Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 31 October 2010

Agosto Chapter Seven

06:00 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
August 27, 2010
7:45 pm

Makalipas ang ilang linggo matapos ipalibing ni Jerick si Melvin, naghanap siya ng kanyang panibagong Assistant. Salamat na lang at dahil walang ginagawa si Delfin dahil dumating ang pinsan niya para i-manage ang panaderya, siya muna ang pansamantalang gumagawa ng mga trabaho sa punerarya.
Sa opisina, habang nag-aayos ng mga papeles si Delfin ay bigla na lang pumasok ang malamig na hangin sa loob – na sarado ang bintana dahil bukas naman ang air conditioning unit.
“Bukas naman ang aircon…bakit mas lalong lumakas ang hangin?” tanong ni Delfin.
Tinawag siya ni Jerick sa opisina. Pumasok si Delfin at nakita niyang nag-aayos na ng kanyang mga gamit para umuwi.
“Bakit Jerick?” tanong ni Delfin.
“Naka-ayos ka na ba? Uuwi na tayo. Mauna ka na sa sasakyan at ako na lang ang magsasara nito.” Sabi ni Jerick.
Kaya lumabas na ng opisina si Delfin ng opisina at dumiretso na sa kotse. Habang siya’y nasa loob ng kotse, nakita niya si Jerick na nagsasara ng opisina. Habang nagsasara si Jerick, isang pamilya ang lumapit sa kanya. Madudungis ang kanilang mga itsura na parang nanggaling sa malayong lugar.
“Sir, palimos po…” sabi ng bata, nasa limang taong gulang, naka-headband at naka-bestidang puti na nadungisan ng dugo.
Binigyan ni Jerick ang bata ng bente pesos.
“Salamat po…” sabi ng bata. Umalis sila at nang makita sila ni Jerick, lahat sila’y may nakasaksak na kutsilyo sa kanilang likuran. Anong nangyayari dito? Sino sila?
Nagtatakbong pumunta sa kotse at kanyang pinaandar.
“Ano bang nangyayari sa’yo? May nakita ka ba?” tanong ni Delfin.
“May mga nanlimos sa’kin…tapos nung tinignan ko silang lumakad papalayo, may mga saksak sila sa likuran. Delfin, hanggang kailan ito magtatagal?” sabi ni Jerick habang nanginginig na nagmamaneho ng sasakyan.

Pagdating sa bahay, hindi makakibo si Jerick sa kanyang mga nakita sa Funeral Shop. Binigyan siya ni Mang Julian ng isang mangkok ng sopas at kanyang kinausap ang alaga.
“Baka naman guni-guni mo lang yun? Kasi ang tagal-tagal nang hindi umuwi si Johnny di ba?” sabi ni Julian.
“Imposible yun. Binigyan ko yung bata ng bente pesos tapos may saksak pala sila sa likod…baka naman dahil ‘to sa Ghost Month…parang ayoko nang manatili dito…” sabi ni Jerick.
“Ewan ko. Gusto mo bang hanapin natin si Madame Stella bukas? Para malinawan ka na? Mas mabuti yung malaman natin yung gagawin kapag may nangyaring kakaiba – kagaya nito…” sabi ni Mang Julian.

September 3, 2010

Pinuntahan nina Mang Julian at Jerick ang bahay ni Madame Stella, sa tulong nina Delfin at Charlie. Hindi naman kalayuan ang bahay ng sikat na ispiritista sa bayan kaya madali itong nalalapitan. Pagbaba nila mula sa sasakyan ni Jerick, isang antigong bahay na isang replica ng mga bahay sa Vigan ang kanilang nakita.
“Grabe! Who could ever thought that a house like this will stand on a province in the South?” pahangang sinabi ni Jerick. Pero pinagsabihan na siya ni Charlie.
“Grabe ka din!!! Don’t tell me, ngayon ka lang nakakita ng ganyang klase ng bahay?” sabi ni Charlie.
Kaya bago pa magkapikunan ang dalawa, inawat na sila ni Mang Julian. Gawa sa bakal ang frame ng gate at ginamitan ng antigong kahoy for design. May isang bell na nakasabit at pinatunog nila ito. Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang gate at isang lalaking nasa bente singko anyos na malaking lalake ang humarap sa kanila. Singkit ang kanyang mga mata, bilugan ang mukha at malusog ang pangangatawan.
“Bakit po? Anong maipaglilingkod ko?” tanong ng lalake.
“Gusto lang naming makausap si Madame Stella. Andyan ba siya?” tanong ni Mang Julian.
“Ahh…opo. Pasok po kayo…” sagot ng lalake.
Pumasok ang grupo sa bakuran ng bahay ni Madame Stella. Pagpasok nila sa main door, isang maluwang na hagdan ang sumalong sa kanila. Umakyat sila at pagpanaog sa second floor, andun ang sala, at ang altar. Makabagong mga kagamitan ang nasa itaas. Isang sofa set na kulay mauve ang naroon, may dalawang side tables na may lamp shades.
“Upo muna kayo. Tatawagin ko lang po si Madame.” Alok ni Mang Julian.
Umupo ang grupo habang palinga-linga sila sa itsura ng bahay. Mga antigong chandelier, antigong santo at isang lifesize na istatwa ng Our Lady of La Naval ang nasa kanang bahagi ng bahay. Dumating ang isang babaeng nasa singkwenta pero ibang-iba kung manamit. May kulay ang buhok na kulay pula, nakasuot ng itim na blouse, bulaklaking palda at slippers. May suot na chandelier earrings, stretchable na headband at mga bracelets sa kanyang kamay.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Madame Stella.
“Madame, ako tumawag sa inyo noong nakaraang Miyerkules. Kasama ko po ang alaga ko pong si Jerick. May mga itatanong lang po kami sa inyong mahalaga.” Sagot ni Mang Julian.
Iniabot ni Jerick ang kanyang kanang kamay kay Madame. Nang kinamayan ito ni Madame Stella, bigla siyang napapikit at pumasok sa kanyang isipan ang imahe ng isang lalaking kamukhang-kamukha ni Jerick, ngunit puno ng dugo ang mukha, madungis at parang galing sa isang malalang aksidente. Binitawan ito ni Madame.
“Ahh…sige, maupo kayo at simulan na natin.” Sabi ni Madame Stella.
Naupo ang grupo. Inumpisahan na ni Jerick ang pagtatanong.
“Madame, we came here because there are some things that I cannot understand. About the Ghost Month, the ghosts who walk like living people…all of these incidents happen nung nagsimula ang ghost month…bakit nila ako ginugulo?” tanong ni Jerick.
“Hijo, talagang ganyan ang Ghost Month. Kapag sumasapit ang ganitong panahon, ang mga kaluluwa na galing sa kabilang buhay ay lumalakad at gumagala sa mundo ng mga buhay. Minsan pa nga, nag-aanyong tao sila para makipaglaro, manloko o para kumuha ng mga kaluluwa. Kaya maraming bawal eh…bawal maligo sa swimming pool, bawal magpagawa ng sira sa bahay, bawal magbyahe ng malayo…” sabi ni Madame Stella kaya parang may naalala si Jerick. Oo nga pala, bumiyahe pala si Johnny. Pero bakit hindi pa siya umuuwi? May nangyari kaya sa kanya? Nagsimulang manikip ang dibdib ng binata. Sinubukan niyang himas-himasin ang kanyang kaliwang dibdib para maibsan ang sakit pero walang nangyayari.
“Oh my…anong nangyayari kay Jerick?” tanong ni Charlie.
Nagpanic ang lahat sa nangyayari kay Jerick. Bigla na lang silang naglumpasay sa sahig na parang inaatake ng epilepsy. Tumitirik ang mga mata na pang sinasaniban ng kung sinong nilalang.
“Madame, anong gagawin natin?” tanong ni Delfin.

Kaya inilagay ni Madame Stella ang kanyang kanang kamay sa dibdib ni Jerick at nagdasal:
“PATER noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra. Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem, sed libera nos a malo. Amen.” Dasal ni Madame Stella na nakapagpakalma kay Jerick.
“Ano yung dinasal ni Madame kay Jerick? Parang primitive?” tanong ni Charlie.
“Ineng, Our Father yun…sa Latin nga lang…” sagot ni Delfin.
“Ayos ka na ba hijo?” tanong ni Madame Stella.
“Opo…okay na po…” sagot ni Jerick.
May itinanong si Jerick kay Madame Stella.
“Gusto ko lang pong itanong kung kaya niyong makita kung nasaan ang kakambal ko? Si Johnny…” tanong ni Jerick.
“May litrato ka ba niya?” tanong ni Madame Stella.
Inilabas ni Jerick ang kanyang wallet. Binigay niya ang graduation picture ni Johnny. Tinitigan ito ni Madame Stella at kanyang sinabi ang kanyang mga nakita.
“Andito lang si Johnny…naglalakad lang siya. Nakauwi na si Jerick sa bahay niyo…pero ang gulo…nasa bahay siya pero hindi niyo makita…parang nagtatago lang siya sa isang bahagi ng bahay…parang naghihintay lang siyang mapakawalan niyo siya…” sabi ni Madame na ipinagtaka nina Jerick.
“Anong nasa bahay lang pero nagtatago? Hindi ko po maintindihan…” tanong ni Jerick.
“Hijo, baka hindi mo kayanin ang mga magaganap pagkatapos nito. Kaya ihanda mo ang sarili mo…maraming magaganap sa inyo…sa bayang ito…” sabi ni Madame Stella.
Tumayo si Jerick at nagpaalam kay Madame Stella.
“Madame, thank you for your help. I think we have to go. Aalis na po kami bago pa kami masiraan ng bait dito…” sabi ni Jerick. Saka naglakad papunta sa hagdan at sinundan siya ng iba pa niyang kasama. Nalimutan na nilang magpasalamat kay Madame Stella sa kanyang tulong.

Sa labas ng bahay, pinuntahan nina Delfin, Mang Julian at Charlie si Jerick na nasa kotse.
“Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ni Mang Julian.
“Manong, hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ng matandang ‘yan. Feeling ko, pinamumugaran ng demonyo ang bahay na yan…pati na rin ang bahay natin…” sabi ni Jerick.

Tumingin si Delfin sa itaas ng bahay at andun si Madame Stella, nakatingin sa kanya pero may katabi siyang isang binata. Nasa nineteen years old, maputla ang mukha, malago at makapal ang buhok. Sino kaya yun? Alam ko, yung matabang lalake lang ang kasama ni Madame sa bahay.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn