Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 31 October 2010

Agosto Chapter Eleven

08:36 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
September 11, 2010
8:16 am
Room 607-A, New Batangas Medical Centre
Binuksan ni Delfin ang doorknob ng pintuan kung saan nakaratay sa hospital bed si Jerick – naka-dextrose at oxygen. Nagamot na ang mga sugat sa mukha at pasa sa katawan. May mga nakaturok na syringe sa kanyang mga braso.
Pumasok si Delfin at inilagay ang dala niya basket ng prutas sa serving tray. Pumasok naman ang isang doctor at kinausap si Delfin.
          “Good morning, kaanu-ano niyo ang pasyente?” tanong ng doctor.
Oh no!!! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa doctor na ito?
          “Umm…kaibigan niya ako. Kamusta na po siya?” sabi ni Delfin.
          “Good news. His recovery is getting faster. Para siyang isang superhero na kayang pagalingin ang sarili. Ang bilis niyang maka-recover mula sa pagkakasakal at pagkakahulog mula sa second floor ng bahay. After two days, he can be discharged from the hospital.” Balita ng doctor.
          “Naku, thank you very much…I’m glad to hear the news.” Sabi ni Delfin.
          “Okay, I have to go because there are some patients that I have to attend to. Maiwan na kita.” Sabi ng doctor, saka umalis.
Nagising si Jerick mula sa kanyang pagkakatulog at tinawag si Delfin.
          “Delfin…Delfin…” mahinang boses ang namutawi kay Jerick nang tinawag niya si Delfin. Lumapit si Delfin sa tabi ni Jerick.
          “Oh, may kailangan ka ba?” tanong ni Delfin.
          “Makakalabas na ba ako? Paano yung bahay namin?” tanong ni Jerick.
          “After two days pa. Yung bahay mo, pinag-iisipan ko pa kung ibebenta namin ni Lolo para naman makapag-move on ka sa mga nangyari. Besides, you don’t need a huge house to live in, since you’re all alone right now. Don’t you think it’s a bright idea kung doon ka tumira sa’min? May extra room pa kami, at least madali mong mamonitor yung pagbenta ng house.” Sabi ni Delfin.
          “Siguro tama ka.” Sabi ni Jerick.
          “Okay, mamaya ay ipapaayos ko na ang buong house para madaling maibenta sa mga house hunters…” sabi ni Delfin pero tinawag siya ni Jerick.
          “Delfin…”
          “Bakit? Ano yun?”
          “Thank you…”
          “Sus, wala yun. Basta, magpagaling ka at uuwi na tayo sa bago mong pamilya.” Sabi ni Delfin, saka umalis ng kwarto.

Makalipas ang dalawang linggo

Naibenta na ang bahay ni Jerick na katapat lang ng bago niyang tirahan – sa piling ng mag-lolong Las Cruz. Patuloy pa rin sa pamamahala sina Jerick at Delfin sa Funeral Services at sa Panaderya. Lalo itong lumago at umunlad, kaya naging kilala sa buong bayan. Naging “Horror Destination” ang bahay ni Jerick dahil umalis agad ang bagong pamilyang bumili.
Taun-taon, ginaganap ang isang Horror Treat para sa mga tao, na ginagawa sa dating bahay ni Jerick. Ang proceeds nito ay napupunta sa pondo ng Barangay.
Sa bakery, nag-uusap sina Delfin at Jerick habang kumakain ng monay at umiinom ng chocolate.
          “Kahit papaano, buhay pa rin ang ala-ala ng kapatid at mama mo. anong plano mo ngayon? Saan ka pupunta?” tanong ni Delfin.
          “Hmmm…dito na lang muna siguro ako sa probinsya…hindi ko pa kaya bumalik sa siyudad eh. Iintindihin ko muna yung Funeral Services, tapos ibebenta ko na yung Insurance Company at yung Sementeryo, ako pa rin ang mamamahala.” Sagot ni Jerick.


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn