Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Agosto Chapter Four

22:16 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
August 10, 2010
9:00 am

Ginising si Jerick ng isang malakas na ingay mula sa labas ng kanilang bahay. Bumangon siya at tinignan kung anong ingay ang meron sa labas. Nakita niyang may parada ng mga dragon at lion dancers sa kalye habang ang mga tao’y nagpapaputok ng mga fireworks. Ano ba yan?!
Pagbaba niya, andun na sina Manong Julian at Johnny na kumakain ng breakfast.
          "Pasensya na kung hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo eh." sabi ni Johnny habang umuupo si Jerick.
          "Ok lang, nagising naman ako ng maingay na parada eh, akala ko nga, Chinese New Year na." sabi ni Jerick habang kumukuha ng pandesal sa plato at pinapalamanan ng butter.

Habang sila’y kumakain, may kumakatok sa kanilang pintuan.
          "Sandali lang, titignan ko lang kung sino." Sabi ni Mang Julian saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Pumunta siya sa main door at binuksan ito. Pagbukas niya, andun sa harapan niya si Delfin, may dalang basket ng bagong lutong empanada.
          "Magandang umaga Manong Julian. Empanada po." sabi ni Delfin. Isang binatang kasing-edad ng kambal pero ibang-iba kung manumit, nakasuot lang ng apron na kulay tan nang walang suot na t-shirt o sando, maong na shorts at naka-bandana na kulay itim na panyo.
          "Naku, salamat. Pasok ka." sabi ni Manong Julian. Pinapasok niya ang binata sa loob. Dito unang makikilala nang personal ng kambal ang lalaking laging nakatitig sa kanila.
          "Mga hijo, siya nga pala yung gumagawa ng empanada ko, si Delfin. Delfin, sila’y sina Jerick at Johnny, mga alaga ko."  pagpapakilala ni Manong Julian kina Delfin at sa kambal.
Nakipagkamay si Jerick kay Delfin.
          "Oh, nice to meet you Delfin." sabi ni Jerick. Nakipagkamay si Delfin kay Jerick.
          "Ikaw pala ang nagpapataba kay Manong Julian." biro ni Johnny. Nang iaabot na ni Johnny ang kamay nito kay Delfin at kakamayan na sana, biglang nangisay si Delfin. Napahiga sa sahig at parang timaan ng epilepsy.
          "Manong Julian, si Delfin, nangingisay!!!" sabi ni Johnny kay Manong Julian habang nangingisay pa rin si Delfin. Tumigil ang pangingisay ni Delfin at hinawakan niya ang hindi gaanong kalamang braso ni Johnny at nagsalita ito na parang sinaniban ng kung anong kaluluwa.
          "Anak, tulungan mo ako, parang awa niyo na, hindi ako matatahimik." sabi ng sinasanibang si Delfin nang sumaklolo si Manong Julian.

Nang mahimasmasan, pinaupo muna si Delfin at pinainom ng tubig.
          "Maraming nagsasabing baliw si Delfin dahil sa mga sinasabi niyang tungkol sa mga multo, kaluluwa at pati sa mga pinatay. Bata pa lang siya, may talento na siya pero paminsan-minsan na lang niya ito gamitin." Maikling kwento ni Manong Julian sa kambal.
          "So psychic ka ganun?!" tanong ni Johnny.
          "Ummm, parang ganun na nga." Sagot ni Delfin.
          "So kung psychic ka, anong nakikita mo dito sa bahay namin?" tanong ni Johnny.
Panandaliang tumahimik si Delfin at pumikit. Mga ilang segundo lang, may nakita na siyang mga taong naglalakad sa bahay at may mga taong nasa likuran nina Johnny, Jerick at Mang Julian, pawang mga nasagasaan, naaksidente at ang iba ay maputla ang mukha.
          "So, what do you see?" tanong ni Johnny.
          "Marami sila, naglalakad paroon at parito. Mga dating nakatira dito sa bahay niyo. Sa katunayan, may mga nakatayo sa likuran niyo eh." sabi ni Delfin at natakot na si Johnny.
          "Wag ka namang manakot ng ganyan! Ang aga pa eh, tirik pa ang araw oh, teka bakit parang ang bigat ng balikat ko?" sabi ni Johnny.
          "May isang babaeng malapit sa’yo, nakapatong ang kanyang mga kamay sa iyong mga balikat, mahigpit ang pagkakahawak sa mga balikat mo, parang ayaw ka niyang paalisin." Sabi ni Delfin at ito ang ikinatakot ni Jerick.
          "Delfin, pwede mo bang sabihan ‘sila’ na layuan na nila kami? Natatakot na ako eh." takot na takot na sinabi ni Jerick. Pero umiling lang si Delfin.
          "Hindi maaari. Dahil ngayong araw na ito mismo, ay ang simula ng kanilang pag-gala sa mundo ng mga buhay. Ibig sabihin nito, ang mga patay ay sumasama sa mga buhay, dahil ngayon ay panahon ng Ullambana." Sabi ni Delfin.
Kahit si Manong Julian, nagulat sa kanyang narinig.
          "Ang Ullambana ay mas kilala sa tawag na ‘Hungry Ghost Month’. Kapag ganitong mga panahon, maraming bawal. Bawal ang maglakbay o bumiyahe ng malayo. Bawal ang lumangoy sa dagat o sa swimming pool. Kapag gabi, ‘wag kang lilingon kapag may tumawag sa’yo, sa pangalan mo. Dahil maaaring maglagi ang mga kaluluwa dito para maghiganti, bumisita o may kukunin sila para isama sa kabilang buhay." Sabi ni Delfin kaya hindi na ito nakayanan pa ni Johnny.
          "This is just a one-hell-of-a-shit!!! Walang multo!!! Walang kaluluwa!!! And you Delfin, go to hell ASSHOLE!!!" pagalit na sinabi ni Johnny. Umakyat siya ng hagdan, patungo sa kanyang silid para mag-bihis para sa kanyang trabaho. Humingi ng tawad si Jerick sa inasal ng kanyang kapatid.
          "Naku, pasensya na sa mga sinabi ng kapatid ko sa’yo ha. Talagang hindi naniniwala yun sa mga may kinalaman sa paranormal things." Sabi ni Jerick. Ngumiti lang si Delfin at nagpaalam na sa kanila.
          "Okay lang yun. Manong Julian, tutuloy na po ako." Sabi ni Delfin.
          "O sige. Kamusta mo na lang ako kay Ka Manuel ha." Bilin ni Manong Julian. Umalis na si Delfin habang tinitignan siya ni Johnny mula sa itaas. Lumingon si Delfin at tinitigan si Johnny. Maiintindihan mo rin ang sinasabi ko Johnny.

August 13, 2010
11:30 am

Habang nasa opisina si Jerick at may tinatapos na paperworks, pinuntahan siya ni Johnny na may sasabihin.
          "Jerick, magpapaalam sana ako. Bibisitahin ko lang si mama sa Manila. Hindi kasi sumasagot sa mga tawag ko eh." Sabi ni Johnny pero pinagbawalan siya ni Jerick.
          "Johnny, hindi ka ba nakinig sa sinabi ni Delfin kanina? Bawal daw na bumiyahe ng malayo. Baka kung mapano ka nyan." Sabi ni Jerick pero binalewala ito ni Johnny.
          "At baka kung anong nangyari na kay mama. Sa mundong ito, hindi na totoo ang mga ganyang mga superstitions na yan. It’s just a thing of the past that should be ignored." Sabi ni Johnny.
          "But we should be careful. Alam mo namang Ullambana ngayon eh. Tapos aalis ka pa, baka kung mapano ka." Sabi ni Jerick.

Kaya sa sobrang inis ni Johnny sa kapatid.

          "You know what?! Parehong-pareho na kayo ni Delfin, you guys are so freak!!!" sabi ni Johnny, saka umalis sa opisina ng kapatid. Umalis siya ng building, at nagmaneho ng kotse pauwi.

Pagdating niya sa bahay, kinuha agad niya ang mga importanteng gamit gaya ng kanyang mga damit, cellphone at cellphone charger. Matapos nito’y umalis na siya at nagmaneho ng sasakyan.
Coincidentally, nang umalis na si Johnny ay saka naman dumating si Jerick. Pumasok siya ng bahay at hinanap si Johnny.
          "Johnny? Johnny? Asan ka ba?" tanong ni Jerick. Umakyat siya sa silid ng kapatid.
Hindi na niya natagpuan ang kanyang kapatid. Pinuntahan niya ang katapat na panaderya at naupo sa bench na kung saan, andun si Delfin, nagco-compute ng kanilang kinita sa kanyang calculator.
          "Oh, bakit mukha kang Biyernes Santo? Sabagay, sino bang hindi magmumukhang Biyernes Santo?" sabi ni Delfin.
          "Bakit? Anong nangyari sa’yo? May nangyari ba kay Lolo Manuel?" tanong ni Jerick.
          "Ayun, tumaas na naman ang sugar level, diabetic kasi eh, alam mo naman, bawal ang matamis sa kanya. Pero kumain lang siya ng isang box ng Toblerone, ayun at tumaas ang sugar level. Parang gusto nang kunin ni Lord eh." kwento ni Delfin habang nagpipipindot sa calculator.
Pero imbis na mag-react si Jerick sa kwento ni Delfin, may itinanong siya.
          "Di ba sabi mo, Ghost Month ngayon?" tanong ni Jerick.
          "Oo. Bakit?" sagot ni Delfin.
          "Sabi mo, masama ang mag-byahe ng malayo?"
          "Bakit? Sino bang umalis?" tanong ni Delfin
          "Si Johnny, umalis, gusto raw puntahan si mama sa Manila." Sagot ni Jerick na nakapagpatigil kay Delfin sa kanyang ginagawa.
          "Naku, di ba sabi ko sa’yo. Masama yun?! Hindi mo ba sinabi yun sa kakambal mo?" tanong ni Delfin
          "Sinabi ko. Pero hindi naman siya naniniwala dun eh." Sagot ni Delfin.
Habang nagmamaneho ng sasakyan si Johnny, ay tumatagak-tak ang kanyang pawis sa sobrang kaba. Napabilis siya ng kanyang pagmamaneho sa sobrang galit.
          "Mama, bakit mo nagawa yun? Hindi ka na naawa!" nang may biglang nag-overtake sa kanyang isang dump truck ng basura. Nang sinubukan niyang mag-overtake sa dump truck, hindi sinasadyang may nakasalubong siyang isang kotse papuntang bayan kaya nagkaroon ng bangaan. Nahulog sa bangin ang kotse ni Johnny at ng nakabangga niya at ito’y sumabog.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn