Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 October 2010

Agosot Chapter Three

21:42 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Bumalik sa Funeraria Gonzales ang babaeng may ipalilibing na lola. Dumiretso siya kay Jerick.
          "Good morning sir. Eto na po yung mga requirements," sabi ng dalaga sabay abot ng isang brown envelope kay Jerick. Tinignan ni Jerick ang loob, kanyang inusisa at kinausap ang babae.
          "May I have your name so that I can address you properly?" tanong ni Jerick sa dalaga.
          "Oh, I’m sorry. By the way, I’m Veronica Sandoval. Ako yung tinanong mo nung isang gabi, tungkol dun sa sinusunog naming mga papel, sa drum." pagpapakilala ni Veronica. Biglang naalala ni Jerick ang gabing iyon.
          "Ah. Ikaw pala yun. Ako nga pala si Jerick Gonzales. So, asan na yung mga labi ng lola mo?" tanong ni Jerick kay Veronica.
          "Nasa morgue na po." Sabi ni Veronica.
Pinuntahan nila ang sariling morgue ng Funeraria Gonzales na kung saan, naroon si Johnny at binabantayan ang bangkay ng matanda.
          "Jerick, siya ba yung kamag-anak ng namatay?" tanong ni Johnny.
          "Yes. Bakit naman ikaw ang nagbabantay dito? Asan si Mang Felipe?" tanong ni Jerick.
          "Ayun, nasira ang tyan kaya napapunta ng CR. Ikaw ba naman, lumapang ka ng isang buong Lechon Cebu, hindi ba sasakit ang tyan mo nyan?" Sagot ni Johnny. Natawa si Veronica sa usapan nila.
          "I’m Johnny Gonzales, in-charge sa mga preparations for the wake and burial ng mga clients namin." Pagpapakilala ni Johnny, sabay abot ng kanyang kamay kay Veronica at kinamayan niya ito.
Nilapitan ni Jerick ang nakahimlay na katawan ng namatay na kamag-anak ni Veronica. Nakatakip pa ito ng putting tela kaya nang binuksan niya ito, nagulat si Jerick sa kanyang nakita. Siya yung humablot sa braso ko’t nagbabala sa’kin.
          "Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jerick.
          "May nakakita raw sa kanyang nagmamadaling tumatakbo, takot na takot daw. Nung papatawid na siya ng kalsada pauwi sa bahay, nahagip daw siya ng ten-wheeler truck. Lasug-lasog ang kanyang katawan at basag ang kanyang pagmumukha." Maikling kwento ni Veronica na mangiyak ngiyak nang biglang hindi makayanan ni Johnny, bigla siyang lumabas ng silid at pumunta ng comfort room.
Tumulo ang luha ni Johnny dahil sa kanyang nalaman nang biglang nagsimulang magpatay-sindi ang mga ilaw sa comfort room. Napatingin siya sa kisame at nagtaka. Hindi na naman inayos ang ilaw!!! Bwisit!!!
Nang tumingin siya sa salamin, nakita niya ang matandang babae na nasa likod niya, umiiyak ng dugo at puro mantas ang kanyang damit. Sa sobrang takot, lumabas siya ng comfort room para balikan ang kanyang mga clients. Pagbalik niya sa kanyang kapatid at kay Veronica, andun na ang embalsamador at sinisimulan nang ayusan ang patay.
          "Oh, saan ka ba nanggaling? Akala ko, umuwi ka na?" sabi ni Jerick. Lumapit si Johnny sa kapatid at bumulong: "Nakita ko yung namatay na matanda sa cr, umiiyak ng dugo, parang ako ang tinititigan niya." Saka pinuntahan ang embalsamador tungkol sa paghahanda para sa gagawing lamay.

Kinagabihan, habang kumakain ang kambal ay maiwasang maikwento ni Johnny kay Jerick ang nangyari sa kanya sa cr. Parang natigilan si Jerick sa kanyang naririnig dahil alam niyang hindi naniniwala si Johnny sa mga bagay na may kinalaman sa paranormal events.
          "Akala ko ba, hindi ka naniniwala sa mga ganyang multo-multo? Eh bakit ngayon, parang nilalapitan ka nila?" tanong ni Jerick habang hawak ang isang baso ng tubig at kanyang ininom.
          "Ewan ko nga ba, basta nung nakita ko ang matanda, kinilabutan ako! Parang hindi ko alam ang gagawin ko." sabi ni Johnny.
Tumagal ang lamay sa Simbahan ng mga tatlong araw, pagkatapos nito’y inilibing na ang matanda sa Infinity Memorial Gardens. Hindi na tumuloy sumama ang kambal sa libing at final rites ng patay. Sumama sa paglilibing ang mag-lolong sina Manuel at Delfin Las Cruz. Sila ang huling taong umalis ng sementeryo dahil nilagyan pa niya ng isang tangkay ng pulang rosas.
          "Delfin! Hindi mo ba alam na bawal ang kulay pula sa mga libing na kagaya nito? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga ginagawa mo?" tanong ni Manuel sa kanyang apo.
          "Hindi po. Malapit na ang August 10, 2010, maglalakad sila sa mundo ng mga buhay." sabi ni Delfin habang hawak ang kanyang payong at kumidlat, saka bumuhos ang malakas na ulan habang tinatabunan na ang libingan.


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn