Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Agosto Chapter One

09:47 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

It has been five months nang mamatay ang ama ng kambal na sina Jerick at Johnny. Pagkatapos ng graduation party para sa kambal dahil sa kanilang pagtatapos sa college, ay pumanaw naman ang kanilang amang si Jason Gonzales, kilalang may-ari ng Infinity Life Plans Inc., isang kumpanyang nagbibigay ng Pension Plans, Educational Plans, pati na ang Funeral Services para sa mga tao.
Bumisita ang kambal sa mausoleum ng mga Gonzales sa Infinity Memorial Gardens. Binuksan nila ang glass doors at pinuntahan ang puntod ng kanilang ama.
          "It’s been five months since papa died. Hindi ko alam kung paano natin mapapanatiling matatag ang pamilya natin." sabi ni Jerick, na medyo pahaba ang mukha, matangos ang ilong, singkit ang mga mata na nakasuot ng frameless eyeglasses. Inakbayan siya ng kanyang kakambal.
          "Alam mo ikaw, negative ka kung mag-isip. Gusto mo bang magalit si papa sa’yo at dalawin ka niya? Andyan pa naman si mama eh. She’ll take care of our business, actually dapat tayo ang mag-alaga nun kasi sa’tin rin yan mapupunta." Sabi ni Johnny, kakambal ni Jerick, ngunit ibang-iba siya sa kanyang kapatid, nakasuot ng kulay itim na polo shirt, maong na pants, at cap.
          "Kasi naman, iba ang mga priorities mo eh, ako, sa negosyo at ikaw, puro pasarap sa buhay." sabi ni Jerick.
          "Ikaw naman oh, okay fine magmula ngayon, kung anong priorities mo, ganun na rin ang sa’kin. Para hindi ako multuhin ni papa." Sabi ni Johnny.
Pagkatapos nun, umuwi na ang kambal sa kanilang Spanish-inspired na two-storey na bahay sa isang 1,000 square meters sa Mataas na Lupa, bayan ng Bauan sa Batangas. Sinalubong sila ng kanilang katiwalang si Manong Julian, isang 56 years old na lalaking pinagkakatiwalaan ng kanilang pamilya sa kanilang pamamahay.
Bumaba ang magkapatid sa isang 2010 Mercedes Benz na kotseng kulay itim.
          "Manong Julian, bakit niyo pa ho kami inabangan dito? Papasok naman po kami sa loob eh." Sabi ni Jerick.
          "Sir Jerick naman, hindi na kayo nasanay sa’kin. Alam kong hindi pa kayo nakaka move-on sa pagkamatay ni Sir Jason." Sabi ng matanda. Kaya inakbayan siya ni Johnny at biniro pa.
          "Kaya yan ang gustong-gusto ko sa inyo Mang Julian eh, para kayong si papa kung magsalita. Sige na, papasok na po kami. Asan po ba si mama?" tanong ni Johnny.

Sa study room kinausap sila ng kanilang inang si Lillian tungkol sa isang importanteng bagay, ang pamamalakad ng kanilang negosyo.
          "Jerick, Johnny, for the next couple of days, mawawala muna ako dito sa bahay. Kailangang kong pamahalaan ang Insurance Company. Kailangang mai-release ang pera ng mga pensioners bago ko ito isara. Hindi na tayo ang mamamahala sa negosyo, kundi magiging shareholders nalang tayo dun. Pero we’re still part of Infinity." Sabi ni Lillian.
          "So anong connection naming dalawa dito?" tanong ni Johnny.
          "Both of you will manage the funeral service dito sa province. Nag-migrate na yung dating namamahala ng Funeral Homes kaya kayo munang dalawa pansamantala ang mamamahala nito." Sabi ni Lillian.


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn