Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 31 October 2010

Agosto Chapter Ten

08:34 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Natapos din ang Ghost Month na matagal na kinatatakutan ng lahat. Sabi nila, naglalakad daw ang mga kaluluwa sa mundo ng mga buhay. Ngunit iba ang kaso nina Jerick – ang kaluluwa ng kanyang namayapang kapatid, hindi matahimik.
Pinuntahan ni Basil ang kanyang ina na kasama si Delfin sa azotea at umiinom ng kape.
          “Aba, pa kape-kape lang kayo ah…baka naman nalilimutan niyo, may binabantayan tayong kasamahan sa loob.” Paalala ni Basil.
Uminom na lang ng kape si Delfin.
          “Anak, hindi ko kinakalimutan yun. We also need to relax, lalo na’t tapos na ang Ghost Month. It’s the perfect time to celebrate kaya magsaya tayo!!!” sabi ni Madame Stella nang biglang mag-collapse at mangisay si Basil.
          “Diyos ko…Basil…Basil…” sabi ni Madame Stella. Napatigil sa pag-inom ng kape si Delfin nang makita niya ang nangyayari kay Basil. Tumitirik ang kanyang mga mata at hinablot ang braso ni Delfin. Nagsalita si Basil…ibang boses ang namutawi sa kanyang bibig…boses ng isang kilala nilang tao...
          “Anong nangyayari kay Johnny? Bakit niya gamit-gamit ang katawan ko? Madame Stella, tulungan niyo po ako…tulungan niyo akong mailigtas ang katawan ko…mula kay Johnny…nagmamakaawa ako sa inyo…” sabi ni Jerick, gamit ang katawan ni Basil.
          “Oo…susubukan naming iligtas ang katawan mo Jerick…basta, manalig ka lang…” sabi ni Delfin nang biglang pinuntahan sila ni Jerick – naka-pantulog at walang sapin sa paa.
          “Anong ginagawa niyo dito? Gabing-gabi na…masama ang nagpupuyat sa gabi…lalo na kung bilog ang buwan. Sabi nila, may masamang magaganap kapag ganyan ang itsura ng buwan.” Sabi ni Jerick.
Nagtaka sina Delfin, Basil at Madame Stella kung bakit nakabangon si Jerick mula sa kanyang pagkakahiga.
          “Akala namin, tulog ka na…akala namin, kasama mo si Charlie sa kwarto mo…” sabi ni Delfin. Ngumising demonyo si Jerick na sumagot kay Delfin.
          “I’m just fine – I’m perfectly, absolutely and ultimately – FINE…” sabi ni Jerick. Inilabas niya ang isang butcher’s knife at ginagawa niyang hasaan ang kanyang leeg. Ikinagulat ito nina Delfin at nang naka-umang na itarak ni Jerick ang kutsilyo sa kanyang dibdib, sinubukang pigilan ito nina Delfin at Madame Stella pero naiba ang direksyon ng kutsilyo at itinutok ito sa kanilang dalawa.
          “Mga pakialamero’t pakialamera!!! Hindi na kayo nahiya!!! Hindi ako sumama sa ibang kaluluwa dahil may kailangan akong isama…isang taong malapit sa’kin!!! At hindi niyo ako mapipigilan!!! Hindi niyo ako mapipigilan!!!” sabi ni Jerick kaya lumayo siya sa kanila. Tumayo si Basil, taglay ang kaluluwa ni Jerick at kanyang kinausap ang dalawa.
          “Ako ang gusto niya…ako ang gusto niyang isama…ngunit hindi ako papayag…” sabi ni Basil.
Nang lumakas ang ihip ng hangin, bumagsak ang ulan at dumating ang matatalim na kidlat at nakayayanig na kulog. Pumasok sila sa loob ng bahay at sabay-sabay nagsara ang mga pintuan at bintana ng bahay. Nagsimula nang magpanic ang tatlo dahil hindi nila alam ang gagawin.
          “Anong gagawin natin? Hindi na tayo makakalabas nang buhay dito…” sabi ni Delfin sa kanila pero muling nangisay at nag-collapse ang katawan ni Basil ngunit makalipas ang ilang minuto, kumalma ito. Nagising siya at bumalik ang dati niyang ulirat.
          “Anong nangyari? Bakit andito pa tayo? Akala ko ba, tapos na?” tanong ni Basil sa kanila pero si Madame Stella ang sumagot.
          “Anak, hindi pa tapos…inangkin na ni Johnny ang katawan ni Jerick…gusto niyang kunin si Jerick, patungo sa kabilang buhay…ngayon, hindi natin alam ang gagawin…kung papaano makakalabas dito’t maililigtas si Jerick mula sa kapatid niya…di ba Jerick?” sabi ni Madame Stella. Tinignan niya si Delfin na tulala sa litrato ng kambal sa picture frame. Biglang nagsalita ni Delfin na taglay ang boses ni Jerick.
          “Pinalayas ako ni Johnny sa sarili kong katawan…hindi na siya nahiya…hindi na siya natakot sa sarili niya…gusto niya akong isama sa kalungkutan at galit niya sa mundo…” sabi ni Delfin, taglay ang kaluluwa ni Jerick.
Lumapit sina Basil at Madame Stella kay Delfin at kanilang kinausap.
          “May naisip ka na bang paraan…Jerick?” tanong ni Madame Stella.
          “Haharapin ko na si Johnny…para matapos na ito…” sagot ni Delfin nang biglang mag-collapse si Basil at Delfin.
          “Diyos ko…ano bang nangyayari sa kanila? Tulungan niyo naman kami.” Dasal ni Madame Stella. Biglang dumating si Jerick – bumalik sa kanyang tunay na katinuan at pag-iisip. Nilapitan niya agad sina Madame Stella, Delfin at Basil.
          “What happened? Bakit nakahandusay silang dalawa? Anong nangyari?” tanong ni Jerick.
          “Hindi ko alam…bigla lang nag-collapse yung dalawa eh…” sagot ni Madame Stella nang biglang sinakal ni Basil si Jerick. Sinusubukang pigilan ni Madame Stella ang anak pero wala itong magawa.
          “Anak, tama na…tama na…” sabi ni Madame Stella pero tumingin sa kanya si Basil – nanlilisik ang mga mata at galit na galit ang mukha.
          “Hindi ako si Basil…ako si Johnny…wala na ang anak mo…pinatay ko na…” sabi ni Basil, taglay ang kaluluwa ni Johnny. Nagbuno ang dalawa. Sinusubukang kumawala ni Jerick sa pagkakasakal ni Basil ngunit hindi nya ito magawa. Lumalakas ang ulan sa labas ngunit hindi ito ininda nina Basil at Jerick. Lalong humigpit ang pagkakasakal ni Basil kay Jerick.
          “Ito lang ang alam kong paraan para magkasama tayo.” Sabi ni Basil pero nagmamakaawa si Jerick.
          “Manahimik ka na…p-parang-awa mo na Johnny…rest in peace please!!!” pautal-utal ni Jerick pero mas lalong hinigpitan ni Basil ang pagsakal kay Jerick.
          “Pwes, pareho tayong mag-rest in peace!!!” sabi ni Basil, umamba sila sa terrace at sila’y nagpatihulog, mula sa ikalawang palapag ng bahay hanggang sa semetadong bahagi ng bahay. Pinuntahan ni Madame Stella at Delfin sina Basil at Jerick.
          “Anak!!! Jerick!!!” sigaw ni Madame Stella.
Bumaba sila ng bahay, pinuntahan ang dalawang duguang katawan nina Jerick at Basil. Pareho silang naliligo sa dugo, pero mas malala si Basil. Kinandong ni Madame Stella si Basil at pinipilit gisingin.
          “Basil…Basil…gumising ka anak…parang awa mo na…”sabi ni Madame Stella ngunit pinakalma siya ni Delfin.
          “Tatawag na lang po tayo ng ospital para madala sila agad.” Suhestyon ni Delfin.

Nang makarating sina Delfin at Madame Stella sa Emergency Room, isinugod sina Jerick at Basil sa magkatabing kama. Parehong binibigyan ng serbisyong medical ang dalawa. Si Jerick, patuloy na lumalaban ngunit si Basil…
          “Misis, I’m sorry to say but we lost him. Condolences po misis.” Sabi ng doctor. Hindi na napigilang mag-breakdown si Madame Stella sa ospital habang pinapakalma siya ng mga doctor at nurses.
          “Bakit? Bakit ang anak kong ginamit mo Johnny? Hayop ka talaga!!!” sigaw ng umiiyak na si Madame Stella at pinuntahan si Jerick na nakaratay sa kama.
          “Ikaw, bakit hindi ka pa sumama sa kanya? Tutal naman, kambal kayo…magkakabit ang pusod ng kambal!!! Bakit hindi ka pa mamatay!!! Bakit hindi ka pa mamatay!!!” sabi ni Madame Stella, kinuha ang isang unan na nasa tabi lang niya itinaklob ito sa mukha ni Jerick pero pinigilan siya ni Delfin at ng mga nurses at doctor.
          “Nurse, bigyan niyo siya ng pampakalma! Kapag hindi pa yan naagapan, dadalhin na natin siya sa psychiatric ward. Dun muna siya mamamalagi hanggang sa gumaling siya at kumalma.” Utos ng isang doctor. Sunod naman niyang kinausap si Delfin.
          “Sir, ano bang nangyari’t nagkakaganito ang babaeng yun? Ang mga kasamahan mo…” tanong ng doctor pero hindi makasagot si Delfin ng oo o hindi.
          “Doc, mahaba at madugong kwento…” sagot ni Delfin.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn