlo at for Pete’s sake, wala siyang maisip.
    “Steven, we’ve gotta do something.“ Ella exclaimed nang matapos ang klaseng iyon.
    “Give them time Ella.”  Bumalik kay Ella ang advice niya kay Tita Mabelle at napakunot ang noo niya. “Mare-realize din nila na hindi totoong lalake si Charles.“
    “What do you mean?“
    “Bakla si Charles, Ella. Imposibleng magustuhan sila nun.“
    “At ba’t naman ako maniniwala sa iyo?“ tanong ni Ella habang ini-imagine hitsura ni Charles. Imposible ang sinasabi ni Steven dahil ala Richard Guttierez ang dating ni Charles.
    “Well, matagal ko na siya kakilala. Wala siyang sineryosong babae dahil di talaga iyon ang gusto niya. Best of friends ang mga nanay naming kaya alam ko ang tinatago niya.“
    “Wala ka pang sinasabing proweba?“
    “Iyon na nga eh. Tagong tago ang pagka-gay niya so nobody knows except sa aming tatlo ng Mom niya at Mom ko.“
    “Really?“
    “Believe me.”



    “Cinderella, ba’t namamaga ang mga mata mo?“tanong ni Justin. Ito lang ang taong nakapanisin no‘n. Tumabi ito sa kanya dahil di niya katabi ang mga kaibigan niya sa subject na iyon.  Nasa computer Laboratory sila.
    “Wala ka na do‘n.‘ sagot ni Ella.
    “C’mon Cinderella! I’m your knight, remember?“
    “Sa pagkakaalam ko, wala naman knight si Cinderella, Justin. Fairy God Mother meron. Gusto mo mag apply?“
    “Cinderella naman eh!“
    “Stop calling me Cinderella!“
    “Hindi bagay sayo ang Ella dahil napaka-simple non.“ Tumahimik si Justin nang biglang lumapit sa kanila ang professor nila.
    “Tapos na ba kayo sa ginagawa niyo?“ tanong ni Mr. Rodriguez. Umiling ang dalawa.

    “May plano ako Ella.“ sabi ni Steven habang kumakain sila sa canteen.
    “Anong plano?” tanong ni Ella. Ilang araw na ang lumipas at wala pa ring pagbabago ang lahat between Trisha and Annie. Sinubukan na nilang pagusapin ang dalawa pero nagkasagutan lamang ang mga ito.
    “Paaaminin ko si Charles na bakla siya.“ Medyo naaawa na rin kasi si Steven sa dalawa. At isa pa nami-miss na rin niya ang dating pagkakaibigan nilang apat. Binulong na lang ni Steven ang ibang detalye. Unit-unting nabuhayan ng loob si Ella. Napangiti naman siya.
    “What a nice idea!“ tugon ni Ella nang marinig niya ang plano ni Steven. Nayakap niya si Steven dahil dito. Sakto naming dumating si Justin. At biglang nagiba ang anyo nito. Nagsalubong ang kilay niya at naging pormal ang dating nito tulad ng dati.
    “Anong tinititig-titig mo dyan?“ wika ni Steven kay Justin.
    “W-wala pare.“ Tiningnan muna nito si Steven ng matalim saka umalis.
    “Anong problema no“n?“ tanong ni Steven.
    “Ewan ko.“ ani Ella. Di pa nga pala niya nakukuwento ang tungkol sa kanila ni Justin sa mga kaibigan niya.
    “Basta mahirap ang part na gagawin ko kaya ikaw na ang bahala sa dalawa, okey?“ Nag thumbs up si Ella.
    “Sure!”
   
    “Sige na naman Annie.“ pagmamakaawa ni Ella. “Trust me on this okey?“ Nasa loob sila ng ladies room.
    “Alam mo kasi sumosobra na siya eh. Oo na, maganda na siya at ako ay medyo lang pero di naman niya pagmamayari ang lahat ng lalake eh.“ naiiyak na tugon ni Annie.
    “Annie, magkaibigan tayo di ba?” Hindi dapat natin hinahayaan na ito lang ang magpahiwalay sa atin.“
    “Uhm... Ella, may problema ka ba?“ Bakit parang napupuyat ka ata?“ Umiwas si Ella ng tingin.
    “May ilang problema lang naman ako. At kasama na kayo doon.“
    “My God Ella!“ agad nagpunas si Ella ng luha. “Nahihirapan ka na pala sa problema namin ni Trisha. It was all my fault. Hindi ko na dapat pinatagal pa. I’m very sorry.“ Agad nagyakap ang dalawa. Nang biglang nagbukas ang isang cubicle at lumabas doon si Trisha. Nagulat ang dalawa.Nagkatitigan ang dalawa. Si Trisha ang unang nagsalita.
    “Girl, I’m so sorry.” nagyakap si Annie at Trisha. “I’m sorry for being so selfish. Hindi ko na dapat pinatulan ang mga sinabi mo.”
    “I’m sorry too.“ Napatingin sila kay Ella at sabay na nagsorry.
    “Don’t worry hindi naman kayo ang dahilan kaya ako may eyebag.“ tugon ni Ella.
    “Tell us about it later okey?“ ani Trisha.
    “Nasaan si Steven? Let’s celebrate!“ si Annie.
    “Well, kailangan ko kayo sa gym ngayon.“
    “Bakit?“ tanong ng dalawa.
    “I have to prove you something.“ sabi ni Ella ng nakangiti.

    “Okay Charles,“ simula ni Steven nang makita niya mula sa likod sina Ella. “May tatanong lang sana ako sayo.“ Mula sa likod amoy na amoy nila ang pabango ni Steven. Lalaking-lalaki ang dating nito. Ngumiti si Steven na parang babae si Charles at inaakit nito. Kitang-kita ng tatlo na napalunok si Charles.
    “Ano yun Steven? May problema ba?“
    “Gusto ko sanang magsabi ka ng totoo. Alam mo naman na mag-bestfriend ang mag nanay natin di ba?” tumango-tango ito. “May nagugustuhan ka ba sa mga kaibigan ko? I mean kina Annie, Trisha at Ella?“ Napabuntong hinga si Charles. “Kasi alam mo yun, alam naman nating di ka mahilig sa babae di ba?“ Nakagat ng tatlo ang ibabang labi nila.
    “Hindi ito maaari.“ bulong ni Annie.
    “It can’t be.“sabi naman ni Trisha.
    “Maaari ko bang malaman kung sino ang napupusuan mo ngayon?“ tanong uli ni Steven. Nakita nilang parang naiiyak na si Charles. “Wait, may problema ba?“
    “Oo alam mo na pala, Steven.“ Kumunot ang noo ng tatlong nakikinig sa likuran. Sobrang nanghihinayang sila kay Charles.
    “Sayang ang gwapo mo pa naman.“ bulong ni Trisha.
    “It’s you that I want.“ Charles confessed. Napaatras si Steven. Nanlaki ang mga mata. “Mga bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto ko.“ Parang gusting himatayin ni Trisha at ni Annie.
    “P-pero…“ di malaman ni Steven ang sasabihin.
    “C’mon guys! It’s time to save him.“ suhestiyon ni Ella. Sumang-ayon naman ang dalawa. Kunyari silang dumaan sa gym. “Uy Steven!“ tawag ni Ella. Tila lumiwanag naman ang mukha ni Steven.
    “Hey, Im here!”
    “Kanina ka pa namin hinahanap.“ ani Annie. Nag group hug ang apat.
    “Nandito ka lang pala.“ sabi naman ni Trisha. “Hi Charles!” bati nit okay Charles. Tila naman nag transform ito na parang isang tunay na lalake.
    “Hello Girls!“ bati rin nito.
    “Kukunin muna namin si Steven ha? May klase na kami eh.“ sabi naman ni Ella at magkaakbay na umalis ang apat.
    “Sige tol!“ pamamaalam ni Steven. At tuluyan na silang umalis. Di na nila nakita ang naiinis na reaksyon n Charles.

    “Sabi niya gusto ka niya? OMG! Paano yan??nagaalalang tanong ni Ella.
    “There’s only one solution.“ tugon ni Steven. “Kailangan ko na ng girlfriend.“
    “Pwede mag apply?“ di napigilang tanong ni Annie. Nagtawanan naman ang lahat. Natutuwa naman si Ella dahil sa wakas nabawasan na ng isa sa mga problema niya.  Ang problema nalang ni Tita Mabelle at Rio pati na rin ang kay Tristan na hanggang ngayon ay di pa rin tumatawag.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn