Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Agosto Chapter Five

23:58 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
August 13, 2010
6:45 pm

Gabi na pero hindi pa rin matawagan ni Jerick ang kanyang kapatid, kaya sinita siya ni Mang Julian.
          "Alam mo, lalaki ang mga kalamnan ng daliri mo sa kaka-dial sa telepono. Tatawag naman yun kapag nakarating na siya sa bahay niyo sa Maynila." Sabi ni Mang Julian. Tumigil na si Jerick sa pag-dial at kumuha na lang ng isang baso, nilagyan ito ng malamig na tubig at ininom.
          "Manong, lalo na ngayon at dangerous ang mag-byahe ng malayo. Kasi nga di ba, Ghost Month na ngayon? Eh, hindi pa naman naniniwala sa mga ganyan si Johnny." Sabi ni Jerick nang may narinig silang isang boses ng babae sa kanilang gate.
          "Tao po, tao po!" sigaw ng babae.
Lumabas ang dalawa at pinuntahan ang nagsasalitang babae. Isang babaeng nakasuot ng pants, blouse, vest at may dalang flashlight.
          "Anong kailangang mo ineng?" tanong ni Mang Julian.
          "Pinapasabi po ni Kapitan Elmo, mawawalan po tayo ng kuryente ngayong gabi. Mula 7:00 pm hanggang 12:00 mn kaya pinapasabi po niyang mag-ipon na po kayo ng tubig kasi mawawalan din daw po kayo ng tubig." Sabi ng babae.
          "Salamat po, Charlie Santos." sabi ni Jerick sa babaeng may suot na vest, kung saan nakita niya ang pangalan ng babae: Charlie Santos.
May malawakang brownout na magaganap sa kanilang lugar, dahil sa malawakang pagnanakaw ng mga copper wires ng mga kawatan, para maibenta sa junk shop, kapalit nito’y pera.
Habang nag-iipon ng tubig si Jerick sa kanyang banyo para pampaligo, may narinig siyang naglalakad sa kwarto ni Johnny. Baka si Johnny na yan. Bakit parang ang bilis?
          "Johnny? Andyan ka na ba?" tanong ni Jerick pero walang sumasagot.
Nang puno na ang kanyang lalagyan, pinuntahan niya ang kabilang kwarto pero nakasara ang pinto ng silid. Binuksan niya ito at nang pumasok siya. Binuksan din niya ang ilaw at hinanap si Johnny.
          "Andyan ka na ba? Asan ka ba?" tanong ni Jerick pero biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa silid. May nakita siyang isang imahe ng lalakeng nakatalikod. Parang familiar ang lalaking ito dahil lagi naman niyang nakikita ang kapatid niyang nakatanaw sa bintana. Lumapit siya dito at sinubukang hawakan ang balikat ng lalake.
          "Johnny, ikaw ba yan?" pero namatay ang ilaw, nagsimula na ang brownout.
Kaya nagtatakbong lumabas si Jerick sa silid at bumaba papunta sa sala. Andun na si Mang Julian na nagsisindi ng mga kandila sa kandelabra.
          "Anong nangyari sa’yo? Tapos ka na bang mag-ipon ng tubig mo?" tanong ni Mang Julian ngunit hindi na ito nasagot ni Jerick.
          "Si Johnny, umuwi na ba? Tumawag na ba siya sa inyo?" tanong ni Jerick.
          "Hindi pa tumatawag nga ako sa bahay niyo sa Maynila, wala namang sumasagot eh. Ano bang nangyari?" sabi ni Mang Julian.
          "Akala ko, umuwi na siya. Nakita ko siya sa kwarto." sabi ni Jerick.
          "Gusto mo na bang kumain? Hindi ka pa kumakain eh pagkagaling mo sa trabaho." tanong ni Mang Julian.

Nag-candlelight dinner ang mag-amo sa lamesa.
          "Bakit ba naman kasi ngayon nangyari ang brownout?! Wala bang ibang araw o oras na pwede silang mag-implement ng brownout?!" pagkainis na sinabi ni Jerick.
          "Biyernes de Malas ngayon. Mas kilala bilang Friday the 13th. Huwag mong sabihing hindi mo alam yun? Dun lang naniniwala ang kapatid mo, sa Biyernes de Malas." sabi ni Mang Julian.
Kahit hindi mahilig maniwala si Johnny sa mga pamahiin at superstitions, Friday the 13th lang ang alam niyang totoo. Palibhasa kasi, pareho silang close sa kanilang lolo’t lola at mahilig silang manood ng mga horror movies, puro Asian at Hollywood.
Matapos nilang kumain ay lumabas sila ng bahay dahil kahit gabi na, mainit pa rin kaya maraming tao ang nagsisilabasan sa kanilang mga bahay. Paglabas nila, maraming nagsusunog ng mga papel sa kanilang mga bahay.
Pinuntahan sila ni Delfin at Charlie na nagkukuwentuhan sa panaderia.
          "Uy, bakit hindi kayo nagsusunog? Dapat nagsusunog kayo kasi Ghost Month ngayon!!!" sabi ni Charlie.
          "And what’s the connection?" tanong ni Jerick.
          "Dapat nag-aalay kayo ng dasal, pagkain para maaliw ang mga kaluluwa." Sagot ni Charlie.

Kaya kumuha sila ng isang drum, at mga scratch papers. Nagsaboy ng kaunting amount ng gas at sinindihan ito.
          "Oh, tapos? Anong gagawin dito?" tanong ni Jerick.
          "Wala na. Nakapag-alay na kayo ng dasal sa mga kaluluwa." Sagot ni Delfin.

Ilang oras pa ang nakakalipas pero wala pa ring ilaw sa kanilang lugar. At dahil dito, mas nagiging irritable si Charlie dahil sa kabagalan ng serbisyo ng kanilang repairman. Napa-inom ng kape sina Charlie, Delfin at Jerick sa panaderya habang naghihintay ng pagbalik ng power supply.
          "Wala ba kayong pwedeng pagtanungan dito kung nasaan na ang kapatid ko? Kasi kanina pa namin tinatawagan si Johnny pero hindi siya sumasagot." Tanong ni Jerick sa dalawa.
          "Si Madame Stella. Pwede mo siyang pagtanungan." Suggestion ni Charlie.
          "Sino naman si Madame Stella? Saan ang bahay niya?" tanong ni Jerick.
          "Ah, isa siyang certified Psychic, Astrologer, Feng Shui Expert at taga-hanap ng mga nawawalang tao o bagay. Nakatira siya dun sa isang bahay na may puno ng Balete. Sa katunayan, dugo mo lang ang kailangang mong pambayad." sagot ni Delfin.
          "Bakit dugo? Anong meron sa dugo? Iniinom ba nya yun?" tanong ni Jerick.
          "Not actually. She needs the blood of someone para malaman niya kung may mangyayari sa taong may-ari ng dugong iyon. Galing kasi yun sa Siquijor kaya medyo psychotic ang babaeng ‘yon. Maybe one of these days, sasamahan kita sa kanya." Sabi ni Charlie.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn