Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 31 October 2010

Agosto Chapter Six

00:08 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Mag-isa lang sa kwarto ni Lillian, natutulog sa kanyang kama habang nakabukas ang mga bintana. Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng silid.
Papaling-paling ang ulo ni Lillian dahil hindi siya makatulog, animo’y nananaginip. Nagbubutil-butil na ang pawis niya sa kanyang noo. At siya’y nagising.
          Diyos ko!!! Anong gagawin ko?! Paano ko sasabihin sa mga anak ko ang totoo?!

Bumangon siya mula sa kanyang kinahihigaan at nagpunta ng kusina para uminom ng tubig. Pagpunta niya sa kusina, kumuha siya ng baso at ng tubig sa dispenser. Habang umiinom siya, hindi niya napansing may lalake pa lang nakapasok sa loob ng pamamahay niya.
          "Sino ka? Paano ka nakapasok dito sa pamamahay ko?" tanong ni Lillian sa lalake. Lumakad ang lalake patungo sa liwanag at isang pamilyar na mukha ang lumantad sa kanya.
          "Mama, don’t you recognize me? It’s your son, Johnny!!! Why don’t you give your son a big, warm, hug?" sabi ni Johnny. Nakasuot ng itim na jacket, puting t-shirt, denim pants, and rubber shoes.
Lumapit si Lillian para yakapin si Johnny nang mahigpit.
          "Kamusta na anak?" tanong ni Lillian.
May hawak na patalim si Johnny sa kanyang kaliwang kamay at sinaksak ang sarili nitong ina. Ibinaon niya ang kutsilyo sa likuran ng ina at nagdugo ang likod nito. Pinakawalan niya ang kanyang inang hindi makapaniwala sa kanyang ginawa.
          "Dead but still kicking!!!" sagot ni Johnny: sunog na sunog ang katawan, duguan ang mukha at parang galing sa isang car explosion.
Hinalikan ni Johnny ang ina sa labi bago siya umalis. Now, you and Dad are even ,unfilthy whore!!!
Kinabukasan, dumating ang mga pulis at inimbestigahan ang mga pangyayari sa loob ngunit wala silang makuhang bakas ng footsteps sa crime scene. Nagsidatingan ang mga miyembro ng press para gawing headlines ng kanilang mga Newspapers, Tabloids at pati mga programang pantelebisyon.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn