Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Agosto Chapter Two

10:11 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Umalis na si Lillian para bumalik sa Manila para asikasuhin ang negosyo ng pamilya. Bago umalis, nagbilin si Lillian sa magkapatid.
          "Johnny, ikaw ang nakakatanda kaya ikaw na ang bahala kay Jerick. Alam mo naman ‘yang kapatid mo, masyadong matatakutin." Bilin ni Lillian.
          "Don’t worry, I’ll take care of my twin. Basta, we will give you a call kapag may nangyari dito ha. Para naman updated ka." Sabi ni Johnny kaya pumayag na rin si Lillian. Humalik ang kambal sa magkabilang pisngi ni Lillian. Sumakay na ng kotse si Lillian at tuluyan nang umalis.
Sinundan ito ng kambal at ni Manong Julian hanggang sa gate. Nakita ito ng isang lalaking may-ari ng Bakery sa tapat nila. Tinitignan sila at bigla na lang siyang umalis. Tinanong ni Jerick si Manong Julian.
          "Manong, sino yung lalaking nasa bakery? Yung nasa tapat natin?"
          "Ah, si Delfin. Apo ng may-ari ng Bakery dito. Naku, ang sarap magluto niyan, lalo na yung paborito kong Chicken Empanada. Parang naibalik niya ang luto ni Eloisa nung nabubuhay pa siya." sabi ni Manong Julian, saka sila lahat pumasok sa loob.

Pagsapit ng gabi, habang kumakain sila sa dining area, napatingin sa labas ng bahay si Jerick. Nakita niyang ang kanilang mga kapitbahay ay parang nagsusunog.
          "Ano yun?!" sabi ni Jerick. Kaya tumayo siya mula sa kanyang upuan at pinuntahan ang bintana para makita ang nagaganap sa labas ng kanilang bahay. Nakita niya ang mga kapitbahay nila’y nagsusunog ng papel sa mga drum at lahat ay nasa labas ng bahay. Muli siyang bumalik sa kanyang upuan at tinanong si Manong Julian.
          "Mang Julian, bakit po ba nagsusunog ng mga papel ang mga kapitbahay natin?" tanong ni Jerick.
          "Ah, malalaman mo rin, sa takdang panahon. Wag muna ngayon." sagot ni Manong Julian pero nag-usisa na si Jerick.
          "Bakit nga po? Ano po bang meron?"
          "Basta, hindi pa ito ang takdang panahon."
          "Eh kailan pa ang takdang panahon?" Hindi na sumagot ang matanda.
Matapos nilang kumain at maghugas ng pinggan, lumabas muna ang kambal ng bahay tumambay sa labas ng gate. Nagmasid-masid si Jerick sa kanyang paligid.
          "Johnny, lakad-lakad muna ako ha. Babalik din ako agad." Paalam ni Jerick sa kapatid.
          "Basta, wag kang gaano lalayo ha." Paalala ni Johnny.
Naglakad-lakad na si Jerick sa kanilang kalsada. Dahil malamig ang hangin, masarap maglibot sa buong paligid ng Mataas na Lupa. Nakita niya ang lahat ng mga bahay, may mga nakasinding lata. Nilapitan niya ang isang babaeng nakasuot ng blouse at pajamas habang naglalagay ng mga papel sa latang may nagliliyab na apoy.
          "Miss, excuse me, pwede bang magtanong?" sabi ni Jerick sa dalaga.
          "Okay, go shoot!" sabi ng dalaga.
          "Bakit parang halos lahat kayo dito sa Mataas na Lupa, nagsisindi ng mga lata? Ano bang sinusunog niyo?" tanong niya sa dalaga.
          "Ah, may pinaghahandaan kami, ang pagdating ng August 10, 2010." Sagot ng dalaga. Anong meron sa August 10?
          "Ah, ano bang meron sa August 10?" tanong ni Jerick sa dalaga.
          "Basta, hintayin mo na lang ang araw na iyon." Sagot ng dalaga sa kanya.
Umalis ang binata at umuwi sa kanilang pamamahay. Nakita siya ni Manong Julian at kanyang pinagsabihan.
          "Saan ka ba nanggaling?! Nag-aalala kami sa’yo eh." Sabi ni Manong Julian.
          "May tiningnan lang ako. Wala naman pong nangyari sa’kin eh." Sagot ni Jerick at umupo sa upuang katabi lang ng kanilang gate. Pero may humablot sa braso ni Jerick na isang matandanng babae, na nakasuot ng kulay pulang blusa.
          "Bitawan mo ‘ko! Ano ba!" pagpupumilit na sinabi ni Jerick pero binalaan siya ng babae.
          "Huwag kang lilingon sa gabi kapag may tumawag sa’yong pangalan, Huwag kang makikipagusap sa mga taong hindi mo kilala, Huwag kang lalangoy sa ikapitong buwan ng taon!" pero pinaalis siya ni Johnny.
          "Bitawan mo ang kapatid ko!" sabi niya sa babae. Nung hinawakan ni Johnny ang kamay ng babae, animo’y nakakita ito ng multo kaya nagtatakbo siya nang mabilis. Tinanong ni Johnny si Jerick.
          "Anong problema nun?! Parang naka-drugs.Ano kaya tinira nu'n? She's creepy!" Sabi ni Johnny.
Lumipas ang ilang araw at nasa Maynila pa rin si Lillian habang nasa probinsya ang kambal. Si Johnny ang namamahala sa mga bagong dating na mga kabaong habang si Jerick ang in-charge sa mga customers ng Funeral Services.
Bumisita sa Funeraria Gonzales ang babaeng nakausap ni Jerick noong isang gabi. Lumapit siya sa kanyang lamesa.
          "Yes, what can I do for you?" tanong ni Jerick sa dalaga.
          "Gusto ko sanang kunin ang services niyo for my deceased grandmother. She passed away last Wednesday." Sagot ng dalaga.
          "Ah, yes. Ibibigay ko na lang sa’yo yung mga requirements tapos bago namin siya tanggapin, dapat nasa ayos na ang lahat. Gusto niyo po bang ipa-cremate ang kanyang katawan o hindi?" sabi ni Jerick.
          "Yes. Pero let’s talk about the details of the wake and the burial. I should accomplish the requirements first." Sabi ng dalaga.
Tumayo si Jerick at inihatid ang dalaga sa entrance.
          "Sige po maam. Balik po kayo." Sabi ni Jerick.
Tuluyan nang umalis ang dalaga at pinuntahan siya ni Johnny.
          "Uy, ang kapatid ko, binata na!" biro ni Johnny
          "Hindi naman. May kakaiba sa kanya eh, alam mo yun?" sabi ni Jerick.
          "Ano naman yun?" tanong ni Johnny.
          "Hindi ko alam. Pero malalaman ko rin yun kapag bumalik siya dito, hindi ko pa masabi ngayon." sagot ni Jerick.

Nagdidilim na ang kalangitan nang umuwi ang kambal sa kanilang bahay. Mabuti na lang at nakauwi agad sila nang bumuhos ang malakas na ulan.
          "Bakit nakasindi ang mga kandila? Brownout ba?" tanong ni Johnny. Pinuntahan sila ni Manong Julian at kinuha ang kanilang mga dalang gamit.
          "Oo. Mga trenta minutos na bago kayo dumating, bigla na lang nag-brownout. Pero ayos lang yun kasi malamig naman ang dala ng malakas na hangin sa labas." Sabi ni Manong Julian.
          "Tumawag po ba si mama? Hindi ko siya na-contact kanina sa office, naubusan ako ng load." Sabi ni Jerick.
          "Naku hijo, hindi siya tumawag dito." Sagot ni Manong Julian.
Habang bumubuhos ang malakas na ulan at bumabayo ang malamig na hangin, nakatingin si Delfin sa katapat nilang bahay habang umiinom ng tsaa. Nilapitan siya ng kanyang Lolo Manuel.
          "Anong problema? Sinong tinitignan mo dun sa kabilang bahay?" tanong ni Lolo Manuel kay Delfin.
          "Kawawang Jerick. Hindi niya alam kung anong magaganap sa kanila. Tsk, tsk, tsk! Sabagay, malapit na ang August 10, 2010, magsisimula na ang babago sa buhay niya." Sabi ng misteryosong si Delfin Las Cruz.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn