Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 31 October 2010

Agosto Chapter Nine

08:26 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
September 9, 2010
11:45 pm

Dumating sa bahay ni Jerick si Madame Stella, kasama sina Basil, Delfin at Charlie. Lahat sila’y pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay, sa isang lamesang bilog na may limang upuan. May telang nakapatong sa lamesa na kulay itim, may mga simbolo na ginagamit ng mga mangkukulam at ispiritista. Ang buong kabahayan ay pina-iilawan lamang ng mga kandila. May kandilang nakatirik sa gitna ng lamesa. Umupo ang lima sa kanilang mga upuan, kung saan si Madame Stella ang mamumuno sa gagawing pagtawag sa kaluluwa ni Johnny.
          “Gusto ko lang ipaalaala sa inyo, hindi madali ang gagawin nating pagtawag sa kanyang kaluluwa. Baka may iba pang mga kaluluwa tayong matawag kaya subukan niyong maging matatag. Kapag naghawak-hawak tayo ng mga kamay, huwag kayong bibitaw at magdasal lang kayo.” Paalala ni Madame Stella ngunit nagtanong si Charlie.
          “Eh, paano yan? Hindi naman po ako Katoliko? Hindi po ako marunong magdasal.” Kaya sinagot siya ni Delfin.
          “Then subukan mong maging relax at kumalma ka.”
          “Sisimulan na natin. Maghawak-hawak tayo ng kamay, ipikit ang mga mata at simulang magdasal.” Instruction ni Madame Stella.
Naghawak-hawak sila ng kamay at ipinikit ang kanilang mga mata.
          “Panginoong Makapangyarihan, humihingi po kami ng inyong patnubay, sa aming pagtawag sa naliligaw na kaluluwa ng aming kapatid na si Johnny. Nais po namin siyang makausap dahil ang kanyang kapatid ay naguguluhan sa mga nangyayari. Diyos ko, bigyan niyo kaming lahat ng lakas ng loob at matibay na pananalig sa inyong dakilang pagmamahal...”
Binalot ng malamig na hangin ang buong bahay. Namamatay ang sindi ng mga kandila, nagsisilbing senyales na dumating na ang kanilang hinihintay. Habang nakapikit si Charlie, may naririnig na siyang mga naglalakad sa kanilang paligid – mga yapak na umaakyat patungo sa kanilang pwesto.
          “Nngggiii...sino sila? Madame...hindi ko na kaya...” sabi ni Charlie pero hindi siya pinansin ni Madame Stella. Ay ganun? Deadma?
Si Delfin naman, sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata at nakikita niya nang malinaw ang mga kaluluwang naglalakad sa paligid ng buong bahay. Andito na sila!!! Lahat sila, humihingi ng tulong. Andito na si Johnny...pero may kasama siyang babae – mukhang matrona. Ayyy, pumapatol siya sa matrona? “Madame, andito na sila. Tawagin na lang natin si Johnny. Nakikita ko siya – naglalakad papunta kay Jerick pero may kasama siya.” Sabi ni Delfin kaya naging curious si Jerick.
          “Sinong kasama niya? Anong itsura niya?” tanong ni Jerick kay Delfin habang siya’y nakapikit.
          “Isang babae – mukhang matrona...ang ganda eh...pero marami siyang saksak sa katawan.” Sagot ni Delfin.
Kaya inumpisahan nang tawagin ni Madame Stella ang kaluluwa ni Johnny.
          “Kung nasaan ka man, Johnny, tinatawag ka namin. Gusto ka naming makausap. Hinihingi namin ang iyong presensya. Nagmamakaawa kami sa’yo.” Sabi ni Madame Stella nang biglang mangisay si Jerick – tumitirik ang kanyang mga mata, lumulutang ang kanyang upuan habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa kanyang mga kasama. Biglang nagsalita si Jerick ngunit nag-iba ang kanyang boses – parang sinisirang yero sa sobrang kapangitan ng tinig.
          “Kahit kailan, hindi kami matatahimik ng kapatid ko. Niloko kami ng mga magulang namin. Sinira nila ang tiwala namin sa kanila. Akala ko, mahal nila kami ngunit hindi pala.” Sabi ni Johnny, na nasa katawan ni Jerick.
          “Anong ibig mong sabihin? Pakawalan mo na ang galit sa puso mo! Maawa ka sa kapatid mo!!!” pakiusap ni Madame Stella.
          “Noong umuwi ako, nahulog ang kotse ko sa bangin at sumabog. Ang totoong rason kung bakit ko pupuntahan si mama sa Maynila, papatayin ko siya dahil – niloko niya ang tatay namin!!! Nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki habang nagpapagaling si papa sa ospital! Ang kapal ng pagmumukha niya!!! Paano ko nalaman? Simple lang – may nakita akong DVD sa office table ni Mama, ninakaw ko at pinanood ang laman – isang mainit na SEX VIDEO sa pagitan nina Mama at ng kanyang Executive Assistant!!! Ngayon Jerick, naiintindihan mo na ba?” sabi ni Johnny.
Hindi makapaniwala ang lahat kaya nangisay din si Delfin, napayuko si Delfin at tumirik ang knayang mata. Nagsalita si Delfin, na may boses ng isang babae – malumanay at mahinahon.
          “Anak, patawarin mo ako ng kapatid mo. Hindi ko sinasadyang lokohin ang ama niyo. Patawarin niyo ako...” sabi ni Lillian, gamit ang katawan ni Delfin.
Pero nagulo ang mga sumunod na nangyari...kumalas si Jerick sa kanyang pagkakahawak at kanyang sinakal si Delfin. Punung-puno ng galit si Jerick sa pagkakasakal niya kay Delfin at isinandal niya si Delfin sa pader.
          “Putang ina mong babae ka!!! Niloko mo si papa...sana pala, iniwan mo na lang kami at sumama ka na lang sa kalaguyo mo!!! Mas mabuti pang mapunta ang kaluluwa mo sa impyerno!!! Akala ko perpekto ang pamilyang ito, akala ko ikaw ang matatag sa lahat, sinira mo ang tiwala namin sayo. Hindi kita mapapatawad!!! Hindi kita mapapatawad!!! Hindi kita patatahimikin – hanggang sa kabilang buhay!!!” sabi ni Jerick.
Hindi na makahinga si Delfin sa pagkakasakal ni Jerick sa kanya. Kaya tumayo sina Madame Stella at Charlie upang paghiwalayin sila. At dito, nahimasmasan sila at nakapagpahinga. Pinainom ni Charlie si Jerick ng tubig habang si Madame Stella naman ang nagpakalma kay Delfin.

12:00 am

Sa pagdating ng hatinggabi, lalong nagkakaroon ng linaw ang lahat. Naipaliwanag ni Madame Stella kay Jerick ang naging usapan nila ni Johnny. Hindi makapaniwala si Jerick sa kanyang mga narinig – ang affair ng nanay niya at ng kanyang Executive Assistant, ang aksidente ni Johnny at ang pagpatay ni Johnny sa sarili nilang ina.
          “Totoo ba ‘tong mga naririnig ko? Parang ang hirap paniwalaan eh…parang isang masamang bangungot na gusto kong magising.” Sabi ni Jerick.
          “Pati nga kami ni Delfin, hindi rin makapaniwala eh.” Sabi ni Charlie.
Naguguluhan pa rin sa mga nangyari si Jerick. Totoo ba talaga ito? Gisingin niyo ako!!! Can anyone wake me up from this nightmare?  Pansamantalang pinagpahinga ni Madame Stella si Jerick sa kanyang kwarto at binantayan ni Charlie.

3:00 am
Pagtungtong ng ikatlo ng umaga, nagsimulang mangisay si Jerick. Tumirik ang kanyang mga mata, lumakas ang ihip ng malamig na hangin.
          “Oh my God!!! Tulungan niyo po ako!!!” humingi ng tulong si Charlie sa mga nasa labas ng silid pero sumara ang pinto. Pinipilit buksan ni Charlie ang pinto ngunit hindi niya ito magawang buksan, parang may humaharang sa kanya sa pagbukas ng pinto.
          “Susmaryosep!!! Tulungan niyo ako!!! Parang awa niyo na!!! Pakawalan niyo ako!!!” sigaw ni Charlie pero ang nasa Living Area na si Delfin, wala namang naririnig. Natigil sa pangingisay si Jerick at tumayo sa kanyang kama. Ngunit nag-iba ang paraan ng kanyang paglakad – animo’y may mabigat sa kanya kaya pa-ika ika ang kanyang paglakad. Nilapitan niya si Charlie at hinawakan niya ito sa kanyang balikat.
          “Saan ka pupunta?” tanong ni Jerick – nangingitim ang mga mata, puro sugat ang kanyang mukha at sira-sira ang damit.
          “Jerick? Akala ko…” sabi ni Charlie nang sinakal siya ni Jerick at binitbit si Charlie sa kama at doon niya sinimulang takpan ng unan si Charlie. Sa lakas ni Jerick, nawalan ng buhay si Charlie sa loob ng apat na minuto. Kumatok si Delfin sa kwarto ni Jerick upang kamustahin.
          “Charlie…Charlie…” sabi ni Delfin. Nang bumukas ang pinto, hindi si Charlie ang nakaharap ni Delfin.
          “Oh…ikaw pala…pasensya ka na at tulog si Charlie. Napagod eh, pinatulog ko muna sa kwarto. Wag mo nang gambalain at nang makatulog yung tao.” Sabi ni Jerick. Ang lalaki niyong mga tanga!!!
          “Ah…okay.” Sabi ni Delfin. Isinara ni Jerick ang pinto at tinignan lang niya ang nakahigang katawan ni Charlie – maputla, walang malay at parang natutulog lang – hindi nga lang humihinga. Johnny, ano bang gusto mong mangyari? Kailan ka ba matatahimik?

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn